Thursday, December 28, 2006

Pito-Pito #3: Da Boylets Alert

presenting ang pito sa mga tipo ng boyletz na nakasalamuha ng lola mo simula ng na-master kez ang sining ng pag-rampa at pakiki-apid. ang iba ditei nakilala ko lang. yung iba naging friends o kaya naging more than friends o kaya naman naging ka-friendster lang. tamang "hi/hello"

wag mashadong siryosohin. although nage-exist ang mga papabols na itiz, caricature lang ang presentation ng lola niyong mahadera. kaya lang iba, ditei totoo talaga. na-witness ko pa (kunwari pa, mga ex mo yan eh ahihihihi).

kung may idadagdag kayo, go lang. isip din kayo ng catchy na label. tapos pag umabot sa pito, i-share natin sa lahat.

7. ang secret service

iteklavu yung mga tipo ng jowa na maraming sikreto. pati relasyon niyo sikreto. pero dapat intindihin natin na si secret service e nagtatago pa sa batas. halos lahat naman nagdaan don, yung makulong sa closetta ni mama. kaya lang siya naging kumportable na ata sa loob.

sweet naman siya eh. totful, kahit walang okasyon. pero bihira makipag-date. at pag nakipag-date, yayayain ka sa tagaytay (uyyy!! sweet davah??) o kaya sa puerto galera (para exotic). pag medyo low-budget at bet niya sine-sine lang, fly kayo sa SM Bacoor o kaya sa SM Pampangga o kaya sa SM Baguio kahit malalakad mo lang mula sa inyo yung greenbelt (anetch? sweet parin??).

yun pala bet niya yung mga tagong lugar kung saan wa siya mashadong kakilala kasi nga tagu-taguan ang drama. pero kahit nasa SM Batanes na kayo, wiz pa din kerring mag holding hands while rampa niyan kasi baka daw ma-say ng mga utaw na bayut kayo. tapos pag may ma-sight na kakilala, kahit ka-fez lang, super run yan sa pinakamalapit na suking fire exit, with matching hingal, akala mo aatakihin sa puso.

siyempre isa-suggest mez na mot-mot na lang kasi understanding ka nga sa need niya ng privacy (tsaka kasi may mahalay kang balak), pero mag-iinsist si secret service na gumamit ng eyeliner at magdrawing ng pekeng bigotilyo o kaya o magsuot ng susy and geno costume (eh sweet pa rin). pero exagg na yon.

6. mga windows explorer

medyo rare ang breed na itez kasi halos lahat with two years experience na ata. yung mga windows explorer yan e yung mga boylets na kaka-out pa lang. pero winnona ryder ka, kasi asayo ang korona. ikaw ang una niyang jowa. wa pressure, davah?!

kaya lang kaka-orkot ang mga windows explorer kung jowawiz mo siya kasi habang mag-jowa kayo, marami siyang bet na ma-explore. tuwang-tuwa yan sa chat, at wag ka, papasama pa yan sayo sa pagbaylamos ng mic at web cam.

tapos pag nahuli mong nakikipag-chat magdadahilan sayo, "nakikipag-chat lang naman ako ah" tapos dadagdagan pa ng "eh ikaw naman talaga ang mahal ko." siyempre, sheryll cruz moment ka naman (ebribody sing, "mr dreamboy, mr dreamboy ..."). tapos sisihin ka pa kasi ikaw wa kang mic at webcam. tapos isasabat mo naman, "eh aanhin naman natin yan davah?! pwede naman tayo magkita."

o ayan, binigyan mo pa siya ng idea. makikipag-eb na tuloy yan. ang susunod niyan, pag nagmeet kayo, e nangingitim na gilid ng mata sa kakapuyat sa chat. tapos may mga nagte-text na diyan at ayaw niya nang ipabasa yung nyelpon niya kasi wa ka daw trust. binaliktad ka pa, ang shopal ng fez. tapos papabasa nga sayo, burado na ang sent messages at recent calls. leche!!

nahahalata niyo bang may issue ako sa mga windows explorer?? hmpf! fill in da blanks na lang, mga mother.

5. david copperfield

galing sa friendship kong si gretta ang term na yan. david copperfield kasi "now you see him, now you dont." itiz yung mabilis mag-fly.

madalas na senyales nitiz e yung mabilis nagfo-fall. pag andon na, sure na sure na sure na siya na ikaw ang pakakasalan niya at magiging ina ng inakay niyo na ayon sa propesiya e ang susunod na spice girls.

tapos lalabas lang daw with friendships na di mo kilala. siyempre mai-ilang ka, say mo di ka na lang sasama. pero ang tutut diyan e gusto mo lang magpapilit. eh sorry ka! lalakad siya mag-isa at ite-text ka nalang niya pag-uwi sa balay. tapos pag may date kayo, may i ask yan kung pwede next week na lang kasi busy sa achuchuchu-evermae. hanggang sa madalang na magtext kasi sa mga achuchuchu-evermae pa din.

tapos niyan tatawag sa phone o kaya magtetext lang at magda-drama na phase lang ang kabaklaan niya at gusto na niyang mag move-on at maging straight. asus! pero kahit masakit, iintindihin mo. bakla ka lang e. part yan.

so gimik ka na lang to get over. wag ka, pag-entourage mo ng bar, masa-sight mo siyang may ka-lipchukang forenger. na lulurki. lolo na lulurki. gurami na pala ang bet niya, (sabayan natin si kuya rustom bilang zsa zsa zaturnnah) KA-KA-LO-KA!

4. si mr friendster

siya yung super friendly. friend ng lahat. super attend ng mga party at gimik-chuchu ng mga friendships. at havs ng multiple accounts sa friendster at myspace at puro testi na "this guy is sooo HOT! i love you, dude" at "i miss you, dude. i cant forget your kiss." pero friends niya lang yon. close friends, actually. ang judgmental niyo?!!! pero a-alma ka kasi yung mga close friends niya knowsline mo lahat. so magre-reaction paper ka niyan. kaya lang, bago ka pa tumalak, e may i liptolelang na siya sayo. kiss to da max. unporgetabol nga. so porget mo na rin yung testi.

tapos pag go niyo ng bar, mahuhuli mo siya super make-out kay cynthia patag (azz in sino siya??!! cynthia?? getz?). siyempre magagalit ka, pero uunahan ka niya sa galit kasi ang rude mo daw. eh nagha-hi lang siya sa friend niya.

plentious akong kilalang ganyaners ... hehehe ... im sure ikaw din. madalas itiz yung mga di na ma-reach ang confidence level at aware na aware sa market value nila.

3. doble kara

medyo komplikado tech ng slightly. ang mga doble kara kasi e yung mga havs ng bowa pero havs din ng guframae. claro ko lang, ang gelpren nitiz e hindi pang-front. lab niya talaga ang hitad. por short, lab niya kayong pareho. di lang siya makapili.

at naiintindihan mo siya, pwedeng maintindihin ka kasi o kaya shoshonga-shonga ka lang talaga. at dahil na rin minsan, habang play-play ka ng barbie at g.i. joe e pinagpantasyahan mo maging kabit. (kanta ... "di ba, ako'y tao lang na nadadarang at natutukso riiiiiiiiiiiin ...")

masaya yan sa umpisa. pero after 48 years, pasakit na. parang abuso. babalanse siya ng time tsaka pera. ikaw, adjust ka ng adjust, kasi kabit ka nga e. ayaw mo naman mag-demand kasi ayaw mo maging kontrabida. hanggang sa mapagod ka na din.

tapos pag tama ang panahon, at maganda ang ilaw, at may background music ka, sasabihin mo sa kanya, "ang daya mo. ang daya-daya mo (nangingilid ang luha). naiintindihan kita. alam ko nahihirapan ka, pero bakit hindi ka pa mamili? kasi ayaw mo kaming mawala pareho? ang sakim mo sa pag-ibig, jowa. dalawa kaming nagmamahal sayo. nagbibigay kami ng buong-buo. pero kaming dalawa, naghahati kami sa pag-ibig mo (pwede nang patuluin ang luha, pwede mo rin siyang hampasin ng mahina lang) hanggang kailan ako makikihati? nakakasawa ring maging kabit ... ang daya mo. ang daya daya mo ... (pwedeng ulit-ulitin ang huling linya nang pabulong, with matching hampas sa dibdib tapos tina-try ka niya i-embrace. parang from experience noh?!! ahihihihi)

kung jowa mo si doble kara at present, praktisin ang mga linya. epektib siya pag tama ang delivery. try mo humarap sa salamin salamin, salamin sa dingding at mag-praktis. subukan mo iba-ibahin ang tono ng delivery, gaya ng style ni ate showie (dagdagan ng "sakay na!" sa huli) o kaya ni jang geum (haluan ng listahan ng mga sangkap sa pagluluto ng omelette sa bandang gitna) o kaya monotone gaya ni jacklyn jose at caridad sanchez o ikanta mo gaya ni ate regine para kunwari musical.

2. remote controller

sure ako may idea ka na kung anong klaseng jowa itiz.

kurekted by. para kang na-martial law pag together forever ka with the remote controller. kakaloka!

maraming bawal diyan. bawal lumabas pag wiz siya kasama. bawal lumabas with friends na hindi niya kilala. bawal magpataba. bawal magpa-payat. bawal magpa-itim. bawal tumingin sa kaliwa at kanan pag rumarampa kayo sa mall. at pag pasaway ka, lalagyan ka nung para sa mga kabayo para diretso lang ang tingin. bawal magsuot ng mashadong bakla. bawal manuod ng sine ng hindi mo siya kasama. at pag nauna kang manood, uulitin niyo at ikaw magbabayad. bawal kumain sa loob ng sinehan. bawal mang-hipo sa sinehan. bawal ang friendster o myspace o multiply. bawal mag-approve ng friendster pag di niya kilala. bawal isikreto ang password mo sa friendster at myspace at multiply.

sa umpisa nakakakilig eh. feeling mo concern siya sayo. o kaya gellatin factor kaya over-protective ang jowa. sweet-sweetan pa e. ichi-chikka mo pa sa mga friendship mez na inlababo to da highest level ang jowa mez sayinz.

hanggang bawal na maglakad ng mahigit sa sampung hakbang. pag lumampas kailangan kumandirit na. bawal ngumuya, kailangan lunok agad. bawal pumikit pag naha-haching. bawal magtext na gamit ang kamay, maghanap ng ibang paraan. bawal kumurap, kailangan alternate ang mata. bawal magsuot ng sapatos na una kaliwa, kailangang kanan lagi. bawal lumitaw ang ipin pag ngumingiti. bawal umupo sa likod o gitna ng fx, kailangan sa tabi ng driver. bawal tumabi sa gwapong fx driver, mag taxi na lang, kailangan panget ang driver.

sabi ng milo, great things start from small beginnings. totoo yan sa mga remote controllers. kaya mag-ingat. minsan masarap mahalin ka ng taong may ganitong topak, pero pag lumulunok ka na lang agad, kasi utos niya, magisip-isip ka na.

1. boca-boca

hindi ito yung jowang hindi tao, hindi hayop, buto't balat lumilipad (saranggola para walang childhood at deadma sa bugtong). ang term e galing sa salitang boca, meaning chikka o daldal. eh dinoble pa, boca-boca, so imajinin mo ang level ng daldal factor.

ito yung mga jowang lahat kailangan pag-usapan, lahat may meaning at lahat dapat havs ng explanation. at kailangang check ka lagi. so kung patok sayo ang multiple choice questions at ligwak ka sa mga essay-essay na yan, di kayo compatibol ni boca-boca.

kasi si boca-boca, di mo lang ma-text, marami nang tanong yan. tapos parang nasa korte ka bigla na paiikut-ikutin yung tanong para mahanapan ka ng butas. siyempre maba-biyahilo ka na rin kahit mag-bonamin at malo-lost sa questionaire na kinabog ang mga tanong sa weakest link sa hirap at bilis kaya kung anek-anek na lang ang sinasagot mez manahimik lang.

parang ganito. naalala ko yung ex ko, major away kami nung na-borlogs akiz sa balay-china nila. pasaway din kasi si atashi. tumalikod siya sa kin sa pag-eclip niya. kerri lang. inembrace ko. tapos tinaggal niya yung kamay ko. ok lang. inembrace ko uli. shinonggal uli. na-imbiyerna ang lola mo.

"ano ibig sabihin nito??!!" kahit jontok na jontok na akiz. pero dead ma lang si jowa. eh di inalog ko at pinilit kong sumagot. in less than 3 minutes. nagdahilan pa na mainit daw e kaka-shower lang namin. ng sabay (uyyyy!!!). paliwanag paliwanag pa. eh imbernadette talaga ang lola, di ko tinantanan. "hindi mo na ako mahal noh?!!" at umiral ang daldal factor ng lola mo.

sa inis ko tinalikuran ko siya. matutulog akong galit, vahket ba hindi?!! eh di nakonsensiya ang jowa, inembrace ako. yung embrace na mahigpit. tapos tinanggal ko din. mainit nga talaga.

pagkalipas ng ilang buwan. may nag te-text na sa kanyang di ko kilala, at nage-effort pa itiz na i-shogo-ever. eh walang nakakalusot sa lola mo. "hoy! sino yan ha, jowa?? magpaliwanag ka!" nagpaliwanag nga ang hitad. kinabukasan break na kami. di ko kinaya yung explanation.

ang moral lesson: wag mashadong magtanong, kung di ka ready sa sagot.

faflooooo!!

9 comments:

Anonymous said...

enjoy ako talaga sa post na to. i like the part yung sabi mo: "pag tama ang panahon at may bg music ka" and then yung iba ibang style ng delivery. kakakabag.

Anonymous said...

hahahah nice... im having a thought na wala na bang matino ngayon^ parang lahat ba ay sablay? hehehe


sana next time, we can read an entry that we can say na, 'Oi eto yung hinahanap ko'...

but in general, it's a gewd read :)

wanda, ilusyunada said...

sige. bet ko yang suggestion mo.

salamat anonimus

Anonymous said...

Ate, hindi mo yata sinama yung mga Bilmoko Boys, yung hindi ka tantanan ng kakahingi ng kung ano ano sayo. Hehehe.

Anonymous said...

.panalo!

wanda, ilusyunada said...

salamat mugen!!

anim na lang ... hehehe

nixda said...

balik na lang ako ... gusto ka lang sabihin ITO

Anonymous said...

ate wanda, bakit di ka magsulat ng book? seryoso po, magaling ka magsulat and interesting. kailangan na i-expose sa masa ang ganitong level ng writing. baklang-bakla na may lalim.

Anonymous said...

gurl

pde ko b i-link sa forum ung blog mo? kasi gs2 ko ishare s knila
natutuwa ako eh! hahah..
thanks sis..