pasok na pasok ang christmas party ngayong pasko. vahket kaya noh???
nung nag-fly akez sa balay-china ng friendship e tatlong christmas party ang nadaanan kez. lahat sa may basketball court ng subdivision nila. potluck. im sure may nag dala diyan ng pansit, spaghetti, carbonara o baked mac o lasagna para don sa gustong pa-sight na nag-effort sila, prinitong manok, baliwag's lechon manok para sa mga wang time mag-prepare, o kaya andok's manok, mang bok's manok at kung anek-anek pang klaseng luto ng manok, pati leche flan, buko salad, macaroni salad at gulaman na may lamang fruit cocktail.
siyempre quorum rin ang mga home owners na masho-shonda, na in real life e pinagtsi-tsismisan ang isa't isa, so plastikadang orocan ang dramahan, with bidyoke pa para bawas tension. crowd favorite sa mga kantahan challenge ang "ang pasko ay sumapit" at "we wish you a merry christmas" para sa mga nagpapa-kwela effect, "bituing walang ningning" at "pinoy big brother theme" para sa mga hindi maka-move on, "luha" at "halik" by aegis para sa mga performance level, "bakit ba ganyan" para sa mga umi-idolo kay dina bonevie, "tamis ng unang halik" para sa maka-tina paner, "on the wings of love" o "this is the moment" para sa mga feeling asa contest lagi, "narda" at "hallelujia" para kay daddy na nakakalimot ng edad at "daisy siete" para sa mommy'ng naba-barkada kay yaya. pero hindi kumpleto ang christmas party with bidyoke kung walang kakanta ng "pasko na , sinta ko." lagi yan. isa sa tatlong subdivision lang ang kumanta ng "wowowe'ng pamasko." wala ni isang bumanat ng "keys me" ni allysa alano, na-disappoint ako. parang kulang ang pasko ko.
hindi rin mawawala yung mga pa-raffle na naging subject ng mainit na diskusyon namin ng superfriendship ko. kasi nagbabalak din kami mag christmas party, at lilipulin ang sangkabaklaan nung highschool pa kami para magbaliktanaw sa lahat ng kabaklaang ginawa namin non. so pinagtatalunan namin ang tema at kung anek-anek pang pakulo.
nauwi kami sa theme na intergalactic, pero yung balikbayang baklang friendship namin lang ang makaka-alam para mag-effort siya. patok kasi sa kanya yung mga costume-costuman party na ganyan. tapos pipilitin ka niyang i-explain sa harap in 500 words or less kung ano ang significance ng costume mo sa general view mo sa buhay o sa pulitika o sa presyo ng xenical. kailangan gamitin ang mga salitang "signs" at "symbolize" at "i believe that ..." at "in conclusion." so in da end dadating si friendship naka-costume habang kami e naka tsinelas lang at hindi pa nagsusuklay.
tawa kami ng tawa don sa idea. na-imagination na ng mga lola ang mga metryales sa pag-gawa ng intergalactic costume. malamang may aluminum foil, silver leggings, christmas lights at siempre extension para nakakagalaw ng konti, at tone-toneladang glitters na gold at silver. pang-queen of the world. kabog!
tapos siyempre may registration. kailangan i-identify kung gay, transgender, transvestite, bi, straight-tripper(?), straight curious(?), bi-curious (na nakakaloka talaga kasi kung bi ka na nga ba't curious ka pa din e nasubukan mo na pareho). tapos kailangan mag-fill up ng form kung ikaw ba ay top, bottom, versa, exclusive top o kaya exclusive bottom. sa mga hindi nakaka-alam, ito ay tumutukoy sa mga posisyon (yuck! bastos!!!). ang lahat ng ito ay kokolektahin para sa seating arrangement. para kunwari may order at pinagplanuhan.
at najisip din namin yung mga pa-raffle sa aming christmas party. eto ang ilan sa mga na-brainstorm namin:
isang brand new (??) reconditioned NOKIA 5110. (pinag-iisipan namin kung ito ang grand prize o yung desktop pc with floppy disk na sing nipis ng paper-china. kalabisan ata kung yung jurrasic phones ang pang-gib away)
lume-level dito yung pager. dalawa, para may kapalitan ka naman ng message (tapos pag be-behklain mo yung message mo e ii-ispluk ng operator, "sorry sir/mam, we cant put that on your message ..." hanggang sa "call me" na lang masasabi mo)
olympus typewriter with case, and ribbon with red and black ink (sosyal!!! kinu-consider naming samahan ng liquid paper na pwedeng gamiting pang-cutix kung medyo may saltik ka)
family computer with 100 in 1 tape. (naalala namin yung mga panahon na kailangan mong hipan yung ilalim ng tape o kaya yung mismong pagkakabitan ng tape sa paniniwalang nakakatulong ito sa paglilinis e nalalawayan mo lang naman sila)
betamax with two blank tapes. (at least may blank tape ka, san ka pa?!?! at walang magtatangkang manghiram sayo. goodluck naman davah?!)
sony walkman with beltclip. (at least sony pa din siya, at portable na portable gawa nung beltclip. di pa kami ka-sure kung sasamahan ng boxed set ng multiplex)
20 mini fan (yung mga nausong fanilet nung laging may brown-out na di-baterya tapos hinahawakan mo lang) in vibrant pastel colors, en again, with stand para futuristic.
casio wristwatch with built-in calculator. (san ka pa talaga?? relo na, calculator pa. at casio ito hahahaha)
one starter kit o isang pakete ng kisses para i-breed mo (basta ilagay lang daw sa bulak na may alcohol at polbo at itago sa madilim na lugar at wag na wag sisilipin cheverlyn)
P150 gift certificate galing scott's burger. (di mo siya ma-remember me this way? yung mascot niya e yung bagetz na yung ulo e asa loobstra ng gigantic hamburger. wala pa akiz nasa-sight-china na live mascot nitrax. malaki na yung P150, kasi buy one take one forever ang hamborger sa scott's burger, hanap ka na lang ng branch)
tapos, nung medyo mina-migraine na kami sa kakatawa, napag-kasunduan namin na plano lang ang lahat at hindi naman matutuloy. at na-realize namin na nao-onda na ang mga lola at natutuwa na kami sa mga bagay na obsolete.
hindi totoo na past is past. lalo na pag nakakatawa siya.
MERI MERI HAPI CHRISTMASING MGA BAKLITA!!
Sunday, December 24, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
May nagtitinda pa ba ng 5110? Balak ko bumili pag-uwi ko diyan para kahit ma snatch ok lang..hehehe! So ok yang grand prize mo!!! Hehehe!
asang bahagi ka ba ng mundo, anonimus?
wala na ata. hanap second hand tapos papalitan na lang ng housing hehehe
sali ka sa raffle? ahihihihi
baka ipalunok pa sayo ng holdaper yung 5110 mo hihihi
Sa UAE ako, kakatawa mga blogs mo, gamot pampawala ng tensyon sa mga eksenadorang arabo. Wish ko lang hindi nila eto ma discover at baka i-censor naman katulad ng ginawa sa friendster and myspace before. So sosyalera na pala ngayon ang mga pinoy, wiz na type ang 5110. So 3210 is the new 5110? Baka di rin tanggapin ng snatcher ang 3210? :(
ate wanda, meron pa kaming family computer, with the tapes!
Post a Comment