Wednesday, February 01, 2006

Fight Night: Roxy vs. Frida

naglalagay ng moisturizer sa mukha si frida. nabubunot ng buhok sa kili-kili si roxy.

ako nag-iimbentaryo ng kita.

sabado. naganap sa pagitan ng 11 at alas dose ng hating gabi ...

frida: baklita, palagay mo kulayan ko uli 'tong hairlalu kez?

roxy: loka. hindi ka ba naawa diyan sa buhok mo. buhay pa ba yang mga yan?

frida: gaga! oo naman. nagre-rejoice conditioner ako ebry oder de. wagi!

roxy: bakla, hindi halata ahehehehe

frida: anong ginagamit mong deodorizer?

roxy: sori, tawas lang ... para hindi umitim ang kili-kili ko.

frida: ayyy ... hindi halata.

roxy: punyeta ka! (may kumalabog, malamang may binato) ... frida, pautang naman ng P500. bayaran kita sa susunod na linggo.

frida: ha? kaba-bale mo lang kay kuya nung isang araw ... abusado to.

roxy: si lee boy kasi nagpabili ng sapatos. matagal na niyang binabalik-balikan yon. na-awa naman ako, kaya dinagdagan ko na lang yung ipon niya. babayaran naman daw niya ako.

frida: asus! nagpapaniwala ka kasi diyan sa jowa mong hayskul. i-report kaya kita sa bantay bata.

roxy: sige na. babayaran naman kita. kailangan ko lang ng load. tatawag ako kay nanay sa quezon.

frida: ayan, pag sarili mo na, wala ka nang pera ... tapos pag diyan sa jowa mo todo ka maglabas ng anda. ano ka, mayaman?

roxy: ang linis mo! bakla ka din, hoy! siyempre, ayoko naman sabihin ng jowa ko na skwala lumpur ang lola mo.

frida: e di bagay pala kayo, pareho kayong skwala ... bwahahaha (may kumalabog uli) ARAY POTAH!

roxy: ang yabang mo bakla ka ... ang hirap kasi sayo, akala mo lahat ng lalaki manloloko. kaya wala kang jowa.

frida: e ilusyunada kang punyeta ka. walang lalaking magkakagusto sa katulad mo ... dahil bakla ka. wala kang kepay. wala kang suso. ilusyunada.

roxy: sabi ni lee boy lab niya ako. kung naging babae nga daw ako, magpo-propose siya sakin. o ano ka?!!

frida: ay tigilan mo nga ako, roxy. na-adik na ka na sa q-tix. e tignan mo nga, mas malaki pa katawan mo diyan kay lee boy.

roxy: leche ka. palibhasa walang pumapatol sayo kasi matanda ka na ...

frida: potah kang bakla ka. e ikaw, machong bakla!

roxy: guranggutan!

frida: kiki mo green!

roxy: pustiso!

frida: hoy hoy Hoy HOY!?! pareho tayong naka-pustiso.

roxy: buhok mo parang steel brush ...

frida: para kang sumang sunog kaya hihiwalayan ka ng jowa mo ... gaya ng iba mong mga jowa ... sasama sila sa mga gelay na makakangkang nila ... leche!?!

tumahimik ng matagal. matining na tunog lang galing sa calculator ko.

nag-aantay ako ng kalabog. baka nagsaksakan na ang mga bakla ...

frida: kumuha ka na diyan sa wallet ko ... wag mong kunin yung barya, wala akong pamasahe. magsisimba ako bukas.

roxy: magkulay ka uli ng burgundy. para ma-highlight ang cheek bones mo ...

walang anumang hayop na nasaktan sa eksenang ito. mga bakla lang.

7 comments:

Anonymous said...

saya.

Anonymous said...

galing mo bakla. winner ka talaga. pwedeng mag may i request? gawa ka naman ng mga bakla terminologies o. saya kasi yun. keep it up!

wanda, ilusyunada said...

tnx po, ati! meron akong dictionary ng salitang bakla ...

feel free to contribute ...

naka link sa site na to

PBR said...

talbes!
mga bakla talaga.. hehe..

Anonymous said...

wanda.. ngayon ko pa lang nabasa blog mo.. assignment ka kasi namin.. grabe! tanong ko lang.. bakla ka ba talaga o isa ka rin sa mga nagtatake advantage sa masayang mundo ng mga bading? kung baga si bitoy na madalas magbakla baklaan sa BBG o sa mga MTV niya? pati mga kantang ginagawa niya.. gets mo? hehe.. pero ayus tong blog mo! hindi dahil nakaka pagpatawa ka pero dahil feeling ko may tinutumbok kang isyu na mas malalim pa sa acceptance. hehe. ewan. palagay ko lang. accepted naman na kayo di ba? pero bat pinapakilala nyo pa rin ang kultura o pamumuhay niyo? uy, walang away ha. nagtatanong lang po. ayun. bakla ka ba talaga??

luen said...

hahah... fav ko to!

wiqaeyas said...

This blog is bookmarked! I really love the stuff you have put here.

cheap cialis