laking gulat kez -- as in napa-HUUUWWAAAAATT??!!! akez -- hindi, OA na yun -- pero natuwa talaga akez nang ma-discovery channel kez na buhay pa pala si shaider, ang pulis pangkalawakan, at ang undercover sidekick niyang si annie na mahilig magtatatalon kahit ang camera e nasa ilalim niya.
at dahil dyan, kahit elemantary pa lang ako e hindi na siya nawawala sa mga tsismisan namin non sa tuwing recess. "nakita mo ba yung panty ni annie kagabi?"
"oo, kulay white."
"last week color yellow."
"dalawa lang ata panty niya e."
siyempre happy akez nang ma-sight kez uli sina alexis at ang jipelya niyang blue, si dr ang at ang alaga niyang pigalet, yung mga multi-colored amazonistas na sobrang kapal mag eye shadow (sila ang sinaunang japanese version ng sex bomb dancers), at si ida at yung mga itlog ni 3-eyed fuma leyar.
institusyon na din ang praise song na madalas kantahin ng mga alipores ni fuma leyar. may dance number pa ito. "hu shigi-shigi wa ka mashigi nuwa ... shigi-shigi ... hu shigi wa ka ma shigi keto keto keto keto hu hi-hi hi nu wa ... hi-hi hi nu wa ..." ow ebribodi now!!!
ginamit nila itech dati para getlakin ang mga bagetz sa bayan. kaya nang may gusto aketch ipa-bayla sa mudang kez at wit niya bet, imbis na mag-maasim akez ay sinubukan kong kantahin ang praise song. wa epek, nagmukha pa akong shonga-shonga.
sa lahat ng mga kasabayan niya, si shaider lang ang wit na-endingan. nagpalipat-lipat na ng channel, at nabago na ng timeslot wa pa din ending. nagpalit-palit na ang mga miyembro ng power rangers e waiting for tonight pa rin si atashi forever.
ang bioman na-shopos nang hindi kinaya ni dr mann ang reunion nila ng tunay niyang anak kaya nag self destruct siya habang may i escape naman ang biomen.
ang maskmen naman, at hindi lahat naka-watch nitech, e nag wakas nang mag away-away ang mga taga-imperyo nang mabunyag ang lihim ng emperador. taruzh noh?!! parang soap opera. kasi ang tunay na tagapagmana ng imperyo ay ang kambal na sina igamu at rio. si igamu un goth-gothan na tibo at si rio yung gelay na ikinulong sa isang bloke ng yelo na ka-love team ni red mask. madalas silang manakbo sa kalsada at nagsisigawan ...
"michael joe!"
"rio!"
"michael joe!"
"rio!"
"michael joe!"
"rio!"
"michael joe!"
"wanda!"
"michael joe!"
"rio!"
"wanda!"
"rio!"
"micha ... sino ka ba?" hehehehe
anyway, dahil nga si rio at igamu ang dapat namumuno sa imperyo nag laban-laban sila. hapi ending. tapos nag sayaw ang buong cast sa isang resort sa batanggas habang kumakanta ng "together forever," version ni kuya dick.
sa shaider kasi na-shopos na siya nung nasa nazca peru na si shaider para ma-discovery channel ang lihim ni fuma leyar. may hinimas himas siyang puntod kung saan may lumabas ... na isang pana. tapos abangan na next week ... na wichikels namang dumating. kainis.
at alam niyo bang shoktay na nga si alexis. as in yung jortistang gumanap sa kanya. cancer of the liver daw. baka manginginom kasi. sa bagay, pulis pangkalawakan siya. lahat naman ng knows kong julis e manginginom. pero bago siya ma-deadlak, e gumanap pa siya sa isa sa mga ultraman.
si annie naman daw e natuluyan nang mag bold. siryoso itech. na-readsung ko sa mga website sa net. di na akez nagtaka. baka stepping stone niya lang sa pagpapa-sexy ang mga panty shot niya sa shaider.
pero sana ma-shopos na ang shaider dis tym. kasi andaming questionnaire na may i look for kasagutan.
buhay pa ba si shaider na naka-survive sa mga monstrosity na nakalaban niya pero hindi niya kinaya nang ma-pana siya?
ano ang lihim na weakness ni fuma leyar? kryptonite, ang bidyo teyp ng da ring o ang diary ni tiyo kardo sa mara't clara?
ano ang mangyayari kay annie? may lihim ba siyang pagtingin kay alexis?
may feelings din kaya siya kay dr ang na inlababo sa kanya?
si ida ba e gelay o lulurki? o siya ba ang nawawalang winner ng best in costume award sa ms gay pateros?
matututo pa kayang mag make-up ang mga amazonistas? magkakaroon din kaya sila ng album with da carrier single "hu shigi-shigi (d remix)"?
ano nga ba'ng mga apelyido nina annie at alexis?
at si wanda kaya e magkakaroon rin ng lisensiya para maging pulis pangkalawakan?
dahil ang strategy kez e may i look aketchiwara sa flying pyramid na homebase ni fuma leyar. tapos tutusukin ko yung mga mata niya isa-isa. ano bang mahirap don e yung kalaban naman e forever nakadikit sa dingding.
actually ang lihim na weakness niya e eyemo ... para sa tatlong mata ni fuma leyar. gets d red out in 60 seconds ... tignan lang natin!
Monday, February 27, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
hey i love ur blogsite esp. this one, it brings back lots of memories nung bata pa ako.... thanks kc nalaman ko na yung ending ng maskman... nag ka tuluyan ba si rio at michael joe?
late reaction?! sorry naman wanda. pero ang ending ng shaider ay naipalabas last year yata. parang special screening ito. Parang ang naging ending is shemps nagapi ang masama. si annie dito na tumira sa daigdig kasi pinasabog na yung planet nila ni fuma di ba? yun lang tanda ko e... sorry naman.
sooo funny! you're good at story telling ha!
-aphrodite
Post a Comment