roxy: halaaaaaa! sinasalakay tayo ng mga ostRICH!!!
jumosok ng kyorlor kanina si bakla, nagmamadali, natataranta, habang sitting pretty at nagkukutkot ng kuko sa paa at may i watch si atashi ng pinoy dream academy.
wanda: hoy lukrecia kasilag, huminahon ka!
nag-news flash si susan enriquez. PASOK!
roxy: havs ng kari-karu janchi sa shopetbahay. wa ko knows kung sineklavu. basta mga baklang rica. nagpa-panic buying ng mga bagetz.
may i run si bakla sa kwarto. wa ko knows kung anek ang nangyayari. di naman ako apektado. masakit ang hinlalaki ko sa paa.
um-exit ng kwarto niya si roxy, carry ang coin purse na parang puro tansan. makalansing, ang ingay. dama mong puro barya.
wanda: hoy! hoy! ano yan? manga-ngaroling ka?
roxy: anuvah kuya!?! kinakabog ang beauty ng mga bakla. parang wiz ka pa afaketed. teritoryo natin itech, kuya. inaagawan tayiz ng teritoryo. warla na itech. warla itech.
don ko lang na-getching na parang aruwana (tama ba spelling? basta yung isda) ang mga bakla -- makinang, glittery tsaka teritorial pero wa namang dalang swerte.
dahil havs ng mga bagong fez with built-in seiko-seiko wallet ang wallet na maswerte, dead-ma ang mga otoko-belles sa mga parloristang dukha. siyempre, don na sila kung san generous sa ginang give-aways.
roxy: mga bagets na bek-bek, kuya. havs pa ng kariret. at magpapa-nomo sa mga shombay sa labas. kabog ang beauty namin ni frida.
wanda: kamustahin naman ang fez ng mga bagets na bakeshop?
roxy: chakka, kuya. chakka talagang mga bakla. may anjus lang. chapter to the highest power. pwede ka gumawa ng libro, chapter wan to por.
wanda: anong level ng ka-chakkahan?
roxy: maganda lang ng konti kay frida ... ahihihi
sabay enter ang lola frida mo.
frida: leche! mukhang mga kalyo! mga kalyong may pera. leche!
hehehe maganda lang ng konti kay frida pala ha? hehehe
wanda: anong krisis ito, frida?
frida: dini-dead ma kami ng mga otokiz, kuya. rumampa ako pero malaysia pakistan talaga ang drama. kinukuyug nila yung kumpetisyon. palibhasa mukhang ma-anda. lecheng mga lulurki yan. walang utang na loob. mga patay-gutom!
roxy: lecheng mga bakla yan. mga sampid!
moment of truth. nagtitigan ang duwaching baklita.
frida: naiisip mo bang naiisip ko?
roxy: oo ... pero ...
frida: dignidad natin ang nakataya, roxina. hindi na nga tayo MASHADONG kagandahan, bobita mirasol pa, tapos mawawalan pa tayinz ng dignidad. yun na lang ang meron tayo, bet mo bukas hindi ka na bida? hindi ka na nila sisipulan? hindi ka na nila sisigawan ng "bakla, bakla!"?
roxy: (kinilig) ahihihihi ... ok lang ... ahihihih (may latak pa nung kilig)
frida: TONTA! roxy, ihanda ang blusang itim ...
wiz ko na-sight kung anek ang ginetlak ni roxy. at kung anek ang blusang itim. basta pagka-shopos kumaripas sila palabas ng kyorlor.
pagbalik, kala mo may piyesta. bumayla ang mga hitad ng long neck at ilang bote ng red horse tsaka yung cheapipay na prayd chicken sa kanto na mukhang inalmirol sa mantika.
roxy: lintik lang ang walang ganti ...
binuksan nila ang bintana pati pintuan ng kyorlor. yung tipong sight na sight mo mula sa outside world ang kahalayan sa loob ng parlor kez. tinapatan pa nila ng jilektric fan ang manok. kahit ako nagutom.
frida: humanda ka, kuya ... suot ko na.
na-orkot nga akez kasi mukhang enter din ang mga lamok. kaya fly ang lola mo sa kwarto para mag off lotion (plugging!!!).
paglabas kez, andoonchi na numu-nomo sixtakels na otokiz. shopat effectionate ang fez, jisang hipon at yung jisa pa kerri nang itapon. lahat lumalafang ng manok.
trulili nga. da best way to a man's hart is tru his istomak ahihihihi naniniwala na akez ngayins. at walang pakundangang linapang ng mga bagets ang manok. duda ko namumulutan lang tong mga to ...
lumabas si roxy para sipatin ang kumpitensiya. bilog at chippy lang pala ang painom ng mga bagetz. san ka pa?! hahahaha kaya ligwak ang kumpitensiya.
maya-maya pa havs ng dumating na duwa pang lulurki. may dalang mga vcd. alam ko na kung san patungo itich.
hinanda ko na ang sarili kong ma-bantay bata 163. at ma-interview ni tina monson palma habang may i takip ng fez ang lola mo with good morning towel, "wala po akong alam diyan, wala po akong alam diyan."
frida: ano kuya? sinong nagsabing hindi nabibili ang gandah!?!
sabay tawa sina roxy at frida na parang galing sa ilalim ng lupa. dead ma ang mga otokiz. go lang ng go sa paglafang ng manok-chinatown.
hindi man lang akez naka-getlak ng jisaers.
Saturday, November 11, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
although amusing, i find it sad that something like this still exists. i mean, obviously these guys are only interested lang don sa may pera. but what i find unsettling is that we gays allow this to happen to us. mukhang katuwaan lang on their part (roxie and frida), pero still, it still perpetuates the idea na willing magpagamit ang mga bakla sa mga lalaking walang hiya.
3 times ko yata sinulat ang word na still, nadala ako ng emosyon ko... lols!
to anon:
tingin ko this is a fact that not only gays suffer from. it is a general rule of desire. straight men do this to women, some old women to younger boys, the list goes on and on. totoo ang sanabi mo, pero hindi lamang sa kontexto ng kabaklaan.
at yun, sa tingin ko, ang mas masakit tanggapin. =(
by the way, nice post. sensya, na-carry-away lang ako sa sinabi niya. so iyon. =)
i agree to what anonymous said. I find it very disturbing sa part ng mga teens kasi madalas kong mapansin na most gay people take advantage the stupidity of our youth kaya minsan ang tingin tuloy tlaga ng mga kabataan sa mga gay people eh bastusin talaga kasi yun yung nakikita nila at yun din ang pinapakita sa kanila.
and the funny thing is those gay people to does this demmands for respect.
sa palagay ko hindi pasanin ng isa o dalawang bakla ang obligasyon para respetuhin sila ng lahat. kapalaran na ng mga bakla ang bastusin. naka-imprinta na yon sa kasaysayan, ayon sa marksismo, ang walang katapusang pagtutunggali ng elemento sa lipunan.
sa palagay ko din e hindi nila sinasamantala ang "stupidity" ng mga bagets. sa tingin ko, sinasamantala nila ang isa't isa. bawat isa ay conscious sa ginagawa nila at parehong alipin ng kanya-kanyang libido. hindi monopolyo ng bakla ang pagiging malibog o ang pagbabayad dahil sa kalibugan, gaya ng sabi ni i.e. mas lantaran nga lang sa kanila. so ang respeto ba ay nakasalalay sa pag-gawa ng mali in discreet way o sa lantarang pamamaraan?
sa tingin ko rin, hindi binabastos ng mga straight ang mga bakla dahil sa gusto nilang sumuso ng ari ng kapwa, dahil ang mga straight sumususo rin naman sila ng ari ... ng ibang kasarian nga lang. ang puno't dulo ng bastusin e dahil sa madalas PAKIRAMDAM NG ISANG SEKTOR E MAS SUPERYOR SILA KAYSA SA IBA -- MGA STRAIGHT SA BAKLA.
hindi ako nagbabayad para makipag-sex. nag-aagree ba ako sa ginagawa ng ibang bakla, hindi. gagawin ko ba ito, hindi rin. pero hindi nangangahulugan na im a better person than they are.
ako ata ang talagang na-carried away ...
kasalanan mo to wanda
to ms. pacifica
pero di ba tinuturuan natin ang mga taong nasa paligid natin kung pano tayo tratuhin. Hindi porket bakla eh may tyapa na silang mambastos. Nasa tao yun kung paano niya ipapakita kung dapat ba syang irespeto o hindi. Hindi bas yun sa kasarian nya o kung ano paman.
Balik tarin man natin ang mundo di natin maikakaila na ang mga kabataang nabanggit sa kwento ay mga menor de edad ibig sabihin eh wala pa sila sa tamang kaisipan sa mga bagay bagay yan ay ayon sa batas.
Post a Comment