Friday, January 05, 2007

SNEAK PREVIEW

SCENE 69 INT. TRAIN STATION. HAPON.

casual na papasok si MARCUS sa tren. sisiksik siya sa pagitan ng iba pang mga pasahero. di alintana ang humahangos sa paghabol ni --

WANDA.

makikita ng gwapong binata (si MARCUS yon) at mababalot siya (naks! mababalot talaga, KARIR!) ng pagtataka.

MARCUS
anong ginagawa mo dito?

saylenz

sasara ang pinto ng tren. aandar ito.

WANDA
pakinggan mo muna ako. please.

MARCUS
wag ngayon, wanda. wala ako sa mood.

WANDA
mahal kita, marcus ...

MARCUS
fuck! (may ganung factor talaga!?!)

WANDA
... gaya ng pagmamahal ko sa bawat mahihinahong butil ng ambon.

MARCUS
napag-usapan na natin to.

WANDA
alam kong hindi maari. pero lalong hindi 'to mali. bigyan mo lang ako ng pagkakataong patanuyan na hindi ka lugi sa kin. parang best buy.

saylenz (mahilig ako sa saylenz. pansin mo?)

lilingon ang ibang mga pasahero kay WANDA. yung iba, obvious na nai-iskandalo. yung ilan, na mahihilig sa reality tv, naki-usyoso na. may ilan na feeling napa-Punk'd sila (kurek! sosyal tong jolikula ko)

kakabahan si WANDA ng slight pero makikitang desidido siya't di na magpapagil. as in. walang takot.

MARCUS
ano bang gusto mo sakin? (ang kulit!!!) lalaki ako, wanda ...

WANDA
alam ko. alam ko. (with matching panginginig ng boses) marami akong pangangailangan na wala kang balak ibigay. ikaw, marami ka ring pangangailangan na kahit magpa-opera ako hindi ko maibibigay sayo. pero iintindihin kita. aaminin ko lahat ng pagkukulang mo ... bumalik ka lang sakin ...

MARCUS
I NEVER ... SAID ... THAT I LOVE YOU ...

USISERONG BAKLA
sam milby ikaw ba yan?

WANDA
ako, si anne kortes ahihihi

USISERONG BAKLA
'ning, magkape. magkape ka.

MARCUS
hindi ko alam kung pano magmahal ng ambon ...

WANDA
tuturuan kita

MARCUS
slow learner ako

WANDA
pasensiyosa ako

MARCUS
may mahal akong iba

WANDA
ok lang kahit kabit

saylenz

MARCUS
tignan mo nga sarili mo.

USISERONG BAKLA
eto, ateng, mirror o

MARCUS
... handa kang magpakababa para sakin.

WANDA
ganun kita ka-mahal, marcus.

MARCUS
(iiling) ganun ka ka-adikk ka sakin. magkaiba yon.

P.A. SYSTEM
AYALA STATION ... AYALA STATION ...

USISERONG BAKLA
parang ambilis ng biyahe.

MARCUS
palagay mo ba gusto kong ginagawa mo yan sa sarili mo?

sabay exit si MARCUS. tatakbo si WANDA (athletic siya sa movie na itiz. para may action. pang MMFF kasi to. ka-level ng tatlong baraha) palabas ng tren, nakabuntot sa gwapo. hanggang sa --

CUT TO:

pila palabas ng mrt. aktong ipapasok ni MARCUS ang MRT CARD sa slot, pipigilan siya ni WANDA na nasa likod ng gwapo sa pila.

WANDA
gusto ko lang maramdaman na mahalaga ako sayo. na hindi ako madaling palitan. na paglipas ng mahabang panahon maalala mo pa rin ako, yung mga sinasabi ko, mga sakripisyo ko, yung pagmamahal ko sayo, at yung kaligayahan na binahagi ko ng buong-buo para lang sayo.

MARCUS
one time lang nangyari satin yon, wanda (sabay kindat ang gwapo).

WANDA
HINDI YON!!! panira naman ng moment to e.

USISERONG BAKLA
ayaw niyo talaga ako tantanan ... late na ko!

PULL BACK ang CAMERA. ipapakitang si USISERONG BAKLA e nasa likod ni WANDA sa pila.

MARCUS
mahalaga ka sakin, wanda. hindi mo lang nakikita. kasi may iba kang gustong mangyari.

lulusot si MARCUS ng pila.

ipapasok ni WANDA ang MRT CARD. lulusot ang card pero hindi makalabas si bakla. pipilitin niya yung bakal na harang pero hindi ito gagalaw.

aktong lalapit kay WANDA yung isang guard.

USISERONG BAKLA
ateng, hanggang guadalupe lang ata binayaran mo.

hihinto si MARCUS at titignan ng may halong awa at inis si WANDA.

WANDA
saglit lang, marcus ... please ...

bubuntong hininga si MARCUS. iiling. pero mananatili sa kinatatayuan.

tatakbo si WANDA sa kahera para bayaran ang kulang niya. at para na rin takasan yung guard na papalapit (para kunwari may suspense).

bumulusok ang tao palabas ng MRT AYALA STATION. mga bisi-bisihan. mga maggi-greenbelt. at mga chur-chur.

lilingon si WANDA sa kinatatayuan ni MARCUS at ang makikita niya --

ay hangin. walang iba kundi hangin. tahimik na hangin.

umugong ang tren papuntang MAGALLANES STATION. may isa pang tren na pasalungat ang direksyon.

at sa kaunaunahang pagkakataon, nawalan ng tao sa MRT ... maliban kay WANDA.

))<>((

(ang pelikulang magpapataob sa enteng kabisote sa susunod na MMFF ay sinisimulan nang isulat, mula scene 69 paatras hahahah)

5 comments:

Anonymous said...

panalo and eksenang to pero mas panalo ang hirit ng baklang usisero hehe

Anonymous said...

best supporting actress ang usisero...

hehe

wanda, ilusyunada said...

pinag-iisipan ko kung sinong gaganap
kay wanda, marcus at siempre sa reynang usisera ahihihihihi

agaw eksena davah?

kamustahin naman natin si enteng ahihihihi

Anonymous said...

panalo sa trailer yung, tatakbo ka ng counter dahil hanggang guadalupe lang ang ticket mo. Panalo talaga! Hahaha!

Anonymous said...

winner standing ovation ka bakla. Pang Academy Awards ang hirit ng usiserong bakla. wait, makahanap nga ng ganyang ka-eksena...