Monday, July 03, 2006

Roxy Ilusyunada

roxy: kung wa ka ditey sa parlor ngayinz, asaanchi ka kaya?

frida: MA-laysiya PA-kistan ... bakit ba? ewan. kahit saan basta malayo sayo ahahahaha ...

bisi-bisihan sa pagbubunot ng mala-cactus na herlalu sa kili-kili ang lola frida mo.

si roxy naman e super shape ng mga kuko niya sa kamay.

roxy: bakit yung mga kuko sa kamay, noh? wa ka naman ginagawa pero lagi siyang madumi, ano?

frida: subukan mo kayang maligo. at maghilod ahihihi

nakakaloka kasi nga vortacious si baklang roxy. tapos ang mga kuko niya parang kay elvira. mahahaba. nakaka-bokot ever. (di mo kilala si elvira? ay, walang childhood.)

as in parang kargador o constru na biglang havs ng identity crisis, pagkashopos nagdesisyon "ay, wiz ko na bet mag mix-mix ng simento. hahada na lang akiz."

as in biggie-a mga kamay ni baklita. keri niyang takpan ang TV ng mga kamay niya at wa ka talaga makikita. kaloka!

naalala ko tuloy yung item na na-sight ng lola mo sa buy and sell minsan. yung mga swap-swapan churvah ng kung anek-anek dooners. may i ad sila. swap daw ng gym equipments nila for parlor equipments ninyetch hahahaha kakagatin ko sana e, sa kagustuhan ko lang ma-sight kung anek ang itsura niya ahihihihi

roxy: antipatika to. nire-regla na naman si frida ... haay, ano kayang feeling ng nire-regla?

frida: majinit. nakaka-irita. parang wiz ka maka-galaw.

roxy: ay! alam mo raw talaga ...

frida: ahahahaha ay syet!! sudden gush ... ahahahaha

roxy: potah ka! (lumipad ang alpombra ni roxy. kurak! may nagbebenta pa ng mga alpombra ngayon)

frida: kung herlalu ka, buhok ka saan ... sa wetpaks o sa pukingking?? ahihihi

roxy: pinapili mo pa ako. leche to ... (lumipad yung kapares ng alpombra)

frida: nakakalimot ka na naman ng ubanidad mo ha! (lumabas ng parlor si bakla at itinapon ang alpombra ni roxy)

roxy: kahit iwan ko nang kalahating araw yan sa labas, walang gegetching diyan noh??

frida: gagah! mahal na yan ngayon. antique na yan kaya.

roxy: deadmaru. mayaman akoh ... kaya nga kitang bilhin e ...

frida: o siya! bayaran mo na yung utang mo ...

roxy: wala akong utang sayo. kay kuya lang noh??

frida: gagah! yung pinangdagdag mo sa tuition ng jowa mo, hindi ba utang yon? ano yan? charity works? maha-hada ba kita??

roxy: punyeta ka talaga, bakla.

frida: nagpapa-uto ka kasi sa jowa mong rugby boy.

roxy: at least ako may jowa ... at hindi na siya nagra-rugby noh? ... kung bibigyan ka ng jisaers na wish, anek ang wish mez?

frida: wish ko tumigil ka na. ang init. hindi ko pa mabunot tong buhok na to. naiirita na akiz sa tyane na to. ang kati-kati na ng kili-kili ko. tapos kinukulit mo pa ko.

roxy: ako ... wish ko maging isang tunay na babae.

frida: para reglahin ka na? lecheng tyane to ...

roxy: hindi ... dagdag gastos pa yon pambili ng napkin. haaay, para hindi lang DSWD ang tingin sa aketchi ni lee boy. para pag nakikita niya ko, nakikita niya talaga ako.

frida: paano ba naman? parating pa lang yung bata e binabalandra mo na yung wallet mo.

roxy: afraid lang siguro aketch na hindi niya na ako kailanganin ...

frida: mahal mo ba ako dahil kailangan mo ko o kailangan mo ko dahil mahal mo ko? shobiz ka bakla.

roxy: ano nga ba sagot ni ate claudine don?

frida: malay ko ... uhm ... er ... SA WAKAS NABUNOT KO RIN!! ahahaha

roxy: parang mas masaya maging babae. mag-aantay ka na lang na ligawan ka. ilalab-lab ka ng ohmbash. kikiligin ka. ipapakilala ka niya sa magulang niya tapos lalambingin ka niya. tapos makakapag-suot ka pa ng wedding gown.

frida: may wedding gown diyan sa likod. suot mo ...

roxy: hindi ganonchi yon ...

frida: ay nag-iinarte si bakla ...

roxy: bitter-bitteran ...

frida: tonta, nage-getz kita!

roxy: wish ko lang naman maging babae ako ...

frida: bakla, kaya nga siya wish kasi alam mo wiz siya magiging trulili (nakakabulol) ... tsaka prangkahan na, ang chakka mong babae pag nagkataon ... ganoon din. iwi-wish mo naman sana havs ka ng plentious na anda...

roxy: wish ko lang naman maging NAPAKA_BYONDA kong gurlalei.

frida: anufaflu!! ilusyon pa rin ... pero keri lang yan. bakla ka e. lahat ng bakla naman ilusyunada.

roxy: pati ikaw?

frida: bakla ako, di ba? tonta ka talaga, nena.

roxy: salamat bakla, ha ... babayaran kita sa utang ko, babale na lang akez uli kay kuya.

may i open ang doorina chuvrah ng parlor-ever.

nagulat sina bakla kasi akala nila customer. ang bagal ng hapon namin. parang ang hina nga ng parlor ngayon.

sumilip si aling mildred na utangera. kala namin magpapakulot na naman, pero utang uli. tsaka turon at pop cola. letche!

aling mildred: sa inyo ba yung alpombra sa tapat? naku, tinangay na nung mambobote. sabi ko wag, bakla may-ari niyan. tumakbo lalo.

roxy: potah ka talaga, frida!!! potah ka!! wala na kong tsinelas.

lumabas si bakla at may i run to da max sa mambobote, naka-paa ...

2 comments:

Anonymous said...

wanda! nagbalik ka rin! Ü sana may explanation kung bakit ka nawala! charoz!

Anonymous said...

Si Elvira naaala mo rin?!!? Andami mong na memention na kapareho sa mga naaalala ko nung bata pa ko. Cguro pampabading ang mga yun kaya tayo nagkaganito ngayon. Charoz! Di kaya may secret ring bampading message ang chant ni Shaider na opps shige shige? Hmmmm. I'm starting to wonder ha!