minsan ka na nga lang gumimik, napapaaway pa ...
girls night out kami, ako at ang dalawa kong angels -- sina frida, ang mangungulot, at roxy, ang manikurista. siyempre, para hindi naman nabubulok ang beauty nila sa parlor.
isinama ko sila sa isang baklaan bar sumwer sa QC kung saan winnona ryder ang mga midnight dancers. nakapasok na rin kasi ako sa iba at yung mga nagsasayaw kala mo e tricycle driver na hinatak lang sa labas ("oi magsayaw ka dito, mamaya ka na bumyahe!"). as in pwede kang gumawa ng isang libro sa dami ng chapter ... ang chachaka talaga. parang yun yung side line ng mga mason at constru at toda combined. kaya don kami sa mga tunay na pasarap.
sinalubong kami ng isang bagitong usher at inilagay kami sa tapat ng stage. nadama niyang marami kaming dalang pera. sa tabi namin, apat na baklang bagetz. first time nila, kabadong bado ang mga itsura at may straw pa ang beerangga.
lumalalim na ang gabi at nagsimula na ang show. ngiting aso na sina frida at roxy. at yung mga bagetz, hagikhikan nang hagikhikan. kala mo kinikiliti sa yagbols.
si baby faced aries ang umpisang nagbalahura sa mga malulupit na OPM gaya ng the promise ni martin nievera. sobrang cute niya, parang maamong paslit na nang-aakit ... ng bulsa ("i-table mo ko ... i-table mo ko ...") aliw na aliw ang mga bagetz nang lumapit sa kanila at ipinakita ang kanyang ding dong. humaba ang leeg ni roxy sa inggit.
bulong ni roxy habang naglalaway, "gusto ko siyang i-ahon sa kahirapan ..."
"bobah! yayaman siya sayo, habang ikaw giraffeee na ... tapos go na siya sa ibang ricang makyondang bakla," sagot naman ni frida na nagkakamot ng pekeng boobs.
at nag-agree kaming bakla si baby-faced aries. mashado siyang ma-byonda para maging straight. at naaamoy namin ang matress niya.
naka-tatlong iba't ibang dancer with i dont wanna miss a thing ni regine, kailangan kita ni piolo at butterfly ni mariah ang soundtrack. iba-iba ng style at gimik ang mga hitad. may naka-mulawin outfit, may isang gumamit ng net at may nag-pandanggo nang naka-jubad. nationalistic ang loka! clap kami nina frida.
huling tinawag si flaming rodrigo. wa ko knows kung bakit may i remember ako sa name-sung ng lola, e siya naman yung pinaka-chaka sa kanila. flaming kasi pwede na siyang silaban ng buhay. although, in fairness flawless ang mulato skin niya.
gumiling siya sa kantang i will be here ni kuya gary v. favorite song ko ito ... dati.
at dahil weakness ni frida ang mga nognog, constru look, "bakla, shumishelag ang nota ko ... nae-ella mae sayson akez."
humalakhak talaga si roxy, nakalimot ng kanyang urbanidad.
kayo man din siguro matatawa. baklang balahura kasi itong si frida, dragga ang look, mahaba ang buhok, medyo cup b na suso at naka-pekpek shorts pa 'to nang gumimik kami. tapos bigla niyang sasabihin na tumatayo ang nota niya. ako nga, nakalimutan ko nang may nota siya.
naghagikhikan na rin sina frida at roxy, parang yung mga bagetz. yagbols naman ata nila ang kinikiliti.
sa ikalawang ulit ng chorus, biglang huminto si flaming rodrigo at bumaba ng stage. linapitan kami na parang naghahanap ng away.
"anu prublima niyu? akala niyu ba madali 'tung ginagawa ku?" drama ni rodrigo. taruzh sa siyano accent.
"bakit? masama ba tumawa?" say ni frida, nakataas ang iginuhit na kilay.
"nakaka-bastus kayu ah."
at may i walk out si flaming rodrigo in his puta red brip. hindi niya na tinapos yung kanta.
lumapit samin yung pinaka-mama sang na medyo hawig kay markova (kaya nagbigay-pugay kami sa lola) at humingi siya ng pasensiya. nagpaka-irate customer itong si frida. siyempre, lumalabas na siya ang inapi. kaya gaya ni judy-ann sa mara clara, siya ang naging bida. at since agaw atensyon na ang mga bakla, nagdagdag kami ng order para makita nilang may karapatan kaming magtaray. nagdikit kami ng limang daan sa mga noo namin ("mayaman ako, dahling") para walang umangal.
ang hirap nga naman gumawa ng production number. pagpantasyahan ka ba naman ng mga ma-oondang kostomer na kulang-kulang sa ipin, mabaho hininga at magagaspang ang mga kamay tapos magkunwaring kang gusto mo rin sila habang linalamog ka nila. sanayan na rin lang talaga siguro, noh? at sinubukan kong gayahin kung paano sila magsayaw, ang sakit sa katawan nang bawat giling.
kaya nirerespeto ko yang mga yan. pwede rin kaya silang maging national artist for exotic dancing?
naiintindihan ko si flaming rodrigo at kung bakit siya nagmaganda. naisip ko rin, wala naman siyang isyu samin. may isyu siya sa sarili niyang trabaho.
"sori siya. ite-take home ko pa naman sana siya ..." parting words ni frida, nanghihinayang na kinakamot ang boobs.
Wednesday, February 01, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
galing mo ateh. ncapture mo yung mument sa kwento. di masyadung mdrama. di rin naman light...keep it up. :)
Post a Comment