Tuesday, January 02, 2007

A B N B B KL N P L KO (Part 1)

IDA: TIME SPACE WARP, NGAYON DIN!

nung hayskul akiz, isa-isang pina-showag ng guidance counselor ang mga dingga-belles sa batch naming beautipul (o, walang aangal). para maki-update at maki-chikka tungkol sa mga tae-taeng konsepto namin sa buhay. go go go naman kami sa pag-reveal ng mga crushes at kilig moments sa klasrum at mga eksenang ligaw-ligawan.

nung lunch break, na-abisuhan na kami ng mga beteranang bakla (mga 4th yir) na in preparation daw itiz sa annual seminar ng mga becky. sinisiguro daw nila kung sineklavu ang bek-bek to da bones at kung sineklavitch yung tamang malamya lang.

touch naman kami. ang supportive, davah?! talagang may pa-seminar achucheverlyn para sa mga vehykla. isang buong araw excuse sa klase, may pa-lafang showcase pa. san ka pa?!

naloka na lang kami nang ma-heardsung ng mga becky-mae na may i send din ng imbitayshon sa mga mudra at pudra ever. ligwak! e halos lahat kami non closetta. so imajinin mo na lang yung kaba namin. muntik na kong ma-stroke.

bagong pakulo daw itiz ng mahadera naming guidance at yung sidekick niyang wa isplukara pero taun-taon jontis. wa kami expect sa mala-soap operang twist. feeling betrayed ang drama. eh lagi naman namin silang binabati ng "goodmorning, mam!" o kaya "ang ganda ng dress niyo ngayon, mam!" at "chikka tayo later ha?"

sana may warning: yu hab da right to remeyn silent. eniting you say and do will be used ageynst you. itaga mo sa bato.

yung seminar na yon, puro ka-dramahan tuloy ang kinalavahsan. havs ng mga parental guidance na warlatik, kulang na lang mam-boogie wonderland ng junakis, dahil na-discovery channel nila na bakla si junior. havs din ng mga crumayola at nagpaka-melodrama, kabog ang primtime bida. present din ang mga in denial na may i talak ng "nagkakamali kayo! lalaki ang anak ko?!!" na nauwi rin sa combo ng poot at galit. havs din naman ng dead malaysia lang, parang "asus! sinasayang niyo lang oras ko! alam ko naman bakla anak ko."

ang point kuno ng seminar-seminaran e alamin at intindihin kung bakit may bakla sa mundo. HALLER!!! e yung pinaka-einstein nga e di rin nila ma-getz kung vahket, davah!?! sow sa mga kuro-kuro lang itech nauwi. mga text book theories.

gaya ng kakulangan sa strong male figure churvah. (pina-drawing pa nga kami ng ina-idol namin. may nagdrawing ng gary valenciano, pinsan, gwapong teacher at yung pinaka-pasok e sina cindy crawford at madonna)

tapos yung mga hormones-hormones kuno, gaya ng kaso ni ate nancy navalta. (extreme na itiz. wa naman saming umaming herma. wa rin namang jumingi ng pruweba)

tapos yung pagtatalo daw ng parental guidance kung babae o lalaki ang bet nilang junakers habang jontis ang bilat. nakaka-apekto daw yon, fetus pa lang si ateng e lito na.

tapos merong chikka tungkol sa nurture-nature at oedipus complex chenelyn. pero sa huli wala ring point. kasi wala naman talagang final answer.

ang point lang nila e ipaalam sa magulang na yung mga junakis nila e becky. ang sama, divah?? instant ladladan, wala man lang abi-abiso. paano kung ayaw namin? paano kung masaya kami sa closet? ang ending, galit na galit ang mga maderaka at paderaka. feeling namin kinukuyog kami ng taumbayan sa combined forces ng mga talak.

kasi nga naman, iba yung malaman mez na badessa ang anak mo. ibang level pag nalaman mong badessa ang anak mez sa harap ng ibang magulang. at to da highest level talaga, kung paniniwalaan ang mga teorya (na scientific kunu-kunohan), na ang mga magulang mo e may kinalaman sa pagkakaroon mo ng dugong pink. so parang sinisisi pa sila ngayon. e since di sila pwede magalit sa sarili nila, ang kawawang lilet ang sasalo ng galit. ay ligwakers talaga!!!

kasi nga daw notorious na ang skulilet namin sa mga bakla. kaya kailangan mag quantity control. e HALLER!!!! natural lang naman yon, lalo na kung all boys. kasi nao-obvious. aling skulilet ba ang walang vehykla, divah?!

sa jisang zoo nga sa new york, havs ng duwang ohm na penguina (hindi yung mga baklang bilog, yung penguin talaga) na magjowa. kasi yung isang lulurking penguina e may i gibsung ng mga bato para sa lovenest nila (parang yung sa happy feet) at kunwari havs ng malaking bato na kunwari itlog nila. parang nagbabahay-bahayan, ganon. tapos inaalagaan nila yon, hoping and wishing bumuka ang jitlog. eh nung pinalitan daw ng tru-blung egg ang bato at nabasag, inalagaan daw talaga ng mag jowa ang baby penguina.

walang balita kung naging beklita din si baby penguina.

kahit nga sa gubat, havs din e. may isang klase nga daw ng palakang kokak na simbilis ni ranma kung mag-palit ng sex. madalas sila grupo-grupo. halimbawa havs ng grupo ng frogilet na puro lulurki, may isa o duwachi na naga-assume ng role na babae at nagiging paanakan. para sa itataguyod ng lahi.

(hindi ko kinukumpara ang bakla sa penguin at palaka. eksampol lang yon)

ganon ata talaga. parang natural na takbo ng ebolusyon ng isang lipunan (uy! nagmamatalino si bakla. pa-deep effect cheverlyn). na sa isang lipunan na puro lalaki, o yung tinatawag na ultra-male society, may iilan na maga-assume ng role na babae.

e since all boys, nag-assume kami.

kami ang nagi-interior design ng klasrum pag may contest na sadyang inaabuso naman ng mga adviser. e madalas to kasi pag hayskul lahat ng subject may sariling linggo -- gaya english week, t.h.e. week, science week at pati math havs ng sariling week. tapos pag filipino week o kung san-san pang pwede isingit, exposed na exposed kami bilang inang bayan o kaya inang kalikasan with matching baro't saya. pero kung low budget kerri na crepe paper na red, blue at white.

pero havs ng mga nagpanukala bigla laban sa mga bakla. kasi nga daw kasalanan. wala daw sa bibliya. masusunog daw kami sa dagat-dagatang apoy. e suportado ng mga parental guidance, at guidance counsellor, viva luz viminda!!

gaya ng bawal na mag kyolibash (volleyball). ang sakit davah?! ipagbawal ba ang pambansang laro ng mga becky?? (pano na ang mga koryo, "SET!" at pektus?)

bawal mag kumpul-kumpol pagkatapos ng klase. dapat uwi agad. (para daw hindi makapaglandian at mag-miss gay universe-universan)

bawal mag try-out sa volleyball varsity. pag nagpumilit si bakla, de-deadmahin. mga super-closetta lang ang nakalusot. (kaya siguro wichelles sila nag-champion. ever.)

kung havs ng play o performance, bawal kumuha ng role na manghihikayat ng hiyawan mula sa mga skulmeyt
(baboo, inang bayan. baboo, inang kalikasan) na sabik na sabik na sabik sa babae. (sa mga all boys skul, ang mga vehykla ang "da next best thing" panalo!) lalung off-limits ang mga performance na pang-japan.

mashado ata kaming nag-assume hahahaha ASSUMING NA!!!

at ang say pa e basta sumunod lang daw kami at kami'y maliligtas.

KYEME!?!

2 comments:

Anonymous said...

alam mo ba na ang clown fish...tulad ni Nemo ay nagpapalit din ng kasarian... kaya posibleng bekbek din si Nemo.

Anonymous said...

san all boys school ka sa marikina? marist?mmmmm