Wednesday, January 03, 2007

A B N B B KL N P L KO (Part 2)

nung sumunod na taon may sequel ang seminar-seminaran. pero wiz na yung mga guidance counsellor ang nag-handle. wiz na siguro nila kerri, kasi wa naman nagawa yung una. mas naging rebellious pa nga mga bakla.

plus diyan e hindi na namin sila pinapansin-ever o kaya binabati. pag havs kami ng problema, sinasarili na lang namin.

may i invite na ang mga hitad ng duwaching guest speakers. at kahit wa nang pa-lapokstra showcase na kasali, dinagdagan naman nila ng tema: homosexuality, you have a choice. oh di ba? yung una e "bakla ka, lagot ka sa tatay mo!" ngayon choice na siya. sana last year pa davah?!?

yung unang speaker e binansagan naming tonette kasi chabelita siya. ang drama niya e dati daw siyang vehykla na nagbalik loob kay lord. literal na kay lord.

hindi ko na ma-recall ang lecture ng ex-vehykla kuno. wiz talaga tumatak e, sensha ha. mukhang nagkakalokohan na ata e. paano ba naman kasi, obvious pa rin naman ang pilantik at kire nung becky in lulurki's clothing. ginagamit pa niya si lord.

wa naman kiyeme doonchiwa kung alayb-alayb siya. tapos na-heardsung na naman namin yung dagat-dagatang apoy. lagi na lang. to da point na hindi na nga siya nakaka-orkot ever. pero kasi naman iba talaga yung spiritual make-over sa paglunok ng kapa na dati fabulosang nakaladlad-china.

yung ikalawang speaker ang favorite namin. wa ko na ma-remember ang name-sung ng hitad. basta bet namin siya. at halos lahat ng prinsipyo ko ngayinz e naka-base sa mapagpalayang chikka ng baklang pantas. kabog! guidance counsellor din siya sa ibang skulilet. bet namin tuloy mag rally non at piratahin si bakla.

say niya dapat daw hindi tayo maglungkut-lungkutan na iba tayo sa lahat. at i-isolate yung mga sarili natin at mag-powder mag-isa. kasi ang vehykla at mga straight na lulurki at pechay e pare-pareho lang. iba-iba lang ng packaging.

say niya may vehyklang daw na malantud, meron ding tahimik. (may mga lulurking mae-erbog, havs din mga pechay na pokpokita. siyempre havs din ng mga behave)

merong pa-gurl, meron ding pa-mhin. (may mga straight na kimi. pero havs din ng mga lulurking pa-macho, kahit special effects lang, o kaya mga gurla na naniniwalang "less is more" sa pagpili ng damit)

may vehykla ring loud. (e may mga ganon ding straight na lalaki at babae, yung mga nakakahiyang kasama sa mall at star city)

may vehyklang nagmamatalino at havs ng mga mamaru lang. (meron ding babae at lalaking ganitez. yung mga pinagpala, pati yung mga utak e nasa nota o pukelya)

may vehyklang talentadong pang ms. talent sa beau-con, havs din ng gandah lang talaga. may vehyklang mabenta at meron ding thank you girls. (ganon din sa mga straight. havs ng mga hearthrob, havs din nung mga mukhang hindi nage-exist o kaya yung mga napag-iwanan ng ebolusyon)

at may vehykla, duduki at mga gurlalei na majubis, may fayatolla, may ma-shongkad, may weng-weng, may ma-boomboorumbei (pimples to da highest tigidig level), may flawless etchetarara achara achuchuveria ...

kung minsan nga daw sinisisi natin yung pagkaka-bakla natin kaya tayo lucita soriano plus lucila lalu sa lovelife (OUCH!). o kaya feeling natin walang magmamahal satin kasi nga mga vehykla tayo. say ni baklang pantas e may mga ganitong problema din ang mga straight, yung hindi sila pinapansin ng mga pinopormahan nila. ganon.

so kung iisipin mo, para lang tayong mga go nuts donuts. iba-iba ng palaman pero pare-parehong donut pa rin, pa-sweet at nakaka-umay.

tapos inisa-isa niya yung mga bakla sa kasaysayan. gulat kami meron palang ganong caracas. kala namin samin nagsimula ang vehykla hahaha name-drop talaga kung name-drop ng mga famosong pintor, pilosoper, mga sculptor o mga psychologist, pati mga engineer, writers, bloggers, balot vendors, boomtarat boys, pirata at mga hollywood actors at singers at kung anek-anek pa. mga vehykla na panalo sa contribution. inantay ko nga yung mga pangalang ricky reyes, james cooper, rene salud, fanny serrano at mama jun encarnacion. natapos na lang yung seminar, super wait pa rin akiz. (kasi nga daw mga buhay pa. pero pag akiz ang nag seminar, isasama ko sila sa listahan, deds or alive)

so por short, in-encourage niya kami. hindi para mag-landi kundi pag-isipan kung aneklavich ang gusto naming gawin ngayong isa na kaming ganap na nga baklita.

say niya na ang choice e hindi yung magladlad ka at humada ng sandamakmak na lulurki (pero masaya rin yon). ang choice daw e kung kaya mong tanggapin ang sarili mo at yung kaya at hindi mo kayang gawin. hindi daw ganun ka-importante yung tanggapin ka at kilalanin at respetuhun ng madlang pipol. basta tanggap mo at kilala mo at nirerespeto mo yung sarili mo, winner ka na don.

tapos sinerve na ang tsaa at pastry at nag tea party ang mga bakla at chumikka forever. na-imajin ng lola mo na nangangamot ng ulo siguro yung mga counsellor naming nakasilip sa likodstra. baka napa-anak pa yung isa (kurekted by! isang malaking check! jontis uli siya non).

tapos mega-advice na siya tungkol sa mga jowa-jowa at ligawan portion. may i chikka siya tungkol sa kadalagahan days niya. at sabi niya "oilyness is next to godliness" daw. kaya isa-isa naming nilabas ang johnson and johnson's forever friends powder/compact. clap talaga siya. boyscout ang mga bakla.

tapos non, kinausap niya kami. bumaba siya ng stage-stagean at pinagsabihan ng slight. kinumpara daw ba kami sa mga contestant ng miss universe? kasi lagi daw namin dala ang korona ng skulilet. so siyempre dapat graciosa at poised ang drama ebriwer we go. hindi balahura, dapat behave. lahat kami nag-cross legs bigla.

siyempre, feeling ambassadress of goodwill ang mga vehykla kaya talagang nakinig. homosexuality is a choice daw, nini. kaya we chus to be bakla ahihihihihi

(nung sumunod na taon, tinantanan na yung mga seminar-seminar na yan)

4 comments:

Anonymous said...

kaaliw. teka pala, ano nangyari sa iyo nung first parent-teacher meeting? ano sabi mother mo? second, nung nasa ospital ang sis mo, di ba na pa " oh shit" yung mama mo? kinunfront ka ba after makalabas nang ospital?

wanda, ilusyunada said...

ibang kwento yung kapateeeeed ...

darating tayo diyan ...

Anonymous said...

Wanda! penge picture mo in labs yata ako sa yo ha ha ha ha..kulit!!!

Anonymous said...

Haha, feeling ko nandun ako sa seminar seminar na yan noon. Grabe, kung meron siguro akong link sa the rest of kabaklaan siguro ikaw ang isa sa mga strong connections kong yun. ^_^