Saturday, January 06, 2007

Da Ugli Bakling Theory

know why you hate me so much...
coz i look the way you feel.
-- with honors

dahil nagpatung-patong ang bill ko sa gym nagsimula na ring mag-aparisyon ang mga bil-bil ebriwer. kaya gumi-guesting na lang si atashi sa mga sessions ni darwin (hindi tunay na pangalan) sa fitness first (kunwari hindi rin tunay na pangalan).

adikk ako sa lugar na yon e. puro lalaki. amoy pawis. amoy ng shampoo tsaka deodorant. amoy ng dumbells. amoy ng libreng ice tea. usok sa sauna. paulit-ulit na tugtog. aerobics minus da leggings at headband. mga sexy sando at basketball shorts (sarap!!!). puro lalaki. ganon.

bakit ba? say nga ni ate zsa zsa, tao lang ako. nadadarang at natutukso.

kaya kung yung iba binabalik-balikan ang jollibee, ako at home sa fitness first.

sabi ko bigla, "ang sexy nun o," sabay turo sa isang lulurking nagpapaikot ng barbell sa daliri. naka-basketball shorts na shiny ang hitad at maluwang ito. weakness ko yon. pinagpawisan ako.

super laklak kami ng bottomless iced tea non. pang cool down chuvah-ekek. bad trip lang kasi hindi ko nadala coleman ko. pupunuin ko sana ng iced tea. pasalubong kina frida hehehe

sagot ni darwin, "yon? niligawan ako non e."

kung kilala mo si drawin, hindi mo siya pagdududahan. wala naman siyang history ng perjury at swindling. kasi gwapo talaga si bakla. yung level na may multiple friendster accounts siya sa dami ng gustong mag-add sa kanya. 80% don wit niya knowings.

nagdate daw sila niyan ng slightly. yung may movies tsaka dinner. yung old school na date. walang sex na halo. pero kissing-kissing tsaka petting-petting meron daw. maraming ganon. tapos naging work-out buddies sila pero wichelles daw talaga nag-work out.

"im just not that into him," explain ni darwin.

"e mukha naman siyang ok, ah." sabat ko habang kinikilatis maigi ang merchandise. "mukha naman siyang mabait. walang bahid ng dumi. parang mabango. mukhang may karir. pwedeng bumuhay ng pamilya. strong sperm, obvious sa panga. kung may working matress ako, papabuntis ako sa kanya."

"so close na kayo?" sabi ni bakla. "pakilala kita, gusto mo?"

"pwede mag joke? pwede?" nagulat ako, in fairview. "tsaka amoy pawis ako, ano ba?!"

"astig wheels niyan. fully loaded. nagda-drag race yan sa libis e." kinurot ako ni darwin sa tagiliran. "mukhang wild, no?"

"taray! redundant. drag racer na, drag queen pa."

"pero friends lang talaga kami e."

"binasted ka niya, noh?" biro ko.

"ako nga niligawan niya e. ang kulit din ng lahi mo."

"pero bakit dinedma mo? mukha naman magandang packaging."

"basta. ayaw ko lang."

"damaged goods?"

"wala ngang hang-ups e. ayaw ko lang talaga."

"palay na lumalapit sa pokpokita, ayaw pa?"

"taena mo! hindi lang ako physically attracted sa kanya. period."

"kailangan talaga may ganong drama."

"hindi naman. may flabs siya e, tignan mo." sinipat ko naman kahit ligwak na x-ray vision ng lola mo. "hindi lang humihinga yan, pero may tiyan yan. malaki."

"ang taas ng standards mo, 'ning."

"di kaya. palibhasa ikaw walang standards."

"meron din ha. pero negotiable."

tapos nagtuturo pa siya ng mga lulurking walang sawang nagpaparamdam sa kanya sa gym at sa steam room, kahit nakakabulag na yung kapal at init ng usok (kaya nga steam e, BOBAH!) ayoko magsalita pero in general chakka ang demographics. may tander bolts and lightning na kulobot na (very very fright'ning talaga), may mga nerdita, may mga diego-lookalike, may baklang bakla, may puro nguso na halos hindi na niya masara bibig niya. at sa kanilang lahat, ang masasabi ni darwin e --

"eeeewweee!!!"

"aba! nagmamagandah ang potah!" sabi ko.

"dapat lang." yabang ni bakla. "hindi ko naman ginawa lahat to para sa kanila." sabay taas ng shirt niya para silawin ako ng washboard abs niya (washboard ba o dashboard o surfboard, ano ba?).

48 years ago, mala-mala chabelita tong si darwin e. first runner up sa binibining boomboorumbei. sungki-sungki kaya nag-braces. stuck sa 2 by 3 na gupit kaya mukha siyang batang suki ng quiz bee nung hayskul pero may malaking potential kung aayusan.

pero dahil sa bilis ng pagbabago ng panahon at sa mahahalagang breakthrough sa larangan ng dermatolohiya at diet regimen churvahlyn at premiere ng fab five sa tv e na-make over ng todo tong si darwin. as in ibang level. ang confidence e lampas tao. ang market value, panalo sa pandaigdigang pamilihan.

pero mabait si darwin. siya yung tipong bibili ng sampagita kahit wirit naman niya kailangan. at tutulungan ka niya kahit di mo sabihin. ganon lang talaga siguro siya.

pero in fairview naman, ang statement ng lola mo e "ive worked so hard to achieve this body. this look. ive invested so much time and money and sweat and pain. so i think, i deserve something way lot better than them. parang reward."

"so ayaw mo sa panget, in short?"

"di naman," palusot pa si darwin.

"e ganon din yon."

"kung ayaw ko sa kanila, it doesnt mean na they're panget or whatever. you have to understand na at the end of the day, it just boils down to preference."

"ang dami mong sinabi, ayaw mo lang talaga sa panget. simple."

"that's unfair. i hang out with less attractive people."

"kasi feeling mo maganda ka pag kasama ka nila, ganon?"

"i dont feel maganda now that im with you."

nanlisik ang mga mata ko. "linawin mo yang sinasabi mo kundi magi-iskandalo ako dito."

"waaah! pikon!" sabi ni darwin. "eh kasi parang jina-judge mo na ko e."

"ayaw mo sa panget e."

"ba't apektado ka?"

"ewan ko! maliligo na ko!" sabi ko.

"bahala ka," sagot ni bakla, may tawa in between. "mag-treadmill muna ko, madami akong nakain kagabi e."

napa-isip ako (eto na naman). ang mga ugly duckling na nagiging swan minsan e allergic sa mga ugly o kaya sa duckling kasi part sila ng kahapon na pilit nilang tinatanggal o binabago sa bawat 30 minutes sa treadmill o bawat sit-ups o sa bawat session kay dra. vicky belo. wishing nila bet yon, yung may bakas ng kahapon.

nabibili nga ang gandah, 'ning. pero feeling ni atashi, ma-queer eye ka man ng ilang beses at maging bongga man ang packaging mo forever, kung insecure ka na sa umpisa, insecure ka na hanggang sa huli. (theory ko lang to sa mga ugly duckling ha?!)

ewan. baka nagiging judgmental nga akiz. o pilit kong hinahanapan ng mas malalim na explanation kahit wa talaga.

at napa-isip ako uli. naka-dalawang kanin din pala ako kagabi.

"darwin, wait. treadmill din ako."

4 comments:

Anonymous said...

actually may point ka jan. Noong todo todo gym ako, talagang sobrang takot kong tumaba. Ngayong halos one month na ako tumigil, parang balewala na sa akin ang lahat. Hindi naman ako nakikipagcompete eh. So hayun, pahinga muna. Pag sinumpong na naman ako ng ugly duckling syndrome, tatakbo ulit ako sa gym...

ah wait, nag-iintay lang pala akong mag open yung bagong gym sa may office namen. hehe.

wanda, ilusyunada said...

san ka gym?

dami ba gwapong boys don? yun lang naman mahalaga sa lola mo e

Anonymous said...

wanda, sex lang ba ang alam ng bakla? lolz. sa tingin ko e ok lang naman na magmaganda yung friend mo, especially pagkatapos nyang mag-invest nang sobra-sobra. pero ang tanong e, hanggang doon na lang ba ang halaga nya? makipag-levelan sa pagandahan ng mukha at katawan?

kaya siguro di sya naku-kuntento kasi may iba pa syang hanap na higit na mas malalim, pero since kailangan nyang makabawi sa "investment" nya, kailangan nyang mag-settle sa mga "ka-level" nya.

wanda, ilusyunada said...

@anonimus

pwede pwede. pwedeng may need siya na hindi pa nasa-satisfy.

naniniwala din naman din talaga ang lola mo kay darwin e. sabi pa niya, please dont hate me coz im beautiful. kaloka.