ang unang isyu ng pito-pito (ay! may ganon talaga? feeling daw ba??) mga favorite tv show ng lola mo ng bagetz pa akez na malamang lang e nakapag-dulot ng kakalokang epekto sa fromative years ng lola mo. na format talaga ako. parang diskette. at ang gandah-gandah ko na hihihihihi
7. my little pony
bet ko ma-debbie gibsungan ng my little pony nung bagetz pa akez. yung mga toys na pinagyayabang sa uncle bob's lucky 7 club. imagination ng lola mo na may i shuklay akez ng bohokstra ng mga pony na havs ng ka-tatooan sa wetpaks. gusto ko rin magkaroon non.
pero kasi akala ng mudra at pudra ni atashi na shoshondang otokiz ang junakers nila, kaya puro bola at baril ang binabayla sa lola mo. jiritation to the max talaga. eh gusto ko ng lutu-lutuan, barbie at my little pony. na may balay-balayan pah ahihihihi
6. she-ra
"for the honor of grayskull!! i am she-raaaaaaaaaaaaah!!!"
si she-ra ang sagot sa mga nangangarap na badesa si he-man. winner davah!! at yung name niya. vehklang-vehkla -- princess adora. ADORA!! BAKLANG-BAKLA. havs kami friendship dati taga ibang parlor na adora ang name-sung. si baklang adora nyahahaha
bet ko talaga yung shobayo niya, si swift wind. na boses bakla. slight tining pa, ka-boses niya na si frida ahihihii
jiritation lang nung inispup itiz ni joey de leon. she-man. wiz ko yun pinapanood. nung pinalabas yon closetta pa ang lola mo. kaya nagi-guilty akez pag may i watch ng mga jolikula ni joey wer badesa and dramamhin ng lola. pinagpapawisan pati kili-kili ng ate mo. at wiz ako makalunok ng laway. feeling ko alam ng lahat ang sikreto kez.
5. rainbow brite
welcome to buhay makulay!!! wa ko interes diyan dati kay rainbow brite.
feelinggash kez na iteklavu e para sa mga adiktus pekinensis sa coloring book. e shomad magkulay ang lola mo. laging lampas kasi akez nooners mag coloret. noon, ang trip na ng lola mo e rumonda patrol sa village. pero dahil bata pa akez, wa pang sumisiseryosong magpa-kuping sa lola mo ahihihihi
besyds, ang tv namin nooners e sirang colored tv na ang tanging kulay na kinikilala niya e green. kung hindi pa yon pinalitan, malamang nagka-katarata na akez. charoz!!! kaya di ko sila na-appreciate, si rainbow brite at yung crayola friends niya. kasi sa tv namin kulay green silang lahat.
nung magka-rainbow brite doll ang shupatembang kez nung bininyagan siya, ginetlak ko talaga at tinabi ko sa pag-borlogs kez. bongga pala yung skirt nitech. kumpleto ang ROYGBIV (kung havs ka ng fine arts nung hayskul, alam mo yan)
sa channel 9 itich dati. pero laging replay hanggang sa nawala na lang. san ka pa?!!!
4. care bears
ay! who cares, care bears. sineklavich vahh ang wiz familiarity sa mga teddyburr na itiz na havs ng ka-tatooan sa tiyan. at in fairview, napaniwala nilachi si atashi-belles na kerri mo mag walk sa mga ka-julapan.
miss congeniality ang drama ng mga itiz. parang sarap i-hug. sarap maging friend. nung bagets pa akez, dream ko magkaroon ng friendship na care bears (havs ako friend na majubis, tawag namin sa kanya care bears ... pwede na yon) itiz ay bago ko pa marealize na may iba pang channel sa TV (gaya ng animal planet) na may i show ng mga osong lumalapa ng tao. ORKOT! eh ayoko na pala sila maging friend ...
3. jem and the holograms
ka-level itich ng blusang itim. kaya lang si jem naman havs ng nagmamagandang earings at hindi siya kapangitan. siya yung manager tapos siya din yung bokalista ng banda niya. eh slightly bobita mirasol yung mga ka-banda niya at di nila ma-figurine na si jem at yung manager nila e i-isa, nagbihis lang. ba't nga ba siya nagpe-pretend? ay, malaysiya pakistang. basta ang bombo radyo talaga. kainis. ba't ko ba sinama sa listahan tech?!!!
2. super boink
saglit ko lang na-sight itich. pero may i subaybay din akechi agbayani. simple lang ang chikka. havs ng gelay na transformers into super inday. kaya lang may problema. nagiging superhero nga ang lola, pero super baboy naman ahihihihi chabelitang oink oink na panalo sa ribbon at sa pagka-pinkalu. kinabog si mcf ahihihihi
kung mamalasin ka nga naman. naging super hero ka nga. kaya lang runner up lang tech. familiarity ka kay bu-bu cha-cha? wiz yan super hero pero yan malas talaga. cartoons din yan. yung chikkadorang aso na kariret pa. alam mo yon? true! malas talaga. aso ka na nga, kotse ka pa.
pero kakatawa talaga siya ... dapat nag team up na lang si super boink at si bu-bu cha-cha.
1. sailormon
ang mother op all transformation. baklang-bakla talaga!! ang source ng power nila e compact, lip gloss at kung anek-anek pang madalas makita sa bakla. hayskul akez nitich at pinapalabas sa channel 5 tuwing sunday.
pag josok kinabukasan, meeting ang mga vehkla sa hallway ng skul at may i discuss sa mga kaganapan sa buhay nina sailormoon. apekted talaga kami non. at pilit namin inaalam kung aneklavich ang tunay na katauhan ni tuxedo mask at kung anek ang super powers ni sailormoon ("moon chala aksyon!!" ano daw???).
gusto namin maging sailorwarrios noon. wiz gawa ng powers. wiz gawa ng fez. kasi bet namin ang outfit nila.
havs pa nga ata kami ng picture noonchiwa na ginagaya namin ang mga pose ng mga hitad ng buwan. sa hallway pa dati, sigaw ng mga papansing jokla, "kami ang tagapagtanggol ng pag-ibig at katarunangan kami ay ..."
may sumagot galing sa loob ng classroom, "mga bakla!"
tumahimik na lang kami. hindi namin ginagamit ang kapangyarihan ng buwan laban sa mga mae-elyang homophobic ahihihi
Friday, November 03, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
ay bet ko din yang si sailormooon
pero ako c sailor jupiter hahahaa
super ibabato sa langit ang abaniko sabay sigaw ng
jupiter power make up hahahahahaha!
namiss ko high school haayyyyyyyyyyyyy!!!!!!!!!!
kakatuwa naman tong post mo...paborito ko rin dati yung iba mong nabanggit -- yung care bears, rainbow brite saka si she-ra (gumigising pa talaga ako nang maaga para ke she-ra hahaha)
uy, kung type na type mo ang sailormoon, panoorin mo rin yung Wedding Peach...mas nakakatuwa yun for me, ganyan din superhero na pag nagtratransform girl na girl, nakasuot pa ng wedding gowns :D
ang alam ko yuing sa jem and the holograms meron parang computer/AI ek-ek na si "Synergy" na apparently e nagcocontrol ng mga satellites para mag-project ng holograms sa kahit anong parte ng mundo, na nag-crecreate naman daw ng illusion ng pag-transform ni jem. Tatay niya ata gumawa nun. Di ko na rin matandaan kung bakit nga ba siya nagdidisguise, e. Gusto ko yung kalaban nilang banda---the misfits.
Nanonood ako ng mga iyan noong bata pa ko liban sa rainbow brite. he he he. Me care bears pa rin ata ngayon sa QTV 11. Tiger Shark ba nakapanood ka dati?
May Gali! Bakit hindi ko ba narealize na fated na ang future ko simula nung naaddik ako kay sailormoon noon?
omigod! as in parang naka relate ako sa lahat! lolz!
Shalom! Charlotte Jordan . payday loans
Post a Comment