Thursday, January 11, 2007

Apols en Orenjes

apols: nagpa-gerger ka nang walang condom?

orenj: nagpa-gerger ako nang walang condom.

apols: ba't ka nagpa-gerger nang walang condom?

orenj: kakasira ng moment pag may condom. tsaka wala akong dala.

apols: sana hindi ka na nagpa-gerger. wala kang takot sa sakit?

orenj: mukha naman siyang mabait e.

apols: magkaka-AIDS ka na.

orenj: OA ka. nagfi-fitrum ako.

apols: as if. e pano kung siya mabigyan mo ng sakit?

orenj: duraan mo na lang ako sa mukha. malinis ako. besides, binigyan ko naman siya ng P200.

apols: hah? callboy ito?

orenj: ang rude ng term ha??

apols: nagpa-gerger ka sa bayaran??

orenj: anong bayaran?? charity work yon.

apols: di na kita friend. may AIDS ka. nagbabayad ka pa for sex.

orenj: mr clean, ikaw ba yan??

apols: wala akong ginagawang mali.

orenj: kaya mo bang bilangin kung nakaka-ilang one night stands ka na ever?

apols: ang rude kung maga-accounting ako.

orenj: nagpapa-gerger ka pa din kung kani-kanino. pokpok!

apols: gumagamit ako ng condom.

orenj: qualified ka pa ring pokpok of the week. nagiging santo ang aso pag-itabi sayo sa dami ng naka-gerger mo.

apols: hindi counted yon. nagpapa-gerger ako with condom. walang skin to skin contact.

orenj: ano kayo, nakadamit pa while gergering? o isang milya ba haba ng nota ng mga naka-gerger mo at walang skin to skin contact?

apols: may condom nga e. so parang wala lang.

orenj: so condom ang deciding factor?

apols: condom at pera. gumagamit ako ng condom at hindi ako nagbabayad.

orenj: e pareho lang sitwasyon natin. dinagdagan mo lang ng condom at pera.

apols: magkaiba yon. apples and oranges.

orenj: so may condom at pera na in between, may fruit cocktail pa.

apols: ay TANG-A!!! basta magkaiba tayo. iba na feathers mo. e birds of the same feather, stick together.

orenj: so ngayon may manok nang kasama.

apols: hindi ka nagco-condom at nagbabayad ka, hindi na same feathers natin.

orenj: birds of the same feather make a good feather duster.

apols: basta, ikaw at ako, apples and oranges.

orenj: so kung yung gerger ko ay may condom at walang bayad, ok tayo don?

apols: parang ganon na nga.

orenj: pano kung walang condom?

apols: di pa rin tayo stick together kasi walang condom.

orenj: pano kung pumunta ako ng bar, may nakilala ako at inuwi ko sa bahay, at nag-gerger kami, ok pa tayo don?

apols: so far, so good.

orenj: after namin mag-gerger, binigyan ko siya ng pang-taxi. same feathers na tayo?

apols: may pakimkim eh. malamang hindi.

orenj: pero hindi yon bayad. pang-taxi lang.

apols: kung ako yan, after ng gerger tapos na. ganon ang one night stand. pwedeng maulit pero hanggang second serving lang. pag lumampas don, fu-bu na kayo.

orenj: eh pareho lang yon. polite lang ako don sa pang-taxi kasi sa bundok pa ko nakatira.

apols: hindi argument yan kundi excuse. diyan ka magaling e, maghanap ng excuse.

orenj: hindi excuse yon. pinapamukha ko lang sayo na peraho lang yon. parang two sides of the same coin.

apols: two OPPOSITE sides of the same coin. in-edit out mo yung OPPOSITE. importanteng word yon.

orenj: sorry ha. ang emphasis kasi andon sa SAME coin. OPPOSITE side man, iisang barya lang din ang pinag-uusapan natin. meaning pareho lang yon.

apols: magkaiba yon. parang apples and oranges.

orenj: lecheng mga prutas yan. hindi man nagsasama sa iisang salad, pero parehong prutas pa rin sila. gaya ng pareho tayong nakikipag-gerger sa hindi natin kakilala.

apols: pero gumagamit ako ng condom at hindi ako nagbabayad. apples and oranges. period!

orenj: detail. may condom man o wala, may bayad man o charge sa beauty card, meaningless sex pa din yon sa strangers. same coin. period!

apols: i dont talk to strangers.

orenj: alam ko. nakikipag-gerger ka lang sa kanila ... tsaka minsan your mouth is full kaya you cant talk.

apols: e basta magkaiba tayo. apples and oranges!

orenj: hindi argument yan kundi excuse. see, pareho talaga tayo! same coin!

apols: hindi pa rin tayo same feather. no sticking together.

orenj: ayos lang. ayaw ko din naman maging manok in the first place.

lemons: when life gives you lemons, you make lemonades.

apols: at sino ka naman?

orenj: leche! enough with the prutases.

2 comments:

Anonymous said...

orenj: kakasira ng moment pag walang condom. tsaka wala akong dala.

Dapat

orenj: kakasira ng moment pag may condom. tsaka wala akong dala.

wanda, ilusyunada said...

thanks anonimus

na-edit ko na po ...