Monday, May 07, 2007

Sinu ka, Aling Lilia?

"it's better to cross the line and suffer
the consequences than to just stare
at the line for the rest of your life ..."
-- rules sa patintero

kung si ate vi e sikat sa puting panyo niya tsaka sa "i love you, lucky!"; at si lucky sikat bilang si luis; at si luis nag-endorse ng lucky me pansit canton; at si kuya dick e popular dahil lagi siyang bakla sa tv at movie; at si ogie alcasid e tanyag sa pagsulat ng mga songilets na halos pare-pareho ng tunog; at si aiza siguerra e kilala sa pagkanta ng mga kantang repeat to fade ang lyrics (akala mo hindi ko pansin, akala mo hindi ko alam, akala mo hindi ko pansin, akala mo hindi ko alam ...); at sina ate showie, doc aga, at ngayon si manny pacqiao e kontes-kontesan sa paramihan ng teevee commercial; at si doktora belo sumikat kay hope na sumikat dahil kay kris na nagpasikat kay james yap na ngayon e endorser ng goldilocks; at tong si ateng cory quirinio e sumikat dahil sa binateng itlog, honey, calamay, panocha, avocado, pipino, pakwan, kamatis, atis, luya, melon, embutido, mashed potato, sinigang, sisig, escabeche, lechon paksiw, pinaksiw na isda, kinilaw at kung anek-anek pang pinapahid niya sa fez niya sa ngalan ng tiis-ganda ... e marami-rami pang tulad nila na famosa sa larangang pinili nila. azz in na-ferpek na nila itu. hindi na sila choozy. kaya pag binago mo, parang off sa umpisa pero katagalan masasabi mo, "oo nga, noh?"


halimbawa ...

si manay celia rodirguez eh hindi mo pwedeng gawing mahirap. tanggalan mo man siya ng fabulosang costume o kaya ng bubuyog shades, tanggalan man siya ng muk-up tsaka nung scarf, damitan man siya ng magsasaka at isalampak sa gitna ng sakahan, kerri pa rin niyang mapaniwala ka na kanya yung buong lupain. hanggang sa mare-realize mo na lang nautusan ka na niyang magsaka para sa kanya ("mayaman akoh, dahling!!!")

si daria ramirez, yung mudra ni keempee, ang bagong perla bautista na walang ibang linya kundi "wag mong ilagay ang batas sa yong mga kamay." siya ang larawan ng matiising maderaka. kung hindi siya mapag-arugang nanay o binubugbog ng asawa o biktima ng pangangaliwa e meron siyang malubhang kaso ng tuberculosis. UBO! UBO! UBOOOOOOO!!!

yung tatay ni janno gibbs, si ronaldo valdez e laging tatay na dispalinghado, pabaya, lasinggero tsaka walang trabaho. ka-level niya diyan si pen medina, na laging may words of wisdom bago umexit sa eksena para bumili ng gin-bulag.

si jaime fabregas e laging abugado o basta kahit sineklavung kanang-amay ng mayayaman. o kaya naman isa siyang nalulukaret na scientist na super shogo sa laboratoryo kung saan nadiskubre niya ang halimaw sa banga. ka-level niya si tommy abuel na madalas abugadong namemeke ng pirma o guilty sa money laundering.

si sylivia la torre e wit ko sure kung naging dukha na ba ever. pero lagi siyang sosyalerang yaya o tiyahing may boses na nakakaloka. basta feel ko kahit naging mahirap siya kakanta pa rin siya habang nagkukula.

si rosa rosal di ko lang din ka-sure. azz in di ko lang ka-sure kung naka-peluka siya o kung anong brand nung fundasyon na ginagamit niya. pero sure ang lola mo, mahirap o mayaman man si lola rosa, manghihingi pa rin siya ng donasyon tsaka litru-litrong dugo para sa mga nangangailangan.

si vangie labalan, yan sure ako, never naging mayaman. sana gibsungan siya ng break. lagi na lang siyang palengkera, shupet-bahay na pakialamera o kaya taumbayan na nagiging aswang pag bilog yung buwan. pag giniblaban siya ng chanz as in gib chanz to run e kerri naman niya siguro maging mayaman ... na palingkera, paki-alamera tsaka maysa-maligno.

si dexter doria laging middle class yan. kasi pag yumaman siya duda ka na yumaman siya dahil sa jueteng, sakla o pagbebenta ng mga pekeng ginto at kung anek-anek na klaseng estafa. pag naging mahirap siya, ganon din. kaya middle class na lang.

si luz valdez, forever na siyang si luka sa paningin ko, yung ultimate kontravidah sa buhay-makulay ni enteng kabisote. kaya wit ko ma-getz nung maging donya siya sa daisy siete. OO, nanunood akiz ng daisy siete, pag wit ko bet maborlogs tanghali.

si gloria diaz pwede niya ko mapaniwalang mayaman siya. o mahirap. pero dating nanirahan sa states sa "sana'y maulit muli"? ibang usapan yan. lokohan na to. lokohan na to!

si ruffa bet ko makita sa putikan. pero hindi pa rin siya magmumukhang mahirap. para lang natisod sa sarili niyang heels. shonga pero bongga pa din.

si sheryl cruz, sabi ng friendship ko, wit makaka-convinz na naghihirap siya tsaka sa skwatteric nakatira. pero kumbinsing na kumbinsing siya sa sheryl cruz na duling na inlababong-inlababo kay romnick sarmienta. na-forget ko na yung eksena pero may ganon siyang drama.

si caridad sanchez pwedeng maging mayaman pero sa probinsiya lang. gawa ng multiple endorsement ng simeco sa mga suking tindahan.

si bella flores sana gumanap na fairy god mother.

si senyora brigida este liza lorena pwedeng maging pinoy version ng teletubbies, with matching tungkod pa.

si glydel mercado e sana mabigyan ng role na medyo nakapikit naman siya ng konti. lagi na lang siyang nandidilat. kahit wit ka numongga ng kape magugulat ka talaga.

si soliman cruz sana e may eksenang yumaman siya.

si bembol roco sana magka-buhok na, kahit isang episode lang. try lang kumbaga. mura lang naman ang peluka.

si connie reyes sana bumalik sa camera. pwedeng as dating burlesk queen o bugaw o mama sang, para lang maiba. challenjing yun, davah?!?!

si tita mids, panalong mga eksena sa kaparangan singing "aawitan kita ...". at dahil magaling siyang aktres, ba't di niya kaya subukan yung mga role kung saan kelangan niya mag rap.

pero gudlak na lang davah!?!?! kasi nga pag sumikat ka na, kaka-bokot nang sumubok ng bago. orkot ka na baka hindi ka na katanggap-tanggap sa iba. ayaw mo lumabas sa comfort zone mo kasi ang saya-saya kahit suyang suya ka na.

maliban na lang kung ikaw si lilia cuntapay, yung matandang babae na ubanin yung mahabang buhok, na present ata sa halos lahat ng episodes ng shake rattle en roll. kurek! siya yung lolaru sa mga jolikula na wit mo knows yung pangalan kasi natatakot ka nga sa kanya. minsan yung mga eksena niya e dadaan lang siya sa camera o kaya pag nasiraan ng sasakyan yung mga bida sa gitna ng kawalan e lilitaw siya bigla para magtanong ng oras o magpa-pasaload. yung bida naman run sa malayo kasi afraid siya dun sa mashonda. siya nga, at wala nang iba, si lilia cuntapay, ang forever walking shuktay.

kung ikaw nga naman si aling lilia, kating-kati na paa mo lumabas sa comfort zone mo. akswally dead malaysia ka na sa comport-comport zone na yan kasi wish mo lang na minsan mabigyan ka ng role sa sex in the city tsaka desperate housewives.

pero gudlak na lang davah!?!?! feeling ko lang kasi, pag giniblaban siya ng role na mayaman sa isang fabulosang sabdibisyon, ipi-pitisyon ng taumbayan sa homeowners na itali siya sa poste ng meralco para silaban ng buhay habang sumisigaw ng "aswang! aswang!" kahit ang totoong aswang in the city eh si alma moreno o si aiko, di ko lang ka-sure.

kakalurki, davah?!?! kaya, aling lilia, magsama na lang kayo ni dominic ochoa.

(pero nasama si aling lilia sa jolikulang "brokedown palace" na parang brokeback mountian siguro minus da bundok plus da palasyo-ever. ewan. di ko pa siya napapanood.)

21 comments:

Anonymous said...

thanks for this entry, wanda. napawi ang aking lumbay!

Anonymous said...

Psst! Pogi! You will be tagged by me, don't run away. The tag should be cumming. I wanna know every weird thing that you do. Why? Coz I love you. Peks man. Kaw lang ang sinabihan ko nang ganyan. Truli.

Anonymous said...

Naging mayaman si Vangie Labalan sa Lagot ka at Bakekang ng GMA. Favorite ko kasi syang kontrabida. Hardcore antagonist sya dati sa mga old movies na tipong nambubugbog ng mga bida pero lately nalilinya sya sa comedy. Laff trip sa akin kung napapanood ko sya sa mga eksena nya.

Anonymous said...

nakyew, wanda... member ka rin pala ng lilia cuntapay fansclub! kakaaliw ka gurl!~

Anonymous said...

Brokedown Palace, di ba yun yung pelikula ni Claire Danes na nakulong sya sa Thailand kuno pero dito sa Pinas shinoot?... yun din yung pelikula kung saan pina-ban ni Kuya Kim Atienza dahil sinabi ni Claire Danes na mabaho at puro ipis ang Maynila...

Anonymous said...

In fairness naaalala mo pa talaga ang mga yan. Lilia pala pangalan ng lola na yun. Oo nga no? Ngayon ko lang na-realize. Halos nandoon siya sa lahat ng SRR episodes. Wala ako masabi sa attention to details mo h!

Anonymous said...

labas ung dede ni lilia sa babae sa Breakwater

Anonymous said...

Saka andun din si Lilia sa mga Halloween specials ng Magandang Gabi Bayan.

Nakalimutan ata si Mon Confiado na laging driver, sekyu, manginginom, manyak/rapist, anonymous henchman at boyfriend ng isang prosti na ginagamit ang kinikita ng katipan nya sa bawal na gamot. Pero ang yaman ng hayup na yan.

Saka si Odette Khan na laging nanghahampas na kahit na sinong maabot ng kamay nya.

Heheheh ayos ka wanda!

Admin said...

Wanda correction Luz Fernandez ung gumanap na Luka sa Okay Ka Fairy Ko hindi si Luz Valdez...si Luz Valdez ung Matanda na nanay ni Bong Revilla sa now-defunct sitcom Idol Ko si Kap....idol kita Wanda you complete my day sa mga kwento mo!

Anonymous said...

actually, si tommy abuel ay tunay na abogado, hehe.

wanda, ilusyunada said...

in fuhrnezz, salamat sa mga koreksyon tsaka idinagdag niyo.

bat ko nga ba na-forget si odette khan e kakapanood ko lang sa kanya sa cinema one? at infuhrnezz ala naman siyang hinampas. tibo siya don at kapani-paniwala.

kakalurki!!! salamat sa pagbabasa

Unknown said...

basta tuwing binabasa ko ang blogs ni wanda.... nakakalimutan ko na marami akong problemang pasan at sia ang blogs nya sa nagpapasaya sa akin ^_^

-Seraphim®™ of G4M

rock angel said...

gudlak na lang davah?!?! hehehe. Wanda's blog is the perfect stress-reliever. Go! Go! Go! can't wait for your book! or your next post. hehe

C5 said...

*nag-iiwan ng fingerprints*
aliw ako sa entries mo, wanda!
Inang Reyna, wag magselos ha, love mo naman si Wanda, diba?

. said...

Very informative! Hindi ko alam na may pangalan pala yung matandang yun! ehehe

Querida said...

Very True. Sa sobrang fabulosa ni Celia Rodriguez, mahirap siyang gawing isang dukha. Though meron na rin siyang role na dukha-dukhaan chorvah (in a movie starring Alma Moreno, many years ago).

Sana meron ding feature about legendary gay icons (local and/ or hollywood) na malaki ang influence sa kultura ng kabaklaan, noon at ngayon.

Anonymous said...

Daming naka-relate kay Lilia ha!

nicci said...

Si Bembol Roco may movie yan na nagsuot ng wig . Nagmukha syang may balbas sa ulo. Si Odette Khan di ko talaga maforget yan sa movie nyang binuhay nya yung anak nyang namatay. As in, hinukay nya ang puntod at hinila nya yung bangkay pauwi sa bahay nya. Neng..ilang beses ako binangungot yun palagi ang tema ..
Hala! mamaya sumagi na naman sa pagtulog ko!!!

Si Lilia Cuntapay hindi kaya yung nawawala kong Ninang ..hehehe! Cuntapay din kasi yun ..last time ko nakita eh 6 yrs old pa lang ako.

Ang galing mo ... nakabag na naman ako :)

Dagger Deeds said...

Noong bata ako natatakot ako kay aling Lilia, sa pelikula lang nya syempre. hehehe...

Anonymous said...

panalo to. hehehe

sana sinama mo wanda si Nikki Valdez na laging frendship ng bida like nila Bea and Claudine na shushunga shunga ang dating...ehehhehe

kip it up ganda :)

Anonymous said...

you made me laugh... yuor stories are great... really funny...