dinugo ka na ba? sa lulurki?
ako, oo. kay marcus.
kabahan ka.
bakasyon yon, wa ko ma-remember kung kelan.
basta bagetz na bagetz pa ko non.
... nagsimula lahat sa bente uno.
knowsline chinatown mo ba yung larong yon?
yung bente uno parang basketbol pero wai kang kalaban. solo mo yung ring tsaka bola. su-shoot ka prom far away LA. kung lumusot, two points. tapos dapat jisang beses lang tatalbog yung bola. go at getchingin agad itu. tapos shoot uli. one point yon. para mas astig, pare, dapat lay out ... err, lay off ... lay up, ata ...ewan, dude, hindi ko alam. basta shoot ka na lang, dude. shet, dude. chenelyn chorvah, dude. CHOZ!
unang maka-abot ng bente uno, winner. pag sumobra, balik ka sa umpisa. yung kulelat lulusot sa pagitan nga mga hita nung iba.
siyempre lola mo lagi burot. kakainis. hindi ko sinasadya yon HA! may effort naman, burot lang talaga. pero hindi din naman akechiwa nagre-reklamo. FEEL KO!
eh di naman ako bobita sa josketball. nag PE naman ako niyan, noh!?! pero kasi lagi kaming scorer o kaya taga-kolekta ng bola. pinaglalaro lang kami pag bored yung teacherakka. diyan bubuo ng team na puro vehykla ... azz in nagdi-dribol with jumaypay at may kasamang tili. pag naa-agawan ng bola, diyan na ume-entra ang hampasan sabay set, dive, sundot, pektus at spike sa bola. kurek! paghalu-haluin natin ang isports.
initiation ko yung bente uno kina marcus. next level e tournament na. yung level na may coke litrong pustahan na itu.
sabi ko, bakit ako? wala sa dugo ko ang basketbol. chinese garter pa pwede, pero basketbol? HALLER!?!?! tandaan na nung mga panahong itich e pamintang buo pa si atashi.
say nila e kesyo mashongkad daw lola mo tapos kaliwete pa. magaling daw mag shoot. sagot ko diyan e wehanongayon??? ang kaya ko lang i-shoot nang walang mintis e yung sinulid sa karayom para magburda. kamustahin naman, davah?
nung umpisa e natatalo-talo kami kaya super pa-nomo ng coke litro sa mga patay gutom. nung katagalan e natututo na si atashi mag shoot ng sakto at ringless. astig, pare. kagulo, dude. shemaks chenelyn, tsong.
eh ang siste, ituturo lang ni marcus kung sanchiwa akiz tatayo at kung anek ang gagawin ni atashi. kung ipapasa ko ba yung bola o kung isu-shoot ng lola o kung may babantayan ba kong nota ... bwahahaha ... kinikilabutan ako sa mga pinagsasasabi ko. eh malalaman ko na lang naka-foul na pala si atashi o travelling o kung anupamang hindi ko naiintindihang violation na hindi ko maprote-protesta kasi nga hindi ko ma-getz.
minsan, naisipan nila maglaro ng josketball sa ulan. para havs ng challenge kumbaga. at dahil ulan, wet look ang kinahinatnan. at dahil mas maginaw pag may damit, burlesk ang eksenahan nitu. pati ako, naghubad ng baby bra.
pero san ka pa? sa shutawan ni marcus mahirap mag concentrate sa bola o sa ring o sa kalaban o sa katawan ni marcus. distracting talaga. yung katawan ni marcus. pakshet.
tapos bigla na lang nagdilim paningin ko. may kasamang pag alog ng utak itu. pinasa na pala sakin yung bola hindi ko pa nakita. swak sa mukha ng lola. nag-amoy spalding ang fez ni atashi. nalalasahan ko pa yung goma.
sabi ko, ayos lang ako! tuloy natin laro! nagmama-angas si bakla.
sabi ni marcus, taena nagdudugo ilong mo. sabay tawa.
tapos inuwi niya ko samin.
eh sanay na sa mga eksenang duguan tong mga parental guidance ni atashi. pag nagalusan akiz ...
erpat: ano yang galos na yan?
wanda: nadapa po ako ...
erpat: PUNYETANG BATA KA! ang lampa-lampa mo talaga.
pag uwi kong tapos havs akiz ng pasa sa fez ...
erpat: ano yang black eye na yan?
wanda: (siyempre chu-chu ka sa pudang para resbakan ka) binugbog ako ng kapitabahay huhuhu ...
erpat: ba't hindi ka lumaban? ang lampa-lampa mo talaga.
kaya nung umuwi akong nagdudugo ilong ...
erpat: ano nangyari sayo??
wanda: (inunahan ko na habang kuma-cryola) OO NA! LAMPA NA KO!!! LAMPA!!!
pinaliwanag ni marcus kay pudang yung mga kaganapan sa kort. sagot ng paderaka ...
erpat: nagbabasketbol ka? kelan pa? ABA! hindi ko alam na may liga pala. hindi ko alam kasali pala anak ko. ABA! may uniporme na ba kayo? asan ang wallet ko? WALLET KO!
kinindatan na lang akiz ni marcus. at pag nakindatan ka ni marcus, yung wetlook at bumabaktong na marcus, eh hindi ka talaga makaka-apila bukod sa paghingi ng isa pa.
nung taong yon nasali ako sa liga ng basketbol. pang kumpleto lang ng tao, pero never, azz in never, akong tumapak sa kort. minsan lang ata, napilay pa ko.
wichelles na akiz jumoin nung may fiture taking sa liga. kasi hanggang ngayonchi dine-deny ko itu.
Tuesday, May 22, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
9 comments:
Grabeeeeeeh! Ang saya saya ng entry na etuu!
na miss ko mga kwento kay marcus at si marcus..
'chos!
gosh! i enjoyed reading this hahahaha! i'm sure i'll be an avid uh...uh... subscriber? [syet ampanget ng term...]
"Tagasubaybay" na lang. dinugo rin ilong ko sa english.
galing-galing mo talaga pare, idol kita as in super!!! sana everyday may post ka! kakamiss kasi eh! kelan book mo tol, promise bili ako sampu, papamigay ko! laugh trip talaga bag kaw bumanat. reminds me of a friend. please continue posting stories bout marcus din, iba kasi pag sya topic ng posts mo eh, kilig! hehehe.
Haaay, kilig tlga ako pag post about marcus!!! :)
Galeng-galeng mo ate! :)
pakshet.. miss u lyk crazy ang drama q sa mga blogs mo wanda.. eversince na may i endorse ang badeth qng friend n visita iglesia q dw itetch site mo, adikk na adikk na aq.. haha.. mejo hawig pa ang story ntin. kc may "marcus" din aq na so near yet so far ang galore.. haaay..
awww... kapag kwentong marcus-wanda, sinusubaybayan ko talaga... parang Xerex Xaviera... wahahahaha
Na miss ko ang kwentong marcus mo ah. Haay, nakakamiss ang kabataan. LOL
wahahaha nka relate ang kagandahan ko. mga pinsan ko nga lang ang nag turo sakin ng vaskeytvowl...
parang etu ung "onse-onse" sa amin. pro napunta rin sa pompoms ang hilig ko.
Post a Comment