Thursday, January 04, 2007

Anak ng Baklita Naman!?!

sabi nila ang bakla daw enjoy sa dilim. heto, dalawang vahklush buhay na buhay sa dilim.

alas dos ng madaling araw. kinakalas ko tapos pinagkakabit-kabit uli yung computer na parang lego dahil 48 years na wichikels makapag-net si atashi. sina frida at roxy asa kwarto. inassume ko na lang na patulog na sila.

roxy: bakla ...

frida: o?

roxy: kung wala ka dito ngayon, asan ka kaya?

frida: ayan ka na naman (buntung hininga. inimajin kong may usok na kasama).

roxy: hindi nga bakla, asan ka kaya?

frida: eh di nasa ibang lugar, kung wala ako dito!?!

roxy: gagah! ibig ko sibihin kung hindi ka nagpaparlor, aniz kaya ginagawa mo ngayon?

frida: natutulog! malamang. anong oras na?

roxy: hindi yon!?! ano kayang trabaho mo? yung ganon.

frida: di ko alaaaam. bukas mo na lang ako tanungin, nena.

roxy: bukas makakalimutan ko na e.

frida: eh di wagi!

roxy: bek-bek, wichelles kita talaga tatantanan hangga't di mo ...

frida: (halatang napilitan) malamang asa probinsiya! naggugupit. masaya ka na?

roxy: parang barbero?

frida: siguro. yun lang naman alam kong gawin e. jumupit ng herlalet.

roxy: ang cheap! ako gusto ko maging teacheraka sa public sckul.

frida: KAPE?! ano naman ituturo mo, aber? mag cleaning ng kuko?

roxy: para kang si nanay. hanashi pa niya non, sa itsura kong to daw walang maniniwala sa kin. bet ko magturo ng sibika.

frida: eto naman, concerned lang nanay mo sa future ng mga bagetz.

roxy: weh gustung-gusto ko yon e. maging teacher. yung may ruler tapos may salamin. tapos nagsusulat ka sa blackboard.

frida: kaya pala puro ka an-an (sabay tawa. in fuhrnezz napa-halakhak din ako)

roxy: leche, si kuya nakikinig!?!

wanda: hahaha manipis lang kaya yung dingding.

SAYLENZ

roxy: eh kung hindi ka bakla ngayon, ano ka kaya?

frida: to be continued pala itich ... eh di lalaki.

roxy: kakangkang ka ng babae, ganon?

frida: hindi noh?! matulog ka na nga, nena.

roxy: eh sabi mo lalaki ka, eh di u-uringga ka nga ng bilat?

frida: hindi! magpa-pare ako.

roxy: hahada ka lang ng seminarista eh? ang pokpok mo magdalena? (saylenz lang si frida) eh di ba nagboboksing-boksing ka dati, sabi mo? baka manny pacquiao siguro drama mo ngayon kung di ka becky ...

(kinumpleto ko na lang. kasi nung mabanggit ni roxy yung boksing-boksing e parang nagkagulo sa kwarto ng duwachi. parang naghaharutan kasi naghahagikhikan na may halong murahan at suplex)

frida: kuya, hindi totoo yon! hindi ako nagboksing! putachina ka, nena.

roxy: eh di ba umi-inter baranggay ka pa nga dati, chikka mo?

(nagka-rambol uli)

wanda: hahahaha totoo, bakla?

frida: pas is pas, kuya. pinilit lang ako ng tatay ko hahahaha

(pinagtawanan na lang namin yung flashback niya. kaya pala ganon braso ni bakla. parang hinulugang taktak, batu-bato)

SAYLENZ

roxy: eh di, bakla, kung lalaki ka eh di mag-aasawa ka?

frida: malamang.

roxy: tapos magkaka-anak ka?

frida: siguro.

roxy: eh di kakangkang ka nga?

frida: hindi nga e! parang virgin mary lang siguro, ganon ... ahahaha

roxy: eh may anak ka na, di ba?

frida: hindi ko nga anak si me-ann. pamangkin ko yon. pamangkin!

roxy: whooo! andami mo kayang pinadalang regalo tsaka pera don nung pasko. daig pa jowa e. siguro may sinusustentuhan kang probinsiyanoh, noh? NOH?

frida: aanhin ko naman yung 'syano, samantalang andami diyan sa may sakayan.

roxy: tignan mo o. anak mo talaga tong baklitang itiz, sinasabi ko sayo. kingky buhok, mana sayo. ikaw tsaka siya, mula sa i-isang hulma, hulma ni kirara ... ECHOZ!

frida: hoy! natural tong akin. yung kay me-ann nasunog nung kinulot ko ahahaha

roxy: so gusto mo magka-fez kayo, ganon?!? kaya may kulutang naganap?

frida: malambing kaya yang batang yan.

roxy: eh tinanong mo ba siya kung feel niya maging magka-fez kayo?

frida: u-oo yon, siyempre. binibining mindoro kaya ang lola mo. kabog!

roxy: tumpak! mangyan beauty ... ahahaha

SAYLENZ

roxy: ikaw ba, gusto mo magkaanak? ako kasi gusto ko. para may mag-aalaga sakin pag tanders na akiz.

frida: bakit? yun ba trabaho ng anak?

SAYLENZ

roxy: kung magkaka-junakiz ka, ilang junakiz gusto mo?

frida: ANAK NG PUKELYA NAMAN!?!

roxy: ako gusto ko lima.

frida: 'ba yan!?! parang biik?

roxy: CHE! gusto ko tatlong babae tsaka dalawang lalaki. lahat sila mana sa tatay nila.

frida: talaga namang ikaw yung babae?

roxy: siyempre. lulubus-lubusin ko na to. tapos yung tatay nila sa munisipyo magta-trabaho. ako, magtuturo ng sibika. tsaka pagbuburda. tsaka paggawa ng palitaw at okoy. tapos sabay-sabay kami papasok sa umaga pagkatapos lumafang ng taho tsaka kutsinta. sarap!

SAYLENZ

roxy: ikaw, bakla, wa kang dramatic moment na ganung level?

SAYLENZ

SAYLENZ

roxy: hoy, frida. tulog ka na?

SAYLENZ

roxy: bakla, hindi ka pa tulog. dama ko.

frida: nagdadasal ako.

roxy: sabi na. alam ko pag tulog ka tumutunog yung ipin mo, parang ngumunguya ng papel de liha.

frida: hoy hindi kaya.

roxy: oo kaya. di ba, kuya?

wanda: slightly!

roxy: 'ta mo. dali, sagutin mo na yung tanong. ilang anak ba bet mo? tsaka anong name-sung ng mapapangasawa mo? ako miguel. parang miguel rodriguez. o kaya jhay, jhay panalo!?! winner!?!

frida: nena, tumahimik ka na. iklipany-mae na. jontok ever na akiz.

roxy: sasagutin mo lang naman yung tanong e

frida: di ko nga feel e. sayang ang laway. hindi din naman mangyayari yang mga yan e.

roxy: eh hindi na nga mangyayari, hindi din pwedeng pag-usapan?

SAYLENZ

SAYLENZ

frida: noon, bakla, may mga manika akiz sa mindoro. yung tigsa-sampung piso sa palengke. yung pumipikit pag hinihiga. ganon. tatlo. si sheryll cruz, si tina paner tsaka si manelyn reynes.

roxy: panalo, triplets!

frida: truliliiiiii!?! todo alaga talaga, 'ning. todo suklay pati cologne-cologne. tapos sinasabi ko paglaki nila gugupitan ko sila tsaka aayusan tsaka imemake-over ng todo. para magka-jowa sila ng gwapo tsaka mayaman tapos dadalhin sila sa italy.

roxy: si tina paner nasa spain ba o italy?

frida: spain ata. pero panalo, nena. wa nga lang akiz jusawa. frida bayengga, byuda de mercedes. wagi! pero super shogo talaga sa pinakadulu-duluhan ng aparador yung mga anak-anakan ko, 'ning. pag nasa-sight ni tatay, sinusunog niya talaga sila mane. tapos jombag-ever to da max akiz. aray ...

roxy: talaga? ako,
yung mga lalaki, asawa ko magpapangalan. pero yung mga juloginding ko e si j-lo, yung panganay, tapos si beyonce tsaka si britney, yung bunso.

frida: di ka kaya patayin ng mga anak mo, nena?

roxy: di noh? born divah nga sila. tinadhana.

SAYLENZ

roxy: (parang biglang may naisip si becky) derpor, habang nagboboksing-boksing ka, ganon, anak mo na yung triplets? hahahaha ang chakka hahahaha

6 comments:

Anonymous said...

Ayus!! ha ha ha...nawala galit ko sa boss dahil dito, tenk yu!!!!

enchiladas said...

hindi kaya magkatuluyan si roxy at frida nyan?! ninang ka?! lols.

wanda, ilusyunada said...

^^ actually biniro ko sila. muntik nang mashoktay ang lola mo

Anonymous said...

panalo ang izytoryah nitez!!! bonggacious!!!

brando_kikay said...

mazarap ziguroh lumafang ng bayagz!!!mmmmm

Anonymous said...

wow..ang ganda ng dream ni roxy simple payak pero mukang masaya.... kahit hindi bonggang pamumuhay pero masya ^^v

"yung tatay nila sa munisipyo magta-trabaho. ako, magtuturo ng sibika. tsaka pagbuburda. tsaka paggawa ng palitaw at okoy. tapos sabay-sabay kami papasok sa umaga pagkatapos lumafang ng taho tsaka kutsinta. sarap!"