TIME SPACE WARP, NGAYON DIN: Disyembre 12, 2k7
pag patak ng alas sais sa sabdibisyon namenchu, mga prendz, may i deliver ang madlang neighborhood nung pinaka-gasgas to da highest papel de liha level na dialogue tuwing disyembre, ang --
PATAWAAAAAD!!!
"sa may bahay. na aming bati, meri krismas na walwalhati ..."
frida: patawaaaaad!!!
season na naman kasi nung pinaka-fabulosang raket at pinaka-legal na pangingikil tuwing pasko, yung mangaroling. kung yung eklavu metch e mga pinitpit na tansan ng sopdrinks tsaka mga de-pokpok na lata ng nido o sustagen, small time ka. pang-mamiso ka lang. at malamang sa hindi e makakarinig ka ng jisang malupit na "patawaaaaad"!!! yung patawad na may bahid ng galit. yung patawad sa tonong tinatamad. yung patawad na ayaw pa-distorbo sa panonood ng lastikman tsaka zaido. yung patawad habang ngumunguya ng hapunan. tsaka yung patawad kasi walang barya. KYEMS!
kasi kung ka-join mez naman yung mga achuchu-caracas na may i bringalu ng gitara, maracas, multiplex tsaka karaoke machine, at super giblab pa ng sobre wiks bapor, babanatan ka naman ng "ay, wala po amo ko dito e ... pasensiya na."
nalukrecia kasilag akengkay kasi "sara ang munting bitchesa" pa lang e namamaos na tong si manang frida sa kakasigaw ng "patawaaaaad!!!"
pero lumi-level sa kalurkihan yung pagtitext-text namenchu nung primyadong boylet sa buhay ni KUYA.
wanda: havah verdie, marcus. havah verdie, marcus. havah verdie! havah verdie! havah verdie, marcus. (message sent!)
apter 10 minits ...
marcus: tnx. (shugality na mag-reply, anshupid pa sa text, amf! i-pasa load ko kaya to.)
marcus: haba brdie tlga? (may pahabol naman pala) kw tlga
wanda: hihihi (tapos havs ng ismaylee pace para kiri) painom k nmn!
marcus: tara. pacg kmi.
wanda: now n? cnu2 kau?
marcus: inom opism8s. d2 ricky nd ngo2
wanda: san yan? d q alm yan
marcus: punta k. bday q
wanda: san nga yan
wanda: hoy!
mga bagetz: (sa labas) sa may bahay na aming bati, meri krismas na walwalhati ...
wanda: PATAWAAAAAD!!! PATAWAAAAAD!!! PATAWAAAAAD!!!
tapos na-heardsung namin parang plentiousness ng nagwa-walkathon sa labas. kinabahan yung mga tuklaers. baka sina trillanes e jumabot na ng nyorkina. as ip naman havs kami ng marikina pen, dabuzz?? charot!
mga bagong bagetz: (de-tansan na intro ng feliz navidad)
bagetz wan: wag kayo diyan, puro patawad yan!
puro mga paa uli.
bagetz wan: wag din diyan.
de-tansan na intro uli ng feliz navidad. dama kiz diyanchi lang sila lumipat sa malapit na shopetbahay ng lola mo.
aling mildred: PATAWAAAAAD!!!
bagetz wan: sabi sa inyo eh.
KURIIIIIIING!!! KURIIIIIIING!!! KURIIIIIIING!!!
frida: PATAWAAAAAD!!!
roxy: bobah! telepono. sagutin mo.
siyempre, buong pagdadabog na sinagot ni frida-cheverlyn yung fonilet.
frida: kuya ... marcus daw.
wanda: sino?
frida: MARCUS!
wanda: sinong marcus?
frida: maang-maangan ang vehykla, kinikilig-kilig naman. ip i know ...
kinuyog ko agad yung fonilet-churvah mula kay gurami, baka kung aneklavu pa ma-chorbah niya. at kinombohan ko pa yung vahklush ng paghahampas at kurot sa kili-kili, para lumayo. sabay ...
wanda: (pa-sweet) hello ...
marcus: hoy! hahatid ko tong boss ko diyan sa marikina. tapos dadaanan kita ha. ayos ba? bihis ka na.
wanda: sureness.
marcus: bihis ka na?
wanda: hindi pa noh??
marcus: maligo ka ha ... hahaha
wanda: ano bah?!?!? hihihihi ang joker mo talaga hihihihi
marcus: senglot na ko eh ... hehehe
wanda: hehehe (gumana na naman imahinasyon ng vaktas)
at pagkababang-pagkababa nung tawag, may i run agad lola metch sa banyo tapos nagbabad sa jilalim ng gripo (wa kami shower e). dun na akengkay nagsabon, nagshampoola, naglufa-mae at kung anik-anik pa. nakalimutan ko nga lang mag-bringaletz ng malinis na brippangga tsaka tuwalya. sori naman. excited ang tuklaers eh. hahahaha!!!
pag-exit ng lola mo, tumutulo pa talaga sa sahig yung pinagliguan ko ...
roxy: kuya, ayos ka lang?
wanda: flang! ayos lang aketch, vahket?
frida: may sabon ka pa sa tenga.
mga bagetz: jinggambels, jinggambels, jinggam ol da wey ...
frida: PATAWAAAAAD!!! punyetang mga bata to.
wanda: roxy, pa-plantsa naman nung polo shirt ko. pa-press maigi. yung walang kulubot ha.
roxy: demanding to. suot mo kaya muna, plantsahin ko sa katawan mo ...
frida: san ang rampa, kuya??
wanda: papa-nomo daw si marcus. bertday niya eh.
roxy: sabi na eh. landi mo.
frida: kaya naman pala parang sinisilaban ang kipay ...
wanda: gagah!
frida: naglabatiba ka ba? nyahahahaha!!! kelangan malinis ang pwerta ... hahaha
mga bagetz: sa may ba --
frida: PATAWAAAAAD!!!
wanda: antaray naman! hindi pa nagsisimula, tumatawad ka na.
frida: op cors.
apter payb minits nang pagre-repackage at pagre-retouch ng byuti ...
wanda: bakla, yung polo ko! male-late na ko!
at inabot sakin ni roxy yung orange polo ng lola mo na lumi-level sa magic kamison ni mother lily sa swertiii. pag suot ko kasi iteklavich, napapansin ang byuti ng lola mo nang wa ka-eport eport.
frida: bat yan susuot mo, kuya? mukha ka kayang kalawang diyan nyahahaha!
roxy: mukha kang preso.
frida: mukha kang pongkan.
roxy: para kang si jollibee.
frida: para kang chesa.
wanda: mga inggitera!
TOK! TOK! TOK!
may kumatok sa jinutan. eh bubuksan na ni roxy yung pinto, nang --
wanda: BECKS! BECKS! wait lang naman. baka si marcus na yan. nakalitaw pa suso ko. akin na yung polo!
sabay fly ang bekbek to da kwarto.
TOK! TOK! TOK!
binuksan ni roxy yung jinto ng kyorlor. at havs ng --
bata: mangangaroling po ...
solo playt lang yung bata. azz in maliit na bata. pero wais, davah? at least solo niya yung kita.
roxy: antaray mo. nagpapaalam na, kumakatok pa.
bata: we WIZ yu a meri krismas! we WIZ yu a meri krismas! we WIZ you ...
wanda: ARAAAAAAAAAAAAAAAY!!!
may i run ang mga angels ni kuya sa kwarto ng lola mo.
frida: ano to? kudeta na naman??? kudeta na naman?!?!?
wanda: punyeta! ang init netong polo.
roxy: sabi mo plantsahin maigi. pinakuluan ko pa nga e.
wanda: bakla, na-terd degree burns ata aku.
frida: hubarin mo uli.
wanda: e malulukot naman ...
frida: eh di bahala ka malapnos.
bata: namamasko po ... namamasko po ...
um-exit si frida.
wanda: sineklavu? (habang pinipilit kong isuksok yung bintilador sa manggas nung polo)
roxy: booking ni bakla hahaha
wanda: becks, boses payb years old kaya!
roxy: alam mo naman si bakla hahaha!
wanda: punyeta! wa pala kong sapatos.
roxy: gamitin mo muna yung akin. GO!
frida: (sumilip ng kwarto) may varyabols kayo, mga becky???
wichelles ko knowingz kung bakit, pero ayon sa mga saksi ginibsungan daw ni frida ng limampiso yung bata. tigmamiso daw talaga para mukhang marami. kumbakit, wit ko rin knows.
may i run tuloy yung bagets papalayo at ...
frida: inggratang bata to. wai man lang pa-tenkyu.
bata: binigyan ako limampiso!!! binigyan ako limampiso!!!
ayun, nagmayabang yung bagetz kaya kinuyog kami uli nung iba pang mga bagetz na mor dan willing maka-kowta tonayt.
PATAWAAAAAD!!!
PATAWAAAAAD!!!
PATAWAAAAAD!!!
PATAWAAAAAD!!!
frida: bakla, pagod na ko ...
deadma lola mo. kasi malapit nang dumating yung sundo ko nyahahahaha!!!
para akengkay bata na waiting por tonight magbukas ng regalo. kasi naka-jupostra talaga lola mo sa tapat ng balur, dun sa sementadong jupuan sa gilid, nanlalaki pa mata pag may ilaw ng kotse mula sa malayo.
nakaka-excite, kasi apter 48 years, ngayon lang aketch uli makaka-gate crash sa berday ni marcus. bihira ko na ma-sight ang gwapo e. bihira siya dumalaw ng nyorkina. kaya naman ngayong havs ng pagkakataon, mag-iinartiii pa ba aku. wit na noh???
alam ko naman wai lang aketch kay marcus. di nga niya ko naalalang maimbita kahit a-onse pa lang binati-bati ko na siya. kahit alas diyes palang nung a-onse e kino-compose ko na yung berday greetings ko para ako talaga maunang bumati. pero hindi ako nage-exist sa mundo niya sa level na nage-exist siya sa mundo ko. pero sino ba magbabawal sakin na mag-ilusyon na kahit sa maikling byahe mula nyorkina hanggang pasig e masosolo ko siya uli??? hindi ko man mahahawakan, pero andon siya. hindi man para sakin, pero andon pa rin siya. kasama ko siya.
kahit pag-chikkahan pa namin yung jusawa-ever niya, keri lang. wa ko paki-alam. makikinig pa ko. magko-comment. AY NAKU! magkokoment talaga ko.
pero ganun talaga. nanghihiram lang ako ng oras. nanghiram nga lang akengkay ng sapatos eh.
kasi alam ko. kasi tanggap ko.
kasi feeling ko na kung alam ko at tanggap ko, at least makukuha kong maging masaya kahit sa pinakamaliit at pinaka-walang kwentang paraan na alam ko. hindi ako mag-iinarte. hindi ako magbibitter-bitteran.
kasi nga alam ko. kasi nga tanggap ko.
hindi ako nagpapaka-talunan. alam ko lang kung san yung dapat kong paglugaran.
roxy: antaray ni kuya. may date. andiyan na ba?
wanda: date ka diyan. wa pa e. pero malapit na yun ...
apter 20 minits ...
frida: bakla, retouch ka muna. lusaw ka na ...
wanda: ayos lang aketch, becks.
roxy: i-teks mo kaya.
wanda: wiz na! ayos lang naman aketch.
apter 10 minits uli ...
bata: we WIZ yu a meri krismas! we WIZ yu a meri krismas!
wanda: patawad ...
frida: hoy! binigyan na kita kanina ah.
tumakbo yung bata.
apter 7 minits ...
aling mildred: bakla, pahiram naman ng lagare niyo saglit ...
wanda: asa loob. (oo, havs kami ng lagare. padala ni mudraks nung isang taon. pero makinang pa rin hanggang ngayon. mukha pang bago.)
aling mildred: problema mo?
wanda: wa. ayos lang aketchi ...
apter 15 minits pa ...
frida: kuya. dito ka muna sa loob. malamok.
wanda: keri lang. ayos lang aketch ditei, becks.
roxy: andiyan pa si, KUYA? andiyan ka pa, KUYA??
frida: magtigil ka nga, roxy.
saylenz.
pag patak ng alas onse, mga prendz, may i deliver ang lola mo nung pinaka-gasgas na linya tuwing havs ng ganitembang na eksena --
wanda: ayos lang aketch, becks.
well, hindi ako mag-iinarte. hindi ako magbibitter-bitteran. pero hindi ko rin maipangako, sa sarili ko, o kahit kaninuman, na hindi ako masasaktan ...
PATAWAAAAAD!!!
Friday, December 14, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
55 comments:
awww. ayoko na sanang itanong kung dumating ba.. pero dumating nga ba kuya?:D fcuk nalungkot aq don ha..
ayyy.. kuya, la man lang pasabi ko ano na asang lupalop na sya?? hay.. pag-ibig.., tingnan mo ginawa mo.. i feel for you.. we wait.. and wait.. and wait some more.. the story of our lives.. :(
ay kuya define ang lungkot ng storya mo.. maligayang paskuu... natuwa pa naman ako kasi tungkol ke marcus ang entry. :(
parang ambigat nga ng slight, mga ateh ...
pasenzha. di pala lahat ng kwentong parlor nakakatawa ...
Di ko kinaya ang mega-relate ko sa istorya mo Kuya...buti na lang, multiple lives ang tuklaers..
hay.. kalungkot naman... ayoko din ng nag-aantay...
so ano'ng reason bakit di dumating??? buti naman nabuhay ka na wanda... leche ka!
-gandang cayman
maganda na sana kaso hindi happily ever after ang ending... sana man lang nagpasabi siya. Mahirap talaga ung pinapa-asa ka tapos wala ka rin naman palang aasahan.
Aaaaaaay, bat ganun. Naka smile pa naman ako all the way tas *tsug* ouch. Hindi ko masabing "Keri lang yan, kuya." kasi hindi keri. Parang ang sarap ipakulam pero ganyan talaga.
putsa wanda - pinaiyak mo na anman watahshi!
- yeyey
bakit di siya dumating? BAAAAKKKKIIIITTTT?
kakalungkot...
punyemas. background music ko pa naman eh version ni jolina ng "sana ngayong pasko." kaloka. naluha ako dun. kalevel ito ng mga commercial ng chowking.
eh kuya, consuelo de boba lang ito para sayo alam ko, na never magiging kalevel ito kung dumating si marcus pero ramdam naman dun sa entry mo na mahal ka ni roxy at frida. at syempre pa, eeksena din kami dahil mahal ka namin!
kaya have a merry christmas!
o kahit drop na natin yung "merry". have a christmas na lang sa ating lahat! carry na yun. :)
ay leche sya. nyeta. sisilaban ko yan at kukulaan pa.
awwwww... nakaka relate ako.
super nka-relate ako ateng... well, isa nanamang white christmas... write ka pa ateng, ke-level ng purpose driven life etoh! parang reflection... haynaku...
diosko.
mas malungkot pa ako
sa boldstar na nalalos
ng mabasa ko
ang kwento mo.
keri lang yan
keri achive
hay.
kalungkot.
aray! nasad naman ako dito wanda..pero keri lang yan becki...sana.
SADNESS! pero kerri lang yan, bakla! straight kasi! (galit sa straight). pero seryoso, kerri lang yan. sabi nga ng aking inay, and i kowt, "it doesn't matter whether he loved you or not, but the fact that you loved him, is what matters". kairitey davusch! pero, girl, you've been swimming on wrong shores for far too long na... payo lang. no offense meant. we love yah, kuya!
ay punyeta ang marcus na yan! Huwag malungkot ate ganun talaga ang buhay...haaayzzzz
punyeta ang marcus na yan! Naku ateh huwag malulungkot ganyan talaga ang buhay....hayyzzzz ang importante keri mo at maganda ka pa rin!
sad ako dito. sana may happy ending ka pa kapatid.
www.dcharmedone.wordpress.com
anak ng.. parehas tayo ate.. pero kahit ganun, bat willing pa rin tayo mag-antay?? amf!!
Ateng Wanda,
Dumating si Marcus diba? Magsalita ka Wanda!!! Punyeta ka!!!
excited pa naman ako nung binabasa ko dahil kwentong marcus.. tapos nakaka panginig ng laman ang katapusan... NYEMAS na lalake yan ah..... gusto masaktan...imbyerna!!
d bale, next yr hindi na xa aabot ng bertday nya......:) peace..
-malou_p
nakakatawa sya pero lamang yung lungkot...
i wish u a merry xmas, i wish u a merry xmas, i wish u a merry xmas and a happy new yir...
anong mas masakit? ang iwan ka ng taong mahal mo o ang magmahal ng taong ayaw naman sayo..?
mas masakit yung bihis ka na pala tapos di ka naman pala kasama! nyahahahaha!
pasensya na ateng, ako nga e dapat pupunta ng wedding. nagpagawa pa akech ng gown kay ate rajo. tapos di pala ako invited! kaplak kaya sa fez yun. wag ka na sad.. di ka naman nag iisa...
-dyosa
hindi kaya naaksidente si marcus at kasalukuyang nakaratay sa st victoria sa may sto niño? chos.
.aawwww ateh, shukit naman. :( pero keri lang yan.
nalungkot ako...amp baka nalimutan lang nya kasi senglot na..
hhaayy taenang pagibig yan lethce talaga!!!
ouchness naman!
naks naman. at ngayon nga eh nagpost ka ng isang nakakalungkot na post. una ang sayang basahin tapos bigla na lang nagbago ang lahat.
nakikiramay ako ateng. ganyan talaga ang life. sana kaya hindi ka nya napuntahan dahil lasing na talaga siya.
i hate it when that kind of thing happens to me.
and to others..
kakasuklam ang papa marcus! chos!
wanda... di mo naman tatawaging "ilusyunada" sarili mo ng walang rason db? at least alam mo. at least tanggap mo. at kung masaktan ka man, pilitin mo na lang sumaya uli kinabukasan. alm mo naman bakit eh. tanggap mo naman. sana nga lang no kaya mong hindi masaktan. sana kaya nating mga bektas na hindi masaktan. mag-lubricant ka bakla!!! tarush!
bekla..matapang ka! at sa mga beklang tanggap sa sarili nila kung ano sila..saludo ang kipay ko sa nyo!
:P
Wanda,naiyak ako!Naramdaman ko ang paso sa balat mo.
ang maghintay sa wala..
ang umasa sa hindi nman dadating..
i would like to remain optimistic but things like these makes us cynics and jaded. do love really exist sa mga katulad natin??
ps.
i admire how you write your feelings in a very vivid manner..
masaktan.patawad..nice touch and gives your story character.
smile dear. may he has his own reasons. oks lang yan. u don't need to cheer us up always. and2 kami para sumoporta sa agos ng buhay mo. nakz. ok ba? ahihihi...
meri xmas po ha. nalate ng konti. busy sa bagong raket. hehe.. mwahz. ;)
ngiti na ha.
*maybe pala. sori naman. hehe. excited mag comment ang beyk.
awwww...
Merry Christmas na lang at Happy New year din PO!!!
kakalungkot naman... ang daming bading ang nakarelate.. pati ako... mahirap talaga kapag ganyan yung situation..
Nakakasad naman yun... parang nakarelate ako huhu
hmmmpppp di man lang nag effort for the holiday chuchubel!!!! epek lang yan madam wanda!!!!
Havah Verdie, Marcus!
>> ang galing ng entring moto... ayus ka talaga... todo-relate ako... pero hindi pa naman nagagawa saken yan ni "R" ko... sana wag... hehehe... ala-Marcus and Wanda din kame... yun nga lang, wala pang nangyayare samen...
kala nya lalake din ako... hahaha.. kala nya lang yun..
^_^
Ingatz'
ay sad naman ang gulong ng palad.
ahahahaha
longest line
add kita ate ha
pasyal ka sa bahay kes
ambigat sa dibdib ateh..
di ko kineri..
Aw. :(
Daanin na lang yan sa pagsusulat. Nag-aantay pa rin kami dito sa second book mo. :D
ang galing mong magsulat. congratulations.
(sana hindi nangyari sa totoong buhay kasi masyado malungkot. at walang taong deserving na maranasan 'yun.)
naiiyak ako!! naiiyak talaga ako...
ganech?
kalungkot naman! ... pero astig yung story!
Hello Wanda,
Nakakatawa ang blog mo. Magugustuhan mo ito.
alasais.wordpress.com
Tem-i of Alasais
awwww... na-sad ako bakla!!! Fowtang pagibig yan!!!
Post a Comment