"lagi na lang tama ang ginagawa ko. bawal na ba ako magkamali? sa tuwing tama ang ginagawa ko, walang nasasaktan. lahat sila masaya. pero paano kung gumawa naman ako ng mali? baka sakaling ako naman ang maging masaya" - quoted by anonimus
bored ka na ba maging nice guy high forever?
gusto mo maging kontrabidahin paminsan-minsan? heto ang ilang guidelines at starter kit. pag-aralan, may quiz mamaya.
1. pag-isipan maigi ang motivation mo. inagawan ka ba ng yaman o ng jowa? gusto mo bang maghiganti gaya ni amor powers? o gusto mo mapasayo ang buong atlantika? yung ganun bang level. isapuso, kasi yan ang magiging driving force mez para sumikat sa primetime bida.
2. siyempre ang contra havs dapat ng julalay. may option ka diyan. kung bigtime ka pwede mo kunin pareho. actually, pwede ka gumetlak ng mga goons na naka-maong o itim na synthetic leather jacket para sa mga field missions gaya ng kidnapping at pagbili ng mangga't bagoong. o kaya kung may katulong kayo at marami sila, get ka ng jisaers, yung maldita na at havs ng potential, para maghasik ng lagim on your behalf. wag ka, powerful yan si yaya sa multi-tasking, information-getting at intel sa pamamagitan ng tsismisan. pero mag-ingat kasi yung mga atribidang merMAID e may katumbas na busilak ang kalooban na madalas sidekick naman ng bida.
3. laging pagtuunan ng pansin at never never deadmahin ang mga diary, lumang kwintas o medalyon, mga mahihiwagang bato, kahit barbel na lumiliit, ang ugatpak ng mga mulawin, mga lockets at mga larawang kupas ni renz verano. o kaya sa mga blogs o friendster account. lagi tong naka-shogo-ever pero havs ng isang moment na makakaligtaan itech ng may-ari para havs ng chanz na mabulatlat mo naman kahit minsan. madalas sila ang sagot sa porblema mo. ang susi sa misteryo.
4. kung ang hinahanap niyo e yung tunay na tagapag-mana o yung mga magulang ng bida, o ang pagkatao ni enteng, at bet mo makipag-unahan sa paglutas ng sikreto, talasan mo lang ang mata mo at makiramdam maigi sa sigaw at tili ng audience mo. kasi kung sino man silang hinahanap niyo, for sure, anjan lang siya sa paligid niyo. baka nga nasabunutan mo na e. hindi mo lang alam.
5. pumili ng signature tawa. kailangan makatindig-balahibo. tawa pa lang dapat nakakasindak ka na. yung feeling mo galing sa ilalim ng lupa. wag yung kasing-tining ni matutina, pang halloween special lang yon. praktisin maigi ang napili. pag may naka-sight sayinz na tambay habang nagpa-praktis ka at umispluk ng, "baliw ang putcha!" titigan mo ng may panlilisik hanggang umapoy siya. cue mo na yon para tumawa. praktis ka na uli.
6. mag-ingat sa blocking at lakas ng boses. lalu na pag nagpa-plano. kasi kahit isang milya ang layo niyo ng sidekick mo habang mega-explain ka kung paano niyo pasasabugin ang simbahan, at kahit bumubulong ka na sa lagay na yon, nagkakarinigan pa rin kayo. at malinaw. i derpor kongklud, at itaga mo itiz sa bato, meron ibang makakarinig sa inyo. madalas hindi nila sinasadya. pero magalit ka pa din. at, 'ning, pag nag-iisip ka naman o nagpa-plano by yorselp, wag ka mag-isip out loud. deadma na sa monologue at voyz-obers. plentious nang kontrabida ang naligwak dahil diyan. kung mag-iisip ka lang, sa isip lang talaga. wag yung pwedeng marinig ng iba, intiendes?!!
7. kung nagising ka sa isang mala-fantaseryeng buhay at may powers ka para sa kasamaan, piliin maigi ang target mo. siyempre don ka na sa mata-taong lugar at yung marami kang mawawasak. para maloka naman ang bida-bidahang superhero. wichelles don sa abandonadang bodega o building na hindi tapos. corny yon. wang challenge. at wag pagdiskitahan yung mga ice cream vendor at magpi-fishball at magbabalot kasi naghahanap-buhay lang sila.
8. kung wala ka namang superpowers e mag-imbak ka ng anting-anting mula sa quiapo (wala sa greenhills, chineck ko). kasi ang contrabida mahirap mamatay. dapat havs ka ng jonting-jonting laban sa bala o matutulis na bagay, laban sa rumaragasang pison, o pag nalaglag ka mula sa tuktok ng empire state building, o kaya laban sa sunog. kumuha ka na rin ng panlaban sa pagbubuntis at cancer. nakakasira ng career yan.
9. pag-isipan din mabuti ang pangalan mo. forever na yan. walang "taym pers, taym pers!!! pwede magpalit?" at wag yung typical at wang syet factor gaya ng dong, neneng, bai, at hoy. wag rin naman yung tunog pokpok gaya ng nympha, unless ganon ang bet mong packaging. wag din yung tunog bra't panti gaya ng natasha o kaya parang make-up gaya ng avon. kailangan mataruzh at may maldita effect gaya ng lavinia, savannah, selina, agila, eunice at macy, braguda, ravenum, hagorn, reyna dowager at fuma ley-ar. kung medyo under da sea ang tema at di ka naman mashadong choosy, pwede na yung dugong.
10. pag sawa ka na uli maging kontra-bida, ingatan mo sarili mo kasi pwede ka nang ma-tsugi kung wala ka nang silbi sa kwento. pampalabok ka na lang sa budget. so kailangan gumawa ka ng paraan. pag nagkataon, peke-in ang sariling death sequence. choice mo kung magtatago ka tapos balik ka na lang uli pag bumaba ang ratings. o kaya ang sagot sa lahat ng problema e magkakaroon ka ng amnesia. wala kang matandaan kunwari. slight lang. at unti-unti silang bumabalik. e na-discovery channel mo na ang lahat ng sikreto, so hindi ka nila pwede patayin. aantayin ka nilang maka-alala. pero ang totoo, i-eksena na si yaya at siya na ang bagong reyna. siyempre, ikaw ang secret sponsor niya. parang si general, ganon. pasohk davah!?! contrabida ka na!!!!
Monday, January 08, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
jutangina nena! I wanna be akontrabida!aylab it!
Ang saya saya! Madami-dami ang post mo lately. I like pointer #5, feeling ko lang ma-jujumbag talaga ang sinumang magtangkang i-rehearse ang tip mong yan.
magaling, magaling!!!
taena wanda 3 AM na pero para akong baliw nagigising na nebors ko kakakhiyaw sa blog mo
ober ka sa saya
nice post love reading it.
Post a Comment