nung huli kong ma-sight si gary e pina-presscon niyang nakapagmove-on na siya sa pamimik-up ng mga boyletz sa bilog at naglevel-up na sa mga massage parlor. kabog davah?!
quality control daw kasi. safe pa. pero havs siya ng wichelles ma-forget na experience. yung tipong naaalala mo pag naka-pikit ka.
as olweiz, ang chumikka si lola basyang na may halong pandidilat ng mata, hand gestures tsaka stage blocking. animated kung animated talaga. so dapat gibsungan mo siyang enuf space para mag perform.
so fly nga daw ang lola sa pasay. say niya, naligaw lang daw siya dooners (asus!) habang andon e na-sight niya yung massage parlor na forget niya na yung title. at dahil havs ng excitement, pinasok niya nang walang pag-aalinlangan at pag-aatubili.
ang drama niya e ocular lang, para sa field trip kuno, tapos fly na. CHIKKADORA!?!
yung mismong parlor asa third floor. choice mo kung stairs ka o elevator. e itong si gary, wit niya bet yung pagpapawisan yung kili-kili kaya go sa elevator.
sa pagkaka-chikka niya e na-remember me this way ko tuloy yung mga elevator sa mrt. yung pagpasok mo, feeling mo wichikels ka na maka-exit ng buhay kaya forward ka ng text version ng mi ulitimo adios sa lahat ng ka-gentext. o kaya pag mo bukas ng doorlilet e nasa ibang dimensyon ka na. o kaya naman si satanas ang welcoming party mo. ganon na ganon daw yung sa pasay.
ambagal sumara ng dorlilet. 48 million years. tapos nung samara daw, di daw niya maramdaman na gumagalaw yung elevator. "gumagalaw ba ako," say niya. ganun din, pinagpawisan din kili-kili niya sa kaba.
pero effect daw itiz sa mga raid-raidan. may utility at strategic ampotah. kasi mashu-shogalan bago um-arrive yung mga ka-julisan. pwede pa sila ma-trap sa killer elevator. (dapat gumawa sila ng episode na ganitembang sa shake, rattle and roll 9. for sure meron yan sa disyembre.)
nung bumukas yung pinto, wit niya knows kung anek dapat ang reaksyon bukod sa HUWAAAT!?!?! kasi ang good news, umandar naman pala yung elevator, mabagal lang. pero pero pero may i stop siya sa pagitan ng third floor at second floor, san ka pa?! sa floor 2 1/2. parang yung sa harry potter. harry potter and the sexbomb dancers hahaha (laban-laban, o bawi-bawi, awwww!)
wiz daw niya knows kung lalabas siya ng elevator o super wait siya kay captain smallville ay barbell pala o twist and shout siya ng saklolo! saklolo! mag alin-alin-alin-ang-naiba-man siya e i-exit pa rin siyang katawa-katawa. sa huli, nagdesisyon siyang lumabas. ang tanong, saang floor?
deadma daw sa grace and poise, humakbang daw talaga siya pa-akyat (maka-sight lang ng masahista). ligwak!?! pagtungtong niya sa 3rd floor e na-sight niya na havs ng duwaching wing yung floor. sa isang side, may show-showan daw. eh deadma. tapos sa kabila, ang lupang pangako. fly si gary sa paraiso na parang kinikiliti ang singit. naiihi-ihi pa.
madalas na daw siyang mag-ocular before pa. tapos ang drama niya e kunwa-kunwang parokyano ng mga massage parlor para di mata-matahin at paikut-ikutin. nangyayari yan. ka-join niya lagi si yanni. pero di mashado. kasi daw siya, ang kinikilatis niya e yung epektos -- yung mga masahista. etong si yanni kasi, sa sobrang metikolosa daw e gusto pa ma-sight yung mga kwarto para kilatisin kung malilinis ba yung kama o kung maayos ang pagkakatupi ng mga kumot o wala bang gusot yung mga unan. complest health and sanitary inspection daw talaga. kakaloka.
depensa ni yanni, "eh hihiga ka don, di ba? siyempre naman dapat malinis." actually, bakla.
so in-usher agad si gary ng doorman. "HELLO SIR!?!" bati daw sa kanya.
"bakla, napaka-welcoming. para kang kakain sa jollibee," say ni gary. "feeling mo matagal na kayong magkakilala."
so at home na at home ang bakeshop. pero dahil negosiyante ang bakla at drama-dramahang betarana kuno, "'o siya, simulan na natin to, asan sila?' sabi ko talaga sa doorman," ispluk ni gary.
ang tinutukoy niya e yung mga masahista sa aquarium. parang dampa sa libis, ganon. point mo lang kung sineklavu ang bet mo at ihahain sayo.
at theatrical daw ang labanan. may pulang velvet na tela daw talaga. parang stage curtain. para surprise. pagbukas e halos lumuwa daw mga mata niya. surpirse talaga.
OPEN CURTAIN!!!
krismas-krismasan daw ang concept. skimpy kung skimpy ang mga outfit. spaghetti strap at skimpy skirt. POTAH RED SPAGHETTI STRAP AT POTAH RED SKIMPY SKIRT. kurak! SKIRT ITO! mga babaeng naka-pekpek skirt. yung may raffles-raffles pang pa-effect. nagsalubong daw ang kilay ni bakla. lumuha daw siya ng dugo.
TAKBO, BAKLAH! TAKBOOOOOH!!?!!
deadma na sa jurassic elevator. kumaripas daw si bakla palabas sa takot mabulag.
Wednesday, January 10, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Panalo tong entry na to. Buti at hindi ko to sa opisina nabasa kundi pagdududahan na naman akong nasapian ng masamang ispiritung umaali-aligid sa floor namen.
Post a Comment