Saturday, June 10, 2006

Effem-phobic

nakakatuwa kasi may naka-chikka ako kaninechi sa chatroom.

silahista ang drama ng lola. ask niya si atashi, "are you gay."

sabi ko TUMPAK!

"effem?"

hindi. (SINUNGALING!!!)

tanong ko, bakit naman? e ano ngayon kung effem yung isang tao.

"ayoko lang ma-associate sa mga ganon. sa malalamya."

bakit? pag umiinit ulo ko sa mga ganitech, mahirap tantanan e ...

"nag-iingat lang ako sa iisipin ng ibang tao."

e kung secure ka sa bisexuality mo, wa kang dapat ika-bokot. parang yung mga straight. kung straight sila at secure sa sexuality nila, wala silang dapat ikatakot kahit sandamakmak ang baklang nakapalibot sa kanya (kung gwapo siya, dapat nga manginig na siya).

"there's nothing wrong with me."

ala naman akong sinabi e. dko alam kung dahil ba itech sa bobita si atashi o talagang hindi ko ma-getching ang logic ng sinasabi mo ...

"basta. ayoko sa effem."

kahit hindi mo naman siya jojowain? kahit friend mo lang siya ...

"ayoko nga. hindi mo controlado ang iisipin ng ibang tao."

knows ko yanchi. hindi ka si professor x.

so ... ayaw mong ma-associate sa mga effem kasi ayaw mong mag-isip ng masama ang ibang tao?

"yeah. something like that."

so ang sinasabi mo e masasamang tao ang mga effem?

"hindi naman. they just dont have the cleanest of reputations. hindi ako bakla. bi ako."

mr clean, ikaw ba yan?

"what's your asl nga uli?"

alam ba ng mga tao mostly na bi ka?

"hindi. ano stats mo?"

so gusto mo jisipin nila na straight ka din. at pag naki-associate ka sa effeminista, iba na iisipin nilachi sayinz? ALIEN?

"parang ganon. may pic ka ba?"

meron.

nakakatuwa naman isipin. na havs ng mga nyokla o bi o kung anek-anek man ang tawag sa kanila na willing mag discriminate ng ibang bakla, lalu na mga effem, para lang mag mukha silang katanggap-tanggap sa mata ng iba, noh?

"why are you fixated on that stupid issue? the important thing is you're not effem. period."

sa bagay. (ahihihihi)

"so when are we gonna meet? i wanna see how good you are in bed ..."

ha? kelan ka ba free kasi ako OK anytime. wala naman mashadong customer ang parlor ko lately.

hello ...

hello ...

BUZZ!

BUZZ!

hahahahahaha ... ano ka ngayon!!

4 comments:

Punks said...

Alam mo sa office namin, kung sino pa yung mga straight, sila pa ang mas kumportable makisama sa effem. Out of place nga ako eh, hindi ko alam kung magtutukla-tuklaan ako, o patuloy akong mag-aastang straight (na bading)

effemtotrans said...

salamat wanda at meron pa palang mga baklang totoo na di ikinahihiya ang kapwa nya bakla effem man, bi o ano man ang drama nila! mabuhay ka wanda!

val said...

Bakit ba kasi nauso pa yang mga labeling na yan such as bi, top/bottom/versa effem,tripper curious achuchuchu eh pareho lng naman malalansa yan! Mabuhay ka Wanda! saan ba parolor mo makapag pa-haircut nga minsan at makita ko rin ang living legend na si Wanda...pls tell me kung saan parlor mo...

E.R. said...

i have nothing against straight acting gay men na few years ago mas makapal pa mag muk-up at mag bronzer sa fez ko.. pero feel ko parang aketch ang nahihirapan for them...