Friday, December 07, 2007

He Said, He Said, He Said

nathan

frenship ni atashi by ekstensyon iteklavung boylet na sho-showagin nating nathan. jowawiz siya nung prenship naming si robbie chinalou. wit pa nako-kumpirm o napa-notaryohan ang chikkang itu pero mukhang mag-jowa nga silang duwach.

may fez itung boylet na itu. si nathan. gwapito, chinito, mataas na uri yung pagkatao -- shotlong ligo na lang, kerring alta-boy churvalet na itechu -- at may pagka-flawless yung balat-ever. pwedeng gawing chicharon ni mang lapids. kakainggit, sarap budburan ng kahit jisang pakete lang ng glitterness sa mukha nang mamaga naman sa ka-kukuskos.

e partida, wa pa daw halong gluta yon. natural siya. kasi nga daw nung magsabog si papa jesus ng kakinisan sa buong-buong earth e dilat na dilat itechung si nathan. wirishima si atashi naabisuhang may ganitembang palang kakemehan sa kalangitan. plentiousness ng kostomer-chorbah siguro kami nitech nina ateng frida. kaya nung makisahod na yung mga vehkla, puro pimpolets, bumboorom-bei, chizmiz sa fez tsaka sumpa yung na-getlak hahaha

nathan: alam mo ba kung pano kami nag-meet ni robbie?

siyempers isplukatsina ng lola mo e "hindi pa, e pano nga ba kayo nagkakilala?" kunwa-kunwariang excited pa si watashiwa. e dramahan ko man ng "oo, na-heardsung ko na yan, kalbuhin na lang kaya kita," e malamang ichi-chikka pa rin naman niya. kabilang kasi siya dun sa mga uri ng veyklavich na knowings nilang pinagpala sila pero required na i-broadcast para lang legal na sabihin mo na "ang swertiiii mo na naman, gurrrrl!!!" mga fishing ampotah.

nathan: when i met him, its like ... like ... finding home. parang destiny.

wanda: asus, sosyal naman itu. home, destiny, parang cable.

nathan: anukabah?? kakakilig kaya. kinikilig tuloy ako. di ka ba kinikilig?

wanda: kinikilig din ... (pero yung trulili jan e bet ko nang sungkitin ng plastik na tinidor yung ngala-ngala niteklang badidang na itetch nang mangati naman sana lalamunan, kahit slight lang! nag-try aketch alukin yung bagetz ng chocnat para masamid naman siya habang chumuchurvette, pero wa epek e. hahahaha!)

nathan: di kasi halatang kinikilig ka.

wanda: (sige nga, faki-fronounce itu) anobazjshzzz???? betsungness mo bazhshzzz yung mukha na kong kinukumbulsiyon sa kilig???

nathan: uu.

wanda: ay AWARD! di na uy!

nathan: eh kasi tumitingin ako ng sked nung sa cinemas sa gateway.

wanda: anong jolikula?

nathan: hindi ko maalala. basta, mag-isa ko non. tapos nakita ko siya.

wanda: sinong siya?

nathan: sinufabah!?!?! eh di si robbie. nung una hindi ko siya napansin. hindi naman kasi siya ganon ka-pansinin e, da buzz??!!??

wanda: malaybalay bukidnon, ateng. wiz ko nga siya napapansin e. sino na nga ba siya?

nathan: kainis ka. (hahaha sarap mang-inis) anyway, so deadma lang, di ba?? tapos may tiningnan ako sa first floor, kasi balak ko bumili ng bagong sapatos. tapos nakasalubong ko naman siya.

wanda: anong sapatos?

nathan: anubah? nakasalubong ko uli si robbie. di ka ba kinikilig?

wanda: kinikilig NGA! ihing-ihi na nga ko sa kilig eh. miss portugal pa ba yang kwento mo??

nathan: saglit na lang. e deadma ko uli kay robbie. kunwari pasarap ako eh .. hehehe .. pasarap daw talaga oh?? pero infairness naman tumatak na yung fez niya. e nung lumaps akiz sa foodcourt, nung nag-oorder ako sa wendys ...

wanda: anong in-order mo?

nathan: big bacon mushroom melt combo ata, biggie size ... ano ba yang mga tanong mo??

wanda: antakaw naman pala. biggie kung biggie talaga.

nathan: e pag lingon ko sa pila, asa bandang likod ko na siya. gulat ako. sabi ko, ano to? stalker? may stalker ako? deadma uli, kasi gutom na gutom na ko. eh nung pauwi na ko, nakasalubong ko na naman siya. NA NAMAN!!! DI BAH?? pababa ako ng escalator tapos paakyat naman siya. sabi ko, ba't ko ba laging nakakasalubong to? sa dinami-dami ng tao dito sa gateway, si robbie nang si robbie nakakasalubong ko? baka may rason. baka moment ko na to. kaya pag pinalampas ko, baka wiz ko na ma-discovery suites yung delia razon.

wanda: delia razon?

nathan: delia razon. RASON! hahaha imbento ko lang .. hahaha!!! (in fairview) so nakipagkilala ako sa kanya.

wanda: ganda mo ... (pero deep insayd: shupality to da highest sapin-sapin level!!!) nakipagkilala talaga.

nathan: ganda ko ba??? sorry ha. well, i dont usually do that. pero iba to, sabi ko. parang may konek kami na hindi ko mapaliwanag. beyond words.

wanda: beyond words ka diyan? eh andami-dami mo na ngang nasabi, beyond words ka pa. leche!

nathan: anukabah?? ang cinematic kaya ... di ba? DI BA? DI BA?

wanda: (sige na nga, pagbigyan na to. ready sa akting, GO!) ang swertiiiiiii mo, gurrrrrrl!!!! shet! sana magkaroon din ako niyan.

nathan: awwwwwwwwww ... wag ka mawalan ng hope ... (nakaka-irita to kasi sinabayan ng akbay tsaka paghahaplos ng julikuran. para tuloy aketchi'ng na-ligwak sa wowoweeee!!!)

wanda: at sino naman nag-ispluk sayong wa na akengkay pag-asa!?!

nathan: hindi naman. naisip ko lang. kasi ... di ba ... (nagdadahilan na to) kung ako ikaw ... baka nawalan na ko ng pag-asa ...

wanda: so assuming kang naiinggit ako sa lab istori mo?

nathan: di naman ... hihihi ... lahat naman kasi ng naku-kwentuhan ko niyan e naiinggit.

SORI KA, BAKLA!

robbie

FLASHBACK TAYO. mga isang buwan siguro. o kaya two wiks lang. di ko ma-recall. bahala ka na.

si robbie e adik na chatter. olympus typewriter pa lang gamit ng lola mo, yung may itim tsaka pula na ink, para sosyalera, e chatter na tong si robbie. chatter sa net, sa chat-tv, sa ketay (cellphone), sa ym, aol, msn, skype tsaka kung anik-anik pang mga landian forums na nagkalat sa interchuvahnet. kung bongga lang talaga penmanship nitech eh malamang pati penpal corner sa mga magazine tsaka tabloid pinatos na. kalurkei davah!!!

kung betsung niyo talaga siya makilala eto si robbie, in his own words: 27m, san juan, 5'8, 155, gym enthusiast, well-endowed, looking for activity partners, for trips only ... nearby areas, no fakers, pretenders, effems en chubs. no offense. (nakuha pang mag-no offense ng loko, davah???) power bottoms, a plus. no pic, no reply.

wanda: so sino naman tong namamataang jowa mo daw?

robbie: ah ... si nathan, 24m new manila?

wanda: taruzh naman. may nasl pa talaga. sang chatroom mo naman itu na-sungkit?

robbie: nakipagkilala lang sa gateway ...

wanda: so ngayon gusto mong palabasing kapuri-puri yang ganda mo? ganun ba? ganun ba? kesyo hanggang sa lansangan, may market ka.

robbie: gwapung-gwapo kaya sakin.

wanda: mukha ka daw kasing colboy. yun lang yon.

robbie: loko. sinundan-sundan ko lang, malay ko ba namang makikipag-kilala yung gago. pinaltos kaya paa ko kakalakad. pero ok lang. tambok kasi ng pwet eh. parang gusto laging pa-biyak.

wanda: yuck! OM-GEEEEEEE! da term naman, so jelegz. pa-biyak? YUCKEEE!!!

kuya

ispluk ni nathan, eh fate, love, destiny, home, sky, sun at kung anik-anik pa iteklavung si robbie. naniwala ko.

ispluk ni robbie e one-night-stand lang itechung si nathan. naniwala ako.

ispluk ni propesora (nasingit talaga), lagi daw maraming bersyon ang iisang kwento. at pwedeng lahat sila totoo. naniwala ko.

ispluk nung nanghula sakin nung bday ko na magkaka-jowa aketchiwa bago um-exit frame ang '07. naniwala ako. pero anong petsa na?

as op press time, nakaka mahigit sais sentang one-night-stand na sina nathan tsaka robbie. at nag ma-monthsary pa itu, kumplit with gip-giving, date-deytan, tsaka eto di ko talaga kinakaya, bouquet ng flowerettes na may i delivery pa sa opis. kainez davah??

hindi siya lab istori kasi wa namang kilig factor. pero dama kong lab istori siya kasi naji-jiritate akengkay. ANG KORNI! KASI!!! PAKSHET MGA MAY JOWA NGAYONG PASKO!!!!! WALANG PAKISAMA!!! HAHAHAHA!!! <--- sukdulan ng bitterness ang lola. pasensiya na. oo na, nai-inggit na.

9 comments:

Anonymous said...

hi wanda.. im so glad na you found the time to update your blog.. nakaka-adik sya..hehe... ung book mo, ayun, kina-adikan na ng buong kabahayan namin.. :)

Anonymous said...

in fairview, wala pang december 20 may update ka na nyahahaha! kala kasi ng madla tuwing 20 ka nalang update ng blogelya mo. cheers badaf! we want more!

-dyosa

Anonymous said...

oo nga, walang pakisama sina nathan at robie, kainis, lol.

umabot na nga pala ang book mo sa abroad, thank goodness sa umuwing kababayan. idinadamot ko pa kasi babasahin ko pa 2nd time around. congratulations!

Anonymous said...

Ui. nakakatuwa pala dito. Kaso hindi ko naman maintindihan yung ibang salita.

Single din kasi ako ngayong pasko. Baka trip mo hahaha! (joke lang po)

Anonymous said...

hay salamat...may bagong entry ang josa-in-waiting ng Marikina.. c",) In fairnalou - wiz ng magdagdag ng bitterness - marami tayong miyembro ng S.M.P. this holiday season..

Happy holidays (or hapi biter-biteran if you prefer),

Homie

Anonymous said...

wanda naman sana dalasan mo naman ang updates.

we all miss your posts.

www.dcharmedone.wordpress.com

Anonymous said...

WALANG PAKISAMA TALAGA!! i hate it. LOL

Anonymous said...

Sobrang nakakatawa naman to! :) Nakakamiss ka talaga! :) Try ko damayan ka hahahah :)

Anonymous said...

don't worry. andaming nagmamahal sa yo, wanda. isa na ko dun. galing-galing mo talaga.