magulo ngunit dalisay ang mall pag x'mas. magulo kasi puro pila, puro taong nagmamadali at nakikipag-unahan sa pamimili. dalisay kasi minsan lang sa isang taon di magkandaugaga ang tao sa pamimili ng kung anek-anek para sa ibang tao, hindi basta makapag-debbie gibson kundi makapag-pasaya rin kahit papano.
nagpasalamat akez at wiz akez nashomad tumayo at gumora sa mall. kahit saglit na-witness kez ang kumakalat na magic ng x'mas.
rumampa akiz kaninechiwa sa bontalu (sta lucia, cainta). at napahinto akez at linamon ko at ninamnam yung gulo at dalisay ng mall. ngarapei (sarap). hanggang sa ...
"BAHKLAAAAAAAAAAA!!!"
ligwak. napahinto ata ang madlang pipol within my area op responsibility. pati ata mga escalator natameme. may konting dead air. kaya na-getching ng lola mo na ako ang vehklang tinutukoy wala nang iba pa. parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan kez.
liningon ng lola mo ang pinanggalingan ng kagilagilalas na pagbati, at tumambad sakin ang kahindik-hindik na mga mala-diegong labi ni vivohra, ang ulirang balahura ...
naalala ko. nung nag-transfer akez ng college, bagong environment so feeling ko pwedeng mag-change costume. mala-mala straight-china ang drama. nabarkada akez sa puro otoko-san na mga effect ang fez. wa sila idea na josama nila ang tunay na prinsesa ng atlantika. at nung araw na may i decide kaming mag cutting at lumafang-galore na lang, e narinig ko ang umaalingawngaw na "BAHKLAAAAAAAAAAAAAA!!! KAMUSTA KA NAAAA!!!" di ko alam don din pala nag-aaral si vivohra.
instant outing tuloy akez sa newly nyorkada. nung sumunod na linggo, mag-isa na lang akong nagja-jollibee.
ganyan si vivohra. walang pinipiling oras o lugar o pagkakataon. siguro kahit nagugunaw na ang mundo at nakita ka niya sisigaw yan ng "BAHKLAAAAAAAAA!!!" at makikipag-kamustahan.
"bahklaaa, kamusta naman?"
"eto, ayos lang" sagot ko, dahan-dahan pa lang nagsi-sink in sakin ang mga kaganapan sa bontalu.
at nagkamustahan kami kahit dinadaan-daanan kami at nagkaka-pasa sa mga tumatamang plastic at paper bag. inisa-isa niyang kamustahin yung mga kakilala namin at pati yung mga siya lang ang nakakakilala, asang makaka-getlak ng fresh at exciting chikka. malay ko naman sa kanila. nung wala na kaming malait na common friendship ...
"balita ko panay hanashi mo sa mga bakla don sa website mo ..."
siyempre ang tinutukoy niya tong blog ko. pero patay malisya ang drama, kaya di ko siya ma-korekted by na hindi ko nilalait ang mga bakla. ni hindi ko nga siya nababanggit. tapos naglitaniya si vivohra kung saan niya nakuha ang chikka tungkol sa blog ng lola mo.
"bahklaaa, gusto mo bang sumikat?"
"at bakit?" patay malisya ako ulet.
"idedemanda kita. paninirang puri!!!" excited pa si vivohra.
"AT VAHKET?? ABER!!!" tanong ko.
"pag dinemanda kita. maba-balita tayo sa tv. headline: dalawang bakla, nauwi sa demandahan. iringan ng mga baklang starlet, mukhang mauuwi sa patayan. marikina, dineklarang state of calamity. malakanyang, nanghimasok. daniel smith palalayain."
"uy! cruzh ko yan!" kinilig ako ng konti.
"ako rin. ako rin. patok di ba? human interest. tapos ang magbabalita si susan enriquez. kay susan tayo!! ahahahaha"
"hahahaha subukan mo lang, ipapa-citizen patrol kita."
"bet ko yan. bet ko yang konsepto na yan. may social relevance kuno"
"lokaret ka talaga, vivohra!"
"eh sisikat ka nga e. gagamitin mo lang ako."
"taray!"
"tapos papa-interview ako sa kapuso network. ikaw sa da buzz. tapos tatanungin ako kung anong message ko sayo ... tapos sasabihin ko, 'itigil mo na to, alam naman natin ang totoo. wag mo na akong siraan, naapektuhan ang pamilya ko. naapektuhan ang career ko.'"
"manigas ka. parang ako pa yung masama," segwey ko.
"keber!! hindi naman mahalaga kung anong trulili. kaya nga showbiz eh."
"tapos maggi-guest ako kay dj mo!!!" aaminin ko, slightly excited ako sa idea.
"flangganang butas! gusto ko yan. tapos magne-name drop ka ng mga jortistang naka-chorbet mo na. panalo!!!"
"eh magsisinungaling ako?" kunwari affected.
"itz showbiz lola. isang malaking show."
at na-imagine ko lahat ng interview. lahat ng tv guestings ko. at mga potential sing and dance numbers pag pinilit ako. o kahit di ako pilitin, magvo-volunteer ako. dead ma na sa dalisay ng pasko, mas interesado ako sa show ni dj mo.
"so pano, text mo na lang ako kung ready ka na ..." at nag-exchange kami ng numbers bago mag separate lives. sincere ako don. kasi kung wiz ko like na i-text mo ko, ako lang kukuha ng number mo at magda-drama na ipapa-miscol na lang kita. taruzh!
pero in fairview talaga, na-enjoy ko yung chance encounter ni atashi wit da reyna emperatris ng mga balaj. paskung pasko ang aura ni bakla kahit wa labis wa kulang ang kabalahuraan. punung puno siya ng pagbibigay. ngayon binigyan niya ako ng ikakatuwa.
lahat naman ata tayo may ganung klaseng friendship. yung ayaw mong makasama kasi kinaiinisan mo pero pag wala siya nakaka-miss din. di mo nga lang ka-sure kung nami-miss mo siya bilang siya o ang nami-miss mo lang eh yung feeling na naiinis ka.
tapos nag resume na ako sa pag-rampage. taas noo ang pilipino, ang pilipino ay ako. nang makalakad ako ng konti, nagpahabol pa si vivohra ...
"BAKLA, BAKLA, HINOG KA NA BA?! OO, OO, HINOG NA AKO ..."
at dinagdagan pa ng ...
"BAKLA YAN!! MUKHA LANG HINDE, PERO BAKLA YAN!!!"
sabay fade away halakhak. pinagtinginan na naman akez.
binabawi ko na. leche! "sana tinulog ko na lang to," bulong ko. "jujuwetiks na ko."
Friday, December 22, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
paano nalaman ni vivohra ang tungkol sa blog mo???
ang chikka diyan kapatid e may mahaderang friendship na chumikka kay vivohra tungkol sa mga hanashi ko ditei sa net ... basta dinaan sa chikka lang mother.
manas ka ba talaga? ahihihi
Post a Comment