Friday, February 03, 2006

Invasion of the UMA Headband

eto ... ilalabas ko lang pagka-imbey ko. hindi ko na talaga mapigilan.

nag grocery ako kahapon, at kasama ko si roxy para may taga-buhat ako ng pinamili. nag-iinarte pa nga si bakla at akez daw ang sinisisi niya kung bakit lumalaki ang katawan niya.

rumampa muna kami sa mall. nag window shopping ng kung anek-anek lang. at siyempre nagjijinarte etong si roxina!!! kaloka. kesyo ang varicose veins daw niya. muntik ko nang mabuhat ang escalator at ihampas sa mukha niya. ang arte.

ala akong choice. pag si frida kasi kasama ko, napaaway naman kami. mahaderang bakla kasi.

pero hindi lang yan.

sa pag iikot kez, may nadiskubre akong kahindik-hindik na kaganapan. lahat nagpapaka-uma bigla. (dats korerk, dod ...)

simula nang ma-sight ng mga pipolet si uma sa bahay ni kuya at ang hindi hinuhubad na headband, ABA!! lahat nag headband na. mula sa pinakabata hanggang sa gurami. lalaki ... babae ... bakla ... mga jologinding na ahit ang kilay at rose pink na lipstick at sari-saring mga isda, nakasuot na ng headband. kapartner ito ng mga pinatayong buhok. kinikilabutan ako ...

pati si manong fx na nasakyan ko noon e naka headband na din. at wag ka!?!! nang ipatugtog ang theme song ng pinoy big brother e nag sayaw ito sa gitna ng trapik.

kakaiba ang epekto ng pinoy big brother sa mga pinoy, FINE! lahat gusto pumasok sa bahay ni kuya. ako man din, bet ko. at dahil hindi kami mashadong telegenic, nagpa-picture na lang kami sa harap ng bahay ni kuya.

kinarir ko din yang mga text votes na yan. at ginagamit ko pa cell phone ng nanay ko. nagugulat na lang siya, may boto na siya para kay sam milby. jiritation siya kasi kapuso si inay.

nadala din ako diyan sa pinoy big brother na yan. pero never akong nag-suot ng uma headband.

eto lang ha, hindi dahil maganda kay uma ang headband e nangangahulugan na bagay na rin ito sa lahat. marunong tayong tumingin sa salamin. at uminom ng kape, para kabahan naman tayo minsan sa pinaggagagawa natin. (oke ba, dod?)

1 comment:

Jepoy said...

Najijirita ka ba bakla sa mga ganoon... Sorry ha... Isa ako sa mga gumaya kay ate uma... Bumili pa nga ako sa divi ng 7 na iba-ibang color para iba-iba get-up ng headband ko every single day of the week... Kaso knowing myself, ayun pinagsawaan ko din... Iba na kz tingin ng mga kapitbahay ko sa akin eh... Hahahahahahahahahahaha