walang hingahang isinalaysay ni aling mildred (kahit wit naman siya tinatanong) nang walang labis at walang kulang sa sala ng parlor ni kapitana wanda ang mga pangyayaring naganap sa pagitan ng alas tres at alas kwatro ng hapon sa tapat ng kanyang tindahan.
may i baylamo ng pop cola at turon sina frida at roxy sa tindahan ni aling mildred. e havs daw doonchi ng jisang grupo ng mga constru na super lafang ng minindal. dahil pek pek shorts ang costume ni bakla wang duda na nang-imbita itech ng panlilibak.
malas ng tukla, imbis na maka-aura sa mga constucticons e away ang na-getching niya.
"hi maila! hi maita!" hirit daw ng jisang mason, na may josamang syano accent talaga.
dead ma lang daw si frida. si roxy bumanat ng beautiful eyes. wa niya knows na ginagago na siya.
at na-discovery channel ng mga lola mo nang magtawanan ang mga constru ....
"akala mo babae ..." tawang syano.
"maila ... wit pala" tawang syano uli.
"maita ... li pala" (haaay) nakaka-imbei na tawang probinsyano pa rin.
at ready, get set, go na ang warlatik na si frida. "haay naku, roxy, sadyang mapagbiro ang diyos at binigyan tayo ng mga sho-eng katulad nitech. ang cha-chakka na, s'melaning jutok pa." basta, parang ganon daw, ispluk ni aling mildred.
super laffin lang daw ang mga otoks.
"keri nang gumawa ng bookelya sa dami ng chapter ditei!?!"
"flang!" say ni roxy, tuloy pa din ang kindat don sa binatilyong karpintero.
"nagsalita," pang-asar daw ng jisang constru, "mahiya ka nga sa sarili mo. magpaka-lalaki ka. gurang ka na bakla ka pa!?!"
laitin mo na ang pagkatao ni frida wag lang ang edad niya. samin nga nina roxy, wichelles namin mini-mention sa mga chikkahan portion ang isyu tungkol sa tunay na edad ng lola. minsan pag pag may dalaw, bawal pa siyang tawaging lola. pinepersonal niya.
"at least akez may linalafang gabi-gabi, dukha!"
mukhang asar-talo yung tander bolt and lightning e bet nang i-boogie wonderland si bakla.
may i prevention daw ang tribong majijitim, super-awat sa otoko. si roxy naman kinabog si mariah sa pag-abot sa pinakamataas na nota. as in yung musical note, hindi yung nota ng constru.
stock exchange ng panlalait ang bek bek at ang lolong vorta. sabi ni roxy, intensity 9 daw ang lola frida mo pero ang otokiz parang nang-aasar pa rin.
"p*** kang, bakla ka! masusunog rin kayo sa impiyerno, mga ch*****o!??!"
"ch***** mo na lang u**n ko!?!" nakisali pa yung isa.
halakhakan uli yung mga constru, kahit wa namang punchline.
"e tonto ka pala e, nanonood ba kayo ng balita?" award si frida. nakatabig pa nga ng ilang mga botelya ng coke.
pero tawa pa rin daw ang mga otokiz. at repeat to fade silachiwara ng "maila .. maila-wit ... maita ... maita-li!!??!!" pang-asar ba.
"palibhasa wala kayong mga tv!!??!!" ispluk ng lola mo. "sige nga. madalas bang mabalita sa tv na may baklang nakapatay o nang-massacre o baklang nagnakaw ng kung anek-anek? o baklang nang-rape? o nagbebenta ng drugs. wala ... mga katulad niyo lang. ngayon mo sabihing masunog ang mga bakla sa impiyerno! leche!"
don ko na nakita si frida nang jomosok siya sa balay-china at dumiretso sa kusina, nagdadabog.
"kuya, hindi ko kinaya si ate frida." nanginginig na sumbong ni bakla.
at lumafang na lang ng turon si frida.
saka na rin gumora si aling mildred para maki-chismax at singilin si frida sa nabasag niyang mga bote. kaloka.
Sunday, March 12, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
tama naman si FRIDA eh.. :)
Post a Comment