ang bagong babasag sa siesta ni kuya ... ang kol tv.
na-discovery lang ng lola mez itechuwa sa mahinahong suhestiyon ni la gretta nung isang linggo. sabi niya: "POTAH BAKLA MANOOD KA SA CHANNEL 9. POTAH LAFF TRIP TALAGA. NILIPAT MO NA? NILIPAT MO NA???? ILIPAT MO BILIS!!!! NANONOOD KA NA BA!?!?! POTAH LAFF TRIP TO!!! LIPAT MO DALI, FRIEND!?!?!"
ang hinahon, davah???? sinubukan ko sabihing "wait lang, bakla, huminahon tayo't wag magpadalos-dalos ..."
BUT NO! wit talaga siya tumigil sa kakaratrat hangga't hindi ko nililipat sa rpn 9.
nung mag switch ako, tumambad sakin ang fez ng isang gurami na nagpapaka-bagetz na akala mo e may kainuman. yan yung kol tv. yung may mga game-gamesan tapos magte-text ka tapos ira-raffol tapos pag napili ka tatawagan ka nila. pag may tama ka, winnona ka na ng 5 kiyaw. pero sabi nga nung host-hostan, "kung nagtext ka, ikaw na yon. kung hindi ka nag text, hindi ikaw yon ..."
panalo, davah!!! may mga hirit pa yan na, "if you have a chanz, nasayo ang chanz." gumaganon pa talaga e.
epektib siya, in fuhrnezz. kasi unang episode pa lang, na-hook na si atashi. panalo naman kasi talaga yung mga host. chikka nang chikka, wang kapaguran itu. at wag ka, partida na, waing iskrip tong mga to ha. kaya ending ... kung anek-aneklavu na lang pinagsasasabi nila, may masabi lang.
kalurki ang kumbinsing powers ng mga host. sabi ba naman: "anjan ka, andito ako. i-text mo ko. i-text mo ko. wala ka namang ginagawa diyan. anong ginagawa mo diyan? anong ginagawa mo diyan? wala ka namang ginagawa diyan. text ka na ..." hindi ka ba namo-motivate mag text? parang gusto ko ngang magtext ng: MANAHIMIK KA! nyahahaha
pero siyempre minsan havs ka ng agam-agam. bakit ka 'ka mo magte-text, divah? havs ng sagot sila diyan: "may daliri ka. may cellphone ka. mag text ka na." kung wala kang daliri o sobra ng isa, jiritation na to.
may hirit pa yan na: "kesa nagte-text ka sa barkada mo, kesa nagte-text ka sa gelpren mo (GELPREN ITU!), sakin ka na magtext. pag nag text ka sa barkada mo bibigyan ka ba niya ng 5 kiyaw? pag tinext mo gelpren mo (GELPREN TALAGA!) bibigyan ka ba niya ng 5 kiyaw? ako pag tinext mo bibigyan kita ng 5 kiyaw. kaya ano pang inaantay mo, text ka na. text mo ko." anoveh!?!?! nakiki-alam talaga.
patikim lang yan. kelangan kasi mapanood mo siya bago mo ma-appreciate na sobrang laff-trip itu. watch kayo at suportahan natin sila nang wag sila mawala sa ere.
parang yung gurlilet sa phil-jap friendship channel. kilala mo ba siya?
sabi nina frida e na-feature na nga siya sa nagmamahal kapamilya sa dos. at yung jusawa nga daw niya e hapon na siya ring produser at cameraman rolled into one. kamustahin natin ang multi-tasking.
adik kami jan dati. at yung showag namin sa kanya e Simasen. kasi yung memorable line niya e, "Simasen (boses anime ampotah)! achuchuva chenelyn churvahness chin chin taberu san des ka keme keme patatas?" hehehe
drama pa niyan e ra-rampage sila ng jusawa niya sa buong japan-japanan at lalapang at magkukwenta ng kang anechuwara lang. parang ganitembang ... "wow! 2 million yen po siya. sa pera po natin diyan sa pilipinas eh mga ... nasa mga ... uhm, mga ... P1,500 siya. murang-mura, di po ba?" wa ko knows, azz in sa level ng ma at pa, sa palitan ng yen at piso pero knows na knows ni atashi na yung P1,500 e hindi murang-mura. punyeta.
eh gumora pa yan ng zoo. yung tipong super walk lang yung mga hayop tapos yung mga sho-o-belles yung asa bus. sabi niya talaga, "ang ganda-ganda po dito. malayang nakakapaglakad ang mga hayop gaya ng lion, giraffee tsaka berrrrrrrrr ..." azz in berrrrrrrrr itu. bahala ka na mag-isip kung anung kahayupan yung berrrrrrrrr.
ka-level yan nung ice cream na linapang niya na plentious cheverlyn sa flavors. sabi niya, "ang sarap-sarap po talaga nito. at marami pong flavors gaya ng menggo, banilla tsaka OWBI" nyahahaha OWBI daw, masarap. hindi lang yon. kinwenta rin niya kung magkano yung ice cream sa sa pera natin na pumatak ata ng P200 samantalang sa P10 may ice cream ka na sa monay o kaya limang pisong ice cream sa matamis na apa na ayon sa mga chismax e ginagamit sa pangungulangot ng mga sorbetero.
eh nung minsang lumapang rin sila sa resto nung jusawa niya e um-order siya ng isda na parang sinandok lang prom da aquarium, pinukpok, linagay sa mangkok tapos sinerve na. tinikman niya. siyempre bukod sa pagku-kwentang alam kong gagawin niya e sasabihin niyang masarap yung sopas. wag ka ...
SLURRRRRP!!! sabi niya, mmmmmmmmm .... linasahan niya ng super. SLURRRRRRP uli. makikita mo talagang nanginginig-nginig na yung pisngi niya ever at parang napipikit-pikit pa pero pinipigilan niya ng over.
SLURRRRRP!!! finally nagsalita na siya, "mmmmm ... (pero lukot yung fezlak niya) masarap po siya, noh? masarap po siya ... hindi, masarapa po siya (dama mong nagsisinungaling siya kasi gusot na gusot pagmumukha niya), hindi lang po talaga kami magkasundo sa lasa ..." tapos linagyan niya ng toyo o patis o tatlong tasa ng wasabi o kimchi at ... SLURRRRRP na naman!!! "hmmmmm ... masarap naman po siya e ... malansa lang ng konti pero feeling ko naman po masarap siya. hindi lang po talaga kami magkasundo sa lasa." tapos tinabi niya yung sopas sabay segwey sa, "mga 500,000 yen po to. bale sa pilipinas e mga ... ano 'to ... nasa mga ..." wa na ko paki-alam.
eto ka pa, apter nila umakyat panaog sa bundok ng tralala e lumafanggers siya dun sa tindahan sa tabi-tabi na feeling ko lang e sosyalerang bersyon ng turo-turo natin. isplukara ng hitad ... "ang sabi po niya e masarap daw po tong tinapay na ito. para sa mga matatanda. nakakatuwa po talaga at may tinapay para sa mga matatanda ... titikman na po natin yung tinapay ..."
sabay kagat ...
CRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRUNCH!!!!!
nakakaloka! pang mashondang tinapay pero antigas nampotah!!! bwahahahaha!!!
pero wai na siya. wit ko man lang nasalba yung show niya. wit ko siya nasuportahan. asan ka man ngayon sa japan, sana'y malaman mong napasaya mo ko ... nagmamahal, ECHUSERA!!!
Thursday, May 24, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
11 comments:
yey! 1st comment skin! achievement i2.. ang medal mama isabit mo na! haha.. katawa nman 2ng entree mo na toh.. knows q ung gelay na kinikwento mo.. kuha mo! pasok at ringless!! haha..
Si Eleanor Nishiumi yung host ng Oh! Tokyo! hehehehe
nakow, yang game show na yan dito siguro galing sa uk. me ganyan dito pag byernes sa channel 4. walang patid din ang daldal ng host, hinihikayat kang magtext, tumawag, maglog-on, etc.
Ex:
host: complete this word and win tienes-tienes pounds! it starts with the letters D-A-Y.
caller: is it DAY ja vu?
Winner entry! hahahaha!
Naaalala ko yung episode na kumain siya ng tipaklong... Yung pagkakaluto eh parang spicy dilis/pusit dito sa atin. Sumabit sa ngipin nya yung paa ng tipaklong.
Sabi niya: "Ay, sumabit po ang paa ng tipaklong sa ngipin ko!" *tapos sungkit ng daliri ang tinga*
At yung pag-inom niya ng yogurt drink ay well documented: "tinatanggal ko na po yung seal... binubuksan ko na po yung bote... iinumin ko na po... *ngrag ngrag ngrag* masarap po... di po talaga kami magkasundo ng lasa ng tipaklong."
sana bumalik yung show niya hahaha!
Nagpapalit-palit sila ng hosts everyday. May isa medyo kabataan at may essence of cuteness. nakalimutan ko na kung ano, pero may TV commercial ang semi-cutie pie na itey.
and si bb. simasen ay napaka-aliw! miss ko na siya! heheh
nakakalurkey... yun lang... ahhahha
Mas masarap po ito kapag may SOWS (sauce)
hahahaha! alam ko yung sa kol tv.
madami na silang naging host.
may babaeng freaky,
kalbong freaky,
ung matandang lalakeng freaky din na parang si jojo alejar,
tapos ung host nila na bata na mejo cute pero may pagka-freaky pa din.,
may eye contact talaga sa camera eh! nyahahaha.
wanda, kelan po labas ng book mo?
excited na talaga kong bumili!!!
(^^,)
WAAHHHH! na mimiss klo na Oh! Tokyo ng WINS... fave ko cya nung bata pa ko ahehe si eleanor fave kong host. and tama si baklang AJ> minsan nanood ako nyang tv game show na yan may cutie ngang host yung commercial model ng globe broadband.. yung "I love you... kutchikutchi.." ahehe. naaliw ako kasi na re-fresh yung Oh Tokyo memories ko wahehe
i-relive po natin ang moments ni eleanor nishiumi. kafriendster ko siya! hihihi
classic lines:
--wow! tignan niyo yung mga hipon, para silang naka white socks!
--at naku ang gaganda ng mga isda, para silang naka contact lens na blue.
--mmm...ang sarap ng chocolate cake, lasang tsokolate...
--kung type niyo ang FEESH (read: fish as in isda), magkakasundo kayo ng lasa.
--at ngayon, kausapin natin ang isang ohdience (read:audience)
--wow sino tong viva records? isa siyang bagong recording star!
--grabe nakakakilig talaga ang mga langgam!
--flowers, flowers, flowers EVERYWEAR!
--siguro sa dami ng tumingin dito, nabura na ang mga nakasulat dito.
http://www.wins-tv.jp/
pwede ka jan manood ng Oh, tokyo!
Post a Comment