Saturday, February 18, 2006

D Circle op Layp (Episode 1)

reyna ng lateness ang lola mo, az alweyz. finish line na sa lafangan ang mga kumare kez nang mag-arrive ako sa eastwood. shala davah!?! habah berday ng friendship kong si gary na isang floor director sa isang sports-oriented show sa tv. dahil siya'y inang kalinis-linisan at pa-virgin ang drama, nararapat lang daw na binyagan na.

wa ko objection don.

"dahil late ka, ikaw mag decide kung saan tayo pupunta!" feel na feel ko ang inis ni gary. "hindi ka pa din talaga nagbabago!"

since 48 years na kaming no see no talk, don ko lang nalamang matagal na nilang modus operandi yon -- ang mag gift-giving ng mga lulurking maku-kuchi nadal ng mga baklang nagha-haba berday.

napabuntung hininga na lang akez. ang shogal pa haba berday ni atashi.

marami kaming naisip gorahan.

"gay bar!?!" suggestment ni Bebang, ang taklesa naming friendship.

"wag dun! mamumulubi tayo 'don. naalala mo dati," sagot ni yan, bespren ni gary.

"hook-up bar ba? parang cinema-cafe ang drama?" question ko lang.

"o nga noh?! para may dark room. eat all you can don." chikka ni gabo, ang vetaran rampadora ng san mateo.

protest rally agad si gary. "ay ayoko! baka bumula bibig ko don. ano yun? lasunan? basta ayoko. you cant make me ..."

ar-ar herrera ikaw ba yan? tumataas na kilay ni gabo.

"sa bayan, ayaw niyo? hawaii lang keri na ..." sabi ni bebang.

"anong hawaii?" tanong ni yan na hindi pa nagse-seminar sa gay linggo.

"hawaii ... P50. tonta ka, nena!?!" say ni bebang.

"maaga pa ... marami pang tanod don ngayon," yun ang alam ko.

"ayoko don. ayoko nung katulad nong binigay niyo ka yan nong berday niya."

"oi, cute naman si lucky ah."

"yuck. ang jologs eh ..."

"kung gusto mo talaga maka-book at makapili, sa bilog tayo ... " last hirit ni gabo.

AY! excited lahat. go go go!?!

duwaching kariret kami, convoy. shala davah?!! gegetlak lang naman kami ng nyolbam.

so nag window shopping muna kami. dalawang beses umikot sa bilog. at don ko lang uli na-sight ang quezon memorial. grade 4 kami nang huling mag-field trip doon. nakumpirma kong hindi ito isang spaceship na pinalipad ni martin nievera sa isang pelikula noong '80s habang ang iba ay may i production number sa paligid-ligid. kasama ata niya doon si pops fernandez bilang manekin.

alas onse pa lang, naglipana na ang mga nyolbam sa labas ng bilog. para kaming mga magnet. kung saan kami lumiko, sinusundan nila kami. pag nag u-turn kami, u-turn din sila. ang gandah namin noh??!!

welcome to the circle of life.

hindee ... trained lang talaga silang umamoy ng may pera at yung mga tamang gusto lang chumika. yung mga duma-drama nang "hindi ako bakla. may research lang kasi ako e. magkano ba?"

at nung buma-bagal ang takbo ng kariret namin super taas sila ng shirt, shift to pasarap mode at project talaga kung project.

para nga kaming mga sabungero.

gusto ko yung naka-puti?!!!?

bet ko yung naka-black?!!

gwapo yung naka-pula!??!

mukhang probinsiyano yung naka-cap!?!!

sarap nung katawan nung otoko-san!??!!

(tumutulong laway)

gagah! naka-foundation ata!?! hahaha ..

taray, naka-pedal pants yung isa ... bakla ata yan?!!

kinikilig kaming lahat habang si berday boy ay feeling naje-jerbaks na sa kaba.

ang usapan e kami ang pipili para sa kanya. at havs pa itech ng terms and conditions. kailangan gwapo (kelangan pa bang i-memorize yan?), matipuno, malinis at maganda ang ipin (may hygeine test pa). kailangan walang highlights (aray ko!). dapat hindi nakakatawa mag salita. at eto ang pinaka-kabog (salamat zenaida seva) kelangan eto ay libra ... dahil ayon sa horoscope niya ay swerte siya sa araw na 'to at dapat libra ang makakasalamuha niya.

shempre givs pa ng deadline si direk. kailangan before mag 12 midnight e maka-getlak na kami ng lulurki para pasok pa rin sa lucky hours niya. baka daw kasi magchange na ng mga positions ang mga bituin at mga planeta.

nang gumilid kami para maki-bargain, dinumog kami ng mga kyolbam. kilig na kilig si bebang. ako naman kavadoh at baka dumugin rin kami ng mga ka-julisan. wiz ko bet m-bagansiya tonight.

buti na lang si gabo ang head ng negotiating panel. expertise niya yan.

sa tinagal ng panahon, nag iba lang mga itsura nila pero pare-pareho pa rin ng drama.

"saan lakad niyo? sama naman kami."

"bakit isa lang? dalawa na ..."

"P500 lang ako."

"ako na lang. dakz ako."

"ako sing and dance. sulit ka sakin."

ang usapan, 5 hums (P500) lang ang budget. pledge na ng mga tukla for gary, at sheraton kaming lahat.

"birthday kashi ng friend namin ... anong name mo?" inarte ni bebang.

"hoy, mommy. sa mayo pa birthday mo," tumatawang ispluk ni mien na hinihika na.

kausap ko sa nyelpown si gary na nakaparada sa faraway l.a. tinuturo niya lang sakin kung alin ang bet niya. mukhang gusto niya i-uwi lahat.

"gabo, yung naka-jitim daw bet ng lola mo."

ngumisi yung naka-itim.

"malaki ba yan?" phone in question ni bebang kay boylet.

"oo naman."

"magaling ka ba?"

"oo naman."

"anong kaya mong gawin?"

"marami."

"pustiso ba yang ipin mo?"

"hindi ah." naweirdohan na ata yung lulurki samin.

" e anong zodiac mo?"

"libra."

"weh!" bara ni mien, "birthday mo?"

"october 13."

"effect! pasok na ..." say ni gabo. mission accomplished.

moreno ito at bagetz ang packaging. pero mukhang napadaan lang. as in nakaboxer shorts at t-shirt, wala nang ibang dala. kung gusto mo ma-imagine ang fez niya, isipin mo na lang si raphael martinez ng star circle quest batch 2. di ba, mukhang bold star??!! hehehehe panalo!

"bye, voyz ... next time na lang." pampa-lubag loob ni bebang sa mga thank you girls.

pero dead ma ang mga kyolbam. meron bagong karu na pumarada sa jalikuran ever namin. yun naman ang dinumog nila. bilis mag move on.

sa aliw ko, super sight-china akeiwa habang pa u-turn kami.

"dami atang may berday ngayon ..."

2 comments:

Anonymous said...

Bat walang nag comment dito?

hehe

Anonymous said...

hahahah saktong libra pa talaga yon??