Saturday, February 24, 2007

Gusto Mong Kamote?

nung class fiture ng lola mo nung elementarya, sabi e may naaalala daw kay atashi yung mga kaklase ko, na kung hindi nangha-harass ng bakla e nang-aasar naman. pareho lang yun, kung tutuusin, pero yung isa may kilig factor konti. sabi nila may kamukha daw akiz. sabi ko sinetch. sabay pouching lips. sabi nila kartoon karakter daw. sabi ko sinetch nga. si pebbles daw. yung sa flintstones. hindi ko alam kung matutuwa ako.

pagka-gradweyt ko nung hayskul, syempre may gradweyshun fiture itu davah?! na walang awang binalandra ng mudra ni atashi as wallpeper ng wallet niya.

ngiting ngiti pa ko don. kasi yung fotographer non e bungal. tapos pag kukunan ka na niya sasabihin niya, "SMILE!" tapos i-ismayl din siya. hindi pala itu ismayl. ngisi pala. tapos lilitaw yung natitira niyang ipin. yung ismayl ko tuloy, konti na lang, pa-halakhak na.

nung gumora si mundangchi sa bangko at binuksan niya yung wallet niya, eto chikka lang ng mudra ko ha, havs daw ng manang-manangan na may i approach daw sa kanya.

hanashi daw nung matroniks, "anak mo yan?"

say ni mudangchi, "oo, anak ko to?"

matagal na kong duda na anak ako sa labas o kaya iniwan ako ng bumbay. chu-chu ng dati kong yaya yan. junakis daw akeiwa ng mga punjabi. (taray ni vehykla, may yayabelles!?!?!) tapos pinalayas ni mujai yung katol (short port katulong). kinabahan ako. baka totoo nga.

aniwei gokongwei, isplukara nung manang e "pa-autograph naman ako sa anak mo ... sabihin mo lagi kaming nanunuod ng esperanza."

natawa si mudang.

nagulantang ako. magsing-pisngi ba kami ni juday? hindi ko alam kung matutuwa ako.

tapos nung mag gradweyt yung friendship ko nung college, siyempre may parti-partihan itu. sa project 8. na hindi ko naman maintindihan bakit pagkashugal-shogal na e wichelles pa din nagi-gibsungan ng pangalan. at bakit waing project 1 tsaka 5? asan sila? kung may 2 dapat may 1. kung may 6 dapat may 5. kung mmda ka o nasabwat ka sa mga project na itu, pakilinaw naman? pleeez lang.

so sumakay akiz ng boxiness. kasi kyoryo naman talaga ang drama nung parti.

tapos si manong taxi, na ka-fez ni onyok, e panay silip sa rear view mirror. tapos ngingiti. tapos sisilip tsaka ngingiti. babatukan ko sana. nakaka-gago e. pero graciosa lola mo. kaya deadma na lang.

nung bumaba akiz tapos nagpay-sung na si atashi, isplukara ni manong driver, "may kapatid po ba kayong artista?"

nangiti ako. may kilig. naalala ko yung kamanangan sa bangko.

sabi ko, "wala po. bakit po?"

"hindi po ba kayo si marvin agustin?"

"PUNYETA naman manong! STYLE NIYO HA!?!" tapos giniblaban ko siya ng pinaka-dakilang tip na giniblab ni atashi sa tanang buhay ko.

hindi ko talaga alam kung matutuwa ako.

nung dating-dati pa, may i work akeiwang callboy sa makati, at majina pa kita ng kyorlor noonchiwa, nakasalubong ko yung klasmeyt ko nung college, na ayon sa nasusulat sa mga tsismis at pangdudusta ng mga nagmamaganda, e magiging sekyu.

pagbaba ko ng mrt nakasalubong ko siya. nakatayo sa tabi ng 7-11 sa farmers. hindi siya sekyu don. havs pa ng highlights herlalet ko noonchi, parang yung mga bagetz sa piyer na hinahagisan mo ng piso tapos sisisirin, hindi ko rin alam iniisip ko non kung bakit akeiwa nagpakulay. feeling ko bagong taon, bagong hurrstyle. maka-sunog anit talaga. tiis-ganda.

isplukara ni klasmeyt, "syet, wanda! hindi kita nakilala ..."

"ganda ba ng hurr ng lola mo?" sabay lugay gaya don sa mga palatastas ng shampoo, kala mo yung hurlalet e may sariling buhay.

"kala ko si jed madela ka ... kanta ka naman!"

"punyeta ka, magbantay ka na nga sa 7-11!"

at linayasan ko siya. di na ko masaya sa buhay ko. iritable pa ko sa mukha ko.

tapos kagabi, sa wakas, nakilala ko rin yung lulurking tinaguriang kamoteng kahoy. wai naman akong balak hadain yung boylet. sabi ko bet ko lang makita kung aneklavu yung itsura ng kamoteng kahoy.

sabi nina frida, si kamoteng kahoy daw e friendship ni totoy mola tapos mas higher level kesa sa mga ga-maling boys (yung mga notang sintaba ng maling). sabi ni roxy ang itsura daw ng kamoteng kahoy e malaki tapos hindi straight na straight. may bukul-bukol. tsaka maugat. parang kabubunot lang sa lupa, "UY KAMOTENG KAHOY!!!! LAGAIN NATIN!!!!"

sabi ni frida tikman ko daw. dadalhin naman daw nila akiz sa ospital. sabi ko ayoko, mukhang makalaglag panga. literal. sabi niya, hindi daw. nguyain lang daw paglabas casava na ahihihihi

so nung mag one on one kami ni kamoteng kahoy, im sure e super mega over boso-nova sina frida tsaka roxy. asa kyorlor lang kami non.

hindi gumagalaw si kamoteng kahoy. hindi umi-ispluk. na-stroke ata. na-comatose. lahat ng dugo napunta sa nota. pero kahit nota wit mashado matigas. tinouchstone pictures ng lola mo. once lang. joke lang, hawak-hawak ko. hanggang ngayon, hahahahah ... chikka lang. ang pokpok ko nitong mga nakaraang araw.

pero wai ko bet hadain talaga. bet ko lang i-touch and go.

sabi sakin nung lulurki.

"uwi na po ko, kuya ..."

sabi ko, "bakit naman?"

"may kamukha po kasi kayo ..."

sabi ko, "wag mo ko i-po. wala naman akong gagawing masama sayo e." lahat ng mga masasamang tao yan ang sinasabi. lalu na ni george estregan jr sa mga jolikula niya. nakaka-orkot siya. si george estregan jr.

sabi ko pa, "kamukha ko si marvin agustin, no?"

"ok lang po."

"jed madela?"

"sino yon, kuya?"

"wag mo ko tawaging kuya. feeling ko sinusunog na ko sa impiyerno."

"hehehe parang hawig niyo po kasi tatay ko e. nung buhay pa po siya ..."

nag-chikkahan na lang kami tungkol sa pudang niya.

pero hindi ko pa din binibitawan yung kamoteng kahoy. baka mabunot ng iba. balak ko gumawa ng suman sana.

kahit papano natuwa ako.

8 comments:

Riker said...

ang bongga ng getting-to-know-you process mo.. may "congratulatory motion" ka kagad!! hahaha

Anonymous said...

hi! sosyal ah. ^_^ nakikiblog hop lang ako tapos natagpuan ko ang site mo. nakaka aliw yung mga post mo. ^_^

Anonymous said...

project 1 = cubao. project 5 = fairview. inixplain sa amin yan during field trip namin noong elementary ako.

wanda, nagbabayad ka pala ng lulurki?

wanda, ilusyunada said...

o bakit yon may pangalan na, yung iba wai pa ... PWES!! pangalanan natin sila ahihihihi

burrito, hindi ako nagbayad kay kamote. o kung sinupaman. chinikka ko lang talaga siya. chinichikka ko lang sila.

CHIKKA! ahihihi

naaaliw ako sa mga komento mo burrito ahihihihi napa-react talaga lola mo ... tsup ahh ..

kurama minamino said...

izza khang fink na alamat!

gow!

Anonymous said...

Bangis!
Ang bastos pero ang bangis!

BASTOS!

Pengeng pera.

kung may time daan ka naman...

http://benitobeybi.livejournal.com/

pero di ko rin naman ina-update yan eh, bihira lang. pero ok lang din kung ayaw mo.

Ano kaya lasa ng pinaghalong uhog saka virgin coconut oil?

Bangis mo. BASTOS!

Appellant said...

Very funny, so very entertaining. I'll make sure to drop by again.

nixda said...

uy, namiss ko tuloy iyong suman ;)