ang churvah ang bagong chuvah at achuchu-chuchu ...
wa natin knows kung anek talaga ang tru-blu meaning ng churvah o ng chuvah o kahit ng achuchu-chuchu, basta knowsline-china mo siya gamitin. wa ka na din akong paki kung saanchi iteklavu nanggaling at sineklavich ang may pakana. basta sureness si atashi na hindi si jolina. nagmamagandah!?!
wa na ask. kung ginagamit mo ang churvah sa pang-araw araw mong pamumuhay, pasalamat ka na lang na napapadali niya ang buhay mez. lalu na kung ikaw yung tipong shomad mag-explain.
bakit?
basta ... churvah na lang yon ...
e sino ngang nag-imbento?
ewan, siguro si churvah ...
frequent user ka ba ng churvah? di ka lang ka-sure? eh di i-churvah check natin yan.
gumetching ng 1/2 paper lengthwise (with blue-red-blue layns dapat), jisang mongol 2 pencil, at eraser na kalahating gray-kalahating white na wiz naman epektib magbura, nakakasira pa ng papel. kopyahin at i-translate ang sumusunod na chismisan nina churvah1 at churvah2:
(2 minutes lang to, parang simeco.)
churvah1: hoy, churvah! si churvalou daw at si churvahmae na-sight na nagchu-churvahan.
churvah2: charvah naman yang chikka mo. san mo naman na-churvah yan?
churvah1: basta. yung friend ni churvah ang naka-churvah kina churvahlou at churvahmae.
churvah2: ganon? eh musta naman kayo ng churvah mo?
churvah1: eto, sagana sa churvahan. taruzh!
churvah2: talaga?!! kaya pala ang churvah-churvah mo ngayon!!!
churvah1: eh si churvah mo asanchiwa?
churvah2: ewan ko don. andon sa churvah niya, chumu-churvah.
churvah1: ang churvah naman niya!?! ano na nga ba name-sung nung churvah ng churvah mo?
churvah2: err ... di ko maalala ... basta yun, si churvah!
churvah1: ano na nga yung chinu-churvah nila?
churvah2: ang churvah mo ha?!! malay ko. hindi ko alam. basta ... churvah.
churvah1: ay oo nga, yung churvah yon. naalala ko na.
churvah2: yun nga yon ... yung churvah. salamat ha ...
OK! pass your peper pleeeeeez.
im sure havs ka ng mga ganitez na chikkahan portion. churvah ka lang ng churvah at yung ka-churvahan mo e nage-getz agad kung anek ang bet mong sabihin sa "churvah."
so kung na-getz mo yung chikkahan nina churvah1 at churvah2, malamang adikk ka nga sa churvah.
kung feelin mo malala na, patingin ka na kay dr churvah, sa kanto ng churvahlet at churvahlyn.
hindi ko alam real name niya. basta hanapin mo na lang -- dr churvah -- sa mga chumu-churvah don. alam na nila yon.
ahihihihihi ... hapi churvahan sa lahat!!!
Thursday, September 07, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
aba ownga nhow!ΓΌ *crikey?* ...churva pla..wahaha
Post a Comment