na-experience mo na bang mapag-kaisahan?
etong theory ko e hindi pa tried and tested ng PAMET. pero fact to (fact you!). malamang na-experience mo na itei. yung kung kelan ka nagmamadali, saka naman magbibiro ang tadhana at maghihimala ng trapik, shunga-shongang banggaan, mga MMDA na nagpa-powertrip, rally, lindol at terrorist attack para 48 years bago ka maka-juwetiks.
at sa dinami-daming pagkakataon e now pa now na. e pwedeng tomorrow tomorrow i love you tomorrow naman o kaya sa makalawa. pero wikikik, ngayinz talaga. kung kelan namang jebs na jebs ka at pinagpapawisan ka na ng malamig at kinikilabutan ka to da max at humihilab na mga hita mo at yung utong mo bato na. gudlak naman, davah!?!
kurek. dahil sa hinaba-haba man ng rampahan, sa banyo din lahat ang tuloy. at wiz ko kerri jumerbaks sa gateway noh?! kahit sa pa-pay lounge. environmentalist akeiwa at lab na lab ko ang mga puno kaya wichelles fan ng tisyu paper si atashi. maka-tabo ang lola mo.
at dahil bet ko jumulina magdangal ng matiwasay nang wit nag-iiwan ng mala-hansel and gretel na remembrance, pinilit kong mag-fly ora mismo. saka naman naisipan ng tadhanang magpatawa. paksyet!
sa mga moments na ganitech, lahat ng mali mapapansin mez na sa ordinaryong araw e wala wala lang.
gaya nitiz. para maka-juwi akechi agbayani kailangan mag-ride ng jef-x na SSS. overflowing ang mga linalangaw na SSS na fx pag wishing akiz pumapara. pero pag pa-juwi na akeiwa disappearing act ang mga SSS at mega sulputan naman yung mga pa-cainta, san mateo, parang, bontalu at tikling na na-imajin kez na jisang tiny-tinyhang bayan kung san patok ang mga pistang nayon, palo sebo at mga brass band na havs ng own bersyon ng "sex bomb" at "boom-tarat."
eto pa. pag minalas-malas ka. matatapat ka sa driver-sweetlover na lahat ng sho-o sa sidewalk hinihintuan, kahit wit pumapara. kahit yung mga sidewalk vendor. at kahit yung mga nagpapahangin lang ng kili-kili. kaya hinto kayo ng hinto. nagre-rebolusyon na nga ang bahay jerbaks mo, naaalug-alog pa.
pag may pumara naman, isang linggo bago sumakay. ms portugal na, slovak republic pa. nag-iinarte. at yung iba, choosy kung choosy. kailangan sa harap sila naka-jupestra. deal or no deal ang labanan. o pag-magjowa kailangan shutabi sila.
tapos pag sa likod ka naupo. yung mga asa gitna, deadma pag nagbabayad ka kahit sabihin mong "makikisuyo po" o "paki-abot po." patay malisya kunwari. at pag tinaasan mong volume ng boses mez para wa nang excuse letter na wit ka nila ma-heardsung, iismiran ka pa with matching bulong-bulong. kung hindi lang ako naje-jebs, nagkasabunutan na.
tapos may sasakay, bababa daw diyan lang. magbabayad ng sampu. i-eksena ang driver-sweetlover at ipagpipilitang kinse ang katumbas ng "diyan lang." magagalit si pasahero. at magdedebate sila at maga-accounting sa bawat pagtaas at rollback ng presyo ng langis. ang ending, exit si pasahero at super wait na naman kayinz ng bagong sasakay. bawal umandar hangga't hindi kayo mukhang sardinas.
at yung mga may batang dala, at sa likod umupo, ipagpipilitan nilang gawing pang-shotluhan ang jupuang pang -duwahan lang. tapos biente lang ipa-payola. habang ikaw, upong limang piso na lang. pero dahil bata yon, hindi ka na magsasalita.
at kung kelan bisi-bisihan ka sa pagma-muscle control, saka ka i-eskandaluhin ng monotone bersyon ng "bituing walang ningning." (wag ka, ma-ondang lulurki itiz) madidistrak ka. ayaw pang sagutin, gusto tapusin ang second verse hanggang coda. at pag na-answer na itech, makikipagchikkahang akala mo walang sikreto. kurak! chikkahan bukas, ngayon ang broadcast. live via satellite ang phonepatch. jiritation!
at iteklavu, kaka-imbyernadette cembrano to da highest level. may papara tapos bababa. wala pang isang ruler kayong umaandar, may papapara na naman. hindi na lang bumaba kasabay nung isa. kailangan sa tapat talaga mismo ng pupuntahan niya. pahintu-hinto na naman. siyempre alug-alog uli bahay jerbaks mo.
at pag-uwi mo sa bahay, feeling mez success story ka na. ligwak! may gumagamit ng banyo. isang dambuhalang haliparot na baklang nagpupumilit magbabad sa balde. at sa sobrang lapad niya e isang linggo bago siya ma-finish mag-luffa mae quintos.
pagkatapos niyang maligo, exit si bakla ng banyo na nakatapis at may tuwalya sa ulo. parang walang nangyayari habang ikaw state of natural calamity na sa napipintong irapsyon ng bulkang juwetra.
sasabihin pa sayo (ni roxy) "o kuya, kelan ka pa dumating? parang namumutla ka. may sakit ka ba? ba't nagmamadali ka? san ang karera? hahahaha sandali lang, san ka pupunta? chikkahan muna tayo nyahahahaha"
LECHE!?! TABIIIIIIIIIIIIIIIIII!?!?!?!?
Tuesday, January 09, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
Times like this, you need Juicy Fruit Gum!.........Mas malinamnam!!!
Pede rin gamitin yung gum pambara sa butas ng wetpaks with matching muscle control ahhhhh! syet!me tamis anghang pa!
Na-realize ko pang banyo pala lahat ng kanta ni Alanis Morisette. Ironic - kanta habang nagpipigil katulad ni Wanda. "Thank You" pag naka-upo na sa kubeta. "Wash Your Hands Clean of This" pag tapos ka nang mag-ebs. Shocks! Ngayon ko lang na-decipher ang hidden message. Charing! Eye-opener talaga mga blogs mo Wanda!
informative! entertaining! sipag mo magkuwento ngayon! wala pa bang gamot para magpigil ng ebs?
diba ang diatabs, na-stop nya yung paglabas ng ebs?
Post a Comment