Wednesday, March 22, 2006
NOW SHOWING: Macaroni
mas mainam na hindi bigyan ng pangalan. kung saan umusbong ang isang pagkakaibigang walang depinisyon.
kupal, fave mo to!!! swerte nahanap ko. antayin mo lang mag-load bago mo i-play.
roll vtr, please.
sarap sa tenga noh?
... macaroni.
Sampu Na Lang ...
taga-sesame street: one apple ... two apples ... three apples ... four apples ... five apples ...
taga-batibot: isa ... dala ... tatlo ... apat ... lima ...
taga-kanto: i -- sa -- dal -- wa -- cha
ang gagaling!?! sige nga bilangin niyo tong ... monggo!!!
taga-sesame street: uhm ... err ... that's one kilo.
taga-batibot: hanggang sampu pa lang po tinuro samin.
taga-kanto: bwakanang ... ginagago mo ba ako!?!?! tarantado ka ah ...
hehehe sige, wag na ... palikuran, marunong kayong magbilang?
kurek! pati palikuran binibilang na ngayon.
namalengke kami ni frida dahil sawa na lola mo sa mga pagkaing pang-ospital. yung mga delatang wa namang lasa.
so walkathon ang drama naming mag-amiga nang matulala ako sa isang karatola. sayang at wiz ko nakuhanan ng picture.
sabi ng billboard: 10 na lang ang walang palikuran sa marikina.
kaloka! wiz ko knows kung dapat akong matuwa na 10 na lang ang hindi jumijerbaks kung saan saan lang o dahil sa talagang binibilang natin sila.
"mas kaloka, kuya," sabi ni frida, "kung isa tayo sa sampung yan ... magre-react talaga ako. gagawa ako ng iskandalo dito"
'e ano ngayon kung wala kaming palikuran? e ano ngayon?? ibinabaon ko naman sa lupa!'" in fairness, nagtinginan samin ang mga kamanangan na rumarampa rin sa paligid-ligid.
"kuya, siguro eksena din kung bubuharin natin yung sign. palitan natin ng 9."
"hahaha tapos iisipin ng mga tao na meron na tayong palikuran. sige, sige ... tara!"
"gaga! mamalengke na tayo!" hinihila na ko ni frida.
"ano kayang feeling pag isa ka sa sampu tapos mapapadaan ka dito?"
"ewan. meron naman tayong banyo e."
"susunod diyan, 10 na lang ang chakka sa marikina ..."
"wish ko lang, kuya ..." say ni frida habang iniismiran ang isang chakkang gelay na gahaman sa aircon sa tamaraw px na sinakyan namin pauwi.
Monday, March 20, 2006
Ibong Adonis, Kabanata I
siyempre invited ang mga bigatin sa politika at showbiz. bet nila sana mga taga-politika lang kaya lang wichelles na nila ma-recognize yung difference. so super rub sila ng higit pa sa elbows sa pinag-uusapang rave party ng taon na inatendan ng mga elitista at mga starlet, jologs at yamin, mga adikk, pusher at mga protector. kasama ang mga taong gusto lang dumami ang sakop ng friendster, downelink, multiply, myspace at g4m nila.
wiz nila lahat knows na ang mga susunod na mangyayari ang babago sa buhay nilang lahat.
... sumunod e pinatugtog ang theme song ng pinoy big brother by orange and lemons. lahat required magsayaw, kundi pupugutan ka ng ulo. so dance dance revo ang mga hitad na parang si ati maribeth.
center stage ang amang hari. sa magkabilang side niya e ang kambal na junakis na sina prinsipe maverick at prinsipe ariel, na kool na kool sa kanilang 70s outfit.
"hey, dad, groovy'ng groovy tong baylehan mo!" say ng gitnang anak na si prinsipe ariel.
"baylehan?" sagot ni amang hari, "ang jologs mo, anak."
puro ismid lamang si prinsipe maverick na nakilala sa buong kaharian bilang si ginoong aburido. forever insecure kasi itong si kuya.
ang bertday boy naman -- si prinsipe maximo - e nangunguna pa sa conga line. dahil bertday niya may karapatan siyang mag-maganda at talagang nag-suot ng black coctail dress by inno sotto. shala-shalahan si bakla.
"bakit ba pinayagan mo magbakla-baklaan si maximo, dad?" tanong ni prinsipe maverick, naka-kunot ang noo. "nakakahiya."
"hindi bakla si maximo," depensa ni amang hari.
"dad, tignan mo nga kumilos si maximo!" kung anime si prinsipe maverick e may lumitaw nang tumitibok-tibok na ugat sa noo niya. "bakit kayo lang ang hindi nakakakita na bakla si maximo. naka-damit pambebot pa."
"bakit si dennis rodman, crossdresser pero hindi bakla. bobo!" say ni amang hari habang gumigetlak ng tequila shot sa isang tsinky-tsinkihang waitress. "sumikat pa si dennis rodman, di ba?"
last stanza na ng "pinoy ako, pinoy tayo!" song. bigay todo lahat ng sumasayaw.
"wag nang babanggitin ang isyung ito. hindi bakla si maximo. mahinhin lang talaga siya, pero hindi siya bakla. naintindihan niyo?" medyo tipsy na si amang hari.
napilitang um-oo si prinsipe maverick.
nang matapos ang kanta e nagpalakpakan ang mga sho-obelles. yung iba humihirit pa na i-rewind ang tape. so pinatugtog ang "sikat ang pinoy" by sam milby at tony gonzaga. walang kapaguran. yun dalawang kanta lang yon ang paulit-ulit na pinapatugtog buong gabi.
di alintana ng lahat na dahan-dahang bumagsak sa sahig ang nanghihinang katawan ni amang hari. siyempre, gaya ng ibang mga hari sa mga alamat eto lang ang tangi niyang papel ... ang magkasakit.
natigil saglit ang rave. lahat nag-alala at natakot para sa hari. nanakbong madali ang mga junakis ng hari sa tabi niya.
habang yung tsinitang waitress e tumawa nang malakas na sa unang rinig mo pa lang alam mo nang galing sa kontrabida. nagsalita siya pero salitang intsik ang lumalabas sa bunganga niyang parang hindi naman bumubukas.
lumitaw ang tunay niyang anyo. nagpanggap pala siyang waiter para mapalapit sa amang hari.
"si barbie xu! si san cai nandito," kinikilig na bulong ng isang bisita.
"hindi natin siya maintindihan," hanashi ng isa pa.
"bakit wala siyang subtitle?" bakit nga ba?
"DAKPIN SIYA, MGA GARDAN ANGEL!?!" sigaw ni prinsipe ariel.
pero bago pa makalapit ang mga gard kay barbie xu, nag-teleport siya at tumakas na.
tumakbo na ang magkakapatid sa tabi ni amang hari. si prinsipe maximo, umiiyak na parang si judy ann, "DAAAAAAAAAAAAAAAAAADDEEEEEEEEEE!?!?!
"HAGILAPIN SI MANG KEPWENG!?!" sigaw ni prinsipe maverick.
hindi natahimik ang mga bisitang tsismoso. kurek, gaano ka man ka-yaman nasa dugo mo na talaga ang pagiging tsismoso.
"nalasing ata ... maraming kasing problema ..."
"gutom yan. balita ko bulimic si amang hari."
"ang tagal. gusto ko nang magsayaw."
sa kabilang dako ng kaharian. sa isang kweba kung saan madilim, mainit at masikip, nagskwat ang isang makapangyarihang engkantada ... si la chorvah. sa likod ng shining shimmering gown at bright feathered head dress na tinalbugan ang head dress ng mga ms universe candidates mula columbia, panama at peru, bitin at nag ngingitngit sa pagka-imbiyerna ang lola mo sa happenings sa rave party ni prinsipe maximo.
ang orig na plano e shoktayin si amang hari. pero kasi hindi sila nagkaintindihan ni barbie xu e nagkasakit lang ang lolo nang ma-nomo ang potion na ginawa pa ng nalaos na charmed ones.
"inutil! isa kang inutil, barbie xu ..." nanginginig ang mga dingding sa bawat salita ni la chorvah. "inutil kayong lahat!?!"
hindi naiintindihan nina barbie xu at ng f4 ang tagalog na salita ng engkantada. naka-kunot lang ang mga noo ng mga intsik. nagkakamot pa ng ulo si dao ming xu.
"simpleng simple lang ang utos ko sa inyo. hindi niyo pa magawa. pinag-iinit niyo ulo ko ..."
nagdahilan pa si barbie xu pero may sira ang subtitles kaya parang dead ma lang si la chorvah.
"ayokong masira ang mga plano ko dahil sa katangahan niyong lima. akala niyo pagkatapos ng mga pinapakita niyo sakin e ibabalik ko pa ang nalanta niyong mga karir?"
nagmaka-awa si hua ze lei. pa cute pa rin niya. at as usual, walang nakaintindi sa kanya.
huminga ng malalim si la chorva. nagsimulang ma-ihi sa takot sina barbie xu at ang f4.
bumuka ang bibig ng engkantada at nagsimulang kantahin ang huling linya ng soundtrack ng armaggedon, " ... and i dont wanna miss a ..." HALA BUMIRIT NA NA PARANG WALANG BUKAS " .... thiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!!!?!!!"
naglahong parang bula si barbie xu sa huling nota ng divang engkantada. lalung natakot ang f4 na pinandilatan na lamang ni la chorvah.
cue na ito para kantahin ng f4 ang favorite song ng lola mo .... ang "meteor rain." enter da dragon din ang mga go-go boys at nagsayaw sa harap ni la chorvah.
siya si la chorvah ... may sophistication ni ina magenta, katarayan ni la traidora, kakulangan sa tadyang ni thalia at gandang vicky belo ... siya ang magsasabog ng panibagong kalagiman sa kaharian ni big brother. pero sino siya at sino ang gumagawa ng costume niya?
ano ang diagnosis ni mang kepweng sa mahal na hari? alam na ba natin ang lunas dito?
ano ang magiging papel ni pirnsipe maximo sa kwentong itiz?
at ano ang maitutulong ni wanda, ang nawawalang reyna ng etheria, at ang kanyang pink mafia sa hamong haharapin ng magkakapatid na prinsipe? may konek ba talaga siya o isiningit ko lang kasi wala akong magawa?
nakanino and diary ni tiyo kardo?
buhay pa ba si corazon at fulgoso?
ano na ang nangyari kay nanette medved?
pagkatapos ni barbie xu, sino ang susunod na mae-evict sa kaharian ni big brother?
may kasunod pa kaya 'to o mame-mental block na naman si atashi dahil sa nabigong pag-ibig?
magkakaroon kaya ng kasagutan ang mga questionnaire na itechu? gudlak!!!
Saturday, March 18, 2006
Wanda According to ...
sun tzu: the supreme art of wanda is to subdue the enemy without fighting.
descartes: i think, therefore im wanda.
machiavelli: keep your friends close, and wanda closer.
freud: the ego is not wanda in its own house.
marx: wanda is to the real world as masturbation is to sex.
kierkegaard: wanda is subjectivity.
einstein: logic will get you from a to b. wanda will take you everywhere.
da vinci: wanda is never finished, only abandoned.
dan brown: da wanda code
j. k. rowling: harry potter and the order of wanda
j.r.r. tolkien: one wanda to rule them all.
candice bushnell: wanda and the city
meg cabot: the wanda diaries
ann rice: the wanda chronicles
capt picard: wanda, the final frontier ...
spock: live long and wanda.
george lucas: may the wanda be with you.
yoda: wanda is the path of the dark side.
agent smith: the wanda has you.
ashton kutcher: wanda, where’s my car?
jake gyllenhaal: I wish I knew how to quit wanda
mulder: wanda is out there.
he-man: by the power of wanda, i am he-maaaaaaaaaaaaan!!!!
flor contemplacion: i did not kill wanda!?!
nokia: wanda ... connecting people.
smart: wanda ... simply amazing.
pinnochio: im gonna be a real wanda.
snow white: someday my wanda will come.
sleeping beauty: *snore*
simba: oh i just cant wait to be wanda.
hamlet: to wanda or not to wanda.
juliet: a wanda, by any other name, would still remain as sweet.
renee zellweger: you complete wanda.
jack nicholson: you make me wanna be a better wanda.
forrest gump: life's just like a box of wanda, you'll never know what you're gonna get.
ET: wanda phone home ... wanda phone home.
bill pullman: we will not vanish without a fight, today is our wanda day!
evita: dont cry for me wanda. the truth is i never left you.
phantom: no more talks of wanda, forget this wide-eyed fear.
les miserables: do you hear wanda sing, singing the song of angry men.
miss saigon: i swear id give my life for wanda.
avenue q: it sucks to be wanda.
ninoy: wanda is worth dying for.
kris: you have to say this ... the WANDA!
ruffa gutierrez: what is essential is invisible to the naked wanda.
melanie marquez: dont judge my wanda. because my wanda is not a book.
Thursday, March 16, 2006
Save mo ko, Joe D'Mango!
may i invitation ang lola mo kay superfriendship kasi nga havs aketchiwa ng isyung pang-joe d'mango. since, wa ko na knows ang timeslot at number ni mr. dj, may i text brigade na lang si atashi sa mga amigo't amiga.
dahil borlogito pa mga utaw, na-uwi ako sa pinaka-last na option ... si dennis ... kahit nagdahilan pa si atashi ng kung anek anek lang para wai na matuloy ang lakad.
pero najisip ni atashi na medyo mashogal na kaming no see no talk. baka nga naman nagbago na siya.
"huy, dude, blooming ka ngayon," bati ni dennis. in fuhrneiz, may pa-kape showcase. "di ko alam kung dahil naka-blue ka lang today o ... katatapos mo lang makipag-do, 'no?"
super plastikada ang tawa ng lola mo. may effort. inisip ko na lang yung libreng kape.
"gagu!" sabi ko.
"in love ka, 'no?"
"slight ..." shabay pa-shweet na shmile ... kashe ... ano eh ...
so bumwelo na akez para mag-vent out ng problemang puso ng lola mo nang ...
"ay naku! AKO DIN!"
sum things neber chendz talaga
hanggang sa nagkwento na siya tungkol sa lulurking na-mit niya sa gym ... ay kureksyon, nakipag-kilala raw sa kanya sa gym. as in, kailangan i-powerpoint ang nakipag-kilala.
"... pero friends lang kami," say niya tungkol sa clear and present boylet niya ... gaya ng libu-libong naging boylet niya for da past 48 years.
sinipsip ko na lang yung kape habang bumangka si lola basyang.
"palagay mo, siya na kaya?"
yung mga nagtatanong ng tanong na itech, may sagot lang na gustong ma-heardsung mula sa tinatanungan nila. wichelles lang nilang trip mag mukhang assuming kaya bet nila marinig sa iba. haaay naku!
"ewan. di ko pa naman siya nakikilala e," sagot ko, concerned kunwari pero plastikada to da max.
"feeling ko kasi ... siya na yun e."
feelingash ka na nun magwala. kasi kung kilala mo si dennis, linya niya yan sa bawat otokiz na mali-link sa kanya. o ili-link niya sa sarili niya.
pero wiz ko chinichikkang pok pokitang hitad tong si dennis. self-absorbed, pwede pa.
at hindi ko na natiis.
"e ... lagi mo namang sinasabi yan sa lahat ng lalaking nakilala mo, di ba?"
natahimik siya ng matagal. mga 5 seconds.
"as in iba 'to, dude." at nagpatuloy ang 15 minutes na jina-justify niya kung bakit special ang boylet na itech habang sight na sight china ko pa kung pano nadudurog sa loob ng bunganga niya yung chicken empanada.
may follow up question po ako ...
"hindi ka ba nagsasawa na date ka nang date tapos feeling mo lahat ng lalaking nakikilala mo e yun na?"
natahimik siya. eto totoong silence. napa-yosi pa.
"yun nga yung point ng pakikipag-date, di ba? para mahanap mo si mr right ..."
"pano mo pa siya makikilala kung feeling mo lahat ng lalaki e si mr right?"
"hindi ko sure. paano ba?" wais tong si lola oba. ibinalik talaga sakin ang tanong.
YEHEY! senti mode uli si wanda. "katulad na lang nitong guy na na-meet ko." nagising talaga ako. turn ko na. "feeling ko parehas, as in parehas, kami ng wavelength ni ..."
"OH MY GAWD, kami din!" singit ni dennis. "sometimes its so freaky na nga e, di ba?"
at to be continued na naman akez. PAKSHET!
i surrender. nakinig na lang ang lola mo sa mga chikka niya.
at humirit pa ang haliparot, "kwento ka naman, ako na lang daldal ng daldal."
nanlaki talaga mga mata ko, pilit iniisip ang number ni joe d'mango.
Monday, March 13, 2006
Da PINK MAFIA?!!?
katulong: ah ... hello?
pink five: pwede po ba kay cristopher?
katulong: ah ... saglit lang pu. KOYA!!! POWN!!! kristopur daw ....
pinky winky: wang sabit ba itez? baka naka-wire tap tayesa, majirap na.
pink soda: anditez na ba sa linya lahat?
pank five: slight! ang hirap showagan ni pink panther ... super-IRC na naman yan, im sure.
pinky winky: award!
pink panther: shopatid ko yung nagi-internet, noh?
pink soda: hahaha guilty.
wanda: namaste ... buti naman at nahagilap ni atashi mga beauty niyo. pero im sorry to inform na kailangan shogo muna tayiz sa kanya-kanyang closetta. postpown ang kudeta at hayaan muna nating um-ere ang wowowee para malihis ang spotlight.
pink soda: vahket. mama? 48 years na nung nag-out ang "hello garci!" tapes. kelangan na nating kumilos. its now or never.
wanda: kurekted by. pero josama ng "hello, garci!" ang "mabuhay, wanda!" dvds. knowsline na nila ang tungkol sa PINK MAFIA.
pinky winky: pero vahket wa itiz i-share sa madlang pipol?
pink five: kasi bokot sila na biglang panickero ang mga homophobic.
pink panther: wa na worry, mga sistahs, mama. keri na yanchi ng mga undercloset agents natin sa senate at congress. silachi na bahala dooners. tinext nila ako. naka-unlimited silachi, in fairness.
wanda: e yung ahas na nagkalat ng "mabuhay, wanda!" dvds?
pink panther: na-julie yap daza na ang bakla, mama. humalukay ube ang hitad sa hanay ng mga ricky reyes haircutters. inaalam na ngayinz kung havs pa siya ng mga kasabwat.
pink soda: feeling ko havs.
(click)
pinky winky: anez yun?
wanda: kabog! kamustasa naman ang mga anjus natin?
pink soda: winner, mama. pumi-plentious everyday ang membership ng sara lee, avon at natasha. wa ko knows why pero winnona. dami order ng push-up bra, panty at fundasyon.
wanda: kabog to da max ...
(click click)
pinky winky: anez iyonchi? na-heardsung niyo?
pink soda: nagdi-diliryo na si pinky winky.
pinky winky: sineklavich ba ang wiz ma-bobokot? kahapon, may i ride akez sa honda dream na may basket sa harap at sunflowers. super git-get ang mga otokoz na naka-uma headband at inalmirol na kwelyo para tumayo. nawalan akez ng malay. pagkashopos ... pagka-gising ko marami na sila. sabi ko, "wag po kayong lalapit ... kundi sisigaw akez." tapos pilit nila akez sinusuutan ng uma headband. feeling ko sign yon ...
pink five: na betsung ka nila? ambisyosa!
wanda: tsk tsk tsk ang mga frat boys.
pink panther: familiarity ka sa kanila, mama?
wanda: isang malaking check!?! ang mga kaaway. mashogal na silang tumiwalag sa PINK MAFIA. jisa silang grupo ng mga closettang ayaw mag ladlad. yung mga pilit niloloko ang mga sarili nilang straight sila.
pink panther: ay kainis!
wanda: wa na ma-orkot, pinky winky. malapit na ang pagbabalik ni clorateyam. ang muling pagbangon ng kaharian ng etheria ...
voice: ahihihi
pinky winky: sino yon?
pink five: ang alin?
pinky winky: yung nag "ahihihihi?"
pink five: tonta, ikaw.
pinky winky: gagah! kanina.
pink soda: nagdidiliryo ka na, pinky winky.
pinky panther: baka naka-wire tap nga tayiz.
wanda: konting tiis na lang mga kapatid. ilang borlogans na lang may i introduction number na ang PINK MAFIA. magre-rebolusyon ang mga parlorista para lahat ay magdusa sa kanila 2 by 3 na mga herlalu, mapa-babae at lalaki dahil sa barbero na lang sila makakapagpagupit. cha-chakka na sila kasi wiz na magmu-muk up sa kanila!?!?! at mag-aaklas ang mga ate natin sa sandatahang daks at magma-marcha tayong lahat papuntang malate habang super magic sing ebribody, in falsetto, ng "dadalhin kita saking palasyo ... dadalhing hanggang langit ay manibago ..." gudbye EDSA 4, hellow MALATE 1!?!?!
pink panther: ako bahala sa mga production numbers!?! vhonggah!!!
(may hihingang malalim)
pinky winky: may humingang malalim ... no joke!
pink soda: sino yon??
pinky winky: sabi na naka-wire tap tayesa!??!!
pink five: oo nga noh ...
(silence ... may hihinga uli)
pinky winky: hindi ba isa sa inyo yon? huy umamin na, nao-orkot ako.
voice: hoy kristoper!!! tigilan niyo na yang ka-baklaan niyo. tama na yan at gagamitin ko telepono. nagpapatawag ang tatay mo.
pink panther: opo, 'nay. sandali na lang po ...
voice: anong ... kanina ka pa telebabad puro kabaklaan naman pinag-uusapan niyo. bilisan mo!?!
pink panther: sige mga, ate. cho-chorvah na muna sa atashi. vahbooo!!!
pinky winky: cho-chorva na din akez, nato-tom jones ang lola mo. bye, mamah!?!
pink five: iklip na rin akez, may josok pa akez later. va-bye!!?!
pink soda: chikka pa tayo, mama?
wanda: wa na. mag ga-ganchilyo pa akiz. chorva na!!?!!
(click. dial tone. rewind tape ...)
Sunday, March 12, 2006
NOW SHOWING: Brokeback ... to The Future
ginawang futuristic ng slight para mas kagatin ng madlang pipol. para sa susunod na oscars hoping and wishing silachi ang mag winnona ng academy award for special effectionate.
mga ate't kuya, i-sight niyo lang itech at trulalang nakakatuwa (mamatay man si frida) ... im sure napanood niyo na itech (lalu na kung havs ka ng childhood) pero funny ha-ha talaga ang pagkakagawa kasi may i bringalu sila ng malisya into da picture ...
itech ang trailer. enjoy and ... ABANGAN!
ruben, roll vtr please.
Ang Kwento Nina Maila At Maita
may i baylamo ng pop cola at turon sina frida at roxy sa tindahan ni aling mildred. e havs daw doonchi ng jisang grupo ng mga constru na super lafang ng minindal. dahil pek pek shorts ang costume ni bakla wang duda na nang-imbita itech ng panlilibak.
malas ng tukla, imbis na maka-aura sa mga constucticons e away ang na-getching niya.
"hi maila! hi maita!" hirit daw ng jisang mason, na may josamang syano accent talaga.
dead ma lang daw si frida. si roxy bumanat ng beautiful eyes. wa niya knows na ginagago na siya.
at na-discovery channel ng mga lola mo nang magtawanan ang mga constru ....
"akala mo babae ..." tawang syano.
"maila ... wit pala" tawang syano uli.
"maita ... li pala" (haaay) nakaka-imbei na tawang probinsyano pa rin.
at ready, get set, go na ang warlatik na si frida. "haay naku, roxy, sadyang mapagbiro ang diyos at binigyan tayo ng mga sho-eng katulad nitech. ang cha-chakka na, s'melaning jutok pa." basta, parang ganon daw, ispluk ni aling mildred.
super laffin lang daw ang mga otoks.
"keri nang gumawa ng bookelya sa dami ng chapter ditei!?!"
"flang!" say ni roxy, tuloy pa din ang kindat don sa binatilyong karpintero.
"nagsalita," pang-asar daw ng jisang constru, "mahiya ka nga sa sarili mo. magpaka-lalaki ka. gurang ka na bakla ka pa!?!"
laitin mo na ang pagkatao ni frida wag lang ang edad niya. samin nga nina roxy, wichelles namin mini-mention sa mga chikkahan portion ang isyu tungkol sa tunay na edad ng lola. minsan pag pag may dalaw, bawal pa siyang tawaging lola. pinepersonal niya.
"at least akez may linalafang gabi-gabi, dukha!"
mukhang asar-talo yung tander bolt and lightning e bet nang i-boogie wonderland si bakla.
may i prevention daw ang tribong majijitim, super-awat sa otoko. si roxy naman kinabog si mariah sa pag-abot sa pinakamataas na nota. as in yung musical note, hindi yung nota ng constru.
stock exchange ng panlalait ang bek bek at ang lolong vorta. sabi ni roxy, intensity 9 daw ang lola frida mo pero ang otokiz parang nang-aasar pa rin.
"p*** kang, bakla ka! masusunog rin kayo sa impiyerno, mga ch*****o!??!"
"ch***** mo na lang u**n ko!?!" nakisali pa yung isa.
halakhakan uli yung mga constru, kahit wa namang punchline.
"e tonto ka pala e, nanonood ba kayo ng balita?" award si frida. nakatabig pa nga ng ilang mga botelya ng coke.
pero tawa pa rin daw ang mga otokiz. at repeat to fade silachiwara ng "maila .. maila-wit ... maita ... maita-li!!??!!" pang-asar ba.
"palibhasa wala kayong mga tv!!??!!" ispluk ng lola mo. "sige nga. madalas bang mabalita sa tv na may baklang nakapatay o nang-massacre o baklang nagnakaw ng kung anek-anek? o baklang nang-rape? o nagbebenta ng drugs. wala ... mga katulad niyo lang. ngayon mo sabihing masunog ang mga bakla sa impiyerno! leche!"
don ko na nakita si frida nang jomosok siya sa balay-china at dumiretso sa kusina, nagdadabog.
"kuya, hindi ko kinaya si ate frida." nanginginig na sumbong ni bakla.
at lumafang na lang ng turon si frida.
saka na rin gumora si aling mildred para maki-chismax at singilin si frida sa nabasag niyang mga bote. kaloka.
Thursday, March 09, 2006
ESMYUSKEE, Wanda!?!
sagot: e di open sesame ka ng pinto-churvalu. ijosok ang elepantiyasis at may i closeness ng doorlala. NYEH! p***** i** old school!
wanda: fine! esmyuskee uli! e paano mez ijojosok ang ochentang tukla sa bokswagen?
sagot: hahahaha ... nagagaguhan na lang tayo ....
wanda: eto ka na, may kwento yan ... at itechiwara ang dahilan kung bakit wit na akez nagvi-visita baklita sa lupang pangako -- sa malate.
super invitation ng friendship kez na si chen na gumora ng malate. wit siya talaga nagma-malate, nakakasira daw kasi ng relasyon. pero dahil kaka-break lang nila ng juwawiz niya kaya go go go na siyang mag lumandi. pinilit lang nila si atashi kasi wa talaga sa mood ang lola mo rumapage. at after dalawang yosi, naki-joinsung na lang din akez. mahirap akiz pilitin.
wiz naman kami mashadong excited pero nag log in ang mga tukla bandang alas diyes sa malate. taruzh!
don kami kung saan doorman ang friendship naming si jerry, para maka-libre ng entrance. amiga na rin namin halos lahat don pati ang donyang may ari. so in short, beerangga na lang problema namin. kahit jisaers lang, keri na yon hanggang alas tres.
doonchiwara lang namin na discovery channel na havs ng pasayaw ang bar na itech. so ngising aso ang lola chen mo. makakakita na siya ng ibang nota bukod don sa jowa niya.
nang magsayaw na ang otokiz, donchi kami pumwesto sa may lights. para theatrical ng slight at pang-asar lang. wiz ko na ma-remember ang kantang sinayawan ng midnight dancer. basta tuwing bababa ang bripangga niya e may i close kami sa ilaw. hiyawan ang mga tukla. nang nilapitan ng danzer-danzeran ang jisang ma-kyonda sa harap niya at ipina-tocuhstone pictures ang nota niya, hiyawan uli ang mga tukla.
tapos may hindi ata nakapag pigil, isang ma-ondang lulurki ang jumakyat sa stage at hinawakan ... ay kureksyon, dinakma ... yeizterday, dinakma niya ang patola ni dancer. siyempre, hiyawan uli ang mga tukla.
sabay sabi ng ma-ondang lulurki, "walang kikilos. RAID TO!?!?!"
hindi na nakahiyaw ang mga tukla. 2 seconds sigurong wa imik ang mga hitad bago nag panic mode at nag ultra stampede palabas sa pintong shotlo lang ang pwede magkasya.
akez ang jisa sa mga huling nakalabas. tinulak akez ni chen pero pag lingon ni atashi wa naman si becky. and i remember yeizterday mga six-tackles na tukla at duwaching waiter, ang na-jiwan all by demself sa loobstra.
kabado akez non para kay chen kasi pers taym lang niya, na-raid pa siya. mapagbiro talaga ang tadhana.
so ineskortan na ang mga detainees papasok sa isang ngarag na jeepelya. dadalhin sila sa camp crame (kung ako si ate glo non, nag declare akez ng national emergency. wawa kasi bakla). si chen e nasa pers jeep. kurek! kung may pers e di may second. wag ka, umabot pa sa pang six-tackles.
na-forget ng lola mo na sa second floor e may dark room pala. anim na jeepelya, mga kaibigan. kumakalong pa ang ibang tukla at may i cover pa ng goodmorning towel. do da math, majina ako diyan e.
nang madala sila sa camp crame, to the rescue ang mga tuklang laya. may i gib lab ng mga relief goods sa mga nasalantang kapatid. sineklavich pa ba ang magtutulungan kundi tayez din na mga bek bek, dahil mula alas kwatro hanggang alas otso sila nasa crame. wa lafang lafang. wa retouch retouch.
pero sa lahat ng mga nasight ni atashing nakulong, sila ang pinaka-masaya.
"shet! dadating daw ang channel 7, pano yan? ano na lang ang sasabihin ng mga officemates ko? mukha na akong haggard!!!!"
"unang pumasok sa dark room yan. huli ring lumabas."
"pahiram naman ng lip gloss!"
"ang sticky na ng feeling, gusto ko nang maligo."
"ang gwapo pala niya sa liwanag. kunin mo number, dali!"
"ano friendster mo?"
"laro na lang tayo ng beau-con!?!"
at talagang beau-con kung beau-con ang drama ng mga kosa. at nakoronahan ang miss international, miss world at miss universe. pati miss hawaiian tropic at miss asia pacific at at ang pinag-agawang miss crame. walang nag-alala sa posibleng itatalak ng mga maderaka at paderaka nila. mas nag worry silachi sa fezlak nilang wa tulog, wa funda, wa jilamos.
nang gibsungan namin silachi ng agua at biskwit e humingi ng pundasyon at mascara kesyo nalulusaw na raw ang gandara parks nilachi.
mga alas otso, to da rescue ang mga shopatid natin sa media at ang progay, kaya fly na ang halos ochentang mga tukla. kurek, ochenta silang lahat na nagkasya sa loob ng anim na jeepelya at sa kapirasong madilim na kwarto na sing liit lang ng kwarto kez.
kaya sa susunod na may magtanong sayiz kung paano mo pagkakasyahin ang ochentang mga becky sa bokswagen, gumawa ka ng production number para mag transform ang kariret into a dark room at wit ka jijingi ng entrance fee. para wa effort dahil wit mo sila pagkakasyahin, pagkakasyahin nila mga sarili nila.
pagka-shopos, ikwento mez ang kwento ni atashi para patunayang posible itiz. pag wichelles maniwala, showagan mo lang akez, reresbakan ka namin nina frida at roxy, ang notorious PINK MAFIA.
Wednesday, March 08, 2006
Mudra! Pudra! (Da Remix)
nabulahaw nga ang siesta ni atashi kahapon sa mga noisy bedinger-z. talagang isinulat ko pangalan nila sa blackboard. cleaners sila mamaya. e eto pa, bawal sakin ang ganoonchi kasi super attack ang migraine-chinalou ng lola mo. so lumabas akez nang may slight pagdadabog. mga bakla kabog ang mga bunganga.
pag labas ko ng parlor area e makasalampak sa sahig sina frida at roxy. parang mga dalagitang naglalaro ng jackstone (oy! kabisado ko pa mga exhibition don gaya ng point at around the world). na sight ko pang hapi-hapi ang mga lola at super sing-galing silachi nitech .. (kung may childhood ka, im sure alam mo 'to)
taruzh davah!!
at ang magkamali sa kanilang dalawa e iinom ng isang basong tubig. ang babaw pero ang saya.
haaaaaay .... time space warp, ngayon din!
naalala ko tuloy ang mga panahong kool pa ang chinese garter, piko at mother may i cross the river (kung saan ang saya maging mother). malalaki na kasi kaming lahat sa village kaya wa nang ganon. wa nang inosente nyorkada namin at wa nang bet mag-patotot. ba't nga ba patotot ang tawag don? yung around da world alam ko, pero wa atang katumbas sa ingles ang patotot.
wag ka, mga bagetz ngayinz mas bet mag counter strike at ragnarok. gastos. at ang bahay-bahayan natin noon, me version din sila ngayonchi ... da sims 2. kabog! ditech pwede mag liptolelang ang duwang gurlash at keri lang din ang men to men. kaloka davah!
pero wichelles tuloy nila nararanasan madapa sa habulan, umiyak dahil dinaya ka ng crush mo, magsuot ng spartan sa siko dahil sabi ng friendship mo e bibilis ka shomokbo o mag sabi ng taym pers kahit wit ka naman hinihingal ... ayaw mo lang talagang mataya. tapos sisigaw ka ng "ang daya mo!" sabay sing ng cry ni mandy moore at magtangkang "isusumbong ko kayo kay mama!" hanggang sa mauuwi sa pang-aasar nila sayo ng "whaaa! bakla! bakla!"
wait lang, experience ko lang ata yon. ok enough na, ate charo, next week na lang uli.
eniweiz, sa inis kez sa sakit ng ulo ni atashi na hindi naman agad na-erase ng gardan angel, naki-join na lang akez sa sahig at may i play na lang kami buong hapon.
nabundat ata si atashi non.
abangan ang remix version ng "mudra! pudra!" hehehe move ober lito camo, may kompitensiya ka na.
Sunday, March 05, 2006
Rustom, Welcum to Brokeback Mountain
delayed telecast. (ingrata yun pc ko e)
kahit late, magre-react ako. vahket ba?!!
pag may mag-react, magde-declare ako ng state of emergency.
naganap sa primetime bida-bidahan sa kapamilya network. ika-shotlong-gabi ng pag-laladlad ni kuya rustom.
rustom: ... kasi gay ako ... sinasabi ko 'to ... sinasabi ko to kasi ... hindi ako masamang tao ... (sabay cry)
roxy: sino bang nag ispluk na masamang sho-o siya?
wanda: ang tapang niya. on national tv talaga.
roxy: kurek-china! sigurado loss na shobiz karir niyan, mamatay man si frida.
frida: tonta! wa naman talagang karir si rustom.
wanda: grabe. ang daming palatastas.
frida: pinagkakitaan talaga si bakla. kainis.
roxy: wag ka, may rustom segment halos lahat ng show. mula mabyondang umaga bayan hanggang tv patrol. at ang daming ini-interview.
frida: panalo si robin. ang bait. kung shopatid ka yan, na-gripuhan na si atashi sa tagiliran. "bakla pala ha." (sabay saksak) chug!
roxy: parang gumagwapo si robin, ano?
wanda: napansin niyo ba ang daming exposure nung psychologist ngayong season? eksenadora.
roxy: ganoonchi ba talagang kadali yon? na tanggap mo na, ora mismo.
frida: ma at pa. ako lang bading samin e. at kelan ka pa naman naging concerned citizens??
roxy: fan akez ng rustom-carmina love team kaya. mas maraming beses ko pa nga napanood ang maruja ni mina kesa sa titanic na nakaka-jontok naman.
rustom: sa states, don ko nalaman na hindi ko pala kailangan na maging malamya ... hindi mo kailangan mag-make up para maging bakla ...
frida: bakit? sino ba nagsabing requirement yon?
wanda: ganon? kala ko may workshop para ma-enhance ang vekla skills hahahaha
roxy: si kuya nga wa muk-up muk-up, wa kendeng pero baklang bakla.
wanda: potah ka!
roxy: gumora pa talaga siya sa states. shala!
wanda: sana nag-malate na lang siya ... ganon din naman.
roxy: punyeta. una, beautipul bakser. tapos, brokeback mountain. ngayon naman si rustom. uso bakla. madami kaya gagaya?
frida: sinechuwara kayang next?
roxy: na aamin? si piolo, walang duda!
frida: isang malaking check.
wanda: tantanan si piolo.
roxy: si kuya germs ...
frida: baka lalong hindi matulog si payaso. walang tulugan!!!
roxy: si butch francisco?
wanda: as in startalkiz? azz in??
frida: bulag ka, kuya?
frida: bakla ba yon? kelan pa? bwahahahaha
roxy: ako kaya, pag nagladlad ... marami din kaya manunood?
frida: ay! feeling kontro.
wanda: lukaret! kaliwang kilay mo pa lang, bakla, wa nang bakas ng pagkalalaki.
roxy: balang araw maglaladlad din ako.
frida: walang maniniwala sayo.
roxy: magpapatotoo ang jowa ko.
frida: lalo na hahahaha iisipin lang ng madlang pipol tinatarantado mo sila.
wanda: tipikal naman yung kwento ni rustom. artista lang kasi kaya televise.
frida: ang gusto lang sabihin ni kuya ambisyosa ka, roxy.
cellphone: kring kring!!! kring kring!!!
(shomowag na naman ang shopatid kez)
cellphone: krung krung!!! krung krung!
(super answering machine ang lola mo)
kristina: kuya, nanonood ka ba nung kay rustom?
(kinutuban na akez kung vahket shomowag ang bilat)
wanda: anong nood? sumusubaybay 'ka mo. ni-record ko pa nga e.
kristin: galing noh? tapang. kaya mo kaya yon?
wanda: in fuhrnez, kinabisado ko na yung mga linya ni rustom at nang magamit kina mama. "hindi naman ako masamang tao ..." sabay luha sa kaliwang mata. taruzh, lino brocka ang drama.
kristin: so ano naman masasabi mo?
wanda: as if naman may paki-alam sila sa sasabihin ko.
kristin: kunwari nga lang.
wanda: punyeta! bakit ka ba tumawag?
kristin: ang corny neto.
wanda: ano ba talaga sadya mo?
kristin: tinatanong ng maayos e ...
wanda: o, saan ba camera ko?
kristin: camera 1. ACTION!
wanda: actually ... proud po kami nina frida at roxy sa ginawa niya. hindi lahat kayang magladlad at magmukha pa ring beautiful. at sa tv pa talaga. ang message ko lang kay rustom, wag ka mashadong ma-pressure, kuya, o ma-stress sa nangyayari. hindi mo naman obligasyon na ipa-alam o ipaintindi sa lahat kung sinech at kung anek ang pagkatao mez. gaya nang wirisimang obligasyon ng mga straight na ipaintindi sa lahat kung sineklavich sila. maraming tatanggap sayo at magmamahal sayo. at hindi nila kailangan magpa-interview sa tv. becoz, i believe da children ar da future, teach dem well an let dem lead da way. at ang fulfillment ng isang bakla, yung pinakamalaking hamon sa atin, e hindi yung tanggapin ka ng lipunan. kundi ang matanggap mo nang buong-buo ang sarili mong pagka-bakla. i thank you so very many much. and more power to your career, rustom. hello? can i please pass da pown?
kristin: hehehe kuya, last minute ko na ata 'to. baka pwede makahiram uli?