Monday, October 23, 2006

Ang Tantrums, Ang Pok-Pok at ang Ringback

duwachi days ago (Oct 21), havs ng may i call sa selephone ng lola mo. lumalafanggers ata si atashi noonchiwa ng very lucky me pancit canton honeymansi (plugging). siyempre shomad na shomad pa akiz gumalaw. bet ko lang maborlogs forever. e pag sagot kez, na-heardsung kez ang boses na super sing-along ng --

"ako'y alipin mo kahit hindi batid ..."

tapos havs ng super-laffin na may halong pang-aasar pa. swerte niya, gwapo siya.

marcus: tsong, you've got to change your ringback ...

wanda: MARCUS!!!!

marcus: hello ... hello? ... you there?

mahina ng slight ang signal sa loobstra ng balay-china. kaya tumambling akez palabas. sabay split sa side walk. nag clap nga yung mga nagwawalis e.

wanda: hoy! kamusta ka na?

marcus: kayo, kamusta? ayos na utol mo?

so may i news update ang lola mo, isplukara ng kung anek-anek tungkol sa shupatembang kez. chinikka ko everything. pati ang maderaka kez chuchu-alavou.

marcus: hoy! wala na akong load ...

wanda: ang kapal mo. papa-pasa load ka pa sakin ngayon. (uy! nagpapa-cute na naman si bakla)

marcus: taena mo, hindi. ikakasal na ko.

in fuhrnezz, wa na akez sense of time non. knows ko nga lang na saburday na pag wiz ko nasa-sight ang atlantika o ang ever-byondacious na si bakekang. in fuhrnez pa uli, winner ang muk-up ni sunshine dizon dooners. panalo sa special effects ang fez, compared to lugaw ahihihihi. effect talaga. pero feelingash ni atashi, nakatipid siguro sila kung si mike enriquez na nga lang yung kinast nilang bakekang ahihihihi (hindi sakin galing yan, nag-agree lang ang badesa)

wanda: oo nga noh? ikakasal ka na.

marcus: ikakasal na ko ...

wanda: ikakasal ka na ...

biglang entrance ang jilong ni jessa zaragoza, "ikakasal ka nwaaaaaaaaaaaaaaaaaah! iiwan na akong nag-iishwaaa-whaaaaaaaaa ...."

marcus: hindi na ako single ...

wanda: malamang, ikakasal ka na e. adikk ka ba? (bitter ocampo, nag-aaparisyon na naman)

marcus: kinakabahan ako ...

wanda: baka naje-jebs ka lang. i-cr mo lang yan, kerri na.

marcus: gago! siryoso ... ikakasal na ako.

wanda: oo nga, ang kulit mo.

marcus: eh, anong ginagawa mo?

ehem ... makikipag-SOP ata nyahahahaha ... feeling naman si bakla.

marcus: ang labo ko ... kinakabahan talaga ko, naka-dalawang colt 45 nako ... just tell me anything, tsong. kahit ano ...

wanda: kahit ano?

marcus: kahit ano ...

wanda: kahit ano ...

marcus: kahit ano nga ...

wanda: sayang load mo. inuulit ko lang sinasabi mo ...

marcus: taena, tsong. kinakabahan talaga ako. just tell me anything. make me laugh like you used to.

eh potah! ANOH AKOH PAYASO? si kuya germs pala kailangan nitich e. konyatan ko rin kaya ang gwapo nang matauhan ... na akez talaga ang mahalia niya ahihihihihi (ang kiri!!!)

ang hirap mag-jisip. parang pag-gumora ka sa bidyokehan, tapos wiz ka maka-getlak ng i-sisinggaling mez sa sobrang dami ng mapipili. so pipiliin mez yung pinaka-pamilyar sayinz, yung pinaka-popular para sayinz, yung pinaka-recent na kinanta mo -- gaya ng "my way."

wanda: last week. nakipag-threesome ako ... ah ... foursome pala (binilang ko ulit)

saylenz.

nasamid ata. basta may parang umubo tapos --

marcus: TAENA NAMAN, TSONG! hindi yung ganyang kwento ...

wanda: sabi mo kahit ano. kahit ano naman yun.

tapos natawa siya. natawa na rin ako ...

marcus: sensha hindi ko kayo mapapunta sa kasal ko ...

wanda: ok lang ...

marcus: wag kang gaganti ha? HA? pag kinasal ka, papupuntahin mo kami.

wanda: (super-blush ang earlelei kez, INSENSITIVE KAAAAAAAAH!!!) as if naman ...

marcus: oo, magpapakasal ka ...

wanda: (oo, sayo!) taena mo, marcus, sinisira mo umaga ko.

marcus: oo, mag-asawa ka ... feeling ko, malungkot ka e. concerned lang kami nina ricky. pati si ngongo. ngonserned nin.

kainis. akez ang napapatawa niya e.

tapos na-heardsung kez ang boses ng jisang gurlilet. si alicia ata kasi sabi niya "honey," akala ko nga akeiwa shinoshowag ng gwapo na "honey." feeeeeeeeeeeeling!!!!

wanda: hooooy!! ba't nagkita kayo ... bawal yan!!!! malas yan!!!!

marcus: di niya ko matiis e. iba na talaga pag gwapo ...

tapos nag goodbye-aray na ang gwapo. feeling ko nag sex pa sila bago ikasal. POKPOK! (waaaah bitter-bitteran talaga si atashi).

pero na-remembrance kez na nagpahabol pa siya. palitan ko daw yung ringback ko. baklang-bakla daw. asus! eh kinanta nga niya. ayoko nga! yun na lang natitirang alaala ni jang geum at ni kapitan at ng lihim na sangkap sa pagprito ng hotdog.

so feel ko agad ipag-yabang ang beauty ko. rumampa akez sa mini-711 ni aling mildred. sayang, pudpod na yung high-heels kez. andon si frida, humahala ng sarsi. leche, umagang-umaga.

frida: lecheng ngiti yan. makasalanan.

wanda: tinawagan ako ni marcus.

frida: ilusyunada! di ko bet ang karakas mo ngayon, kuya.

wanda: tinawagan niya ako. bago siya ikasal.

frida: AY! lubayan mo na daw kasi siya.

wanda: sori ka! hinihingi niya blessings ko ...

frida: blessing? ano ka pari? ano siya bahay?

dumaan si ricky, kasama si ngo-ngo. bumili ng ice tubig na piso na dalawang piso P1.50 na ngayon. eh ang yelo dos isa. parehong tubig lang naman. nag basketball sila kaya pala super kyawti talaga. as in kyoho to da highest power. yung gumuguhit sa ilong, naninikit pa sa damit. lalo na si ngongo. feeling ko siya nga yon e. at chinikka pa ni ngo-ngo na tinawagan siya ni marcus. pati si ricky. at feelingash kez tuloy pati kalahati sa village namin tinawagan niya. leche!!!

frida: nyahahahaha!!! niyahahahaha!!! (as in may turo pa talaga ang halakhak na itiz, kaka-rindih davah??)

natawa na rin si aling mildred pati yung anak niya. lost naman yung duwang otokiz.

frida: feeling ka, yaya ising! feeeeeeeeeeling ka, yaya ising!!!! nyahahahaha

wanda: CHE! AMPON! AMPON! AMPON!

at nag tantrums ako buong umaga ...

(saka na yung chikka tungkol sa threesome ... eh, foursome pala. kalowka noh??? ako man din ... POKPOK!)

3 comments:

Anonymous said...

ano ba yan? nakakakilig na nakapanghihinayang...
baguhin mo kaya ring back mo? suggestions: "sayang na pagmamahaal..." o "sayang na sayang lang, ang pag-ibig ko", o kaya "nanghihinayang, nanghihinayang ang puso ko."

Anonymous said...

kung ako yun, tantrums din ako the whole day.. sakit non!

Anonymous said...

Wanda, isa kang biyaya! Di ko lang alam if from above or below. Hahaha! Joke lang po. Matagal ko na sinusubaybayan blog mo, and nabasa ko ata ang buong archives mo in 3 days! Ang saya saya! Sana mas madalas ka pa magsulat. Color me impressed talaga!

Btw, ikaw nag-inspire sa akin magsulat. Bisita ka naman, and if you like what you read, link mo din ako (wicked3.blogspot.com). Thanks!