Tuesday, June 16, 2009

Da Dreamgurls (Warm Up Lang)

saburdey. ang eksena. anjogal ng kalakalan sa nyorlor. as olweiz. as in jisaers lang ang kostomer namin buong araw—si Melinda na bagong salta sa village namin.

wa pa kami mashadong impormasyon tungkol sa melindang itech bukod sa tuwing may okasyon e nagpapa-parlor siya (sana dumami tulad niya). nung isang-isang linggo nagpakulay ang bruha ng herlalet niya—brown, with highlights pa itu—kesyo a-attend daw ng binyag (para mukhang OCW siguro). tas nung nakaraan naman nagpa-foot scrub kesyo birthday ng friendship ek-ek daw (baka-magkukumustahan sila ng mga kalyo sa sakong. parang “kamusta naman ang kalyo mo mare, nagbibitak-bitak pa rin ba?).

at, eto ka, ayon sa intelligence report ng mga chismosang mermaid sa istrit nila, e dating artista daw ang lola mo. daw! pero dati pa. di naman daw na-laos. kasi minsan daw ume-extra-extra pa din daw itech. malayo lang daw ang narating ng kanyang karir. as in malayung-malayo na di mo na siya nasa-sight. parang sina wowie at spencer.

pero di namin maalala kung taga-that’s entertainment ba itu. o kung anong group ba siya. o kung isa ba siya sa mga kalaban ni ate vi sa darna and the planet women. basta nung sinabi niyang magpapagupit siya (kasi burol daw ng friend niya), all op a suddenly, mukha siyang naging familyarity.

so habang nagpapa-layered si melinda at super-bumabangka ang lola frida mo, may i observe lang akiz. kahit naji-jiritate aketchiwa kasi panay name-drop ni melinda ng mga nyongalan ng mga jortista na papularity nung dekada ochenta. gaya ni ray pj abellana.

di ko nga rin maalala kung san jolikula um-appear si ray pj abellana. bukod sa alam kong nag-seiko films siya dati (pero di sinuwertiiii!!! kasi yung wallet lang ang swertiiiii!!!) at havs siya ng shupaterang minsan nag-guesting sa hindi pa rin nakaka-orlogs na si kuya germs. with john nite. na wala pa rin atang tulog … hahahaha!

si roxy, dahil wa siyang kinakalkal at hina-hunting na in-grown, e super watch lang siya ng paborito niyang dreamgirls.

roxy: bakla, bat ba hindi ako binigyan ni lord ng boses katulad nung ke jinifer handson (kurak! handson talaga). punyeta bakla kung nagkataon lahat ng kontes sa tv, sa radyo, sasalihan ko. lahat ng pista dadayuhin ko yan. Kakabugin ko lahat yan (sabay emote to da tune op NO .. NO .. NO WEEEEH! AMLIBINWIDAWCHU!)

frida: eh kung pati suso ni jinifer handson ma-getlak mez, keri metch?

roxy: suso? gagah! dyoga yun? hindi yun suso!

umisparkling-isparkling ang mga eyez ni baklang fridalu. alam mo nang may binabalak siyang masama. si roxina, wiz tumitigil sa pagbirit.

frida: o sige, boses tsaka dyoga ni jinifer handson, shutawan ni beyonce, kulay ni halle very, pero yung kili-kili mo maputing-maputi na parang yung roll-on mo gawa sa clorox. hahaha … bet mo?

roxy: keri lang. eh di maglo-long islibs akiz palagi.

frida: di pede, walang ganun. islibless ka lang. kasi sa disyerto ka nakatira, ikaw ang dezzzzzert diva. kumakanta habang lumalapostra ng buhangin hahahaha!!!

wanda: anchoosy mo bakla! kahit nga boses lang ni marielle rodriguez, basta may pukengkang ako, go na. gagawin ko pang primary pic ko sa friendster.

roxy: eh kung kumakain ka naman ng buhangin? ano kaya yon???

frida: hahaha! bonggang-bongga ka naman?!

roxy: sige. boses ni marielle rodriguez, kuya, tapos katawan ni pokwang ….

frida: in fairnezz, maganda shutawan ni pokwang

wanda: kurek! like ko yan.

roxy: kasing yaman mo si willie, tapos mukha ni valerie concepcion … pero dalawa adams apol mo. tapos halinhinan sila sa pagtaas-baba pag lumulunok ka. hahaha! bet mo?

wanda: katakot! ayoko yan!! parang akong nakalunog ng see-saw.

frida: eto, kuya, ka-fez mo si maricar reyes, GANDAH! katawan ni katrina halili, anda-powers ni belo group op medico-chenelyn boom-boom, pero may nota ka sin-laki nung kay hayden kho hahahaha!!!

wanda: ok lang. ipapatanggal ko, mayaman akoh!

roxy: wang ganon, kuya. ikamamatay mo pag pinatanggal mo. kasi yung puso mo nasa nota mo hahahaha!

wanda: gagah!

frida: eh kung katawan ni angelica panganiban, height ni miriam quiambao, sing sikat mo si ate vi, jowa mo model-modelan na brazilian ek-ek, bet mo?

roxy: ay oo!

frida: pero yung boses mo kay gas abelgas???? hahaha!!!

wanda: pati yung pagsasalita … bwahahaha!!!

roxy: scene op da crime (pause) operatib!

wanda: pano nga kaya kung bekla yun si gas abelgas no? anhirap siguro maka-book non.

frida: (ginagaya ang golden semi-garalgal voyz ni gas abelgas) walang nakalap na ebidensiya, lahat nilunok ko! hahahaha!

wanda: kurek. Nakikipagkilala pa lang, iisipin na ng mga lulur, entrapment … hahaha

roxy: eto, eto, eh kung byuti ni shaina …

frida: shaina? twain? hahaha …

roxy: bobaah! shaina magdayao. hahaha … fez ni shaina magdayao, kutis ni kristine reyes, appeal ni kristine hermosa, acting ni maja salvador, kasing-sweet mo si kc

frida: montero? hahaha …

wanda: kc-lyn francisco? hahaha …

roxy: kc concepcion! tapos boses ni sarah geronimo …

frida: pero?

roxy: … yung hayt mo tsaka yung proporsyon ng shutawan mez parang kay dagul. keri mo? hahaha …

frida: leche! hahaha … ayoko! pag napahiga ako, mahihirapan ako tumayo! hahahaha!!!

at tumawa lang kami nang tumawa nang walang humpay. nang-ookray. Nanggu-goodtaym. kahit jisaers lang yung kostomer namin at halos lugi ang kyorlor, deadma. kahit may swine flu, deadma. Kahit nakakulong si jay-ar sa tayong dalawa, deadma. basta tatawa kami, bakit ba???

tumatawa kami hanggang sa jumuwetiks si melinda. hanggang sa makalabas siya ng pinto. hanggang sa maglakad siya papalayo.

frida: punyetang babaita itu, artista nga kaya yan?

wanda: infairview, familiarity talaga siya.

roxy: pag nakatalikod si melinda, para siyang … si bro. siya siguro si bro ni santino?

napatitig lang kami. si bro nga! hahahaha!

at nagsisisigaw kami ng BRO! BRO! BRO! sa tono ng NO! NO! NO! WEEEEH! nung napagod kami, sa tono naman ni gas abelgas.

P.S. siryoso, sino kaya yung gumaganap na bro sa may bukas pa? gwapo kaya itu? bongga yung julikuran niya e. parang never nadapuan ng bacne. (bacne = acne sa back)

P.S.S. never din ako nagka-bacne!

15 comments:

wansapanataym said...

wow! nabuhay ka ulit wanda... i love you!!!! sana sunod sunod ang masasayang kwento...

wansapanataym said...

wow bago na ata ang trend ah! dati annually ang posting.. ngayon mukhang semi-annual na.. baka next year quarterly na yan... parang payment scheme sa mga pension plan.. hehehe... keep those funny stories coming.. have a nice day!

Anonymous said...

salamat, wanda, salamat.... kahit 48 years mo akong pinaghintay, okay lang yun... sana tuloy-tuloy na ang pagpo-post ha?

wansapanataym said...

kailangan na ba ulit bantayan tong blog na ito or mag-antay mun ng premonition para bisitahin at baka meron nang kasunod bukas?... hhehehe

dilanmuli said...

bigla ka na naman nagparamdam gurl. sana naman tuloy-tuloy na to... pinaghintay mo naman ako ng napakatagal. asan na ang 2nd book mo. wala pang out sa market eh. hahaha!

sige lang. NAPANGITI mo na naman ako sa post mo ha. hehehe! sana lage ka na me post. kabogera.

Diwata said...

Maligayang pagbabalik mahal na reyna... chozzz!

kokoi said...

48 years kang hinintay. at di pa rin nalalaos. welcome back!

Mirage said...

wow! natagalan ka ata sa pag sulat atei! pero super may-i-make abang aketchiwa sa story mo!

more power, sisteret!

Neneng_Praning said...

Hi wanda!

OMG. Natawa talaga kong malakas nung nabasa kong kahawig ng likod ni bro. We do kapamilya primetime pag gabi sa bahay kaya natawa talaga ko.

Anonymous said...

Pasensiya sa comment ah pero bakit parang hindi ikaw si Wanda?... parang ibang tao yung gumawa nito... Kaw ba talaga yan Wanda?
O baka kasi tagal mo na ring hindi nakapagblog...

bigaon said...

nyetang bakla, bumalik na! welcome back ateng. hug hug. xoxo

Reign Loleng said...

Hahahaha. Nagkaroon kami ng mahabang diskusyon diyan kay Bro. Feeling namin e si Jon Avila.

Bakit ganoon ABS-CBN? Ang ganda ng biceps ng Jesus niyo? Nagkakasala tuloy ako.

Pink Palaka said...

ang gandang magbasa ,sinimulang ko mula 2006, kasi ngayon ko lang nalaman nong mabasa ko sa manilagayguy, kaso nga lang ambagal kong magbasa dahil sa mga languages na ginagagamit, minsan di ko magets at di ko ma-esplok ang words... hehehe, nakakatuwa pala ang buhay sa slumdog millionaire...

|=[RaPtUsErUm]=| said...

Wanda still forces a big laugh from me even at the worst of my times... More power!!!

Snappy Sparrow said...

Nice blog. You are so cute. I think I love you.

PS: Let's vote for Dick Gordon and Bayani Fernando!

Check this out:
Gordon SLAMS Noynoy, Villar, Erap and Gibo

http://www.youtube.com/watch?v=AimivBp0MU4&feature=player_embedded