Monday, June 12, 2006

Eskinol Moments

frida: naubos yung binale kong anjus, kuya. kakaloka mga lulurki ngayinz. sumasabay sa pagtaas ng gasolina ang presyo. nakakasira ng ekonomiya.

kaka-juwetiks lang ng duwachi mula sa rampahan. naliligo si roxy nang mga panahong yon. super hilod si bakla. kasi, ayon sa tsismis, e nagahasa daw ng isang mamang talyer. im sure puro grasa at engine lubricant si bakla ahahahaha.

nagpapahid ng astringent si frida. nakaka-miss ang amoy ng eskinol.

doon ko lang uli na-sight ang slight kumukulubot na balat ni bakla.

frida: pero hayok pa din sila sa bakla. parang knows nilang sure money tayo. kala ko nga havs ng limang daan sa noo kez. feeling turista kami ni roxina. pagbaba namin ng jeepestra, dinumog kami ng mga lulurki. at tingin nila talaga samin kuya, cooperatiba. 'painom naman kayo.' 'pa-miryenda naman kayo.' 'regalo ko naman, bertday ko ngayon e.' putang ina nila. putang ina nila talaga. ang sho-shopal ng fez ...

wanda: so binigyan mo?

frida: yung isa lang ... yung isa lang, tsaka yung barkada niya. ang gwapo ng fez talaga. pag pumipikit ako nakikita ko fez niya. tignan mo ...

pumikit talaga si bakla. at pagdilat e bigla daw humapdi yung mata dahil sa eskinol.

frida: hindi ka lugi. minsan sama ka, kuya. bebenta ka don.


wanda: na-kuchi mo ba?

frida: yung jisaers lang. yung di kagandahang frenship nila. umaarte nang di tama yung bagetz na gwapito.

wanda: yun naman pala. e sana wiz ka na nag-gibsungan ng kung anek-anek. sayang lang. hindi siya solid investment.

frida: ayoko naman isipin nila na wa akong pera. bakla na nga akez, dukha pa. kalabisan na yun.

wanda: e ganon naman pala. wag ka magin-ar-ar na BPI ang trato nila sayinz. kasi ganon din naman tingin mo sa sarili mo.

frida: maganda ka kasi, kuya. bata. mukhang may pinag-aralan. iba ka. pag dumaan akez sa harap ng mga lulurki, kung hindi wallet ko ang nakikita nila e si petrang kabayo. wa nang plastikan, panget ako. panget ako talaga. gumaganda lang ako kasi may pera ako. at wiz ko pinagsisisihan yun kasi kahit saglit lang, ang tingin nila sa kin maganda. ang tingin nila sakin babae ako. dead-ma kung hindi nila ako nire-respeto na parang tao. makukuha ko sa iba yon. pero maganda ako, kuya ... kahit hanggang labasan lang sila. o hanggang mabayaran ko sila ... ba't ba ako nag-eexplain sayo?

kinayod ni fridang maigi ang fez niya. palabas naman ng banyo ang naka-tapis na katawan ni roxy. banat na banat ang tuwalya sa kalaparan ng shotawan niya. para siyang suman.

pero gabi ni frida ngayon. ibang-iba talaga ang fez ni frida pag wa nang muk-up. parang hindi marunong ngumiti.

wiz ko knows kung naiiyak siya talaga o dahil lang sa eskinol ...

Saturday, June 10, 2006

Effem-phobic

nakakatuwa kasi may naka-chikka ako kaninechi sa chatroom.

silahista ang drama ng lola. ask niya si atashi, "are you gay."

sabi ko TUMPAK!

"effem?"

hindi. (SINUNGALING!!!)

tanong ko, bakit naman? e ano ngayon kung effem yung isang tao.

"ayoko lang ma-associate sa mga ganon. sa malalamya."

bakit? pag umiinit ulo ko sa mga ganitech, mahirap tantanan e ...

"nag-iingat lang ako sa iisipin ng ibang tao."

e kung secure ka sa bisexuality mo, wa kang dapat ika-bokot. parang yung mga straight. kung straight sila at secure sa sexuality nila, wala silang dapat ikatakot kahit sandamakmak ang baklang nakapalibot sa kanya (kung gwapo siya, dapat nga manginig na siya).

"there's nothing wrong with me."

ala naman akong sinabi e. dko alam kung dahil ba itech sa bobita si atashi o talagang hindi ko ma-getching ang logic ng sinasabi mo ...

"basta. ayoko sa effem."

kahit hindi mo naman siya jojowain? kahit friend mo lang siya ...

"ayoko nga. hindi mo controlado ang iisipin ng ibang tao."

knows ko yanchi. hindi ka si professor x.

so ... ayaw mong ma-associate sa mga effem kasi ayaw mong mag-isip ng masama ang ibang tao?

"yeah. something like that."

so ang sinasabi mo e masasamang tao ang mga effem?

"hindi naman. they just dont have the cleanest of reputations. hindi ako bakla. bi ako."

mr clean, ikaw ba yan?

"what's your asl nga uli?"

alam ba ng mga tao mostly na bi ka?

"hindi. ano stats mo?"

so gusto mo jisipin nila na straight ka din. at pag naki-associate ka sa effeminista, iba na iisipin nilachi sayinz? ALIEN?

"parang ganon. may pic ka ba?"

meron.

nakakatuwa naman isipin. na havs ng mga nyokla o bi o kung anek-anek man ang tawag sa kanila na willing mag discriminate ng ibang bakla, lalu na mga effem, para lang mag mukha silang katanggap-tanggap sa mata ng iba, noh?

"why are you fixated on that stupid issue? the important thing is you're not effem. period."

sa bagay. (ahihihihi)

"so when are we gonna meet? i wanna see how good you are in bed ..."

ha? kelan ka ba free kasi ako OK anytime. wala naman mashadong customer ang parlor ko lately.

hello ...

hello ...

BUZZ!

BUZZ!

hahahahahaha ... ano ka ngayon!!

Wanda, Por Layp ...

wanda: magandang magandang maganda ako palagi. umaga, gabi, tanghali ...(ang kumontra haller mga friendships! ang unang caller natin ay -- kaloka! lulurki itech -- si mark ng makati ... hellew pilipins mabuhay!!!!

mark ng makati: pwede po ba mag-request?

wanda: pag gwapo pede request, pag chakka khan pabati lang ... ahihihi

mark ng makati: re-request po ako ...

wanda: avah avah avah! feeling pogi ... may shota ka na ba?

mark ng makati: meron po ...

wanda: alam niyang shota mo siya?

mark ng makati: opo ...

wanda: nag kiss na kayo?

mark ng makati: grabe po kayo ...

wanda: sinong mas maganda samin?

mark ng makati: si rachel po ...

(please edit this part ...)

wanda: ok. sinong mas maganda saming dalawa ng shota mo ...

mark ng makati: shempre ... si baby ko po ...

(grrr ... please also edit this part)

wanda: and so, sinong mas maganda: AKO o yung JOWA mo?

mark ng makati: haaaaaaaaay ... (walang gana) kayo na nga po .... (buntung-hininga)

wanda: woohoo!! may tama ka!! so ... nakakakita ba itong babaeng ito? nasa matinong pag-iisip ba siya ng sagutin ka niya o ginayuma mo ang kawawang bilat?

mark ng makati: sa iba na nga lang po ako tatawag, dami niyong sinasabi ...

wanda: antipatiko to ... O ANO! anez ba ang request mo?

mark ng makati ...

para po ito kay rachel, baby ko ...



i want you to know that you never seize to amaze me ... everytime i see, you still surprise me ... with the things you say, the way you make me feel, and in your own sweetest way that makes me smile ...

when im with you, i feel im out of my league; but at the same time, you inspire me to be a better man, to outdo myself ...

it makes me think about the things ive done in my past. coz somewhere there, i must've done something good to deserve someone like you ...

sometimes im overwhelmed with my love that i drown in it, yet you revive me every single time ...

i will make "US" work, rachel ... and i need not say why.


i have never been happier until i met you, rach. and i will keep it that way ...

wanda: ang sweet naman ...

mark ng makati: can i please pass the phone?

wanda: ay hindi na!

Thursday, June 08, 2006

The Badiday Apprentice

glam is the path of the pink side ...
-- pink yoda

nang mag-fly ang lola mo sa bora-boracay, may na-meet akez na bagetz. hayskul itech. shopatid ng bossing ng friendship kez na na-willy sa paninisid ng mga pawikan at butanding ahihihi

say ng friendship kez na si bagito ay nachi-chismax na may potential maging tukla.

sky-rocketing high ang kilay ng lola mo dahil sobrang langsa ng matress ng bata. hindi lang potential ang meron siya. pwede siyang maging reyna emperatriz sa sagala.

havs itech ng kyopat na shopatembang na puro boylets. lahat maton. na-sight ko na sila at naka-sabay ko pa sa lafangan. at kakabokot sila. parang mambu-bugbog.

tapos pinatawag akez sa confession room.

ang task na ginibsung ni big brother kay atashi e ang amuying maiigi at kilatisin ang kalansahan ni bagito. wiz ko knows how, basta naiwan kami sa dagat, parehong sumisisid na parang mga sirena.

bagito: so whats you're favorite movie?

wanda: ha? ah e ... (potah! napasabak ako. dead ma!) marami e. bakit?

bagito: mine's mean girls. you like that too?

wanda: a, oo ... funny nga yon. meron akong dvd non. original. (kailangan i-powerpoint na orig.)

bagito: really, i just saw it on hbo, like two nights ago. loved it.

wanda: talaga. yun yung "clueless" ng generation ngayon. alicia silverstone was THE classic betty. and dati AS IF! ang uso. ngayon ...

bagito & wanda: that is so FETCH!!!

(tawanan ... sa ilalim ng tubig ... blok blok blok)

bagito: you know what, i saw this guy kanina. and he's from lasalle. he has his shades on. he's so mayabang ... feeling gwapo ...

wanda: pa'no mo naman nalamang taga lasalle?

bagito: it was written on his shorts. how do you that?

wanda: alin?

bagito: mag swim like a mermaid ...

shempre tinuro ko. pinakita ko rin ang tamang pag-ahon sa dalampasigan kunwaring wala ka pang mga galapaa at ang hasang mo walang kasim-pula.

tuwang-tuwa si bagetz.

bagito: kanina ka pa nagpapa-cute sa two guys na yon ...

wanda: hahaha napansin mo. feeling ko mag-jowa sila e.

bagito: they dont look gay to me ...

wanda: bakla sila. yan na ang uso ngayon. mas paminta, mas mabenta.

bagito: thats why you dont have a boyfriend? coz you're not ... paminta?

wanda: (kung anime cartoon si atashi, isang dambuhalang tumitibok na ugat ang nag-apparisyon sa ulo kez) err ...

bagito: paano mo natanggap na ganyan ka ...

wanda: kaloka. walang konek mga tanong mo, di ka pedeng host ... pero ewan, i just did. parang eventually talaga you will make tanggap (ano daw?!) na lang, in your own time.

bagito: are you from the states?

wanda: hindi, taga-marikina ako. cant you tell?

bagito: (umiling) you dont have any shoes on e ...

wanda: hahahaha (hmpf! antipatika to)

bagito: you remind me of a friend from school. you actually move and speak like him ...

wanda: ah talaga ... panget din siya?

bagito: i hate him. we all hate him. kasi sabi niya hindi siya gay. tapos sumasama siya sa mga straight guys. kasi crush niya isa sa mga boys. pero hindi daw siya gay. kakainis.

wanda: err ... ganon talaga. you cant force him to accept who he is. (ano daw? havs ba ng sense? dead ma.)

bagito: nagkukunwari kasi siya just to be with them guys.

wanda: (bitter ocampo, ikaw na naman ba yan? pero in fairness, kakainis nga naman yon. gahaman.) ... parang ang hirap non.

bagito: ayon o ... may cute don ... you want to swim pa ba? tara, lets swim pa.

wanda: sige lang. pag hapon na bawal na kong madampian ng tubig dagat, nagiging unding ako.

bagito: unding? whats that?

wanda: basta ... maligo ka na. later, biyatch!!!

bagito: ahihihi you are SOOOOO FETCH!!! (exit sa dagat habang kumakanta ng part of your world)

sabay enter naman ang mga friendships na super ask kung anek daw ang judgment ng lola mo.

friendship: o ano?

wanda: uhm ... abangan mo. pag college niyan isa na siyang ganap na diva.

friendship: ahahaha chummies na kayo ah. seems like someone's found his apprentice ... ahihihihi

wanda: hoy! pag nag-out yan, sabihin niyo wala akong kinalaman diyan. bakla na siya nang datnan ko ...

Monday, June 05, 2006

Ibong Adonis, Kabanata II

"malubha ang lagay ni da king," say ni mang kepweng.

siyempre hindi niya kayang gamutin ang sakit. kasi kung nagkataon wa na tayo kwento. at kung nakinig ka nung pers year hayskul ka, alam mo na kung ano ang lunas diteklavu. kung naborlogs ka sa klase, sight mo na lang yung title. yun na yon.

si prinsipe maximo e nakaupo sa tabi ng walang malay na shotawan ni da king. umiiyak. humahagulhol. ngumangawang parang baka ginagatasan ni edward scissorhands.

nilalapit niya ang fez niya sa mukha ni da king.

"hoy! maximo, ano ba yang ginagawa mo?" tanong ni prinsipe maverick.

"lumuluha, ano pa ba sa tingin mo?" sagot ni prinsipe maximo, umaagos ang luha sa mukha ni da king.

"umalis ka diyan! hindi ka nakakatulong!" pasigaw na utos ni maverick.

"di ba sa mga pelikula pag natuluan ng luha ang mahal mo, nabubuhay sila? mabubuhay si ama sa powers ng luha ko."

"kalokohan!" ismid ni maverick. kinapitan na siya ni ariel sa takot na magkagulo pa.

"hindi kayo nakakatulong pareho. puro kayo away!" say ni prinsipe ariel, finally. "kailangan nating hayaan mag concetrate si mang kepweng."

"ehem ... err ... may limitasyon ang kaya kong gawin, prinsipe ariel," palusot ng albularyo. "hindi ako si david blaine."

natahimik ang buong silid. nawawalan na sila ng pag-asa.

"err ... pero may huli pa akong hirit." nag-aalangan ang matanda.

tinawag niya ang side kick niyang si weng weng, ang pandakekok na medium o yung mga sinasapian. isa siyang medium na extra small, hahahaha, kakaloka. super chant naman ang lolo para sa ritwal na pagsapi ng mga santo sa shotawan ni weng weng.

pumikit si weng weng. tumirik ang mga mata. parang kinukumbulsyon na bata. pero trenta na siya in real life.

lumamig ang paligid. humangin ng malakas kahit sarado ang silid. sinipon na si prinsipe maximo.

"ayan na siya ... mahal na santo niño ... ikaw na ba yan?" tanong ni mang kepweng kay weng weng.

tahimik lamang si weng weng. parang natutulog na kahoy pang siga.

"kailangan namin ng tulong ninyo, mahal na santo ..."

umungol lamang si weng weng ...

"CHURI CHURI! ANYU-BA-HINYI-AKO-CHI-CHANTO-NYINYO
..." say ni weng weng.

"ano ba sinabi mo? mahal na santo niño o mahal ... lang?" tanong ni maximo.

"wala nang patutunguhan ito." sigaw ni maverick. mahilig talaga siyang manigaw. "kapitan, alisin ang mga walang kwentang ito!"

biglang bunot ng espada si maverick para makipag espadahan kay kepweng ... uuyyyy!!! bading na bading!!

"sandali, maverick!" sagot ni ariel, sinalag niya ang espada ni maverick. bet niya silang dalawa ang mag-espadahan. "wag tayong padalos-dalos. ano bang solusyon ang gusto mo? wala kang alam. prinsipe ka lang."

uy ... kunwari maaksyon daw.

pero in reality, nanginginig na sa takot si mang kepweng.


"CHURICHURICHALAGA! INCHI-KO-CHINACHADCHA ..." say ni weng weng.

"sinasayang lang nila ang oras natin, ariel! kalahating araw na tayo dito pero hindi pa rin alam ni kepweng ang sakit ni ama."

"at ikaw? alam mo ba?" nagtataray na sabat ni ariel.

"hanapin natin kung saan nagtatago si barbie xu. siya ang may gawa nito kay ama," suggestment ng panganay. "pag natunton natin ang may pakana, madali nating malulunasan 'to."

"at saan naman natin hahanapin si barbie xu?"

"sa taiwan," sabat ni maximo.

"wala na silang karir. pagkatapos ng meteor garden 1 and 2, naglaho na lang sila. paano natin gagawin yang gusto mo?"

"TAMA NA! TAMA NA!" sigaw ni maximo. natahimik ang lahat. si maverick. si ariel. ang si mang kepweng at weng weng. mga kawal. si kapitan. "SAWANG SAWA NA KO ... PURO NA NA LANG TAYO AWAY! AYOKO NA ..."

"mahal na prinsipe, narinig ko ang kaguluhan mula sa labas ... nagalala lang po ako."

"shet ka naman, nagmo-moment ako e ..."

pumasok ang isang babae, nakayuko ito. unti-unting tumingala ... makikita natin ang maamong mukha ni ...

INSERT MUSIC: "hooooooooonti-unting maraaaaaaaaaaaratiiiiiiiiiiiing, kalangitan at bituin ... unti-unti kinabukasan ko'y naninimdim ..."

INSERT COMMERCIAL

"jang geum ... ok lang ako." sagot ni maximo.

"napanood ko din po sa da buzz at star talk ang nangyari kay da king ... nais ko po sanang tumulong." sabi ni jang geum na parang si jacklyn jose kung magsalita.

"wow! yehey!" nagtatatalon si maximo "kanina pa ko dehydrated sa kaka-cryola. ipagtimpla mo na lang kami ng iced tea at tsaka ..."

"nangyari na po ito sa isang dating ... kakilala," say ni jang geum, dead ma lang siya kay bakla. "at isa lang po ang lunas sa sakit ni da king."

"ano?" sabay-sabay na tanong ng lahat ...

"ang awit ng ibong adonis ..." TARARAN!!!

isa pa ...

"ang awit ng ibong adonis ..." TARARAN!!!

"ibong adonis? ngayon ko lamang narinig ito ..." sabi ni maverick.

"ibong adonis ... hmmm, parang gay bar sa tomas morato ..." bulong ni maximo, napakagat pa ng labi.

"ang ibong adonis," nagpatuloy si jang geum habang ine-examine niya si da king, "ay isang mailap na ibon sa ika-pitong bundok sa ika-pitong bayan na mararating habang nire-recite ang seven last words ng seven dwarves ng mag guest sila sa uncle bob's lucky seven club at kailangan lumalaklak ng seven up galing sa seven eleven."

"paano mo naman nalaman ito?" tanong ni ariel.

"gaya ng sinabi ko ... nangyari na ito dati. sa isang taong malapit sa akin ... sa aking ... mahal na ina ..."

"akala ko ba si madamme choii ang nagpapatay sa mamita mo? stir pala yung koreanovela mo." kutya ni maximo.

"kung tama ang kutob ko ..." madramang ispluk ni jang geum. madrama na siya sa lagay na to pero monotone pa din ang delivery. "iisa lang ang may kayang gumawa nito ..."

"sino?" tanong ni ariel. mahilig siya magtanong sa episode na ito.

sasagot na sana si jang geum nang biglang tumilapon ang lahat ng kagamitan sa silid. as in fly talaga sa walls. ang mga tao doon lahat natumba sa mala-tsunaming lakas ng hangin.

dahan-dahang umangat sa lupa ang maliliit na paa ni weng weng na parang si storm. tumirik ang mga mata. at nagsalita sa isang tinig na nakakapangilabot ...

"MAG INGAT SA MGA PINAGKAKATIWALAAN ... HINDI LAHAT AY MAY MALINIS NA KALOOBAN ... ANG KASAGUTAN AY NASA KAANYUAN NI MONA LISA ... this public service announcement is brought to you by da PINK MAFIA."

bumagsak ang katawan ni weng weng. at bumalik sa katauhan ni mahal.

"CHURI-CHURI! WALA-TALAGA-AKO-ALAM-CHAN-CHURI-NA ..."

napatingin silang lahat kay jang geum ... si jang geum tumingin lang din sa kanila ... at nag tinginan silang lahat kasi ganito sa telenovel pag malapit nang ...

INSERT MUSIC: "hooooooooonti-unting maraaaaaaaaaaaratiiiiiiiiiiiing, kalangitan at bituin ... unti-unti kinabukasan ko's naninimdim ..."

INSERT COMMERCIAL

"dakpin silang lahat!" utos ni maverick. "hindi natin kailangan ang kahangalang ito sa kaharian ni big brother."

nagkagulo sa loob ng silid habang dinadakip sina mang kepweng at weng weng at si jang geum.

"maverick! itigil mo ito!" sigaw ni ariel.

"hindi sila nakakatulong sa atin, ariel" sagot ni maverick. "dinadagdagan lamang nila ang pasakit nating lahat."

"hindi ka pa hari. wag ka mag declare ng marshal law."

"bilang susunod na hari, karapatan ko ito."

"hindi ka karapat-dapat maging hari kung sugod ka na lang nang sugod! wala kang plano!"

"bakit? ano bang plano mo at nagmamagaling ka!"

nag-espadahan na naman ang magkapatid nang may mahinang tinig na sumabat ...

"huminahon kayo ... mga anak ko ..."

napalingon ang magkapatid angdcompany kay ... maximo, na ginaya lamang ang tinig ng hari. "syet, agaw atensyon talaga ako ... ahihihihi OMG!"

"ariel, respetuhin mo ang desisyon ko." mahinahong sabi ni maverick. "bilang susunod sa trono, pinapatawan ko ... ng forced eviction silang tatlo."

"kailangan natin sila, maverick. lalo na si jang geum, mukhang marami siyang alam tungkol sa kinakalaban natin. kung hindi mo sila kayang pagkatiwalaan, hayaan mo lang silang makulong panandalian."

"tama si kuya, kuya maverick." agreement ni maximo. "magaling na caregiver si jang geum, mahalaga pa siya sa-atin. hindi ko kayang paliguan si amang comatose."

silence. napa-isip si maverick at ...

"sige ... dalhin silang lahat sa tore. at si jang guem, ikulong sa kusina ... kapitan."

lumapit si kapitan para akayin si jang geum papunta sa pansamantalang kulungan nito.

nagtitigan ang dalawa. slow motion. ganun talaga.

INSERT MUSIC: "ako'y alipin mo kahit hindi batid ... aaminin ko minsan ako'y manhid ... sana ay iyong naririnig ... sayong yakap ako'y nananabik ..."

INSERT COMMERCIAL

natapos ang isang gabi sa kaharian ni big brother, hindi pa rin malinaw ang lahat sa magkakapatid.

maliban sa isang may lihim na katagpo.

sa isang madilim na sulok ng white castle, naroon nagkukubli si prinsipe maverick at si kapitan.

"hindi pa pumapalya ang prediction ni weng weng," say ni kapitan. "madalas akong manalo sa ending at jeuteng dahil sa kanya ..."

"mashadong maraming alam si weng weng kung ganon ..." sagot naman ni maverick.

"malakas ang kutob kong ... mataas ang IQ level ni weng weng. maaaring maraming siyang alam kesa sa inaakala natin. mahirap na mapunta siya sa maling kamay."

"bantayan mo siyang maigi. wag palapitin ang kahit sino ... lalo na ang mga kapatid ko. hindi nila dapat malaman ang mga balak ko ..."

"err ... ngunit ... err ... masusunod kamahalan."

"alam mo ang kaparusahan sa pagsuway sa utos ng SUSUNOD na hari ..."

"err ... makakaasa po kayo."

"ayaw kong pinapainit ang ulo ko ..."

"alam ko po."

"swear?"

"swear."

"cross your heart?"

"mamatay man ..." at nag cross my hart talaga ang kapitan. pero may pahabol pa ang dadi-dadihan ... "prinsipe maverick ... ano pong mangyayari kay ... jang geum?"

silence. titigan forever ...

INSERT MUSIC: "ako'y alipin mo kahit hindi batid ... aaminin ko minsan ako'y manhid ... sana ay iyong naririnig ... sayong yakap ako'y nananabik ..."

TO BE CONTINUED ...

Pinoy Re-makes

mga bakla!! nood tayesa ng the lakehouse. parang winner sha. AZZZ IN, mga bakla!!!

sobrang can relate ang lola mo sa kwento. feeling ako yung lakehouse, bwahahahah ...



pero remake lang itiz ng jisaers na jolikula mula sa korea. bida-bida ditech yung bayolenteng muher sa sassy gurl, ang jolikula na gumibsung kay atashi ng phobia sa mga koreano. feeling kez jojombagin nila ako any monument.

bakit pag mga onaks gumawa, re-make noh? tapos pag tayiz, piration. kakaloka davah?!

bakit wit nila bet i-remake ang mga mamagandang jolikula natin?

gaya ng tik tak toy my kulukutoys featuring jim carrey and dakota fanning, o kaya isusumbong kita sa tatay ko featuring amanda bynes and sean connery, inday inday sa balitaw featuring reese witherspoon, o kaya patikim ng pinya featuring penelope cruz and benjamin bratt ... baka maging worldwide success pa iyonchi, davah?

o kaya tayo naman ang mag re-make ng ...

-- star wars

yoda: ang pwersa ay sumainyo ...

luke skywalker: at sumainyo rin ...

-- matrix

morpyus: subalit datapwat walang makapagsasabi sayo kung ano ang meytriks. kailangan makita mo ito personal.

neo: talaga lang ha?

-- lord of the rings

aragorn: kung sa buhay at kamatayan ko ay mababantayan kita, gagawin ko. sau ang aking kalis.

legolas: ... at ang aking pana.

gimli: at ang aking palakol ...

frodo: o sha! shine na! hehehe tara lets!

pede divah?

Thursday, June 01, 2006

Wanda in 3 Minutes

ang sobrang funny nitech!

iteklavu ang layp story ni wanda in 3 minutes ahihihi

panoorin at may moral lesson sa ending.

para sa mga malilibog ...

(hayaang mag load muna bago mag play ... para havs ng suspense)

VIDEO! INSERT!!!



winner to. na-tiyempuhan ko lang sa net ...

kakalowka ...