kakaloka. kaka-praning. kakainip.
in da beginning, confoos ang lola mo kung aneklavu ang panonoorin kez: enteng kabisote ba o K K K? napanuod ko na ang Z Z Z (Zsa Zsa Zaturnnah hehehe)
dati watch talaga ako ng mga juday shows, nung lab team pa sila ni rico yanchiwa. tapos na dead-lak ang otoks. naging juday-piolo na'ng labanan, lalung wang pinalampas ang lola mo. tapos nag separate lives din ang duwachi. pero watch pa din akez. kay piolo lang. kahit wa na si juday. dead-maru.
pero infuhrnezz, kerri tong ryan-juday tandem. kala ko lalamunin ni mara, ang batang gubat, si ryan. aba aba aba! performance level ang lasalista. nakipag-sabayan.
winner yung eksenang may i cry siya nung mahawakan niya yung junakers niya. cryola din akez. bet ko majontis bigla. papajontis ako sa kanya.
at na-enjoy ko siya talaga, kahit nakataas yung paa nung asa kanan ko at yung asa kaliwa naman super-lafang ng binaon niyang nilagang saging na sabah. PLANGAK! swear! sumpah to! mamatay man si frida! nagbaon talaga itu, imajinin mo na lang yung amoy ng nilagang sabah.
kakainis. kakairita. kakaimbyernuh.
pero may kilig factor cheverlyn talaga, sa kabila ng saging na sabah. hindi ako magtataka kung magiging sitcom yan.
kaya lang bias ako e. AZZ INN!?!?! sprite pa lang, cruzhness ko na tong si papa ryan. nag-iinit ka na ba??!! OO, ANUHVAH!??!
at napansin niyo ba yung utong ni ryan. nagkalat, 'ning. akala ko nga yung eyebags yung i-eksena. pero wiz, at hindi naman din upstaging ang mga nips, pansinin lang. partida, naka-layered outfit na siya non ha?!
kakakilig. kakawahter-wahter. kaka-erbog.
sensha, ganyan talaga ako. napapansin ko yung mga ganung bagay. yung mga hindi nakikita ng mata, nakakakiliti sa ngala-ngala. gaya ng mga natatalisod sa background, mga ume-eksenang langaw, mga kumakaway sa likod at nagpapa-cute pag may field report, mga talents na pasimpleng tumitingin sa camera, at yung mga buma-baktong. baktong ni papa ryan.
kaka-aliw talaga. watch kayo uli, tapos bilugan niyo yung mga baktong moments.
kasal. kasali. kasalo.
tapos na realize ko, ba't ba ko tawa ng tawa? ba't ako aliw na aliw? e wala namang pinapakita tong K. K. K. bukod sa mga caracas na hindi ko magi-getching: asawa. si ryan agoncillo. biyenan. anak. matres.
hindi ko mae-experience yung makakatanggap ng marriage proposal with matching luhud-luhodan at singsing.
yung maglilitaniya ka ng lahat ng nakaka-imbyernang habits at mannerisms ng asawa mo.
yung magpa-plano kayo ng kasal.
yung magdi-dinner.
yung magkaka-asaran, magsisigawan. tapos magba-bati ring parang hayskul. magkikilitian pa.
yung magkakapikunan pero isang tingin lang ayos na.
yung magso-sorry with sincerity at honesty yung jowa mong naki-apid (apid talaga, parang jolikula ni vilma nung dekada otsenta).
yung manganganak ka tapos kakabahan ang josawa mez pero mae-excite din na parang lukaret. tapos babantayan ka niya magdamag kahit pinupulikat na siya sa pagkaka-upo niya.
biglang na-remember me this way ko sina gloria diaz at gina pareno. tapos naalala ko ang sarili kong maderaka. at yung mga bagay na hindi ko maipapa-experience sa sa kanya.
yung mamanhikan kasama ang unico hijo niya.
yung planuhin yung kasal ko para samin.
yung may i giblab siya ng mga payo at tips sa paga-asawa.
yung lait-laitin niya yung asawa ko pag kaming dalawa lang. pero ipagtatanggol niya pag iba na nanlalait.
yung magkaroon siya ng apo na galing sakin tapos pagtatalunan nila ni papa kung sinong ka-fez.
yung i-ispoil niya yung apo niya.
yung makipag-debate sa magiging name-sung ng junakiz kez.
yung maging isa sa tatlong klase ng laude.
yung matupad ko yung mga pangarap nila para sakin.
hindi na nga ako naging bumbero o astronaut o scientist o kahit doktor, gaya nung mga prinaktis namin sa graduation ko nung nursery, sa parlor pa ako nauwi. san ka pa?!?!
...
...
...
dapat nag enteng kabisote na nga lang ako.
kesa sa
kalan. kawali. kaldero.
Monday, January 08, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
I started to hate Juday and Ryan nung pinagtulungan nila si papa Piolo ko. Hmp! Tawagin ba naman ni Juday na echosero si Piolo at hamunin ng suntukan chenelyn ni Ryan. And on top of that! HALOS ARAW-ARAWIN ng manager ni Juday (Alfie Lorenzo) ang paninira kay Piolo. Eh! Ano ngayon kung bakla si Piolo?!! Galit lang siya dahil kahit maging bading si Piolo di pa rin siya papatulan no! Naman!
naman pacman gulaman
banggain na lahat wag lang si piolorific.
hehehe makabagbag-damdamin naman tong post mo...tungkol sa mga dreams mo at ng parents mo...wag mo na lang isipin :)
salamat cyberpunk ...
mwah!
alam ko mtagal na tong post mo, pero kaka discover ko lang recently ng blog mo and gabi gabi na kong napupuyat sa pagbabasa. anywy, pansin ko lang.. mara, ang batang gubat... sadya ba yon? kasi diba ULA ang batang gubat si juday. at MARA siya sa MARA CLARA. yun lang po. pero kung ano pa man. FAN mo na ko WANDA!
Post a Comment