Monday, January 01, 2007

Soltera Eksenadora

mainit na balita.

sineklavu bang mag-aakala na sa pagsalubong mo ng bagong taon e magmamaganda ka?

so pagpatak ng alas dose, rampage na mga vehykla sa harapan ng parlor para maki-jamming sa mga nagpapa-putok. dahil nga sa takot naming maputulan ng daliri at mawalan ng ikabubuhay, mas pinili namin mag liwanag luces lang. yung mga sparkly-sparkly chenelyn. mura pa. di mo nga lang masusulat yung nyongalan mez.

bilis mag mature ng mga bagetz ngayon noh?? di na patok sa kanila yung darna. yung iipunin mez lahat ng pulbura sa 5-star tsaka luces tapos sisindihan habang pumupusisyon bago sumigaw ng DARNA! na wai naman ibang nagagawa kundi paitimin ang butas ng jilongges mez.

tsaka yung tutungtong ka sa bato na havs ng watusi sa ilalim tapos iikot ka, katulad ng mga transformation sequence nina sailormoon. flangggg!!!

wa nang gumagawa nitiz. baduy na. buti na lang minsan sa pagka-bakla ko e nadaan ko ang mga itiz.

pero ang mas patok e yung mga nagpapaagaw ng kabaryahan gaya nina aling soltera. pamahiin daw ito. pero ngayon lang niya ginawa sa tagal naming naging magkaka-kapitbahay.

at kung si aling mildred ang dakilang utangera, si aling soltera ang numero unong eksenadora. sila ng mga bahrya-bahrya niya. at napapabalita itong bet umeksenang konsehala. chinichikka rin na yung junakers e miyembro ng biggie'ng sindikato. dead ma, ispluk nga nina frida na kinarir ang pakiki-kumpitensiya sa mga manginginom at tambay na may i pick ng instant grasya. pang rampage daw nila after lumafang.

sabi ko, "eh di isang taon kayung ro-rhonda patrol niya?"

sinagot lang ako ng, "wehyanonamanngayon?!? wehdimagandah!!"

tapos may sumipol. may pumutok. may tumili. may usisiro. marami.

sineklavu bang mag-aakala na sa pagsalubong mo ng bagong taon e magmamaganda ka?

bumalandra kasi si aling soltera sa madlang pipol wearing a long daster wit nagmumurang mga polka dots in all sizes and colorific, courtesy of divisoria-lalu. sabi para malalaking swerte ang jumosok sabay sa pagjosok ng bagong taon. kasi nga daw ang polka dots e kasing shape ng mga barya. in dis case, malalaking nagmumurang barya.

kung sineklavich man ang nag panukala ng pamahiin na itiz e nakalimot na ang polka dots e kasing shape din ng target at bullseye. kaya ayun.

bullseyes. kwitis. aling soltera. kayo na bahala mag kunek-konek.

upstaging talaga ang lola.

baka nga manalo siyang konsehala. sympathy votes.

HAPI NYU NYIR MGA DUKHA!!!!

No comments: