Saturday, September 16, 2006

Wanda Desperada

mga kapatid, ang shopatid ko po ay naka-confine sa uerm hospital. mula pa noong linggo e bihira siyang nagising.

natamaan siya ng isang rare variant ng denggue na ang tinutumbok e yung utak. nasa critical siyang condition ngayon at kinakailangan ko ang mga dasal ninyo ...

maaaring ipagdasal ang aking kapatid at pamilya na makalagpas sa pagsubok na itech. at ipagdasal na rin po natin lahat ng iba pang tinamaan ng malupit na sakit na ito. kung nagkaroon ka na ng kamag-anak na nag-aagaw buhay, maiintindihan mo rin kung gaano kahirap yung nasa ganoong sitwasyon.

hinihikayat ko kayong mag-prayer brigade ... maaring hindi niyo kilala ang kapatid ko. pero magugustuhan niyo rin siya, sakaling nagkataon nakasalubong mo siya sa daan. at nadapa ka. dahil hindi ka niya pagtatawanan. kung ako yon, tinuturo pa kita habang humahalakhak na parang kontrabida sa mga soap opera ni claudine baretto.

charoz!

please mga kapatid ...

tulungan niyo ako sa pagdadasal. or text PRAY WANDA ENTER MESSAGE and send to 0917-9907615 ... for kind words and donations ahihihihi

salamat.

sana sa pagbabalik ko e masayang kwento ang hatid ko ...

Thursday, September 07, 2006

Churvahan Na 'To!?!

ang churvah ang bagong chuvah at achuchu-chuchu ...

wa natin knows kung anek talaga ang tru-blu meaning ng churvah o ng chuvah o kahit ng achuchu-chuchu, basta knowsline-china mo siya gamitin. wa ka na din akong paki kung saanchi iteklavu nanggaling at sineklavich ang may pakana. basta sureness si atashi na hindi si jolina. nagmamagandah!?!

wa na ask. kung ginagamit mo ang churvah sa pang-araw araw mong pamumuhay, pasalamat ka na lang na napapadali niya ang buhay mez. lalu na kung ikaw yung tipong shomad mag-explain.

bakit?

basta ... churvah na lang yon ...

e sino ngang nag-imbento?

ewan, siguro si churvah ...

frequent user ka ba ng churvah? di ka lang ka-sure? eh di i-churvah check natin yan.

gumetching ng 1/2 paper lengthwise (with blue-red-blue layns dapat), jisang mongol 2 pencil, at eraser na kalahating gray-kalahating white na wiz naman epektib magbura, nakakasira pa ng papel. kopyahin at i-translate ang sumusunod na chismisan nina churvah1 at churvah2:

(2 minutes lang to, parang simeco.)

churvah1: hoy, churvah! si churvalou daw at si churvahmae na-sight na nagchu-churvahan.

churvah2: charvah naman yang chikka mo. san mo naman na-churvah yan?

churvah1: basta. yung friend ni churvah ang naka-churvah kina churvahlou at churvahmae.

churvah2: ganon? eh musta naman kayo ng churvah mo?

churvah1: eto, sagana sa churvahan. taruzh!

churvah2: talaga?!! kaya pala ang churvah-churvah mo ngayon!!!

churvah1: eh si churvah mo asanchiwa?

churvah2: ewan ko don. andon sa churvah niya, chumu-churvah.

churvah1: ang churvah naman niya!?! ano na nga ba name-sung nung churvah ng churvah mo?

churvah2: err ... di ko maalala ... basta yun, si churvah!

churvah1: ano na nga yung chinu-churvah nila?

churvah2: ang churvah mo ha?!! malay ko. hindi ko alam. basta ... churvah.

churvah1: ay oo nga, yung churvah yon. naalala ko na.

churvah2: yun nga yon ... yung churvah. salamat ha ...

OK! pass your peper pleeeeeez.

im sure havs ka ng mga ganitez na chikkahan portion. churvah ka lang ng churvah at yung ka-churvahan mo e nage-getz agad kung anek ang bet mong sabihin sa "churvah."

so kung na-getz mo yung chikkahan nina churvah1 at churvah2, malamang adikk ka nga sa churvah.

kung feelin mo malala na, patingin ka na kay dr churvah, sa kanto ng churvahlet at churvahlyn.

hindi ko alam real name niya. basta hanapin mo na lang -- dr churvah -- sa mga chumu-churvah don. alam na nila yon.

ahihihihihi ... hapi churvahan sa lahat!!!

Sunday, September 03, 2006

Hayskul Pa Ko Non ...

long long distance love affair, wooh-oh
i can't find you anywhere, wooh-oh
i call you on the telephone
--
sheena easton, telefone

wanda:
ano kah hayskul??????


azz olweiz, late iteklavung si randy. pero kasi ang late 15 minutes o kaya 20 minutes lang. itech si randy, oras ang bilangan. kaya mega-bonding session muna kami ni karlos -- ang reyna ng mga puyat -- sa starbuking, greenbelt chapter. shala-shalahan, davah!!!

at shemps, naka-powerpoint presentation ang exaj reaction paper ni atashi.

karlos: bakit? ikaw ba hindi ka nagkaroon ng ka-phone pal?

saylenz. kaming duwa. ang jingay ng mga putaching sa kabila.

wanda: isa lang ...

saylenz uli.

wanda: PAYN! pakshet naman. kyopat. kyopat naka-phone pal ko. pero hayskul pa ang lola mo non noh???

karlos: kitams, ikaw din.

wanda: hindi yun yung point!!! wiz na kerri ang pa-phonepal-phonepal kemer-kemerlou. gurami (gurang) na tayesa, becky mae.

karlos: e nai-in love na ata ako e ...

wanda: ilang linggo pa lang inlab-inlaban ang drama mo?

karlos: OA ka. buwan naman.

wanda: ilan? isa ...

karlos: hindi.

wanda: shotlo (3)?

karlos: wishing.

wanda: grrr ... payb thousand?

karlos: wiz.

wanda: OA, 48 years?

karlos: 8 months pa lang.

wanda: Pa lang? Pinaka-makyogal ko nang relasyon yun e. 8 months ...

karlos: e masaya naman kami e ...

wanda: gagah! wag ka magtago sa likod ng eyebags mo. masaya ... potah ka!

karlos: e gusto niya ganon lang e. nag-uusap lang kami.

wanda: anong pinag-uusapan niyo?

karlos: kung anu-ano lang ...

wanda: ako, pinag-uusapan niyo ko? (with matching taas kilay, alternating left and right ahihihi)

karlos: feeling ka. ba't ka naman namin pag-uusapan.

wanda: e sabi mo kung anu-ano lang e.

karlos: kung anu-ano. religion, faith, minsan philosophy, sports, music, movies ... lahat ng gusto namin pareho ... current events.

wanda: taray. updated ang stock knowledge. mukhang endorsed by CHED itech. ba't di kayo sumali ng game show?

karlos: shit ka. ang tagal naman ni randy ...

saylenz.

karlos: bakla, sabay kaming kakain. tapos kunwari nagse-share kami ng food. sinasandukan ko siya kunwari ng kanin. o kaya matutulog kami, magkatabi. siya sa kanan, ako sa kaliwa. ako lagi sa kaliwa. gusto niya yun e.

wanda: kunwari ...

karlos: tapos nanood kami ng sine. several times, sa glorietta. nasa loob kami ng iisang sinehan, watching the same movie at the exact same time. kunwari magkasama kami. tapos pag-uwi namin pagku-kwentuhan lang namin yun. he loves movies.

wanda: puro kunwari nahi-heardsung ni atashi.

karlos: e masaya na kami sa ganon e. mas masaya pa ako sa phone pal ko kesa sa mga na-jowa ko before. masaya kami walang paki-alaman, BITTER OCAMPO!?!

wanda: sori, bakeshop. wiz bumibenta kay atashi yang star magic presents karlos. flop sa rating yan ... gurrl, kaya nga lagi mong sinasabing "masaya kami, masaya kami cheverlyn" kasi bet mong kumbinsihin yang sarili mez na hapi-hapi together nga kayinz. davah davah davah???

karlos: oprah, ikaw ba yan?

wanda: gagah! doctor phil! may second avenue kami.

karlos: e anong gusto mong gawin ko?

wanda: putulin mo na habang maaga ...

karlos: eight months, maaga pa ba yon?

wanda: e gagah ka kasi e. phone pal ... alam mo namang wang kwenta yun. wang sense. wang point. kagagahan yan, gurrlash ...

karlos: potah ka! apat nga naging phone pal mo e.

wanda: hindi nga yun yong point e!!! hayskul pa ko non. nagba-bra nga akez nung hayskul e. boba pa tayo nung hayskul, bek-bek. naniniwala pa tayo sa ganon. wiz na ngayinz. e becky, relasyon ba yon? e wiz mo nga siya ma-touchstone pictures, wiz ma-lipchuk, wiz ma-huggalet, wiz makurot, wiz ma-pisil ...

karlos: jaded ka kasi. e hindi lang naman yon ang basehan ng relasyon e. and don't objectify him, hindi siya gulay.

saylenz. aba, pinagtatanggol. mukha ngang umi-ibang level na itiz. in fuhrnezz, havs ng nakikita si karlos na wiz ko na ma-sight at present. wa ko knows why.

wanda: e nasa iisang lugar na naman pala kayo, ba't hindi pa kayo nagkita?

karlos: e pag nagkita kami, ano na?

wanda: e di nagkita kayo ...

karlos: o tapos?

wanda: e di nagkita na nga kayo ... tapos ... magse-sex kayo. pa-demure effect ka pa. MALIBOG! konyatan kita jan e.

karlos: potah! ikaw naka-isip nun e.

wanda: e ang labo mo kasi e. bakla ka na nga, ang vague-vague mo pa. isa kang ... "vague-la" hahahaha

karlos: yung connection namin on a mental level. pag nagkita kami, masisira na.

wanda: e yun nga yung problema e. (ba't parang paki-alamera ako ngayon noh???) nasa utak lang siya. isa lang siyang ilusyon. ilusyunada ka din pala noh? kala ko yung mga taga-call center wa nang time mag ilusyon. "hello, thank you for calling ..." agad.

karlos: gagah! galing ka din samin e ...

wanda: alam mo, kaya ayaw mo siyang ma-meet kasi natatakot kang hindi ka niya magugustuhan, tama? TAMA?

karlos: ... slight.

wanda: KEMBOT! kasi 8 months ...

karlos: hindi, mag-iisang taon na ... ata.

wanda: potah ka!!! ganon katagal na ba tayong hindi nagkikita??

karlos: ... slightly.

wanda: ang tagal na non?!!?!! halos isang taon. so skyline-pidgeon-high na siguro ng expectations niyo prom each oder. kaya wiz niyo na betsung magkita. wiz niyo bet madisappoint.

karlos: o kaya ... mas gusto namin ng isang relasyon na hindi naka-base sa kung anong nakikita ng mata.

wanda: kundi sa nararamdaman ng bulsa??

karlos: potah!! hallmark moment ko to ...

wanda: e saanchi, sa sinasabi ng puso?? gagah! ikakasal na si judy-ann. wa nang ganyan ngayon.

karlos: hindi! ang sinasabi ko. minsan, mas OK yung magkaroon ka ng relasyon hindi naka-base sa mga bagay na pinagba-basehan ng typical na relasyon. ikakasal na si judy-ann? kanino?

wanda: betsung mo ganon? kay ryan agoncillo. chikka lang.

karlos: ganon ... well, sa ngayon, oo. wala namang nawawala samin e. napapasaya pa namin ang isa't isa.
mas mabuti na yon kesa sa wala.

aray naman!! patama ata sakin yun. gumaganti si bakla ah.

in fuhrnezz talaga. nakakakilig naman kung iisipin. at kahit slightly lost ang lola mo, nage-getz ko yung mga "hindi nakikita ng mata" factor. sa dami ng lulurking nakikila ko, minsan wiz ko na ma-feel o ma-sight yung pagkakaiba nila. kasi minsan nakikita ko na lang yung nota, yung mata, yung ngiti. puro body parts na lang ...

nung hayskul ako (OO NA, MAY KA-PHONE PAL AKO. MARAMI!!!), nai-in love ako kasi in love talaga ako. age of innocence ni bakla yon. ngayinz, bet ko yung lulurki (EXCEPT FOR MARCUS-TRUE LAB) kasi mukha siyang masarap o kasi bababuyin niya ako with matching tali and grasa hahahahahah!!!

may mga ganon pa rin pala talagang mga bakla. mga tulad ni karlos. yung naniniwala sa hayskul layp.

... hmmmmmmm. pa-phone in question nga.

wanda: ano namang pangalan nito? o may alias din ba kayo?

karlos: alias?

wanda: halimbawa, pangalan ng artista. parang nagro-roleplay, ganon. nagkukunwari siyang si piolo o kaya si leandro baldemor o si ...

karlos: sino si leandro baldemor?

wanda: jaz answer da question den pass your paper!

karlos: real name niya siyempre -- john. telepono na nga lang, maglolokohan pa kami. see, may honesty. bihira na'ng ganon.

wanda: john ... tipikal. common. anak-dalita.

karlos: punyeta ka! as if yung pangalan mo maganda ...

wanda: common naman talaga e -- john. ngayon pa lang pito na najijisip kong kakilalang boylet na john ang name-sung. duwachi don na-hada ko na.

karlos: hindi siya yon. hindi makikipag-sex sayo yun.

... hmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm.

wanda: so hindi din kayo nagse-sex?

karlos: nagse-sex.

wanda: whaaaaaa, sabi na e. MALIBOG KA!!!! paano???

karlos: anong paano ... gusto mo ng details?

wanda: whaaaaaaaaaaaaaa!!! bionic six forever kayo, noh!!!! yuccccccccccckk!!!!! sex on the phoooooooooooone!!!! beri hayskuuuuuuuuuuuuuuuuuul!!!! hahahahahahahah

binato akez ni karlos ng lighter. at salamat sa mutated eyebags niya, tumalas ang kanyang targetting device chuchu-alavou at natamaan ako sa noo ... hanggang sa dumating si randy, puta red ang noo ni atashi. nagmarka siya. binilugan ko para makita.

karlos: e bakit ikaw? never ka bang nakipag-SOP?? sa dinami-dami ng naka-phone pal mo. ilan na nga? apat? if i know, more than four yan.

saylenz.

wanda: grrrrrr ... (bet kong magtransform at maging super saian) hayskul pa ko noooooooooon!!!! hayskuuuuuuuuuuuuuul!!!!!!!!!!!

karlos: tapos magro-roleplay siyang si leandro baldemor habang nage-SOP kayo. kadiri kaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!??!! hahahahaha anu ka ngayon????!!! hahahahaha ikaw ang yuuuuuuuuuuuuuuck!!!!!

wanda: E HAYSKUL PA NGA AKO NOOOOOOOOOOOOOOOON E!!!