Wednesday, July 01, 2009

Da Song Has Two Faces

"ang tunay na kagandahan ay hindi nakikita
sa panlabas na kaanyuan. ang tunay na kagandahan
ay nasa inyo na pong harapan."
- eksenadorang kontesera sa miss gay tondo 2008

say ng mga tanders na di daw dapat tayels nanghuhusga ng kapwa base sa pez. di daw natin dapat pinapaburan ang mga mabu-byonda tas dinidedma yung mga chakarat. pero alam naman natin davah na waing katotohanan iyonchiwa.

dahil kung sa tru to life e nage-eksist talaga ang kambal sa uma, di mo talaga tatabihan yung mukhang daga pag nakasakay mo sa ep-eks. at malamang e sa lahat ng palabas sa TV mula iWitness, Balitang K, Ripley's Bilibitornot, hanggang sa show ni Kuya Kim e malamang ige-guest siya tas mandidiri ka ...

gusto mo ng ebidensiya? hala, SOCO! Now naaaaaaaaaaa!!!

exhibit a:

isang songilet na gawa ng mga nage-epal na kuto sa ulo ng mga isdang iteklavu. ang title kamo? Nagmamahal ako ng Bakla, by da up and coming istars na DagTangLason.

Ohdavah! ang swit ng tot nung kanta. korus pa lang, ateng, kamustahin mo na ...

ang kakaloka ditembang, havs pa ng disclaimer ang bidyo, kesyo try lang daw iteklavich. at panalo kasi lume-lebel ang animation cheverlyn ng disney at may papalit-palit pa ng kulay ang epek. san ka pa? may nalalaman pang kaganunan ... AWARD!

play mo na, nang mainis ka rin (wag madaya, antayin magload bago magbasa ng tuluyan) ...



panalo ang lyrics davah.

"Mga tambay lang kami sawa sa babae / May mga babaeng manloloko / Pineperahan lang kami / Kaya ngayon bakla na lang ang aming iibigin / Masarap magmahal ang bakla / Ohh kay sarap... damhin"

PANALO! may "Ohh kay sarap ... damhin" pa talaga. at wag ka, may papikit-pikit pa sa pagkanta.

ang mas kaloka, ateng, yung mga koment nung mga nabiktimang matisod sa bidyong itech sa yuchubebang. ayon sa mga nag-rebyu (mga totoong koment itu, mga lola):

nagkoment1: pwede! HAHA.. GALING AH, mas ok to kesa yung ibang video, puro kayabangan ang lyrics.. gangster daw, wala ng malamon gangster pa! haha, ulul!

nagkoment2: mga taga gapo tong mga to ah....

nagkoment3: cute naman nung nka red cup.. hehe hawig ng ex ko.. hehehe... (pinanood ko uli, na-curious lola mo e, kaso wa talaga akiz na-sight na may pulang tasa ...)

nagkoment4: tang inang kanta yan kakabulahaw!

nagkoment5: sure kayo pineperahan kayo??? ehh mas mukan,g hampas lupang wln,g malamon kayo eh pan lalamon nyo nln,g pan,g gagawa nyo pa n,g vid sa youtuve (duda ko may b at v depek tong nagkoment nitembang)

nagkoment6: oo sa bakla nmn kau kumakapit kapag wla kaung pera!!!! mga peste kaung mga lalaki... hindi nyo nmn tlg mahal ung mga bakala eh!!! pera lng ang habol nyo sa kanila!!!>>>>maawa nmn kau sa mga bading!! (AY! nagmoment ang lola mo ... hahaha)

nagkoment7: pag lumapet ka sa akin sisigaw ako holdaper (hahahaha ... ansama)

nagkoment8: ganda ng intro!!! sana puro intro at chorus na lang hehehe!!! astig

nagkoment9: pano nyo nasabi na pineperahan kau...eh tignan nyo nga ung damit nyo halatang banketa mga ******** ina nyo..talagang lolokohin lng kau eh ang Pangit nyo eh...tinalikuran kau ng panahon mga gago.. (panalo yon, tinalikuran ng panahon ... nyahahahaha!)

nagkoment10: pwede ba choosy naman kami kung kayo nalang ang matitirang lalaki hwag na! kapal ng mukha nyo! itsura nyo nga! (GO, ateng!)

nagkoment11: nakita ko na kaya sila samin.. mga magbobote sila dba? nakulong pa nga sa barangay yung isa eh nag nakaw ng damit at tsinelas..

nagkoment12: tangina naman.. kayo pa pineperahan nian ah? haha.. tang ina wala kayong dating.. baduy porma nio ..di hiphop tawag dian.. palaboy tawag dian.. isa kayo sa mga chinelas boys..

nagkoment13: pasensha na kau sa kuya ko, wlang magawa e

nagkoment14: wahahha..!sumakit ang tiyan ko sa kakatawa ..!ganda ..!hiphop sa pinas panalo..!

nagkoment15:''''''''guys nice song ha??? nakakatuwa...... kaya lang d bagay ung porma nyo sa kanta nyo... lalo na ung nakablue parang hinanger.....peo maganda talaga ung song.......

nagkoment16: hello! just watched your video.. hehehe! goodluck pala dun sa upcoming album nio..

hahahaha ... pinanuod mo ba ng buo? ang haba no? tinalo pa yung "its all coming back to me now," "total eclipse of the heart," tsaka "bohemian rhapsody." kasi bawat isa talaga sa famosong miyembro ng walang kasing shalang DagTangLason e nag-moment. havs talaga ng tigi-tigisang stanzang rap para umeksena at umemote.

in fairview, nawindang ako sa balitang itu! kaya nga nagising ang diwa ng lola mo alas dos talaga ng madaling araw at nagtata-type dahil sa balitang itech. gusto ko i-share, bakit ba??? kasi ang bidyo na umabot mahigit sa 2 milyon hits, ilalabas nang single at mala-mala sa makalawa e nahi-heardsung mo na iteklavu at nakiki-por layp sa radyo ...

ganyan talaga pag sumisikat. sabi nga uli ng mga tanders, ang punong mabunga, katulad niyong aratilis o makopa, binabato rin. minsan gamit tsinelas pa ...

kaloka talaga, nagka-album ampota ... kaso ang catch ... ni-repackage sila, azz in kung di pedeng i-judge ang buk by its cover, bumayla talaga sila bagong cover, bagong buk, yung walang CHAPTER!!!! ... (waaah!! vahkheeeeeeeeet? may panghihinayang daw hahahaha)

exhibit b:

eto na sila ngayon, (play mo na ...)



ano reaksyon kamo sa panibagong boyband na binubuo ng mga dating konteserang may i join ng mister pogi (ulit, mga truliling komento itech)? eto ka ...

nagkoment1: nyc 2ng grup n2..ibang iba s lhat..bukod s cute n..gnda voice pa..at mr2mdaman mo ung song pg narinig mo..npapangiti nga ako hbng naki2nig..sna kip on wholesome ung grup nila..at mg hit tlga at mbgyan cla br8k s showbiz,,,more powers guys...

nagkoment2: hi sana mahalin mo din ako

nagkoment3: wow nman nakakagilig cno po ba peden mahalin? post nmn ng nmber dito?...

nagkoment4: masarap ba tlga kami mag mahal ? sana mahalin mo ko dex ! i love you ! hehehe

malamang straight lahat ng nagkoment ... hahaha ... kaloka no??

isang kanta, magkaibang mukha ... magkakaibang reaksyon ... hahaha

di perpekto ang mundo, pero nakakatawa siya ...

BABALA: wag panoorin ng higit sa dalawang beses. kundi mala-last song syndrome ka ...

"Mga tambay lang kami sawa sa babae / May mga babaeng manloloko / Pineperahan lang kami / Kaya ngayon bakla na lang ang aming iibigin / Masarap magmahal ang bakla / Ohh kay sarap... damhin"

wag mo i-deny ... naririnig mo pa rin sila hanggang ngayon

ASSIGNMENT:

humanap ng sosyal na prenship at ipakita ang unang bersyon ng nasabing kanta hanggang sa witchikels na niya mashonggal sa isip niya yung kanta

o kaya ...

hiramin ang mp3 player ng friendship mez, at palihim na ijosok at jisama sa lahat ng playlist niya ang songilet na itech para ma-windang siya pag narinig niya yung kantang itech habang patulog siya o habang nagre-relaks ... (epektib itu, nagawa ko na iteklavu, di ka makakalimutan ng prenship mez ... hahaha)

19 comments:

Ryanreb said...

ateng wanda, you're back-la!
panalo ang post na itey...

although gusto kong malaman bakit nagkaroon ng panahon ng tag-tigang sa site mo

Anonymous said...

hahahahaha i know this song. last april my straight friend suggested that i listen to it. pota! sisikat pala yung song na to hahahahaha stupid song but catchy nonetheless. kudos wanda your back!

"San" of Cebu City said...

finally nahanap ko rin ang song na itu. narinig ko dati to kinakanta ng straight guy friend ko. hahahahha..... nag effort naman ang gumawa nito in fairness. mas dadami mga isda sa kantang itu. hahahahahah...

Have a great day!

Anonymous said...

OMG ur back! at regular n ata updates mo ngayon ha! in fairness, kahit ang jologs ng kanta kng cute naman ang singer, pwede na. hahahah!

ELAY said...

panalooooooooo!! grabe i ang sakit ng tiyan ko katatawa, ung vast gay vocabulary p lng winner na nagdagdagan pa ng pangookray galing sa iba panalo tlga chinelas boys? WAHAHAHAHAHA. Da Best ka wanda!!

Reign Loleng said...

Prangkahan na. Nakakatawa naman talaga 'yung kanta. Catchy ang chorus. In fairness, may thought ang mga verse. Pero na-offend ako ng bonggang bongga.

Ayan torn ako.

avegril said...

Grabe!sumakit ang ulo ko sa kantang 'to. hahaha! at ang mga guys, nagmistulang transformers sa pagbabago nila. good luck nalang sa album nila. the best ka humirit wanda.haha=)

† ♫ CarL ♫ † said...

~

Hay Wanda! Wagi ka taLaga te. UmaLiping saguiguiLid ang Luha mez sa post mo. ^^

~

-=[xoxo]=-

† ♫ CarL ♫ †

~

dilanmuli said...

goodluck naman sa LALO pang pagsikat ng kantang ituh! hahaha! i've heard dis song a lot of times... paborito yan ng tropa kong kolboy na si http://hornycallboy.wordpress.com at nung kapatid ko at ng tropa nilang mga gangster. hahaha!

eksenadora.

me book 2 ka na ba gurl???

pink5ive said...

Nice one wanda! Kakaloka ang kanta at bidyo nung unang version. At dahil na-feature sila dito sa blog mo,baka umabot na ng 2 million hits ang video nila sa youtube. Goodluck naman at baka gumawa pa ng second bidyo. Magdasal tayo na huwag sana. haha.

Rokusanasu said...

puahahaha ! . :]]
grabii ! mapapatae ako sa tawa !!

charee said...

lafftrip to girl.. been a lurker of ur blog for quite sumtime oredi :)

burrito said...

bakla, pinapatanggal na ng CBCP ang flagship song ng dagtang lason! kalurkey!

pink5ive said...

narinig ko yung "nagmahal ako" sa isang grocery store sa laiya,batangas habang nagbabakasyon ako nung isang linggo. hanep, hitting the airwaves na! ibang level.

Ira said...

Infernez naging LSS ko nga yung kanta!

JETTRO said...

ellow po ate wanda haha natawa naman ako sa mga wordings mo napadaan lang dito

invite ko po kayo sana makaboto kayo kasama mga frens nyo ate tc/gb

noypi said...

la na bang updates? :D

Anonymous said...

Sana gumawa ka ulit ng blog. Nangungulila na kami sa 'yo. Baka tegi ka na? Kung 'di ka pa tegi, magpost ka pa ng blogs. Kung talagang tegi ka naman, eh post mo dito kung bakit ka namatay. Tenchu!

Winda! said...

Hi! Wanda. I am Winda!