Friday, August 03, 2007

Hula Hula Hula-hoop

havs dati ng gurlilet in da neighborhood na weirdong weirdo talaga kami, pero pag havs ng patintero olympics samin e pinag-aagawan yung bilat kasi magaling siyang patotot tsaka around da world.

sonya namesung niya. adik siya kasi may drama-rama sa tanghali yan na havs daw siya ng kakyombal pero pero pero wichelles silachi pwedeng maglamyerda ng sabay. yung isa naka-pusod yung jisaers naka-lugay. parang si ning-ning tsaka si ging-ging, ganon. e ang tututs don, siya lang naman din yon. adik davah?

tapos bigla siyang nag-disappearing act. sabi ni aling mildred nagdadalaga lang daw kasi. nung mag i shall return si sonya, nakaka-sight na siya ng mga shoktay ala sixth sense tsaka, wag ka, kachukaran na niya si madam bola. ba-bebi-bobu bolang bilog, wag patulog-tulog ... ahihihihi namiss ko tuloy si madam bola tsaka si irma daldal. direeeeeeeeeeeeeeeek!!!

eh hinulaan niya kami non. sina marcus tsaka ricky tsaka ngongo tsaka yung mga gurlilets na shopetbahay. tapos ako. huli akiz. bokot akiz na baka ma-discovery channel ng mga pipolets in da neighborhoods na badidang aketchi agbayani, pati na yung secret love ni atashi kay marcus cheverlyn. may ganon talaga?!?!

na-remember me this way ko tuloy yung propesora ko sa philo na may i chikka na yung panghuhula daw e talent sa pagbabasa ng galaw ng tao tsaka literal na panghuhula. tapos sa isang ritwal na ginamitan ng pinaghalu-halong gin tsaka yelo tsaka powdered pomelo e binuksan niya yung third eye ni atashi sa panggu-goodtaym.

nung jumosok akeiwa sa ibang sabjek, pinagpraktisan kez yung nyoklase ni atashi. wa pa yung teacherakka namenchi nooners, e isa't kalakahating oras yung klase kaya apter 30 minits pa bago kami pwede maglabas ng yellow pad tsaka mag-attendanz.

si nyoklase e nerditang badidang na bs bio yung kurso. yung frenship naman niyang gurlash e bs math. wit ko sila knowings sa personal. kasi mga alien sila.

e super latag aketchiwa nung barahang nadekwat ni pudra sa mga biyahe niya dati sa saudi. say ko kay badidang balasahin niya ng tatlong beses yung baraha, i-cut ng tatlong beses tapos katukin niya ng tatlong beses. kurekto! isang malaking check itu! kelangan havs ng dramang ganon. wa namang pag-rereklamo si bakla e.

sabi ko, "may crush ka ... (kunwari havs ka ng mga vizhons. iwasang gayahin ang accent ni madam rosa, kasi kakairita yon) ... may crush ka sa isa sa mga klase mo ... cute tong kaklase mo e ... lagi ka nadi-distrak sa kanya ... lagi mo siya tinitignan."

ngiting aso na si bs bio. si bs math naman gigil na gigil sa braso ni bs bio. shet! naka-tsamba ata akiz. pero haller naman, lahat naman ata kasi ng girl, boy, vehktas tsaka tivoli bars e havs ng crazzness sa klasrum noh?

say ko pa, "tapos minsan nahuhuli mo siya nakatingin din sayo ..." eto hula talaga to. gudlak na lang, davah!?!

"SHET!" isplukara ni bs math, na kala mo nagwa-water water sa tuwa para sa frenship niya. "ba't hindi mo sakin kinukwento yon ha???"

kung si bs bio e biniyayaan ng kaputian e malamang namumula na siya non. but no! isa siyang magenta.

dagdag ko pa, "pag gabi, minsan (importante yung "minsan" para may lusot ka, kasi hindi "palagi.") bago ka matulog sa gabi, naiisip mo siya. minsan nakakatulog ka na lang sa kakaisip sa kanya ..."

say ni bs math, "hoy, bs bio, kala ko ba over ka na sa kanya ..."

sagot ni bs bio, "kala ko din e."

say nung pilosopo kong trainor, "makinig ka sa sinasabi nila tsaka sa hindi nila sinasabi. mahalaga yon. pati yung galaw nila. wala na bang gin pomelo? bili pa tayo."

say ko kay bs bio, "iniisip mo kung napapansin ka din ba niya, tama?"

sagot ni bs bio, "kinakilabutan ako sayo ..."

CHAROT! kung alam mo lang ...

pero yung inisplukara ko talaga e, "oo, napapansin ka naman niya, in fairnezz. medyo impressed nga siya sayo e." san nanggaling yon?

say ni bs math, "talaga? eh hindi ka nga nagsasalita sa klase natin e."

shet! shet! shet! ikakabagsak ko to. pero bumawi ako, "di ko ka-sure. eh yun lang yung nakita ko e." may kasamang pagtataray itu. para kunwari pwede nila akiz kwestiyunin pero wit yung mga baraha. nagsasabi ng totoo yung mga baraha, ECHOZ!

sabay chumikka si bs bio, "di ba, naalala mo yung may binigay na problem si miss tapos walang makasagot. kahit yung mga bs math. tapos ako lang nakasagot. eh pumalakpak kaya siya non ... naalala mo?"

"ay, oo nga pala," reply ni bs math. "todo clap siya non. grabe, ang galing mo klasmeyt. ano nga pangalan mo?"

deadma. tapos ... "palagay mo ba may pag-asa ako sa kanya?" phone in question nung nerditang bekbek.

siyempre, wit ko naman bet gibsungan ng malaking akala tong si bs bio at baka biglang mag-propose sa i crazz you niya. kaya bumunot aketchi ng baraha, lumabas e diamonds, at sinabi ko, "wag ka mag-alala, yayaman ka. CONGRATULATIONS!!!" joke.

yung chikka ko talaga e, at may halong ka-dramahan to na ka-level ni jaclyn jose, "alam mo na yung sagot sa tanong na yan." at least, wirit akiz yung sumagot. siya. nagpaka-deep lang lola mo. KEMBOT!!!

eh mukhang nalungkot, nakonsensya naman aketch. kaya bumunot akiz nang bumunot ng baraha hanggang sa maka-tiyempo ng king op harts. sabay, "OH MHAAAY GAWD ..." todo pang-famas na akting na to.

"ano yon? ano daw? ano sabi?" duet ni bs math tsaka ni bs bio.

sabi ko, "may lalaki, isa pang lalaki, pwedeng kaklase o hawsmeyt o orgmeyt o fratmeyt, may frat ka ba? basta lalaki na hindi mo mashado napapansin, pero asa paligid-ligid mo lang (parang linga sa bahay-kubo) ... may HD siya sayo e. hindi lang niya masabi kasi nahihiya siya."

kinilig ampotah yung duwa. fdineadma talaga akiz. tapos nagbulungan kesyo baka yung juklase daw naming isa yon. kasi madalas daw mahuli ni bs math na suma-sight sight kay bs bio yung lulurki. e tapos para silang nagkukurutan ng singit. kinikilig talaga. kalurki!

eh nadama kong magpapahula din si bs math kaya sabi ko, "tara, attendanz na tayo. baka abutan pa tayo ni mam."

sagot ni bs math e next week na lang daw. sabi ko itaon niya ng biyernez kasi malakas powers ko non. may keme-kemeng patatas na ganon.

say kasi nung pilosopo habang nagpapakalango sa gin-pom e tayo daw mahilig tayo magkwento tungkol sa sarili natin. kundi naman, feel na feel daw natin makinig sa mga sinasabi ng iba tungkol satin, totoo man yon o hindi, kung sa past man yon o present o sa malayong future. bet na bet daw kasi natin nakikita yung buhay natin sa mata ng iba.

eh wirishima ko naman knowings iyonchi nung magpahula akiz kay sonya. sabi lang sakin nitong bilat na to habang gumagawa ng helera ng mga baraha na nung una kala ko lang e pusoy, "may crush ka .. gusto mo lagi kayong magkasama .. gusto mo lagi mo siyang nakikita .. kinikilig ka pag kasama mo siya .."

taena, kabadong kabado kaya akiz noonchiwa. ending ko na. bukelya na akiz ng madla. bukelya na akiz ni marcus na lurve na lurve ko siya hahahaha at dahil orkot-orkotan nga lola mez, yung mga friendship yung nagtatanong.

"may pag-asa ba si (wanda) diyan sa crush niya, sonya?" tanong ni ricky.

"oo nga," sabat ni ngongo, na hobby talagang sumasabat. "may mag-ngasa ma nya? ngingingawan natin angad yan!"

"ano sabi mo?"
may grasa daw ata? charoz ahihihihi

"asus! susulutin mo lang e" kantiyaw ni marcus kay ngongo.

"hinyi kaya ango nangunguwot! unguy!" wag ka mag-alala. wichelles ko din naintindihan.

di ko lang makulit si sonya non. HOY, ano daw? may pag-asa daw ba ako kay marcus? ha? ha? HAAAAAA?

may i dukot ng baraha si sonya, hart itu. swerti! "wala e ... wala siyang pag-asa ..." ay, ganon!?!

gusto ko sanang mag-iskandalo tsaka manabunot ng tao. peke yan! wit yan trulili! japeyks ka! istapadorang hitad to, nanghuhula! e nagamit na sa tong-its yang baraha mo!

pero tumabi lang si marcus, kay atashi, OO SI MARCUS NGA, may paakbay-akbay pa itu, di na lang tinuloy sa embrace, sabay ispluka, "o pano ba yan? wala ka daw pag-asa ... tsk tsk tsk ..."

bet ko siyang kurutin sa pisngi habang sinasabi, "kainis ka, isa ka pa ..." na may kasabay na pagpapa-tweetums gaya nung sa mga jolikula nina romnick tsaka jennifer sevilla.

pero naniniwala pa din akeiwang peke yung hula ni sonya bwahahahaha AMBISYOSA TALAGA AMPOTAH!

5 comments:

Anonymous said...

bwa haha dabest ka talaga sis... nagtataray ang kilay mo haha!
ako din dati super-huia din ako sa mga friendship ko eh haha.

Anonymous said...

Nagpupugay sa Reyna Ilusyunada!

Hahaha numero uno ka talaga wanda!


Dark Knight

http://downelink.com/09172091681

Anonymous said...

di pa rin ako makahanap ng book mo...ako naman indi hula ang drama ko...basta outright na kasinungalingan. un tipong "alam mo ba c ganito...ganun..." tapos ililihim nila ung chika, after 2 years ko lang aaminin na indi naman totoo un kembot ko...

Anonymous said...

My friend popped me ur blog link just this weekend, and now I'm hooked! I have so many gay friends and lahat sila kakaaliw like you but none is such a gifted writer like u. More funny blogs ^_^ and thanks 4 adding me up in friendster n multiply. Pag-uwi ko pinas, bibili ko ng book mo (sana meron p next year). - Z

Anonymous said...

********aliw!!! ayun lang masasabi ko.

*****i remember yestrday the world is so young!