na sight mo na yung commercialness ng firefly? yung havs ng matronix na kahit naka-shade e naka-zoom in pa dun sa shuktay na langgam? at wag ka, nakilatis pa niya kung girl, boy, bakla, tomboy yung langgam ... kalohkah!
ganyan ang mudangchiwa ni atashi-belles. talakera.
napa-huwaaaat(!!!) ang lola mo, nung hospitality pa ang shupatembang kez, nang may i open sesame akez ng door at tumambad sa aketchiwa ang made-over version ng maderaka.
"Holey siet! You lok layk kraPP!"
yan ang salubong niya sakin. hindi "hi" o "hello" o "kamusta ka na, junakiz. ang byonda-byonda mo ngayon" kundi isang malutong na "holey siet!"
bumili lang ako ng pananghalian namin at yung barkada lang shupatembang ko ang bantay. muntik ko nang mabitawan yung pansit na binayla ni atashi.
ganyan na ang mudangchiwa ni atashi-belles ngayinz. talakerang sosyalin. krapp daw?? aba, krapp talaga ang drama ng guraming hitad. naalala ko talaga yung yung firefly tsaka yung matronix.
ang knowings ko lang e may i send ng andalu si mudang. wa abiso na gugora na pala ditei ang maderaka. for sure, tinalakan niya yung mga taga-western union na kung hindi siya ipapadala kasama nung pera e magi-iskandalo siya don. kung kilala mo ermat ko, at taga-western union ka, gagawa ka talaga ng paraan dahil manghihina ka sa talakitok powers niya. nasabi ko nang muntik siyang ma-recruit sa x-men, di ba? nag one-semester ata siya sa power academy ni kumander bawang, kasabayan niya si super inday.
eniwiz, nung umentrance ang mudang sa eksena ABA napuno talaga yung kwarto. andon ang mga kapinsanan na never before seen ever since nag check-in kami sa hospitality.
ganyaners talaga. iilang beses lang kami nakukumpleto. madalas ang reunion natataon sa mga may nag-aagaw buhay, o nashu-shuktay o kung may familiarity with kahun-kahong delata ng spam, t-shirts at suput-supot ng pinaka-rare na chocolate -- ang tobleron. gusto ko silang pagkoko-konyatan lahat e.
mabalik tayo kay mudangers.
nakakatuwa talaga yung mga balikbayan. pag i shall return nila, yung mga naiwan nila, ang unang napapansin e yung pag-uugali ng balikbayan, kung ano yung nabago at kung ano yung hindi. at yung mga balikbayan naman, ang unang napapansin e yung mga nagbago sa paligid, gaya ng mga bagong tulay o kalsada, bagong mall cheverlou o kung magkano na pamasahe sa jeep.
ang mudangchi kez, ang unang napansin e yung mga palabas sa tv. hinanap niya yung mga soap at telenovelang pinanu-nuod niya noon. bakit daw tapos na at kung anu-ano na daw nangyari? sinagot namin agad at kinuwento bago pa siya sumugod sa tv station at mag demand na ibalik sa ere. keri niyang gawin yon, swear!!
tinanong niya rin kung ano na nangyari kay sharon cuneta, judy ann santos ... siyempre may i ask kung sino si ryan agoncillo. si piolo pascual e kilala niya. siyempre, mamanugangin niya yun e.
at ang hindi inaasahan e nangyari ...
jumosok ang ka-live in ng shupatembang kez josama sina frida at roxy na gumetching ng mga gamit sa balay-china. yung mga bakla, wag ka, super pek-pek shorts pa.
sa gitna ng recap ng glory days ng mara't clara, may 7 seconds siguro na dead air. forever na yon kung kasama mo mudang kez.
para kaming nasa soap opera. puro titigan. at malamang may voice over kami, bawat isa.
"Holey siet! You lok layk kraPP!!" bulong ko.
at yung juwawiz ng shupatid kez, lumapit kay mudang at nag-mano. AY! relativity? bet ata makihati sa spam at tobleron.
siyempre pinakilala ko na. pati sina frida at roxy. na mga angels sila ni kuya sa kyorlor. pinakilala ko ang mga bakla na parang may medyas na nakabara sa lalamunan ni atashi. hindi ko kinaya.
wala talagang sikretong hindi nabubunyag. kung may usok, malamang may nagsusunog ng gulong. kainis!
nanlisik ang mga mata ni mudang. parang nag-iipon ng lakas. tumaas ang kilay, kinabahan na akez.
"mag-uusap pa tayong dalawa ..." bulong ni mudang kay atashi, with matching panginginig ng panga. tapos may i express siya ng opinyonation siya sa hiwalyang willie at yung gurlilet niyang beautiful. sabay phone in question kung nasan na yung junakiz niyang si meryll at kung sineklavu daw si bernard palanca na pinagpipilitan niyang part ng thursday group sa that's entertainment.
Holy siet talaga!!!
Thursday, October 19, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
i was praying for your brother..sana nasa mabuti siyang kalagayan...i miss you ate...ingat kayo lagi.
Post a Comment