Wednesday, May 02, 2007

Ambisyosa To!

patay tayo diyan! binitawan na ang pinaka-malupit na linyang iu-ukit sa kasaysayan ng telebisyon at pelikula. isang linyang tatatak sa kinang ng showbiz.

linyang papantay sa ...

walang himala!

babangon ako't dudurugin kita

bukas luluhod ang mga tala

si val! si val! parati na lang si val!

i was never your partner, im just your wife

gaano kadalas ang minsan?

pinulot ka lang sa lupa

para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain

itu eh isang linyang puno ng emosyon. ng galit at poot sa pagkakataon ng kahinaan ng isang babaeng linalamon ng pag-ibig.

I DIDN'T THAT, MOMMY BEI! I DIDN'T THAT!

ano daw? partida, inulit niya pa ha! i didnt dat daw. i didnt dat.

wehanongayun i didnt dat na yan?!?!

eh yan kasi yung mga binitawang salita ni maricris sa mga huling sandali niya sa balur ni big brudra. kung anuman ang ibig niyang iparating sa madla, hindi na natin malalaman. hindi na matutuldukan. dahil na-force evict ang bilat for improper use of grammar.

kasi naman. may selosan factor pa at ang lulurki in question eh yung pinaka-dilimgenic sa lahat na si nell. maiintindihan ko pa talaga kung si bruce e. pero hindi. hindi talaga.

kaloka! ferpect! bongga!

eh bet mo ba ng bonggang chikka? as in bongga sa pagka-ambisyosa. eh eto na-resib ko lang sa text mula sa mga friendship kong sinusulit ang unlimitext. ewan ko lang kung nabasa mo na to.

kasi havs daw ng isang insektang nagpa-presscon sa kaharian ng mga insekta. as in literal na insektang nababangag sa baygon ha? hindi yung mga baklang nagmamaganda. basta insekta talaga.

sabi nung insekta, "ako po ay isang butterfly. kulay brown lang po talaga ako, pero walang dudang isa akong paru-paro."

eh may nakarinig na mga butterflies. umalma. sabi nung isa, "HOY! magtigil ka nga. ambisyosang palaka tong IPIS na to ..."

nyahahaha baklang-bakla!!!

yan ang sukdulan ng ambisyon, ilusyon at isang matinding kaso ng identity crisis.

wa ko ma-say. bukod sa, I DIDNT DAT MOMMY BEI! I DIDNT DAT!

ewan ko sau! nyahahaha

7 comments:

faye said...

napanood ko yun! sana sinabi ni beatriz na "i didnt dat ka rin, leche!" hahahaha!

Stephen said...

ako rin hahhahahaa

Anonymous said...

di ba't bakla si nel? nagpapanggap lang na pogi! ahihi!

burrito said...

wala na, nasa mental na si maricris. wanda, asan na si roxy and frida? buhay pa ba ang mga baklang to?

Dark Knight said...

hahahah ang "ipis" bow! Wahahaha naloka ako sa txt na itetch! op cors singapore knows ng lolo dark knight mo kung sino itetchie agbayani wahahaha :) ferfek!

MiRa said...

haha..napanood ko din to...at nung narinig ko tlgang lumabas un sa mga ngbabagang bibig ni maricris, eh prng natigil ang mundo ko at nasbi kong: "ano daw?!"

wanda...excited na ko sa book mo! :P

erika said...

may nakalimutan ka ate wanda, yung "be HAnest mommy bei, be HAnest!"