Wednesday, May 02, 2007

Shalah-La-La-Lah!!!

ang siste ganitech: unang batch akiz tsaka yung friendship kong si lukring. follow da lider yung shupatembang ko tsaka yung jowawiz niya via ate showie's super ferry. tapos meet yung mga bakasyunista sa queen ziti op da south tapos swim pa-bohol para lumapang ng inadobong tarsier.

yung shupatembang ko kasi adik sa tv show na LOST kaya afraid mag fly ng plane. kesyo nag-fly to da sky via oceanic flight yung mga taga-LOST tapos super landing sila sa ocean. kaya yun, na-loss.

phone in question niya, "anong sasakyan niyo?"

sabi ko, "cebu pacific"

sabi niya, "AY! fly to cebu, land in the pacific."

TOK! TOK! TOK! kinonyatan ko siya ng pagkalakas-lakas. parang knock on wood, ganon. wa kasi akez na-sight na wood e so bunbunan na lang niya. pero sabi ni lukring hindi naman trulili yon. madalas delayed lang daw flight ng cebu pacific.

well, pag sinabi mong delayed, feeling ko mga trenta minutos lang. sige na nga, fine, pwede isang oras. pero yung flight naman namin ng alas sais, aba, dumating pasado alas diyes. KAKALOKA!!!

nung mag-board kami, wa man lang sori-sori o kaya nag-explain kung bakit sila delayed. punyeta talaga. parang walang nangyari.

sabi ko, "lukring, pigilan mo ko, magi-iskandalo ko dito. magi-iskandalo talaga ko."

sabi ni lukring, "sige. iskandalo ka lang, gurl." ang suportive ni bakla, davah!?!

sabi ko, "hindi, lukring, pigilan mo ko! mali to, kostomer tayo, nagbabayad tayo."

sabi ni lukring, "bakla, promo lang to. wag ka na mag-inarte. swerte natin kung may pa-lapang pa to."

in fuhrnezz ginibsungan naman kami ng mala-C2 na inumin. exceeding expectations na to. kala ko yema lang o kaya pagdidil-dilin lang kami ng asin buong byahe.

eh tapos may i approach yung flight attendant, "is there anything wrong, sir?" wag ka, ang gwapo! nasa langit na ba ko?!?!?! dead malaysia na kung kinalyo yung wetpaks ko sa kaka-antay sa kanila. basta, ang wafu nito! gusto ko anakan niya ko.

sabi ko, "oh ... (kumukuti-kutitap smile) nuthing."


sabi nung flight attendant, "OK, enjoy your flight."

sabi ko, "oh ... (kumukuti-kutitap smile) i weeeeell."

sabi ni lukring, nung um-exit na yung gwapito, "ano ka ngayon, bakla? eh di napa-ingles ka bigla. iskandalo pala ha."

arrive kami sa cebu nang matiwasay. tapos say ni lukring, dapat bakasyon grande daw yung drama namin. check in sa hotel ang bet ni bakla. hotel talaga! ANG YAMAN!

so gora kami don sa shala-shalahang hotel sa mactan. as in shala talaga itu. sabi ni lukring, deadma. kesyo may discount card daw siya. confident!

so exit kami ng taxi, rampage sa front desk hila-hila yung mga stroller naming shala. kurek! chakka yung mga maleta, ang bakasyunista stroller ang dala. pareho pa kaming may hand carry na baggelya ni bakla na kikay kit lang naman laman.

at para makumpleto ang sosyalin epek, wear kami ng shades. yung bubuyog shades. as in yung pag sinuot mo ka-fez mo na si jollibee. dahil kung bet mo mag mukhang sosyaling bakasyunista, shades ka. pwede mag polseras na marami tsaka malalaki na tumutunog kahit nangangamot ka lang ng ilong o kaya malalaking hoops na hikaw na pwedeng paglambitinan ng mga love birds tsaka mga decolores na maya, pero kung bet mo talaga ma-achieve ang epek ng mala-celia rodriguez na katarayan, mag vintage bubuyog shades ka. iisipin na ng mga tao na mapera ka. yung iba iisiping bulag ka at naghahanap ka ng mamamasahe.

pina-compute na namin ang gagastusin para mag-overnight. PUNYETA, NYOHALITI!?!?! pwede nang makabili ng tatlong nyelpown, isang 300 na load, tsaka isang masahe with extra service.

sabi ni lukring, "we have a discount card. can we use it?" AYAN! dahil nagkakakagipitan na, idaan na lang natin sa inglisan. panalo.

so kinuwenta ulit. in fairview, halagang tatlong nyelpown tsaka masahe with extra nyerbis na lang. laking nabawas. damang-dama ng bangs.

bulong ko kay bakla, "wit na tayo ditrax bektas, go na tayinz somewhere outder. mahalia jones itich." translation: alis na tayo.

deadma si lukring. sabi niya sa front desk. "whats you're least expensive room? for two people."

kaloka. lumulubog na ko sa kinatatayuan ko. kinuwenta uli. 13 kiyaw. tumataginting na 13 kiyaw. partida na, discounted na daw iteklavu.

sabi ni lukring sa frontdesk, "wait lang, miss. i'll just talk to my friend."

talk daw pero hinila na akiz ni bakla palabas. eh ang far away LA mula sa lobby hanggang pag exit nung shala-shalahang hotel. as in isang traysikad, na katumbas ng pedicab sa maynila.

sa tapat ng shala-shalahang hotel, hila-hila yung mga stoller namin, e sumakay kami ng jeep. tinitigan na lang kami nung mga gard. malamang iniisip nila wa kaming mga anda, mga ambisyosang bakla.

sabi ni lukring, "hindi naman siguro."

sabi ko, "talaga lang. kasi kung ako yon, yun din iisipin ko. ambisyosang mga baklang to."

ang krisis ng mga bek-bek, wa namin knows kung pano kami papara, magbabayad tsaka kung san kami mismo pupunta. wa saming fabulous mag-bisaya.

buti na lang, kahit san ka magpunta, taga maynila man o taga cebu, parehong nakaka-intindi pag sinabi mong, "MOT-MOT! san po ba may MOT-MOT?"

ligwak ang pangarap ni lukring mag shala-shalahang hotel. sorry ka, bakla. hindi lahat ng pangarap kayang tuparin ni pichay.

3 comments:

aries said...

meron namang mga hotels and resorts na hindi aabot ng 13k sa mactan. portofino is nice. i'd recommend cebu white sands or cebu beach club...

nag enjoy kayo sa cebu? hehe

ei, pwede link kita
eto sakin:
http://ariesthewarriorprincess.blogspot.com

Querida said...

aliw na aliw ako sa kwento. totoo, hindi kayang tuparin ni pichay ang mga pangarap ng mga bakla.

Anonymous said...

paksyet ang mhal nmn ng hotel na yn..wanda my book knb mglbas kna mna pra bgo mnlng ako mg abroad my book akong mbili am sure sa ibng bnsa diko pa alm kung llbas yung book mu hope so..gudluck wanda