Thursday, February 23, 2006

Es-barro o Sa-barro?

UPDATE #3 (last na to para sa kahapon, swear!?)

hindi kami nag-iimikan. sobrang jingay ng mga madlang pipol sa paligid-ligid, habang silent movie ang drama naming dalawa. tamang mga kalansing lang ng kubyertos sa pinggan. napaka-cinematic.

nasa sbarro kami sa may glorietta. fave ko lumafang ditech forever and ever. pero ever since the world began, wit ko knows-line chinatown kung paano binibigkas ang nyongalan niteiwa. kung es-barro ba o sabarro.

kaya pag tinatanong ako kung saan ko bet kumain, sinasabi ko lang e, "don sa may baked ziti at picha."

20 minutes na kaming lumalafang. at nanlaki mata kez dahil mula nang umupo siya e hindi ko mahabol ang pagsinghot niya ng pagkain. panay pa ang lingon niya sa relo at parang nagmamadali.

pareho kaming nakatitig sa far away LA. wiz ko ma-getz kung anek ang mali. wa naman kaming pinagtalunan o pinag-warlahan. pero nakatingin siya malayong kaliwa, ako naman sa malayong kanan. hindi nagsasalubong ang mga tingin namin. ever.

nakakalungkot lang.

pero pa-slight slight sulyap ang lola mo sa otokiz na kamukha ni tj trinidad, pero medyo nagka-laman lang konti ang pisngi. di ko alam kung shala talaga siya, pero kasi matino ang hawak niya sa tinidor at knife. hindi pilit, hindi pretentious. so parang sa mga aso, alam mo agad na may breeding. at may pagka-nerdita ang dating niya pero ang cute habang hinihigup niya ang spinach lasagna.

napa-buntong hininga na lang ako. kasi alam kong gaano ko man siya gustuhin ... e gusto ko talaga siya. ewan, ganon talaga.

hindi pa ubos ang linalafang niya e parang bet niya nang mag stand up at gumora.

"sana nginuya mo naman yung lafang mez," payong kaibigan ko sana.

ang ending e tinanong ko sa kanya ang madalas kong tinatanong sa mga nakaka-joinsung kong lumafang ditech.

"hey!"

"excuse me?" patay malisya pa kunwari siya.

"anong tawag mo sa fastfood na 'to ... es-barro o sa-barro?"

"err ... i think its sa-barro. im not sure though," inglisera pala ang hitad. wit na akez nagulat. "i saw this movie, one time, and they said sa-barro. so i think it is sa-barro. i think, ha?!"

"nice. bery impormatib." sabi ko, at umalis na ako bago pa ko mangisay at magdugo ang mga tenga.

kung gaano kami kabilis na nagkasama, ganon din kabilis kami naghiwalay. di man lang umabot sa isang linggong pag-ibig.

ganito kami nagsimula. mga 20-30 minutes earlier:


ang daming tao sa sa-barro. ayan ha. nagka-ubusan na ng jupuan.

"excuse me. is this seat taken?"

"ay! ... wala. sige lang." sagot ko, sa gitna ng pag-nguya ng picha at baked ziti.

umupo siya at tahimik naming shinopos ang kanya-kanya naming lafang. hinigup niya pala yung kanya.


at imbiyernez na aketchiwara-a dahil ang tagal dumating ng utol ko.

1 comment:

Anonymous said...

tse! kala ko kung sino naman ung kasama mo eh! hehe..