Thursday, August 02, 2007

Da Bodyguard

dati nung college akeiwa, may i rampage kami sa hallway pagka-shopos ng klase para maka-subarachi bago yung susunod na klase. ka-join ni atashi sina hannah tsaka jisang vehyklang vorta (malaki katawan) na kala mo e kargaroo (kargador) sa pier. yung tipong pag may kelangang buhatin sa klase, gaya ng mga upuan tsaka lamesa, pag halimbawa na-trippan nung teacherraka na baguhin ang feng shui nung klasrum para tuluy-tuloy yung pagjosok ng swerti, e si vahyklang vorta yung unang tinitignan.

kundi nagpapatay-malisya si bakla e nagtutulug-tulugan yan.
e kaso ginigising ko. "tawag ka daw ni teacher ahihihihi ..."

wit ko lang ka-sure kung si vahklang vorta e closetta. kasi minsan, pag naglulumandi ang pipit sa kaparangan at ang mga kalachuchi e sumasara at bumubuka, si bakla nagaa-boomtiyaya boomtiyaya boom-yeyeh with matching pouching lips kyeme. kurek, pouching itu.

e ganda-gandahan kasi ang epek nitong si hannah. kaya yung fresh na frezman na bagets na super shombay sa hallway, waiting por tonayt sa propesora nila, e may i sipol sabay hirit ng, "hi, miss. baka pwede makipagkilala?" may pakagat-kagat ng labi pa.

kinilig si atashi, kahit slight jologito yung bagetsung. kala ko akeiwa yung shinoshowag na miss e. di pala.

e kala rin ng lola mez deadma lang. e biglang nag-disappearing act si vahklang vorta.
"anong problema mo?" say ng vorta dun sa fresh na frezman. naninindak ang bektas, palibhasa graduating ampotah. pero hindi yung tipong cherie gil na paninindak. hindi sylvia sanchez na paninindak. hindi bella flores, hindi amalia fuentes, hindi anabelle rama'ng paninindak. hindi talaga, dong. hindi ganon, dong.

hindi rin yung tipong sindak na pumatay kay barbara.


yung tipong sindak na bomber moran tsaka paquito diaz tsaka max alvarado na may bahid ng slight tonette macho.

"taena, nakakabastos ka ha. kabago-bago mo rito, aangas-angas ka. bigyan kaya kita ng isa. makita mo."

wit ko knows kung ano yung "isa" na ibibigay ni vorta. pero kakalokah. may pagtatanggol.

pero komosyon yun talaga. pati yung manang na nagse-xerox sa dulo e naki-usyoso na, kahit linalapang na nung makina niya yung mga kokomban.

chikka pa ni vahklang vorta, "sa susunod mamimili ka ..."

"sori po ... sori po ..." iyonchi lang yung nasabi nung bagetz.

walkout si vahklang vorta, na muntik na atang maging endorser ng eumorpho lakas tao. humabol siya samin nung pechay naming frenship. KABOG! warfreak na bektas itu. nag-aamuk ampotah.

say ni hannah, "kaya gustung-gusto ko kayong kasama e. i feel so protected ahihihihi"

sabi ko, "protected mo mukha mo. napapaaway nga tayo ng di-oras dahil sayo e."

sagot ni hannah, "e kasalanan ko bang maging maganda?"

say ng lola mo, "madaling solusyunan yan. mura lang ang asido, bet mo? sakin, ok lang. wa naman akong gagawin mamaya."

sagot ni vahklang vorta, may panginginig pa, "mga bakla, bilisan niyo maglakad. baka resbakan ako bigla. sumusunod? wanda, sumusunod ba? tignan mo nga."

tawa kami nang tawa ni hannah. kasi pagkashopos ng kalahating kaha ng marlboro na pula, nanginginig pa din si bakla.

"bakla, ganon pala yon. nakaka-kaba. try mo minsan," chikka ni baklang vorta.

"ayoko nga," say ni atashi. "mabagal ako tumakbo noh?? mas kerri ko pang sumigaw ng SAKLOLO!!! hahaha"

"eh ipagtatanggol din naman kita e," sagot ni vorta, sabay: "kala mo, ako kaya si darna hehehe .. ECHOZ!"

"oo naman noh? ikaw si darna," hirit ng lola mo, "kung yung bato napunta kay lito lapid o kaya kay baldo maro."

hahaha nagtawanan na lang kami hanggang sa hindi na nakapasok ng klase.

4 comments:

prinsipe dilan said...

ha ha ha. taray naman.

.: jackie :. said...

kakaloka. vorta tlga.hahaha.natawa ako dun bru.hahaha ;)

Nonoy said...

feel ko sana kagroup nyo rin akichewara noh?

mitch reyes said...

grabe wanda khit homesick yung nraramdaman ko d2 sa ibng bnsa npaptawa mko ng sbra..actually sbrang badtrip ako dhil buong araw akong pinagalitan ng boss ko..tpos ng decide ako ng bsahin tong mga kwento grabe nwala yung pgod ko tnx wanda my mga taon kng nappagaan yung loob..grabe love you accept mu ung frenster ko ha...mitch leave ka ng msg.sakin ha tnx