Monday, October 23, 2006

Ang Tantrums, Ang Pok-Pok at ang Ringback

duwachi days ago (Oct 21), havs ng may i call sa selephone ng lola mo. lumalafanggers ata si atashi noonchiwa ng very lucky me pancit canton honeymansi (plugging). siyempre shomad na shomad pa akiz gumalaw. bet ko lang maborlogs forever. e pag sagot kez, na-heardsung kez ang boses na super sing-along ng --

"ako'y alipin mo kahit hindi batid ..."

tapos havs ng super-laffin na may halong pang-aasar pa. swerte niya, gwapo siya.

marcus: tsong, you've got to change your ringback ...

wanda: MARCUS!!!!

marcus: hello ... hello? ... you there?

mahina ng slight ang signal sa loobstra ng balay-china. kaya tumambling akez palabas. sabay split sa side walk. nag clap nga yung mga nagwawalis e.

wanda: hoy! kamusta ka na?

marcus: kayo, kamusta? ayos na utol mo?

so may i news update ang lola mo, isplukara ng kung anek-anek tungkol sa shupatembang kez. chinikka ko everything. pati ang maderaka kez chuchu-alavou.

marcus: hoy! wala na akong load ...

wanda: ang kapal mo. papa-pasa load ka pa sakin ngayon. (uy! nagpapa-cute na naman si bakla)

marcus: taena mo, hindi. ikakasal na ko.

in fuhrnezz, wa na akez sense of time non. knows ko nga lang na saburday na pag wiz ko nasa-sight ang atlantika o ang ever-byondacious na si bakekang. in fuhrnez pa uli, winner ang muk-up ni sunshine dizon dooners. panalo sa special effects ang fez, compared to lugaw ahihihihi. effect talaga. pero feelingash ni atashi, nakatipid siguro sila kung si mike enriquez na nga lang yung kinast nilang bakekang ahihihihi (hindi sakin galing yan, nag-agree lang ang badesa)

wanda: oo nga noh? ikakasal ka na.

marcus: ikakasal na ko ...

wanda: ikakasal ka na ...

biglang entrance ang jilong ni jessa zaragoza, "ikakasal ka nwaaaaaaaaaaaaaaaaaah! iiwan na akong nag-iishwaaa-whaaaaaaaaa ...."

marcus: hindi na ako single ...

wanda: malamang, ikakasal ka na e. adikk ka ba? (bitter ocampo, nag-aaparisyon na naman)

marcus: kinakabahan ako ...

wanda: baka naje-jebs ka lang. i-cr mo lang yan, kerri na.

marcus: gago! siryoso ... ikakasal na ako.

wanda: oo nga, ang kulit mo.

marcus: eh, anong ginagawa mo?

ehem ... makikipag-SOP ata nyahahahaha ... feeling naman si bakla.

marcus: ang labo ko ... kinakabahan talaga ko, naka-dalawang colt 45 nako ... just tell me anything, tsong. kahit ano ...

wanda: kahit ano?

marcus: kahit ano ...

wanda: kahit ano ...

marcus: kahit ano nga ...

wanda: sayang load mo. inuulit ko lang sinasabi mo ...

marcus: taena, tsong. kinakabahan talaga ako. just tell me anything. make me laugh like you used to.

eh potah! ANOH AKOH PAYASO? si kuya germs pala kailangan nitich e. konyatan ko rin kaya ang gwapo nang matauhan ... na akez talaga ang mahalia niya ahihihihihi (ang kiri!!!)

ang hirap mag-jisip. parang pag-gumora ka sa bidyokehan, tapos wiz ka maka-getlak ng i-sisinggaling mez sa sobrang dami ng mapipili. so pipiliin mez yung pinaka-pamilyar sayinz, yung pinaka-popular para sayinz, yung pinaka-recent na kinanta mo -- gaya ng "my way."

wanda: last week. nakipag-threesome ako ... ah ... foursome pala (binilang ko ulit)

saylenz.

nasamid ata. basta may parang umubo tapos --

marcus: TAENA NAMAN, TSONG! hindi yung ganyang kwento ...

wanda: sabi mo kahit ano. kahit ano naman yun.

tapos natawa siya. natawa na rin ako ...

marcus: sensha hindi ko kayo mapapunta sa kasal ko ...

wanda: ok lang ...

marcus: wag kang gaganti ha? HA? pag kinasal ka, papupuntahin mo kami.

wanda: (super-blush ang earlelei kez, INSENSITIVE KAAAAAAAAH!!!) as if naman ...

marcus: oo, magpapakasal ka ...

wanda: (oo, sayo!) taena mo, marcus, sinisira mo umaga ko.

marcus: oo, mag-asawa ka ... feeling ko, malungkot ka e. concerned lang kami nina ricky. pati si ngongo. ngonserned nin.

kainis. akez ang napapatawa niya e.

tapos na-heardsung kez ang boses ng jisang gurlilet. si alicia ata kasi sabi niya "honey," akala ko nga akeiwa shinoshowag ng gwapo na "honey." feeeeeeeeeeeeling!!!!

wanda: hooooy!! ba't nagkita kayo ... bawal yan!!!! malas yan!!!!

marcus: di niya ko matiis e. iba na talaga pag gwapo ...

tapos nag goodbye-aray na ang gwapo. feeling ko nag sex pa sila bago ikasal. POKPOK! (waaaah bitter-bitteran talaga si atashi).

pero na-remembrance kez na nagpahabol pa siya. palitan ko daw yung ringback ko. baklang-bakla daw. asus! eh kinanta nga niya. ayoko nga! yun na lang natitirang alaala ni jang geum at ni kapitan at ng lihim na sangkap sa pagprito ng hotdog.

so feel ko agad ipag-yabang ang beauty ko. rumampa akez sa mini-711 ni aling mildred. sayang, pudpod na yung high-heels kez. andon si frida, humahala ng sarsi. leche, umagang-umaga.

frida: lecheng ngiti yan. makasalanan.

wanda: tinawagan ako ni marcus.

frida: ilusyunada! di ko bet ang karakas mo ngayon, kuya.

wanda: tinawagan niya ako. bago siya ikasal.

frida: AY! lubayan mo na daw kasi siya.

wanda: sori ka! hinihingi niya blessings ko ...

frida: blessing? ano ka pari? ano siya bahay?

dumaan si ricky, kasama si ngo-ngo. bumili ng ice tubig na piso na dalawang piso P1.50 na ngayon. eh ang yelo dos isa. parehong tubig lang naman. nag basketball sila kaya pala super kyawti talaga. as in kyoho to da highest power. yung gumuguhit sa ilong, naninikit pa sa damit. lalo na si ngongo. feeling ko siya nga yon e. at chinikka pa ni ngo-ngo na tinawagan siya ni marcus. pati si ricky. at feelingash kez tuloy pati kalahati sa village namin tinawagan niya. leche!!!

frida: nyahahahaha!!! niyahahahaha!!! (as in may turo pa talaga ang halakhak na itiz, kaka-rindih davah??)

natawa na rin si aling mildred pati yung anak niya. lost naman yung duwang otokiz.

frida: feeling ka, yaya ising! feeeeeeeeeeling ka, yaya ising!!!! nyahahahaha

wanda: CHE! AMPON! AMPON! AMPON!

at nag tantrums ako buong umaga ...

(saka na yung chikka tungkol sa threesome ... eh, foursome pala. kalowka noh??? ako man din ... POKPOK!)

Thursday, October 19, 2006

Wanda, Paano Ba Maging Ina?

na sight mo na yung commercialness ng firefly? yung havs ng matronix na kahit naka-shade e naka-zoom in pa dun sa shuktay na langgam? at wag ka, nakilatis pa niya kung girl, boy, bakla, tomboy yung langgam ... kalohkah!

ganyan ang mudangchiwa ni atashi-belles. talakera.

napa-huwaaaat(!!!) ang lola mo, nung hospitality pa ang shupatembang kez, nang may i open sesame akez ng door at tumambad sa aketchiwa ang made-over version ng maderaka.

"Holey siet! You lok layk kraPP!"

yan ang salubong niya sakin. hindi "hi" o "hello" o "kamusta ka na, junakiz. ang byonda-byonda mo ngayon" kundi isang malutong na "holey siet!"

bumili lang ako ng pananghalian namin at yung barkada lang shupatembang ko ang bantay. muntik ko nang mabitawan yung pansit na binayla ni atashi.

ganyan na ang mudangchiwa ni atashi-belles ngayinz. talakerang sosyalin. krapp daw?? aba, krapp talaga ang drama ng guraming hitad. naalala ko talaga yung yung firefly tsaka yung matronix.

ang knowings ko lang e may i send ng andalu si mudang. wa abiso na gugora na pala ditei ang maderaka. for sure, tinalakan niya yung mga taga-western union na kung hindi siya ipapadala kasama nung pera e magi-iskandalo siya don. kung kilala mo ermat ko, at taga-western union ka, gagawa ka talaga ng paraan dahil manghihina ka sa talakitok powers niya. nasabi ko nang muntik siyang ma-recruit sa x-men, di ba? nag one-semester ata siya sa power academy ni kumander bawang, kasabayan niya si super inday.

eniwiz, nung umentrance ang mudang sa eksena ABA napuno talaga yung kwarto. andon ang mga kapinsanan na never before seen ever since nag check-in kami sa hospitality.

ganyaners talaga. iilang beses lang kami nakukumpleto. madalas ang reunion natataon sa mga may nag-aagaw buhay, o nashu-shuktay o kung may familiarity with kahun-kahong delata ng spam, t-shirts at suput-supot ng pinaka-rare na chocolate -- ang tobleron. gusto ko silang pagkoko-konyatan lahat e.

mabalik tayo kay mudangers.

nakakatuwa talaga yung mga balikbayan. pag i shall return nila, yung mga naiwan nila, ang unang napapansin e yung pag-uugali ng balikbayan, kung ano yung nabago at kung ano yung hindi. at yung mga balikbayan naman, ang unang napapansin e yung mga nagbago sa paligid, gaya ng mga bagong tulay o kalsada, bagong mall cheverlou o kung magkano na pamasahe sa jeep.

ang mudangchi kez, ang unang napansin e yung mga palabas sa tv. hinanap niya yung mga soap at telenovelang pinanu-nuod niya noon. bakit daw tapos na at kung anu-ano na daw nangyari? sinagot namin agad at kinuwento bago pa siya sumugod sa tv station at mag demand na ibalik sa ere. keri niyang gawin yon, swear!!

tinanong niya rin kung ano na nangyari kay sharon cuneta, judy ann santos ... siyempre may i ask kung sino si ryan agoncillo. si piolo pascual e kilala niya. siyempre, mamanugangin niya yun e.

at ang hindi inaasahan e nangyari ...

jumosok ang ka-live in ng shupatembang kez josama sina frida at roxy na gumetching ng mga gamit sa balay-china. yung mga bakla, wag ka, super pek-pek shorts pa.

sa gitna ng recap ng glory days ng mara't clara, may 7 seconds siguro na dead air. forever na yon kung kasama mo mudang kez.

para kaming nasa soap opera. puro titigan. at malamang may voice over kami, bawat isa.

"Holey siet! You lok layk kraPP!!" bulong ko.

at yung juwawiz ng shupatid kez, lumapit kay mudang at nag-mano. AY! relativity? bet ata makihati sa spam at tobleron.

siyempre pinakilala ko na. pati sina frida at roxy. na mga angels sila ni kuya sa kyorlor. pinakilala ko ang mga bakla na parang may medyas na nakabara sa lalamunan ni atashi. hindi ko kinaya.

wala talagang sikretong hindi nabubunyag. kung may usok, malamang may nagsusunog ng gulong. kainis!

nanlisik ang mga mata ni mudang. parang nag-iipon ng lakas. tumaas ang kilay, kinabahan na akez.

"mag-uusap pa tayong dalawa ..." bulong ni mudang kay atashi, with matching panginginig ng panga. tapos may i express siya ng opinyonation siya sa hiwalyang willie at yung gurlilet niyang beautiful. sabay phone in question kung nasan na yung junakiz niyang si meryll at kung sineklavu daw si bernard palanca na pinagpipilitan niyang part ng thursday group sa that's entertainment.

Holy siet talaga!!!