Saturday, October 20, 2007

Nagpaparamdam, Kapamilya

iteklavu e repeat performanz ng pagbasag ng ika-apat na dingding. dahil sinasapian ako ng mga mason ng shopetbahay namin. at chi-chikkahin uli kita. kurek ikaw nga. betsung lang linawin ng lola mez ang jilang mga tsismaks na kumakalat sa tabi-tabi.

wa po akechiwang ghost writer. kung ge-getching na lang din akeiwa ng ghost writer magpe-paylalu na rin lang aku nung fabulosa na talaga. gaya ni ricky lo o kaya yung gumawa ng zaido.

wala po ako sa glorietta kanina. gaya nung akala ni mudraness ni atashi na super showag agad nung mabalitaan niya at pinagbintangan akong rumarampa kung san-san eh di na nga akiz nakakapamalengke.

hindi po ako buntis. (walang nagkakalat nito pero sana ikalat niyo para sakin)

hindi po ako na-rehab. totoong nagsimula ako uling magsubarachi at nate-tensyon na akiz. pero wichelles ako na-rehab. pero pwede din. uso naman siya.

hindi po ako nagpakalbo gaya ni britney spears.

hindi po ako napasok sa bahay ni kuya. hindi po ako celebrity. pero balak ko mag-audition. (at suportahan natin si Will Devaughn, aalukin ko siya ng kasal e. at abangan natin yung bagong bading sa loob ng balur ni kuya. blind item itu.)

hindi PA po ako gagawa ng pelikula. PA. tandaan. PA. hindi pa ... hehehehe ... dahil sabi ng editor ko, tapusin ko daw muna yung book 2.

hindi po ako naputulan ng internet koneksyon.

hindi po ako nagbabakasyon. mashugal na kong bakasyon kasi bukod sa kyorlor, wai naman akengkay ibang chinochorbah. itich lang talaga.

itung panandalian pananahimik eh bunsod ng book 2 na di ko pa nasho-shopos. (editor gina alajar at bossing jet pangan, ginagawa ko pa po siya. azz in. di na nga ako naliligo eh).

gusto ko po kasi siyang gawing makahulugan di taym. kaya naman kinakarir ko talaga.

sa mga nagte-text at nagyayayang gumala at rumampage, darating tayo diyan.

sa mga nagi-ispam ng message box ... wala lang.

sa mga iskulmate ko nung hayskul na nagbabasa ng blog, sikreto na lang natin kung kilala mo na ko. wag mo ko isumbong sa prefect ha. wiz ko bet, ma-detain.

sa mga gustong tumawag, galing spain (oo, ikaw nga, nag-iisa ka lang naman) pagbibigyan kita. gaya nang pramis ko. sabi nga ni aiza seguerra, akala mo, di ko pansin, pagdating ng panahon, para lang sayo ... medley itu.

kay DIDI, may utang ako sayo ... magtutuos tayo. KYEMS!

sa mga di ko napirmahan yung libro, pipirmahan ko yan, kahit bawat page pa. parang contract signing. CHAROT!

sa mga nagre-request ng grandiosang EB, pinag-iipunan ko na rin yan. wa pa anjus ngayinz, mga ateh.

sa inutangan ko ng pambayad ng kuryente, naway maintindihan mong wala na rin akong pambayad sa cable.

at sa gustong mag-uwi ng higit pa sa libro, pina-plano ko na rin yan. (hint: wanda dolls, frida kulut-kulutan wigs tsaka frida nyostises na may halloween edition kasi may pangil na kasama pati roxy body hugger na di ka na talaga makakahinga sa sikip. CHAROZ) sometime in da pyutyur yan

naway maintindihan po ng aking mga readers na mahalaga sakin na maiparating sa mas marami yung mga kwentong parlor at para na rin sa mga gustong i-uwi ito at i-share sa mga baklang waing DSL. susubukan kong ihabol siya sa pasko pang-exchange gips o kaya monito-monita. sinetch nga ba sina monito tsaka monita? feeling mo mga nakaka-iritang bata sila na kamukha ni kokey at tumitili ng "akin chippeka! akin chippeka! kokorekorekok!" nakaka-jiritate to da highest level davah?

enihoo, salamat pala sa mga nag-take ng WANDA QUIZ. andami. andaming nag-take two hehehe ...

16 comments:

Anonymous said...

WANDA!!!


we missed you! nahihimlay na nga forum mo sa g4m eh...


- yeyey

~*~princess jackie ~*~ said...

jackie: Lord knows.
19 Oct 07, 23:00

jackie: MISS U WANDS. (AGAIN, CHECK THE IP ADDS. HINDI AKO UN.)

19 Oct 07, 22:59
jackie: HE EVEN LINKED MY URL TO SATISFY HIS SH*TS. ANYWHOOTS, IM NOT GUILTY. JUST PLEADING MYSELF OUT OF HUMILITY. KUNG WALA KAYO MAGAWA SA BUHAY NIO,THEN BETTER YET, WAG KAYO MANGGAMIT NG IBA TO FOOL AROUND

19 Oct 07, 22:58
jackie: FYI, I WAS NOT THE ONE WHO POSTED THE PREVIOUS "wanda peke" THING. STOP FOOLING AROUND GUYS AND USING OTHER'S USER NAMES. WANDS, PLEASE CHECK THE IP ADDRESS. PARA MAGING SURE KA. THAT DARN PERSON

wands, this is sooo disappointing:

jackie: wanda peke.
19 Oct 07, 14:31
jackie: wanda peke.
19 Oct 07, 14:31
jackie: wanda peke.
19 Oct 07, 14:31
jackie: wanda peke.
19 Oct 07, 14:31
jackie: wanda peke.
19 Oct 07, 14:31
jackie: wanda peke.
19 Oct 07, 14:31
jackie: wanda peke.
19 Oct 07, 14:31
jackie: wanda peke.
19 Oct 07, 14:31
jackie: wanda peke.
19 Oct 07, 14:31
jackie: wanda peke.
19 Oct 07, 14:31
jackie: wanda peke.
19 Oct 07, 14:31
jackie: wanda peke.

NaNeNg said...

nabasa ko na to kanina bago ako matulog, pero ngaun lng ako magcocomment..

aweeeeeeeeeee nakakatuwa naman at nag update ka wanda ;)) at napansin kong kasali dun ahh. hahahahaha! wala lng. :)

~*~princess jackie ~*~ said...

lola wands, nagbasa ako ng older msgs mo sa cbox mo. uber sa plad pala ung gagesh na gumamit ng acct ko. weird. may i flood pa.kmstahin naman?

anyways ateng, hindi ako riyadh ha. Doha Qatar po ako. fyi :D

PRINSIPE DILAN said...

hehehe.
kamusta na?
napakatagal mong nawala ateng.
namiss ka naming lahat.
sana ma-release na yung book2.

updates namanb tungkol ke marcus mo.

LiZ said...

hi wanda! finally may bagi ka na ulit entry! naexcite ako agad! alam mo kasi pgdating ko ng ofis imbes na emails ko ung una ko buksan, blogsite mo tinitignan ko to see if may bago ka na blog! hahaha! pampaganda ba ng umaga...

miss u wands!

hihihi, isa ako dun sa nagtake-two ng wanda kwiz mo.

till now ala p rin ako ng book 1 mo kc wla naman mabibilhan dito e. kelan ba magiging international iyan booklaloo mo?

mistisangkalabasa said...

thank goodness meron ka ulit update sa blog. I asked my friend who went to PH to buy me your book but it's out of stock, waaaaaah! I'll meet a friend from PH next month so sana makabili xa, hehe.

Anonymous said...

ateh! buti naman at may update na. kala kech nasabugan ka na sa G2 nyahaha! anyhoo, knows ko ang bading sa pbb. di ako bading pero amoy na amoy ko ang lansa nyan. ikaw ba naman sumama sa mga bading araw araw tignan ko lang kung di maging berde dugo mo wehehehe! at syempre si papa will na gusto ko din gahasain sa talahiban, magpapaubaya ako kung mahal mo talaga sya. pero pwede bang pagnasaan ko pa din sya? titikman ko lang naman hahaha! salamat din sa pag add mo sa kin sa prenster, feeling ko close na tayo hehe. ang tagal ng book 2! 48 years ha, pang reregalo ko sa mga bading yan sa pasko. dali!

nagmamahal,

dyosa

Raptuserum said...

nabuhay ka kuya!!!
hahaha like ko ang mga wanda collectibles na yun... ahahahaha

antagal na namin inaasam ang muli mong pagsibol...

(wag kumontra. may ganun talaga)

-rap

CRISTIAN CARLO said...

weebee! ^_^ can i add u? i love ur blog.

ruthie said...

Nakakatuwa ka WAnda!!! Wagi! Wagi!

We love you at work, ikaw ang aming stress reliever...we have a copy of your book, your precious...sorry ha..isa lang ako dun sa mga nakikibasa...bwahahahahha...bad me, but don't worry, I'll buy one soon.

Can I add you to my link? Tench yu!

f i l l i b u s t e r o said...

whoa whoa whoa!
saw you kanina sa televisyon badet ka, ibang level na itu, kalorkah!

Bing said...

Asan na ang Book 2. Kinakarir kasi muna ang showbiz. :P

Congrats. Ka-level ka na ni Bob Ong (at least parang ganun ang lumabas sa sa TV show na iyon). :D

kalansaycollector said...

ay sikat na sikat ka na ate dahil naiintriga ka na ala glorietta explosion. well kakatapos ko lang mabasa ang aklat mo na hiniram ko lang. hindi ko man binili, huwag ng choosy, binasa ko pa rin.hehe.

i love it. bitin. buti na lang at may part 2 at hindi ko na kailangang sumigaw ala paglabas ng sinehan nang,"sana may part twoooo!!!". karelate talaga ang gaya kong dalaginding.hihi. nakatutuwa naman. hindi ko napanood ang sinasabi nilang tv show! i wanna see you! congrats naman!

dissertation thesis said...

I have been visiting various blogs for my dissertation research. I have found your blog to be quite useful. Keep updating your blog with valuable information... Regards

rockylubrico said...

hehehe nice one