Saturday, September 16, 2006

Wanda Desperada

mga kapatid, ang shopatid ko po ay naka-confine sa uerm hospital. mula pa noong linggo e bihira siyang nagising.

natamaan siya ng isang rare variant ng denggue na ang tinutumbok e yung utak. nasa critical siyang condition ngayon at kinakailangan ko ang mga dasal ninyo ...

maaaring ipagdasal ang aking kapatid at pamilya na makalagpas sa pagsubok na itech. at ipagdasal na rin po natin lahat ng iba pang tinamaan ng malupit na sakit na ito. kung nagkaroon ka na ng kamag-anak na nag-aagaw buhay, maiintindihan mo rin kung gaano kahirap yung nasa ganoong sitwasyon.

hinihikayat ko kayong mag-prayer brigade ... maaring hindi niyo kilala ang kapatid ko. pero magugustuhan niyo rin siya, sakaling nagkataon nakasalubong mo siya sa daan. at nadapa ka. dahil hindi ka niya pagtatawanan. kung ako yon, tinuturo pa kita habang humahalakhak na parang kontrabida sa mga soap opera ni claudine baretto.

charoz!

please mga kapatid ...

tulungan niyo ako sa pagdadasal. or text PRAY WANDA ENTER MESSAGE and send to 0917-9907615 ... for kind words and donations ahihihihi

salamat.

sana sa pagbabalik ko e masayang kwento ang hatid ko ...

6 comments:

nini said...

wanda you and your whole family have my prayers...

kakayanin nya to, kakayanin nyo yan lahat...

kung mangailangan dugo, pede rin siguro dito maghanap para masalinan naman ng kulay pink na dugo yang asul na dugo ng shopatid mo. loko lang, basta update lang kami status nya...

God bless you and your family!

eva fonda said...

my prayers to you and your family.

Anonymous said...

wanda... ano na po balita sa shofatembang mo???

MIKO said...

wanda sana maging okay ang kapatid mo, i am praying for that...

Lyka Bergen said...

Ill pray for you dahil ang kafatid ng kafatid ko ay kafatid ko rin.

Anonymous said...

OCTOBER na ano na kaya nangyari sa kapatid ni wanda? at sa kasal ni marcus?

just wondering what happened to wanda...