noong unang panahonchi, havs ng shotlong lulurki. si juan, pedro tsaka si jose. shotlong lulurki na simula noong dekada ochenta e wala nang ibang ginawa kundi magpagalingan tsaka pumanch-line.
ka-level sila nung joke joke joke na sinong singer ang bali-bale yung buto? sino pala? eh di si gary bali-balensyano. NYEH!
eh sinong artista yung mahilig sa banyo? sino pala? eh di si sharon cubeta. NYEH!
korni, pero nung prep si atashi, habang asa serbis kami, bentang-benta itu.
at gawa nung globalisasyon (may ganung eksena talaga), kinabog ng over sina juan, pedro tsaka jose kaya pinaubaya na nila yung pagpapatawa dun sa pilipino, amerikano tsaka hapon. na wai ding ginawa kundi magpayabangan.
dito sa chikka ng lola mo, nakasakay ni wanda sa tamaraw px tong mga duduki na itembang: si juan, pedro tsaka jose. siyempre, waing nagbago. nagpapagalingan pa rin sila.
siyempers, si juan yung laging pasimuno.
juan: wala ka, pre. si bruce willis hindi namamatay sa die hard 4. immortal siya, pre. immortal.
pedro: ulul! di nga. si bruce willis, dude, e bugbog sarado lang yan kay chuck norris. mukha lang lasing yan si chuck norris pero astig sa bakbakan, dude. pati tatay mo, whapak yan kay chuck norris.
juan: woeh!!!
pedro: oo nga. whapak! whapak! whapak ka!
juan: imbento ka. eh yang chuck norris mo bading naman yan e.
pedro: hala ka! ayaw maniwala neto.
juan: immortal kaya si bruce willis.
pedro: eh sa sixth sense, pare, umpisa pa lang patay na yan e. ano ka ngayon? immortal mo mukha mo.
jose: mga tungaks kayo pareho! walang binatbat yang mga yan kay optimus prime, pare. tatapakan lang yang mga yan ni optimus prime.
natahimik ng slight. pinag-isipan talaga.
juan: woeh!!! eh yang optimus prime mo bading naman yan e.
buong biyahe talaga, mula cubao hanggang samin, e nagpapataasan ng ihi ng iba tong mga boylets na itu. kaka-imbernadette, parang mina-migraine pa si atashi. e wit ko man sila bet pakinggan, wa ko choice kasi kaming kyopat yung asa jolikuran nung jef-x.
dagdagan pa nung biglang mag-aparisyon yung numero unong kinatatakutan ng mga closetta at pamhin sa fx, gaya ng lola mo.
pedro: kadiri, dude, pare, iniipis ka. (kay juan)
lumitaw sa may gilid yung jisang ipis. jisang malaki tsaka amoy lumang aparador na crawling ipis.
sabi ko sa sarili ko, pag naging flying ipis to, deadma na sa baranggay, ititili ko talaga baga ko. iskandalo kung iskandalo labanan dito.
napuno ng tensyon yung jef-x. lahat nung pasahero panay lingon samin, orkot din sila madapuan nung ipis. yung isang gurlilet sa may gitna, pumara na sa tabi. hindi kinaya.
leche naman kasi!!! fx na lang iniipis pa. wirit na jinisip nung drayber sweetlover na mag dobol check kung havs ng jipis na nakiki-skwat sa kariret niya. e jujuwetiks ka na nga lang, pagod sa kakarampa, shogod sa jopisina mez, tapos may i ride ka ng jef-x tapos iipisin ka, kamustahin naman davah? ka-level na nga lang ng abanikong butas yung ercon-erkonan kuno, e iipisin ka pa. leche talaga, davah?!?!? asan ang konsiderasyon don???
juan: akin na notebook mo, pre, patayin natin yung ipis.
pedro: boplaks ka ba? mangangamoy ipis naman notebook ko, dude.
shotabe ko tong si pedro. at talaga namang sinisiksik niya pa ko hanggang sa pang-limang piso na lang upo ni atashi.
juan: patayin mo na, pre. nakasalalay sayo buhay nating lahat nyahahaha
pedro: ikaw, patayin mo. ikaw nakaisip e.
juan: arte mo.
pedro: madumi kaya yan, 'kala mo.
juan: tungaks!!! nandidiri ka pa eh inuulam niyo nga yan sa probinsya niyo.
pedro: ulul! hindi ipis yon. iba yon. balang yon. boplaks ka pala e.
bet ko sanang pagkoko-konyatan tong sina juan tsaka pedro. nag-aasaran pa e papalapit na samin yung jipis. kung mamalasin ka nga naman.
hanggang sa buong tapang na humirit si jose.
jose: manong drayber, baka may pamalo ka naman diyan. iniipis na tong fx mo.
juan: baygon, manong, baka meron kayo? hehehe
pedro: tanong mo, dude, baka moth balls meron nyahahaha ...
sumilip lang sa mirror yung drayber. may inis. may nagaganap na pagbubuntung-hininga. tapos may kasamang tsk tsk. kala naman niya ginusto namin to.
hindi kaya!!! HINDI KAYA!!! wirishima nga akiz nagwa-watch ng fear factor e. kakalokah!
drayber: (may poot ang delivery) wala. wala akong pamalo. eh ipis lang naman yan. tapakan niyo na lang! tsk. tsk. (tapos may bulung-bulong pang karugtong)
si juan tsaka si pedro tsaka si jose, pati na rin si wanda, e napatingala sa kisame nung fx kunsaan walang kahihiyan at buong tapang na rumarampa yung ipis.
OO, asa kisame na siya.
juan: hoy, tapakan mo daw.
natawa na lang kaming kyopat, ini-imagine kung pano tatapakan ni jose yung ipis sa kisame. oo, pati ako nakitawa. nagfi-feeling close lola mo e.
Friday, July 27, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
11 comments:
Hanep ang segway nung ipis ah!
- Pulsar
so anong ginawa nyo?
pano nyo tinapakan!?!? hehehehe....
tangina kasing ipis yan! napahalakhak ako! ayan nahuli tuloy ako ng boss kong walang ginagawa kundi nagbabasa ng blog! leche! makaalis na nga!
ha ha ha ha ha!
pano niyo napatay yung ipis hehe.
yaki talaga yang mga nilalang na yan.
waaaaaaaaah scary naman ang ipis na yan, pero natawa akeshi! pinagtinginan tuloy ako dito... haay katuwa ka atehhhhh!!!
Dapat nilalagyan nung mamang drayber ng Alkampor(hehe) yung fx nya!
sana sinabi nyo sa drayber na sya yung umapak. haha
natatawa ako don kina juan, pedro at jose..parang mga tungaw.. haha.. eh baket nga ba me ipis ang fx? uso na ba ngyon un?? hahaha
bwahahahaha.
nakabili na akey ng bookelya mo. hehehe. =)
hahaha... ang benta!fum
haha! apir!
ililink kita mare sa blog ko next time..
witchi kis pa nasasayt ungbookables mo sa leading bookstores nationwide..
buti nalang may blogabbles ka..
Post a Comment