ever since the world began, en am sure lahat ng vehkla na-experience na to, yung tatanungin ka ng mga friendship mo kung yung isa nyong friend o yung lulurking dumadaan e halamang dagat ba o hindi. tapos singhot ng konti, tapos mapapa-"oo naman pacman gulaman, bakla yan, walang duda at halong pag-iimbot" ka. at ipaglalaban mo yon ng patayan. siyempre, salamat sa gaydar, knows natin ang totoo.
di ma-explain ng animal channel o ng national geographic o kahit ng startalk kung ano at bakit may gaydar. para lang siyang ESP, nararamdaman ng bakla kung may ibang bakla sa paligid-ligid. minsan naamoy ang lansa ng matress ng bakla. sabi para lang siyang "lukso ng dugo," pero ma-discovery channel mez na hindi siya tunay na kapatid kundi isa pala siyang kaffateeeeeeeeeeeed!
pero paano nga ba malalaman yon? itiz ang ilan sa mga guidelines. tandaan na hindi itraks naka-taga sa bato. pwedeng mabago depende sa lagay ng panahon. may mga exceptions kasi. ang pito-pito ay hindi absolut. at hangga't hindi nagpapa-prescon ang malansang isda, tratuhin natin siya bilang closetta.
DISCLAIMER: iteklavu ay mga stereotypes. para meron lang tayong sukatan. hindi sa lahat applicable itiz. ang bakla, nabubuhay sa stereotypes, kaya nga alam mo sa isang sulyapan ang gay, bi, bi-curious, effem, straight at nagpapaka-straight. wala namang mali don, para lang meron kang basic definishon.
7. Nasa habit yan.
isang malaking clue yung mga bagay na ginagawa niya. minsan maliliit lang na isyu. gaya ng pinanunod niya sa teevee.
ok lang manuod ng queer eye, minsan gumi-getlak lang talaga siya ng mga tips sa mga fabulosang bakla. pero talasan ang pandinig, baka queer as folk pala yung fave tv show niya at nagi-effort pa talagang maghanap ng kopya sa mga pirata sa riverbanks. ibang tv show na isang malaking clue e sex and the city (dahil sexy yung mga gurla, asus! baka kasi sa mga fabulosang damit), o kaya little mermaid (uy! can relate), o kaya will and grace, o kaya teletubbies. pag beauty plus ni mama ricky ang pinapanood niya, wag ka na magtaka.
eto pa. havs akez ng friendship na tumatawag sa balay-china ng mga lulurki at nangungumusta tapos nakikipag-kulitan at nakikipag-chikkahan at nakikipag-kwentuhan tungkol sa mga buhay-buhay, pangarap at achuchualavou. hindi lang ito 20 minutes o kaya 30 minutes. oras ang bilangan. telebabad to the max. at straight daw siya. pero ako hindi tinatawagan e marami akong opinyon.
at meron din akong friendship na may friend na byondacious na bilat na ligawin ng mga ka-biwayan from all over da metro. sabi talaga ni friendship lansa don sa nanliligaw, "naku, lahat ng nanliligaw diyan kailangan dumaan sakin." ano daw? eh eto ka, hindi naman sila bestfriend, bakit may ganung drama. at for the first time niya lang yon inispluk sa dinami-dami ng nanligaw sa pechay.
yan, mga small actions pero maraming pasabog. at yung mga examples ng lansa factor na yan, iisang tao lang yan. friendship ko. deadma na sa pangalan, di naman siya sikat.
6. Nasa outfit yan.
say don sa isang forum na nirampahan ko e minsan ang mga vehkla daw e iisa lang ang porma. pag gumora ka sa eastwood o glorietta, makikita at maamoy mo silachi. at yung may chikka nitez naghahanap ng booking at kung mahilig ka magsuot ng fit na polo shirt at bitin na pants with accessories na pwedeng mag-dobol na tiangge-on-da-road at may hairstyle na parallel sa pagkakatayo ng inalmirol na kwelyo e ligwak ka. yan daw ang porma ng urban vehkla.
pero hindi tried and tested ng PAMET iteklavu. hindi lahat ng vekla o mga silantropo e ganitech pumorma. kasi may mga kilala akong baklang dugyot at jogsak sa color-coordination. pero kung gusto mo ng basic, yan na yon.
5. Nasa mata yan.
simplicity lang itech. pag malikot ang mata ng closetta sa publiko, yung parang naghahanap ng kung sino, yun na yon. at nagbo-boy shopping yon.
pag yung rumarampang closetta e yung tipong tumitingin sa gilid ng mata niya at tinitignan niya kung sino yung nakatingin sa kanya, yung parang conscious ba, habang naglalakad siya, eh yon na yon.
pag yung rumarampang closetta e napasulyap sa gwapo at hindi pa nakontento napa-second look pa at gusto pang umabuso liningon pa talaga paglampas, eh yun na rin yon.
pag ikaw yung veklang imbistigador, at josama ka ni veklang closetta, malamang-lamang lang e hindi mo mapapansin lahat to kasi busy ka din sa pagsulyap at paglingon sa mga rumarampang regalo ni papa Jesus sa mundo.
4. Nasa sagot yan.
kung si veklang closetta e tinanong mo kung gwapo ba yung isang lalaki sa gilid at sinagot niya ng "ok lang" o kaya "malay ko!?!" o kaya e "ba't ako tinatanong mo?!? (sabay magtuturo ng ibang babae o baklang pwedeng tanungin)" o kaya combination ng 2 out op 3, bago siya nagpaka-bayolente, tigilan na ang pagdududa at malapit ka na sa katotohanan.
kung closetta ka at gusto mong umiwas sa suspetiya, sagutin mo ng maayos gaya ng "astig yung porma niya" o kaya "ayos lang, (sabay) bagay ba sakin yung ganyang damit?" iwasan ang pagpuna sa biceps niya o kaya sa pwet dahil give away na itech.
pero kung nachi-tsimis ka na talagang bading, sumuko ka na. wa ka nang pag-asa, 'ning. dahil kahit anong gawin mo, kahit mang-rape ka pa ng sampung babae sa harap ng madlang pipol, sa mata nila bakla ka na talaga.
3. Nasa kabaklaan yan.
eto ka-level ng nasa number 4. pag binabakla o pinagbakla-baklaan ang veklang question mark, tapos may ilang factor, itaas ang kilay at iwagayway. pramis!!!
kaya sa pinoy dream academy e lumakas ang chikka na closetta nga daw si cutee ronnie dahil nung nagbakla-baklaan nga daw ang mga boys e ilang na ilang ang otokis sa veklang japorms niya. e yung mga straight scholars e feel na feel pa nga daw kasi isang malaking joke lang lahat.
o kaya yung mga straight to the bones e magagalit ng todo at ipaparamdam sayo yung kabaklaan ng kalokohan mo. wit siya na-ilang, gusto niya mam-boogie wonderland.
hindi ito yung bastang klase ng ilang. eto yung tipong "shet, nahahalata ba nilang bakla ako" ng pagkailang. pag itech ang na-sight mez, bilugan o checkan at isilid sa drop box dahil may tama ka.
2. Nasa straight yan.
eto, medyo hindi pa ko ka-sure pero ilang beses ko na to nasubukan at para siyang safeguard, 99.9% siyang relaible.
pag sinabi ng friend mo na straight na vehkla yung isang lulurki, magtiwala at manalig. pero linawin, mga lola. kailangan ang pagkakasabi ni straight friend e hindi yung tipong nang-aasar o nagpapatawa lang. madalas to, walang halong mura. yung simpleng "oo, bakla yan." at bago itaga sa bato ang kuru-kuro ng straight mong friend, siguraduhin na si straight friend e hindi rin nachi-tsismis na bading o kaya e na-hada ng nachi-tsismis na bading. may effect yon.
kailangan yung pagkaka-ispluk nila e pa-statement ng isang fact. gaya ng "ang araw ay bilog" o kaya "green ang damo" o kaya "malansa si kuya germs." dapat ganon.
wa ko din knows kung vahket. basta alam nila. siguro kasi alam nila kung paano kumilos ang tru-blue otoko-belles kaya knows din nila yung mga wirishima-lalu at nagpapanggap lang.
1. Nasa gulat factor yan.
lintik na gulat factor yan. diyan ako na-bukelya ng mga friendship ko.
pero sa final moment na to, kailangan mez ng props gaya ng daga tsaka ipis, pwedeng crawling ipis pero mas sure hit ang mga flying ipis.
pero yung mga friendship ko ginulat akez nung sumakay kami ng jeepelya. kiniliti nila akez ng sobra at salamat sa gulat e yung tawa ko e yung medyo 8 octaves higher. talagang halakhak na may halong tili. napansin ko nagtitinginan sila sa isa't-isa. parang nag-uusap.
after one week, miniting ko ang mga may sala at nagpa-prescon ang lola mo. inamin ko na lahat para iwas tsismis.
meron naman akong ka-dormmate dati nung college na binu-bully ang lola mo. inuutus-utusan niya akez ng mga bagay na dapat siya gumagawa gaya ng page-enroll. tapos nung nagka-initiation e talagang pinahirapan niya akez. may api-apihan drama with gapang sa sahig. kaya kahit brod na ang lola mo, ilag akez sa kanya. kahit gwapo siya.
feeling ko non e teritoryal lang ang hitad kasi naamoy ko siya at naamoy niya akez at nathe-threaten ang korona niya ng towering height ko. at pinupuna pa niya yung pagiging dalagang pilipina ko. walang mintis yan, to da point na ayaw ko nang jumuwetiks sa dorm at umiiklipany akez kung kani-kanino (uy! excuse!)
eh communal yung cr namin don. isang umagang kay byonda, nagising ako sa tili ng isang mahaderang bakla sa cr. kinabog yung alarm clock ko na hindi ako kayang gisingin (kunwari lang meron non para estudiyante ang dating). pag pasok ko ng cr ang bully e nakatungtong sa lababo at nagtititili at alisin daw namin yung mga daga sa cubicle niya. may halong padyak pa.
dead ma. linabas ko ang tweezers ko at binulong ko sa sarili ko, "sinong mukhang bakla ngayon?" tapos lininis ko kilay ko, kumakapal na kasi.
Wednesday, December 20, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
fratman ka nung college? freakin' hilarious, man!
tanong lang...what if ala ka sa checklist? is there a chance na phase lang ang kabaklaan mo?
hahahahahaha
this is by far the best blog i came across with. keep it up!
lalaki ba ang nag comment sa taas? sarili ba nya ang tinutukoy nya na pwedeng phase lang ang kabaklaan?
pero naintindihan nya ang blog ha...nagandahan sya. gets na gets nya. hmmmmmm....
.yung friend ko, pasok sa #7 at #6 lang eh, so does it mean vakler siya?
hindi ako fratman noh? basta!!! saka ko na papaliwanag
kahit wala ka sa checklist at bakla ka, bakla ka. hindi phase yan, hindi ka subdivision ahhahahah (korny)
@anonimus
tumaas din ang kilay ko e hehehe
@anonimus 2
malamang-lamang na vahlush yan
subukan mong gulatin ng flying ipis
o kahit anong insektong lumilipad nang di niya alam. don lalabas yon
@ anonimus 3
magpakilala naman kayo. kahit chikka names lang.
@all
nakita ko na si ronnie sa gateway before pa sya sumali sa pinoy dream academy. nag-panic alarm yata ang gaydar ko unang sulyap pa lang.
ganun po b tlga? ang pa-mhin na bakla eh aloof sa kapwa pamintang veki?
pag ang lalaki ba gumigimik kasama mga known becki and certified girls, pero ang gimik nya ay straight guy sya, closet ba yun?
Post a Comment