iteklavich yung ilan sa mga para-paraan ni kuya para karirin yung mga boyletz niya. kung gano itu ka-epektib, may i ask ka na lang kung gano siya ka-tigang ngayonchi nyahahaha kaya wag mashadong siryosohin.
at tandaan na hindi sa lahat ng lulurki ito ginagamit. parang bangs yan e, nung nagpa-bangs si claudine barreto lahat na lang nagpalagay na ng bangs, wen in pak nagmumukhang chenelyn sibuyas na ginisa sa repolyo yung fezlak nung mga bilat. may binabagayan to, depende sa boylet.
ENJOY!
tip #1: pa-pampam ka e
kung yung bet mo e yung tipong redundant, as in gwapo na nga e nagpapa-gwapo pa, eto ang chuvah tactic na para sayo. lalu kung si boylet mo eh hindi lang agaw atensiyon kundi hayok na hayok na hayok sa atensyon. kasi sadyang majiraffee magpa-pampam sa natural na pa-pampam. oh davah, redundant.
kung sa sobrang ka-gwapuhan ng boylet mo e nalulukaret lahat, dapat deadma-deadmahan lang eksena mo. wag magpaka-fan. at pag nagmaganda siya sayinz, bara-barahin mez para ipamukha mo sa haliparot na wirit ka nalulukaret sa pagpapa-cute niya, kahit yung totoo e nagmo-moist moist ka na at deep insayd e para kang doggilet na ulul sa paglalaway.
parang si jayzee na opis-opisan sa ortigas, na kung umasta e parang boss kahit clerk lang ata siya doonchi. pagka-chikka ko yan sa phone, wa ko ibang nahiheard-sung kundi "paki-fax naman nitech ..." o "paki-puntahan naman si ganitembang ..." o kaya "pabili naman ako ng lapang ..." ANSHUPAL!! mayor-mayoran ampotah. kasi nga yung mga gurlilet doonchi so opis niya e hayok na hayok sa shutawan niya kaya sunud-sunurad.
eh ang drama niyan sakin nung nag-chikkahan kami tungkol sa sex, "oo nga. nagse-sex nga kayo nung bespren mo, platonic tawag don, di ba?"
"ay tanga ka???" siyempre kinorek ko.
isa pa, "eh hindi ko nga ma-picturize eh!" diva-divahan pa yung attitude.
"picturize? hindi kita kinakaya ... ahahaha"
eh eto ka pa, "basta sa cubao yun. hindi new york street. HARDBARD street ata eh."
"spell mo nga ..."
"H--A--R--D--V ... B ... V ata eh, hindi ... B ... A--R--D ... anhirap naman."
"eh talagang hindi mo nga makikita yang kalyeng yan nyahahahaha" literal na laugh trip ampfutahchina.
sabi niya, "sige na!!! lagi na lang akong mali. lagi na lang sablay."
pagka-shopos non hiniritan niya kong, "bakit ba ayaw mong makipag-sex sakin?"
BINGO! nakarinyo mo na yung kayabangan niya, nagmukha ka pang pasabik sa mata niya. FA-BOO!!
tip #2: booster at bakuna
karamihan sa mga lulurking nakikilala ni atashi e mga closet insekyoray. kurek! gano man itu ka-wafu o ka-macho e insekyoray yan sa loob-loob nila. insekyoray sa fez tsaka sa shutawan, insekyoray sa karir tsaka sweldo, insekyoray sa bilat, insekyoray sa bilis o tagal labasan, basta insekyoray sa kama in general, at insekyoray sa laki tsaka haba ng nutring nila.
kaya isa sa pinaka-fomosong tactic para gumaan yung loob ng boylet mo sayinz eh yung makarinig sila ng mga bagay na gusto nilang marinig. wag ka ma-guilty. kasi pati sila ginagawa nila yon, yung mambola.
kaya kung lulurki ka at napuri ka ng bakla, wag ka magtatatakbo sa plaza at magsisi-sigaw na sinabihan kang gwapo kasi malamang sa hindi eh china-charing ka lang non.
exampol.
si frida may kinakarir na boylet, sabi niya "nagma-maxipeel ka noh? ang ganda-ganda na ng kutis mo."
ngumiti lang yung lulurki. pasarap. sabi ni frida, next week uli. yan daw yung tinatawag na investment. parang paluwagan. taruzh! may ganon talagang konsepto.
nung sumunod na linggo, sabi ni bakla sa boylet habang pinipisil-pisil yung braso, "ang macho-macho mo na, nagbubuhat ka no. buhatin mo nga ko ..." sabay kagat ng labi si frida.
ngumiti lang yung lulurki. pasarap pa din. bulong ni frida, "makukuha rin kita." next week swelduhan na.
pagbalik namin nung sumunod na linggo, yung boylet nanlalandi na ng kung sinu-sinong bakla. kaboom naman sa confidence level.
"punyeta tong patatas na to," hanashi ni frida, "nagfi-feeling na ampotah!." lalung kumulot yung kingky bangs ni vehykla.
pagkatapos ng isang stick ng yosi at isang bote ng fizz, sabi niya e invest na lang siya uli sa iba.
tip #3: gayahin ang mga peacock
korecto! lahat tayo matuto sa peacock (yung emphasis asa "cock")
kung super-watch ka ng descover tsaka animal planet, alam mo na yung mga peacock e fabulosa talaga kung magpapansin. mega lugay ng dekoloereteng buntot-ever. at dahil wai ka namang buntot-tsina (sure ka?), gawa ka na lang.
sabi nga, think out op da box. eh ang prinsipyo ko jan e, "anong box? saang box? leche, panggulong box yan!"
kaya pag-hugutan mez ng inspirasyon yung mga madalas manalo ng best in costume sa miss unibers o kahit sa super sireyna na lang. subukan mo mag wear ng costume-costuman na havs ng malalaking feathers-feathers gaya nung mga suot nina ms mexico o kaya yung mga panalong headgear nung mga las vegas showgurlash. o kaya umentra ka as etnik-etnikang prinsesang ambisyosang paniki sa kawayan buhat-buhat ng mga go-go boys na linangisan yung shutawan-chenelyn chorbah. kung di ka naman mapansin nung lulurki mez. at kung di ka ba naman mapansin ng buong taumbayan. agaw atensyon talaga yon.
nung kolehiyala pa si atashi, required kami na mag taong grasa look for a day. so talagang kalahating araw gumulong lola mo sa uling na parang espasol na gawa sa aspalto.
lumapit si atashi kay crush para magpa-pampam, "penge pong piso ..."
"TAENA! lumayo ka, dukha!" sagot ni crush, may gulat factor itu.
"kiss na lang po ..."
"isusumbong kita sa dswd."
"tungaks! ako lang to ..." sabi ko, kaya nagpakilala na ko.
"SINANGALING KA! DUGYUT! DUGYUT!" at nagtatatakbo si crush papalayo.
ayan. tandaan: gayahin yung mga PEACOCK, hindi UWAK. tandaan, PEACOCK.
tip #4: idaan sa istomak
eto, classic na to ...
ispluk nga ng masho-shondang matroniks, da best way to a mans hart is thru da tiyanda romero. epektib itu pag ka-join mo sa trabaho yung bet mong karirin. at wit siya pihikan sa linalapokstra niya o kaya ganon siya ka-kuripot na madalas siyang maki-apid sa ulam ng iba.
siyempre kelangan ng malupit na research tsaka intel diteklavu tsaka budget na pang ekskarsyon ang level. tapos aalamin mo yung paboritong putahe ni crushness. pero pero pero pangsalu-salo together nga yung packaging para wichelles naman halata na umeeksena ka at special treatment si boylet. pag pinalapang ang isa, palapangin mo na lahat.
parang yung kakilala kong fresh grad na propesora, si chow-chow, na half-bicolano half-dalmatian, na deds na deds sa co-teacher niya. eh paborito ng co-teacher niya yung combo ng breaded chicken, mashed potato tsaka plentious ng gravy. kaya kahit panay pa-deliver lang sa KFC si chow-chow, para totful kuno, eh nagluto siya ng sarili niyang bersyon. eh anoveh, madali lang naman itich, davah?
bringalu siya nung lapang sa faculty at super yaya sa mga patay gutom na walang pakundangang makiki-share. shala nga naman kasi yung pananghalian kaya pinag-agawan.
"ansarap naman ng mash potato mo, chow! parang sa kenny." sabi daw ni crushness.
nag water-water si bektas.
"ansarap naman ng gravy mo, chow, parang KFC" sabi uli ni crushness. kinilig daw si bakla kasi nga nasarapan yung boylet sa gravy ni chow. graveh, sarap gravy mo, chow. may slight bahid ng laswa noh?? parang porn sa food network.
agen, water-water ang bektas.
tapos yung chicken kinagatan. ang verdict: "POTAH, CHOW!!! HANG HANGHANG NUNG CHICKHEN MOOOH!?!?! TUBEEEEEEG!!!" eh na-forget ni chow yung tubig ahihihihi gudlak na lang davah!?!?!?
moral lesson: bago maglatag ng breading, basahin itu maigi kung regular at hindi spicy. kaloka! reading teacher pa naman tong si chow-chow. NYETA davah, hindi kasi nagbabasa!
Friday, May 11, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
galing mo talaga wanda, love na talaga kita...
nyahahaha! ganda! ganda! ganda!
saya-sayahan talaga si wanda.always bringing a smile to my nightshifts, kaya lesser irate agent. love ko na to!
hehehe another (cum)shot for wanda ilusyunada kay marcus na dedma ever sa feelings nya lols
-seraphim
Wanda, para kang kape
Panggising sa gabe;
Kape sa aking tabe
Tawa ng tawa sa sarile.
mwehehehehehehehe!!!
oh my gawd. this is hilarious hahahahaha!
gyn ko lng to nbsa syet ang gnda kakatuwa tnggal pgod gudluck nlng wanda
Post a Comment