siryoso to. maiiyak ka.
nung isang linggo, feel ko nang may mali sa shotawan ng lola mo. kala ko lang trankaso. o kaya sa edad na 25 e linalagnat laki lang akiz. o kaya binabagangan lang.
nung biyerneiz, slightly nilagnat na akiz.
nung saburdei, nadama ko na sumasakit yung notabelles ni atashi. yung notabelles ni atashi!!! bawal dumapa. bawal tumalon. basta bawal siyang galawin. makirot e. na-orkot na ko. inabangan ko baka umagos ang dugo any monument.
nung linggo, lumalaki siya ng kusa. nagdesisyon na kong hindi na siya nakakatuwa. ayokong tawaging namamaga. basta lumalaki siya ng hindi tama.
nag SOS na lola mo kay alpha. tinawagan niya akiz sa balay.
wanda: masakit nota ko.
alpha: eh ano ngayon?
wanda: feeling ko may sakit ako.
alpha: doktor ba ko?
wanda: may AIDS na ata ako.
alpha: sa wakas maku-kwento na kita sa mga ka-trabaho ko. bihira lang yung may friend na merong AIDS.
wanda: taena mo!!! kaya ko nga sinabi sayo kasi akala ko maiintindihan mo ko.
alpha: bakit naman kita maiintindihan? may AIDS ba ko?
nakalimutan ko non na jinoke time niya lang pala akiz nung chumikka siya na havs siya ng AIDS. LECHUGAS!!!
wanda: magpapa-albularyo na lang ako. ba-bye!
alpha: punta kang riverbanks. susunduin kita don.
usapan namin ni alpha e dadalhin niya akiz sa pinaka-fabulosa pero mumurahing duktor na malayo sa marikina. mahirap nang ma-tsismis.
napadpad kami sa chippy-cheapybam na klinika sa pasig na aircon naman, in fuhrnezz, pero kala mo terminal ng bus sa dami ng pasyente. andaming masakitin sa mundo. de paypay pa yung iba, lamig-lamig naman. tapos yung iba borlogs with goodmorning towel sa fez. last trip siguro silachi. yung iba may lata ng biskwit tapos lumalafang pa ng shingaling.
nung tinanong akez nung receptionist kung may record na ko, sabi ko wala. may i type siya. tinanong niya ko kung ano sakit ko. in-explain ko sa kanya na masakit nota ko. feeling ko may sakit na ako.
sinulyapan niya lola mo nang may paghuhusga. bet ko talagang buhatin yung dakekang niyang typwriter na olympus tapos ihampas ko sa fezlak-ever niya.
naalala ko talaga yung mudra ni atashi nung lagi akong puyat. sabi niya, "anak, nag-aadik ka ba?"
sabi ko, "hindi po. kulang lang po sa tulog."
sabi niya, "hindi, adik ka! adik! waaaah! adik ka!?!"
may paghuhusga talaga. jiritation-ever.
pagkatapos ako kunan ng dugo non tsaka ihi tumabi ako kay alpha. para nga kong bagong tuli kung rumampage. tinatakpan ko pa kasi havs ng dimonyitong bagetz na takbo nang takbo. papuntang bicol ata, naghihintay ng bus. feeling ko lang matatabig niya yung ding-dong ni atashi, masasabunutan ko talaga siya.
alpha: wag mo ko kausapin. baka isipin nila sakin mo nakuha yang sakit mo.
wanda: hindi naman nila alam kung ano sakit ko. eh hindi ko nga alam kung ano sakit ko e.
alpha: may tulo ka. may tulo ka. (sabay tawa)
wanda: taena mo!
nung tinawag na akiz para gumora sa klinika, standing ovation lola mo at nagslide ako papasok. nakabuntot sakin si alpha.
wanda: hep! hep! hep! san ka pupunta?
alpha: sasama sayo.
wanda: sa loob?
alpha: san pa ba?
wanda: bat ka sasama?
alpha: ako magbabayad ng duktor mo, wag ka maarte.
wanda: (pabulong) eh pano kung gusto niya makita nota ko?
alpha: eh di ipakita mo.
wanda: eh di makikita mo rin.
alpha: eh ano ngayon? pareho naman tayong lalaki.
wanda: (pabulong uli) eh patingin nga nota mo.
alpha: hindi ka naman doktor e.
wanda: ku-kwentuhan na lang kita.
alpha: eh pag sinabi ng duktor na may AIDS ka, sinong tatawa? believe me, you need me there.
tapos tinulak niya ko papasok.
isplukara ni dok aga, base daw sa lab test ng PAMET at DTI e nakita nilang may slight dugo yung wee-wee ni atashi. nire-regla na ba ko? nagusot yung fez ni alpha. para kong naluha.
wanda: DOK! wala po akong sinisex, matagal na. SWEAR! hindi ko po talaga alam kung pano ko nagkaroon niyan ... SWEAR TALAGA, DOK!?! malinis ako.
natawa yung doktor. natawa rin si alpha.
sabi nung duktor wa naman daw siyang sinasabing masama. malaki lang duda niya na baka may batu-bato ako sa loob o kaya UTI lang. tapos sabi niya gigibsungan niya akeiwa ng gamot, numomo ng plentious na buko juice, tapos balik daw next week. iu-ultrasound daw lola mo.
na-excite akiz, in fairview. baka buntis lang ako.
nung pauwi na kami ...
alpha: sa susunod mag iingat ka pag nanlalalaki ka.
wanda: wala nga akong tulo. hindi mo ba narinig yung duktor?
alpha: pag kinuwento kita sa mga ka-trabaho ko may tulo ka na nyahahahahaha!!!
wanda: PUNYETA!!!
alpha: eh hindi ka naman nila kilala. ok lang yon.
wanda: kailangan ko yata ng second opinion.
alpha: eh may tulo ka nga!
wanda: hindi opinyon mo! ibang duktor.
alpha: wala lang yan. simpleng kaso ng AIDS lang yan.
wanda: eh pag may AIDS ako, ifi-friend mo pa din ako?
alpha: siyempre. pero pagtatawanan muna kita. eh pag ako?
wanda: ipagkakalat ko muna. pero friend pa din kita.
alpha: eh pag kelangan ko ng sex, tapos may AIDS ako, isi-sex mo ko?
wanda: anu ka ba?!
alpha: AIDS lang pala sisira ng pagkakaibigan natin.
wanda: tungaks! gusto mo ko magka-AIDS?
alpha: ayaw mo?! para pareho tayong may AIDS.
wanda: pag-iisipan ko muna ... ill burn da bridz wen i get der.
alpha: kain na lang tayong jollibee. pero layo ka sakin ha, baka mahawa ako nyahahaha
wanda: PUNYETA KA! ibaba mo na ko dito.
alpha: umaarte ka na naman.
wanda: nakakapikon ka na e. uuwi na ko.
aba! gumilid nga yung hitad tapos huminto talaga sa tabi si alpha. siniryoso ako. punyetang buhay talaga to.
alpha: o, baba na.
wanda: san ako sasakay pauwi?
saylenz
alpha: tatanga-tanga ka talaga kahit kelan. tara na, mag jollibee muna tayo.
at nag jollibee nga kami. siyempre akiz na nagpay, kakapalan ko naman kung siya pa pinag-paysung ng lola mo.
Wednesday, March 21, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
14 comments:
san ka pa - si alpha ang kasama sa hirap at ginhawa...kinikilig ako. azz in.
sya na ang bagong marcus...sana magtagpo silang dalawa, alamin kung me selos factor...
juzzzko
ako din!
ang lesson..
wear proper outfir pag nageeksersays..kahit sa bahay lang.. hahahahaha.. kaloka
so date ba yun?! wanda, maraming buko sa concepcion market
bato-bato ba kamo? bakit kasi kumakain ng bato? si darna nga niluluwa para maging narda uli. ching!
mandayamoore
hmm.. meron naman nagsabi na pag sa tulo daw, buko juice at bula, as in sa sabon.
mukha nga lang literal na ibig sabihin ng linis..
kung UTI naman, buhok ng mais..
hehe. ^_^
Na loka na naman ako dito! pwede ba kitang i link sa blog ko?
bat ganun, nakakakilig parin? hehehe. si alpha ang maaasahang kaibigan
Wat ken I sei! Nag iisang reyna ka talaga! May AIDS at Tulo na nakaktawa at may halong kilig factor pa rin!
I thank you! Bow.
OI! WALA NGA AKONG TULO EH
WAAAAAAH! BAT AYAW NIYO KONG PANIWALAAN HUWAAAAAAAH!!!
minsan lang dumaan ang kaibigan na ganya... kilig ako kay alpha hehehehehehehehe......
kailangan mo ng tabo wanda, para sa buko juice pati sa tulo! bwahahahahahahah!
inspiring ... narinig mo simpleng kaso ng eyds lng yan... hehehe ! more more!!
ganun ba ung experience mo sa gayan? in my story, ako si "alpha" (bi po ako), ang nagpa check up, ung nililigawan ko (bi din). ako nagbayad, check up (STD), medicine (bait ko naman). SUS, after that, ni di man ako sinagot, kahit tinaggap ko siya na ganun. Tapos, ipagkalat daw ba na ako ang may sakit?! LECHE, HUMANDA yan. Nasa akin ang medical report nya. HINDOT sya, ako kaya pumirma sa waiver nya, ako guardian nya sa records nya. LECHE talaga, papasunog ko barung barung nya. IKAKALAt ko ung report nyang yun, HUMANDA SYA!
hay naku madam wanda, si alpha, karinyo brutal talaga, brusko pero sweet-sweetan!!!! hehehehe....tipong mumurahin ka pero....parang ganito 'taena mo, iloveyou nga e ang arte mo' ganung level!!!!
incognito
taena mo, wanda.
'pag 'di mo kinarir si alpha at 'di kayong 2 ang nagkatuluyan, eng-eng ka na lang talaga.
wala kang mapapala kay marcus. cockteaser ampotah. wala s'yang silbi kundi maging representasyon ng lack sa buhay mo.
me gano'n?!
--bernard
Post a Comment